You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON
QUEZON NATIONAL HIGH SCHOOL
M.L. TAGARAO STREET, IBABANG IYAM, LUCENA CITY

FLORANTE AT LAURA
ARALIN 4 PAGBIBIGAY KAHULUGAN SA MATATALINHAGANG EKSPRESYON,

TAYUTAY AT SIMBOLO

Isang magandang katangian ng isang mahusay na manunulat ay ang kakayahan niyang


gumamit ng mga matatalinghagang salita / ekspresyon , tayutay at simbolo sa kanyang akda. Sa
araling ito, inaasahan na ikaw ay makapagbibigay ng kahulugan sa matatalinghagang ekspresyon,
tayutay, at simbolo.
Ang awit na Florante at Laura ay naglalaman ng matatalinghagang salita kaya naman may
pagkakataong hindi kaagad maintindihan sa unang pagbasa ang mga taludtod nito. Binubuo rin ito ng
iba’t ibang uri ng tayutay at simbolo na tiyak na nakatulong sa may-akda upang maitago ang tunay na
paghihigmasik laban sa maling pamamalakad at pagmamalupit ng mga Kastila.
Matatalinghagang ekspresyon – mga pahayag na naglalaman ng malalalim na salita o may hindi tiyak na
kahulugan.
Ito ay ang mga ekspresiyong may malalalim na salita o may hindi tiyak na kahulugan. Sinasalamin nito ang
kagandahan at pagkamalikhain ng wikang Filipino.
Ito ay nakakapaghubog sa mga intelektuwal ng isang tao. Mas binibigyang kahusayan ng mga pahayag na ito
ang mga akda. Ang mga matatalinghagang pahaayag ay maaaring nasa anyo ng sawikain o idyoma,
kasabihan o salawikain.
Halimbawa:
1. kapilas ng buhay – asawa
2. bukas ang palad – matulungin
3. tuyo ang papel – magandang imahe
4. pagsusunog ng kilay – pagsisipag sa pag-aaral
5. naniningalang pugad – taong nag-uumpisa nang magparamdam ngkanyang damdamin sa nagugustuhan
6. haba ng buhok - ang isang tao ay mayroong nararanasan na nagbibigay sa kaniya ng pakiramdam na siya
ay maganda o espesyal
7. isang paa sa hukay - lagay ng isang ina tuwing manganganak ito o magsisilang ng sanggol
8. itim na tupa - isang anak, kapatid, o miyembro ng pamilya ay suwail o mayroong mga hindi ginagawang
mabuti
9. natutulog sa pansitan - isang taong tamad at tila walang balak na kumilos o magsipag
10.anak pawis - taong hikahos sa buhay o isang manggagawa na mayroong napakaliit na kita

Tayutay
Ito ay isang sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita upang gawing mabisa, matalinghaga,
makulay at kaakit-akit ang pagpapahayag.
1. Pagtutulad – paghahambing sa dalawang magkaibang tao, bagay, pangyayari atbp. Ginagamitan ng mga
salitang tulad ng, katulad ng, parang, kawangis ng, animo, kagaya ng atbp.
Halimbawa:
• Siya ay katulad ng kandilang unti-unting nauupos.
• Ang tao ay gaya ng halamang nararapat diligin.
2. Pagwawangis – isang tuwirang paghahambing na hindi ginagamitan ng mga salitang tulad ng, para ng,
kawangis ng, animo atbp.
Halimbawa:
• Ang ina ni Joshua ay bituing tanglaw niya sa landas ng buhay.
• Si Eugene ay isang ibong humanap ng kalayaan.

