You are on page 1of 2

pRepublic of the Philippines

Department of Education
REGION XIII – CARAGA
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR
SIAGAO INTEGRATED SCHOOL
SIAGAO, SAN MIGUEL, SURIGAO DEL SUR

BIGKASAMA: Pangkatang Pagbasa

I – Introduksiyon

Ang gawain ng guro sa proseso ng pagpapayabong ng kaalaman ay hindi


mapapasubalian, kaya’t upang makamtan ang pinakamataas na pagpapabuti nito ay
maging edukado at maging bahagi ng komunidad ng pag-aaral (Steiner, 2010)
Ang pandemya ay nagdulot ng malaking pagbabago sa maraming aspeto, hindi
lamang ang ekonomiya ang naapektuhan ng matindi sa mga pagbabagong
nagaganap kundi kabilang na ang sistema ng edukasyon. Mahigit dalawang taon na
simula ng hindi pumapasok ang mga mag-aaral sa paaral. Bunsod nito ay ang
malaking pagbabago sa kanilang pagkatuto. Maraming mga mag-aaral ang
nakalimot na sa kahalagahan ng pagkatuto na maging ang pagbabasa ay
nakakaligtaan na.
Kaugnay ditto ang mga mag-aaral ay hirap maunawaan ang mga mensahe, ideya at
salita ng tekstong kanilang binabasa. Isang hamong kinakaharap ngayon ng ating
mga mag-aaral upang maging mas malinaw at mabilis ang kanilang pagkatuto. Ang
tagumpay at kagalingan sa pagbabasa at pag-intindi sa mga binabasa ay isang
napakahalagang aspeto ng kaunlaran at pagkatuto ng isang mag-aaral.
Sa pag-aaral namang ginawa ni Sencibaugh (2007) sinabi niyang “Ang mga mag-
aaral na may mababang komprehensiyon ay nagpapakita ng kakulangan sa
semantikang pag-unawa dahil sa kakapusan ng pagbibigay kahulugan ng mga
salita.”
Ayon naman kay Saucer (mula kay Ranco, 2002). Ang kasanayan sa pagbasa ay
isang batayan upang ang mga mag-aaral ay magtagumpay sa kanilang pag-aaral.
Ang pagbasa bilang kasangkapang pagtuturo ay siyang susi at katunugan kaya
dapat maging layunin na matulungan ang mga mag-aaral na magkaroon ng
kakayahang bumasa. Matutulungan silang magkaroon ng kawili-wiling pagbasa at
mapatunayan na ang pagbasa ay isang paraan ng pagkatuto.
Winika naman ni Leizpig(2001) na “Ang pagkatuto sa maunawang pagbabasa ay
isang komplikadong proseso na puwedeng ihalintulad sa isang sasakyan. May
sariling sistema na kailangang alagaan at panatilihin at ang pinaka mahalaga ay ang
patuloy na paggamit ditto upang masiguro ang kaayusan nito.”
pRepublic of the Philippines
Department of Education
REGION XIII – CARAGA
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR
SIAGAO INTEGRATED SCHOOL
SIAGAO, SAN MIGUEL, SURIGAO DEL SUR

Ang isang mag-aaral na taglay ang kasanayan sa pagbasa ay madaling matuto sa


iba’t ibang aralin at nakatitiyak na siya’y matatas sa pagsulat at pagsasalita. Ngunit
kung ang pagbabasa ay tuluyang nakakaligtaan, ito’y magdudulot ng panganib sa
kinabukasan ng isang kabataan. Kung ang proseso ay matitigil at di
maipagpapatuloy maaaring tulad ng isang sasakyang napabayaan na magkakaroon
ng kalawang at ng mag-aaral ay makaligtaan ang pagkatuto nito.
Bunga nito, nararapat lamang bilang isang guro na gumawa ng hakbang upang
matulungan ang mga mag-aaral sa krises na kanilang kinakaharap. Sa paglulunsad
ng programang BIGKASama magkakaroon ng mga ugnayan ang mga mag-aaral sa
kapwa mag-aaral na siyan magiging kaakbay ng guro sa pagpapatupad ng
pagkatuto sa gitna nitong dinaranas nating pandemya.

You might also like