You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

North Eastern Mindanao State University


Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
GRADUATE SCHOOL

ULAT PASALAYSAY SA MAFLT 211 – MALIKHAING PAGSULAT

Unang Tagapag-ulat: LUZ MARIE A. CORVERA

Ang pagsulat ay isang anyo ng komunikasyon kung saan ang kaalaman o


mga ediya ng tao ay isinasalin sa pamamagitan ng mga titik at simbolo. Ito ay
nagbibigay-daan para maihayag ng mga tao ang kanilang mga saloobin sa
pamamagitan ng tekstuwal na pamamaraan.
Ayon kay Sauco, et al., (1998), ito ay ang paglilipat ng mga nabuong salita sa
mga bagay o kasangkapan tulad ng papel. Ito ay naglalayong mailahad ang kaisipan
ng mga tao. Ayon naman may Badayos (1999), ang pagsusulat ay isang sistema ng
interpersonal na komunikasyon na gumagamit ng mga simbolo. Maaring ito ay
maukit o masulat sa makinis na bagay tulad ng papel, tela, maging sa malapad at
makapal na tipak ng bato. Batay kay Rivers (1975), ang pagsulat ay isang proseso
na mahirap unawain (complex). Ang prosesong ito ay nag-uumpisa sa sa pagkuha
ng kasanayan, hanggang sa ang kasanayan na ito ay aktwal nang nagagamit.
Simula o introduksyon, gitna o katawan, wakas o kongklusyon.
Tatlong mahahalagang bahagi ito ng bawat akda. Matamang pinapansin ang
pagsulat sa bawatbahagi para mabigyan ang mga ito ng sapat na nilalaman at pare-
parehong haba. Anghaba ng simula’y dapat proporsyon sa haba ng katawan at ng
wakas. Ang Simula Ang simula ang pinakamukha ng sulatin. Dito hinahatulan, kung
magtatagumpayo mabibigo, ang isang katha. Kailangan, sa sulyap pa lamang ng
babasa, ito’y kaakit-akit na – pumupukaw, nakakaganyak, nakakahatak na ng
kuryusidad.
Ang panimula ang pinakamahalagang pangungusap o talata sa isang
sulatin dahil, tulad sa nasabi na, dito nakasalalay ang tagumpay o kabiguan ng akda.
Ito’y kailangang malinaw para agad mabasa, maintindihan at makaapekto. Ito ang
pinakamukha ng Sulatin. Kailangan sa sulyap pa lamang ng babasa ito’y kaakit-akit
na, nakakapukaw, nakakaganyak, nakakahatak ng kuryusidad para titigan,
tunghayan hanggang sa ang malay, kung maari pa’y pati buhay ay matangay nang
buong kasabikan. Narito ang ilan sa pinakagamiting mabibisang panimula.

Pinakagamiting mabibisang panimula:

1. Pasaklaw na Pahayag – dito, ang resulta o kinalabasan muna ang sinasabi


bago isa-isahin at pagsunud-sunurin mula sa di-gaanong mahalaga hanggang sa
pinakamahalaga ang mga detalye. Dito agad-agad na makikita ang bawat
kasagutan sa mga katanungan tulad ng Ano? Sino? Kailan? At Bakit?

Hal. Isang binatang guro na dumalo sa kaarawan ng kanyang kaibigan ang


brutal na pinatay makaraang saksakin ng apatnapu’t pitong beses ng apat na
Republic of the Philippines
North Eastern Mindanao State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
GRADUATE SCHOOL

estudyante na nainis sa ginawang pagbati ng una kamakailan sa Santo Toma,


Batangas(Abante, Nobyembre 23, 1991)

Ang panimulang ito ay karaniwang makikita sa araw-araw na binabasang


mgabalita bilang pamatnubay. Dito’y agad-agad na matatagpuan ang
bawatkasagutan sa mga katanungang Ano? Sino? Saan? at Bakit?

2. Pagbubuod - Ang panimulang ito ay naghahayag muna ng pinakadiwa bago


tuntunin ang sadyang talakay.
Hal. Ang kinabukasan ng bayan ay nasa kasipagan ng bawat mamayan.

3. Pagtatanong – nagsisimula ang sulatin sa isang tanong.


Hal. Naniniwala ka ba sa mga multo?

4. Paglalarawan – nagbibigay-deskripsyon. Mga malarawan at maaksyong salita


ang ginagamit dito. Malimit itong ginagamit kapag nagtatampok ng tao.
Hal. Baliw si Marcy, ang babaing may bigote’t balbas. Marusing pero hindi
marumi. Nakatali ang manipis na buhok na lampas balikat ang haba. Hanggang
tuhod ang pantaloon kay kapansin-pansin ang malago at kulot na balahibo sa
mga binti.

5. Pagkakaligiran - ginagamit na panimula kung ang binibigyang-larawan ay pook.

Hal. Unti-unting huminga ang kalye ng mga sasakyan – kalesa, dyip, Kotse, bus,
bisikleta, traysikel, pedikab atbp.Ilang sandali pa, buhay na ang aspaltong kalye
at ang mga sementong gusali. Buhay na ang Avenida, ang daang tirahan ng ilan,
ang daang pinangingilagan ng marami

Saggunian:

shekainalea. (2017, August 14). Pagsulat.


https://www.slideshare.net/mobile/shekainalea/pagsulat-78825434

Mahalagang Bahagi NG Mga Sulatin | PDF. (n.d.). Scribd. Retrieved November 16,
2022, from https://www.scribd.com/document/361288480/Mahalagang-
Bahagi-Ng-Mga-Sulatin

Jom Basto. (2013, January 14). Pagsulat.


https://www.slideshare.net/mobile/jombasto7/pagsulat-15995547
Republic of the Philippines
North Eastern Mindanao State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
GRADUATE SCHOOL

Admin. (n.d.). Kahulugan at Kahalagahan ng Pagsulat. SE. https://study-


everything.blogspot.com/2014/06/kahulugan-at-kahalagahan-ng-
pagsulat.html?m=1

You might also like