Catch Up Friday Values Formation Suggested Activity.

You might also like

You are on page 1of 2

“Si Janus”

Kwento ni Emz Neri

Ang batang si Janus ay matalino sa klase. Tatlong taon pa lamang siya ay marunong ng bumasa.
Lagi siyang may matataas na grado. Tuwing magtatapos na ang pasukan madalas siyang kasama sa mga
batang pinaparangalan. Mula Kinder hanggang grade 3. Subalit, nang siya ay tumuntong sa ikaapat na
baitang di na siya kasama sa mga batang pinaparangalan. Alamin natin ang dahilan.

Pang-umaga ang klase ni Janus sa ikaapat na baitang, sa hapon nasa bahay na siya. mag-isa siya
sa bahay tuwing hapon sapagkat nagtatrabaho ang kanyang mga magulang. Pagdating niya ng bahay ay
bubuksan na niya ang kanilang smart tv at manonood na ng mga paborito niyang palabas. Di na niya
nagagawa ang kanyang mga takdang aralin. Kapag tinatanong siya ng kanyang ina kung meron silang
takdang aralin madalas niyang sabihin na “wala po”. Lumipas ang mga araw, mga lingo at ilang buwan.
Ngunit di tumigil si Janus sa panonood ng telebisyon, di na niya binubuklat ang kanya mga modules at
kwaderno.

Madalas ding nakatulala si Janus sa loob ng klase at di rin nagrerecite kaya’t bumaba ang
kanyang grado. Magaling sa wikang English si Janus sapagkat nahilig siya sa panonood ng mga palabas sa
wikang English. Nawala ang gana ng batang si Janus sa kanyang pag-aaral, wala na siyang kusang
magbuklat ng kanyang kwaderno at mudyol. Madalas ding nakatulala siya sa klase at iniisip ang kanyang
pag-uwi upang makapanood ng palabas sa telebisyon.

Lumipas ang mga araw, lingo at buwan. Hindi na siya nakikinig sa bilin ng kanyang ina, basta’t
ang gusto nya lamang ay ang manood ng TV. Di na siya tulad ng dati na nagbabasa at gumagawa ng
kanyang takdang aralin. Natoto siyang magsinungaling sa kanyang ina tungkol sa kanyang pag-aaral.
Ngunit masasabing talaga namang napakahusay at matatas siya sa wikang English at sa paghawak sa
gadgets. Pagdating ng araw ng “pagtatapos” wala ang pangalan niya sa mga sasabitan ng medalya.

Napagtanto niya na mali ang kanyang ginawa. Naiinggit siya sa kanyang mga kaklaseng nakakuha
ng medalya na dati kasabay nya silang umaakyat sa entablado.

Napagtanto ni Janus ang malaki niyang pagkakamali. Naisip niyang magbabago na siya. Nangako
siya sa kanyang sarili na mag-aaral na ng mabuti. Gagawin muna niya ang kanyang mga takdang aralin at
magbabasa ng mga leksyon at susundin nya na rin ang payo ng kanyang ina. Naisip niya, dati
ipinagmamalaki niya sa kanyang mga kalaro at kaklase ang mga larong nilalaro niya sa online games at
ang mga pinapanood niyang mga palabas sa telebisyon. Napagtanto niyang ito pala ang sumira sa
kanyang pag-aaral kayat bumaba ang kanyang mga grado at madalas din siyang tulala sa silid-aralan dahil
siguro sa puyat. Marahil sa radiation na din dahil tutok siya sa panonood at paglalaro ng online games.

PAG-UNAWA:

Panuto: Basahing mabuti ang kwento upang masagutan ang mga katanungan. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

1. Ano ang pamagat ng Kwento?


2. Sino ang may akda sa kwento?
3. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?
4. Sino ang nagsasalaysay sa kwento? (Unang persona, Ikalawang persona o Ikatlong persona)
5. Ilarawan si Janus sa unang bahagi ng kwento.
6. Ano ang naging dahilan ng pagbabago ni Janus?
7. Ano ang mga masamang ugali na isinalaysay tungkol sa pangunahing tauhan?
8. Ano ang aral na iyong napulot sa kwento? Magbigay ng tatlo.
9. Bilang Kabataan, paano mo maiiwasan na mahumaling sa gadgets at online games?
10. Anong pag-uugali ang dapat taglayin upang makaiwas sa anumang pagkalulong sa isang bagay o
Gawain?
(VALUES FORMATION) PAGPAPALAWAK NG KAISIPAN AT PAGHUBOG SA TAMANG PAG-UUGALI.

SUMULAT NG MGA MASASAMANG DULOT NG ONLINE GAMES SA KABATAAN SA DIAGRAM AT ANG


MAAARING GAWIN UPANG MAIWASAN ITO.

MASAMANG DULOT NG MGA DAPAT GAWIN UPANG DI


PAGKALULONG SA ONLINE GAME MALULONG SA ONLINE GAMES

You might also like