Quezon National High School


Address: M.L. Tagarao Street, Ibabang Iyam, Lucena City
Contact No.: (042) 373-7369 (Principal’s Office); (042) 373-7662 (Department Head’s Office)
Email Address: quezonhigh@yahoo.com
3. Pagtatao – nagsasalin ng talino, gawi at katangian ng tao sa bagay na walang talino. Tandaan pandiwa ang
ginagamit dito.
Halimbawa:
• Lumuluha ang liham na natanggap ni Carlo.
• Ang buwan ay nahiya at nagtago sa ulap.
4. Pagmamalabis – lubhang pinalalabis o pinakukulang ang katunayan at kalagayan ng tao, bagay,
pangyayari atbp.
Halimbawa:
• Nabiyak ang kanyang dibdib sa tindi ng dalamhati.
• Nabutas ang bambam ng tainga ni Potpot dahil sa ingay.
5. Pag-uyam – ito ay mga pananalitang nangungutya sa tao o bagay, tila kapuri-puring pangungusap ngunit
sa tunay na kahulugan ay may bahid na pag- uyam.
Halimbawa:
• Kay kinis ng mukha mong butas-butas sa kapipisil mo ng mga
taghiyawat.
• Talaga pa lang masipag ka, wala kang ginawa kundi matulog
maghapon.
6. Pagtawag – Ito ay pakikipag-usap sa karaniwang bagay na para bang nakikipagusap sa isang buhay na tao.
Halimbawa:
• O, tukso layuan mo ako.
• Pag-asa, halika rito at ako’y nalilito na sa mga problema.
7. Pagpapalit-tawag – pansamantalang pagpapalit ng mga pangalan ng bagay na magkaugnay.
Halimbawa:
• Dapat nating igalang ang puting buhok.
• Si Haring Garen ang nagmana ng korona.

Simbolo – ito ay mga salitang sumasagisag o kumakatawan sa isang ideya,larawan, o paniniwala. Ang
simbolo ay maaring tumukoy sa:
Sagisag - isang bagay na nagrerepresenta, tumatayo o kaya naman ay nagpapahiwatig ng isang ideya,
larawan, paniniwala, aksyon o kaya naman ng isang bagay
Insigniya - isang simbolo o palatandaan ng pansariling kapangyarihan, katayuan o opisina, o ng opisyal na
katawan ng pamahalaan o nasasakupan.
Karakter - isang pananda o simbolo.
Halimbawa: Puting Kalapati – Kalayaan
Ang salitang ito ay nagsasagisag ng isang ordinaryong bagay, pangyayari, tao o hayop na may nakakabit na
natatanging kahulugan. Maaring ang mga simbolo ay nanggaling sa mga karaniwang simbolo na namana sa
mga nagdaang iba't ibang
salin-lahi o mga nilikhang simbolo gaya ng mga nilikhang tauhan, bagay o pangyayari ng mga manunulat
upang maipahayag o maipabatid ang kanilang idea o hangarin na nais makarating.
Kadalasang ginagamit ang simbolismo sa mga tula. Ginagamit ito ng mga manunulat sa hindi literal na
paraan para ipabatid ang hangarin. Ang intensyon ng manunulat ay dapat malapit o makuha ng mambabasa
ang tunay na idea ng tula.
1. PUSANG ITIM - malas, may mangyayaring masama o hindi maganda
2. PUTI - kalinisan o kadalisayan
3. PULA -kaguluhan, pakikilaban o katapangan
4. ITIM - kamatayan, kadiliman, kasamaan o maaaring kahirapan
5. KALAPATI - kapayapaan o pakikiisa
6. PUSONG ITIM -masama ang hangarin o hindi mabuting tao
7. AHAS - mang-aagaw, hindi mapagkakatiwalaan, traydor o taksil
8. PUSO - pag-ibig o pagmamahal
9. BUWAYA - katiwalian o mga masamang gawain
10.LINTA -sipsip, grabe kung makakapit sa isang tao

Quezon National High School


Address: M.L. Tagarao Street, Ibabang Iyam, Lucena City
Contact No.: (042) 373-7369 (Principal’s Office); (042) 373-7662 (Department Head’s Office)
Email Address: quezonhigh@yahoo.com

You might also like