You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

SORSOGON STATE UNIVERSITY


Sorsogon Campus
Sorsogon City, Sorsogon

IBA’T IBANG MGA MATATALINHAGANG PAHAYAG

TAGAPAG-ULAT:
Nicole Belasa
Kristine Joy Enclona
April Francine Janapin
Lovella Mae Binaday
Andrelyn D. Ditan
Angel D. Sampaga
Arnel Jr B. Lareza
Ranie Domanais
KURSO/TAON AT SEKSYON:
BTVTED – 2A
PAKSA:
Iba’t Ibang Matatalinhagang Salita
- Idyoma
- Salawikain
- Tayutay
INSTRAKTOR/PROPESOR:
Helen Malate

I. PANIMULA

Sa isang lipunang masigla at malikhain, ang matalinghagang salita ay isa


sa pinakamakulay na aspeto ng wika at pamumuhay. Sa artikulong ito,
tatalakayin natin ang kahulugan, gamit, at kabuluhan ng matalinghagang
salita sa pagpapayaman ng wika at pagpapatibay ng pambansang kultura.
Mula sa sinaunang alamat hanggang sa mga kasabihang hango sa pang-
araw-araw na karanasan, ang mga talinghaga ay sumasalamin sa
Republic of the Philippines
SORSOGON STATE UNIVERSITY
Sorsogon Campus
Sorsogon City, Sorsogon
kahusayan ng mga Pilipino sa paggamit ng wika upang maghatid ng
karunungan at kaalaman. Sa pagsisiyasat sa mga halimbawa ng
matalinghagang salita, magkakaroon tayo ng mas malinaw na pagtingin
sa papel nito sa paghubog ng ating kaisipan, pagpapahalaga, at
paniniwala.

II. PAGTATALAKAY NG PAKSA

IDYOMA

- Ito ay pahayag na di- tuwiran ang kahulugan.


- Ito ay naiiba sa literal na kahulugan.
- Karaniwang hinahango ang kahulugan nito sa karansan ng tao gaya
ng mga pangyayari sa buhay o mga bagay sa ating paligid.
HALIMBAWA: KAHULUGAN
1. Butas ang bulsa Walang pera
2. Kapilas ng Buhay Asawa
3. HAlang ang bituka Matapang, Mamamatay Tao
4. Butas ang kamay Magastos
5. Alog na ang baba Matanda na

SALAWIKAIN

- Ito ay mga maiiksing pangungusap na lubhang makahulugan at


naglalayong mag bigay patnubay sa ating pang- araw- araw na
pamumuhay. Naglalaman ito ng mga karunungan.

Halimbawa:
 Pagkahaba- haba man ng prosisyon, sa simbahan din ang tuloy.
KAHULUGAN:
 Sa tinagal- tagal ng samahan ng magkasintahan, sa bandang huli ay
humahantong din ito sa kasalan.

TAYUTAY
Republic of the Philippines
SORSOGON STATE UNIVERSITY
Sorsogon Campus
Sorsogon City, Sorsogon

- Tayutay o figure of speech ay isang pampanitikang paraan ng


pagpapahayag na ginagamitan ng mga salitang labas sa patitik na
kahulugan upang maging marikit, maharaya at makasining ang
pagpapahayag.

1. PAGTUTULAD o SIMILE
-Isang uri ng paghahambing ng dalawang bagay na ginagamitan ng mga
salitang panulad tulad ng parang, kagaya ng, kayangis ng, animo, wari, tila,
kasing, magsing, mistula, - at iba pa.
HALIMBAWA:
 Magkasing ganda si Ana at Belle.
 Parang kamatis ang kinis ng kutis ni Maria.

2. PAGWAWANGIS o METAPHOR
- Isang tuwirang paghahambing na ang dalawang bagay na
pinagtutulad ay ipinapalagay nang iisa o nagkakaisa at
ipinapahayag ito sa pamamagitan ng paglalapat ng pangalan,
tawag, katangian, o gawain ng isang bagay sa bagay na
inihahambing.
HALIMBAWA:
 Si Pia ay isang Anghel.
 Ang ama ang haligi ng tahanan.

3. PAGBIBIGAY- KATAUHAN o PERSONIFICATION


- pagsasalin o pagbibigay katangian ng tao sa mga bagay.
HALIMBAWA:
 Lumuluha ang langit ng masawi ang kanyang ina.
 Sumasayaw ang alon sa karagatan.

4. PAGMAMALABIS o HYPERBOLE
Republic of the Philippines
SORSOGON STATE UNIVERSITY
Sorsogon Campus
Sorsogon City, Sorsogon
- Masidhing kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay,
pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o
katayuan ang ipinapakita dito..

HALIMBAWA:
 Handa akong kunin ang buwan at bituin mapasagot lang kita.
 Abot langit ang pagmamahal ko sa kanya.

5. PAGPAPALIT- TAWAG o METONYMY


- paggamit ng ibang katawagan na may kaugnayan sa isang tao o
bagay.
HALIMBAWA:
 Siya’y ulirang ilaw ng tahanan.
 Dapat nating igalang ang mga puting buhok.

6. PAGPAPALIT- SAKLAW o SYNECDOCHE


- ito ay pagbabanggit sa bahagi ng isang bagay o ideya bilang
pagtukoy sa kabuuan.
HALIMBAWA:
 Nang dahil sa sampungmga kamay natapos ng mabilis ang aming
gawain.
 Hingiin mo ang kanyang kamay.

7. PAGHIHIMIG o ONOMATOPOEIA
- ito ay paggamit ng salita kung saan ang tunog o himig ay
nagagawang maihatid ang kahulugan nito.
HALIMBAWA:
 Ang twit- twit ng ibon ay kaysarap sa tenga.
 Ang tiktak ng relo ay tila nagsasabing ikaw ay parating na.

8. PAGTANGGI o LITOTES
- Ginagamitan ng mga salitang hindi, wala o huwag na sa unang
tingin ay pagtutol o pagsalungat ngunit ito ay pagkunwari lamang.
HALIMBAWA:
Republic of the Philippines
SORSOGON STATE UNIVERSITY
Sorsogon Campus
Sorsogon City, Sorsogon
 Hindi ko sinasabing ayaw ko sa kanya pero suklam na suklam ako
sa kanya.
 Hindi siya ang paborito kong kasama.

9. TANONG RETORIKAL o RHETORICAL QUESTION


- isang pahayag na anyong patanong na hindi naman
nangangailangan ng sagot.
HALIMBAWA:
 Lumilipad ba ang mga baboy?
 Nasaan ang tunay na pag- ibig?

10. PAGTAWAG o APOSTROPHE


- Isang panawagan o paki- usap sa isang bagay na tila ito ay isang
tao.
HALIMBAWA:
 Pag- asa nasaan ka na?
 Suwerte, dumapo ka sa akin at ako’y payamanin.

11. ALITERASYON o ALLITERATION


- Pag- uulit ng tunog- katinig sa unahan o inisyaol na bahagi ng
salita.
HALIMBAWA:
 Ang kakayahang gumawa ng katanungan ay magkakaroon din ng
kasagutan.
 Mababakas sa mukha ng isang mabuting mamamayan ang
marubdob niyang pagtanggi sa mahal niyang bayan.

12. ASONANS o ASSONANCE


- Pag- uulit naman ito ng mga tunog pantig sa alinmang bahagi ng
salita.
HALIMBAWA:
 Isang paraan ang pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng
ating pandinig.
 Nakakapagpalawak ng kaalaman at karunungan ang karansan.
Republic of the Philippines
SORSOGON STATE UNIVERSITY
Sorsogon Campus
Sorsogon City, Sorsogon

13. KONSONANS o CONSONANCE


- Katulad ng aliterasyon, pag uulit ito ng mga katinig, ngunit sa
bahaging pinal naman.( kahapon at ngayon/ tunay na buhay/ ulan sa
bubungan).
HALIMBAWA:
 Ang aking pagmamahal kay Rosalie ay lalong tumatag habang
tumatagal.
 Ang halimuyak ng bulaklak ay mabuting gamot sa isang pusong
wasak.

14. PAGTATAMBIS o OXYMORON


- Paghahalo ng dalawang salitang magkasalungat na nagiging
katanggap- tanggap sa nakaririnig o nakababasa.
HALIMBAWA:
 Nakakabinging katahimikan ang kanyang nadama.

15. PAGLUMANAY o EUPHENISM


- Ito ang pagpapalit ng salitang mas maganda pakinggan kaysa
masyadong matalim, bulgar o bastos.
HALIMBAWA:
 Ako’y tinatawag ng kalikasan.
 Ang pamilya ni Rosana ay kapos sa buhay.

III. KONKLUSYON

Sa kabuuan, ang matalinghagang salita ay isang mahalagang yaman sa wika na


nagpapayaman sa ating pagpapahayag at pakikipag-ugnayan sa iba. Ito ay
nagbibigay ng kahulugan at lalim sa panitikan, nagpapatawa, nagtuturo, at
nagpapahayag ng kultura at tradisyon ng isang komunidad.
Ang paggamit ng matalinghagang salita ay nagpapakita ng malikhain at
makulay na aspeto ng wika, na nagpapahintulot sa atin na maipahayag ang ating
mga ideya at damdamin sa isang paraang mas kapansin-pansin at kaakit-akit.
Republic of the Philippines
SORSOGON STATE UNIVERSITY
Sorsogon Campus
Sorsogon City, Sorsogon
Dahil dito, ang matalinghagang salita ay mananatiling isa sa mga
pinakamahalagang sangkap ng wika na nagbubuklod sa atin bilang mga tao at
nagpapayaman sa ating karanasan sa pakikipag-ugnayan sa iba.

IV. SANGGUNIAN
- https://filipino.net.ph/matalinghagang-salita/
- POWERPOINT PRESENTATION OF GROUP 2

You might also like