You are on page 1of 44

“PAGGAMIT NG ODYOBUK SA PAGTUTURO NG EDUKASYON

SA PAGPAPAHALAGA UPANG MAPATAAS ANG ANTAS NG


PAGPAPAHALAGANG SOSYAL NG MGA MAG-AARAL
SA IKA-SIYAM NA BAITANG SA MATAAS NA
PAMBANSANG PAARALAN NG
BAYAN-BAYAN NG SIGNAL”

Aksyon Riserts

Isinumite sa

Pansangay na Lupon sa Riserts

Ni:

JETT C. NISOLA
Teacher 1 - EsP
Signal Village national High School
School Division Office of Taguig and Pateros

ELVIRA MAGALSO
Master teacher 1 - EsP
Signal Village National High School
School Division Office of Taguig and Pateros

December 2017
“PAGGAMIT NG ODYOBUK SA PAGTUTURO NG EDUKASYON
SA PAGPAPAHALAGA UPANG MAPATAAS ANG ANTAS NG
PAGPAPAHALAGANG SOSYAL NG MGA MAG-AARAL
SA IKA-SIYAM NA BAITANG SA MATAAS NA
PAMBANSANG PAARALAN NG
BAYAN-BAYAN NG SIGNAL””

Jett C. Nisola
Jett.nisola@gmail.com
Teacher 1 –Edukasyon sa Pagpapahalaga
Signal Village National High School
School Division Office of TaguigCity and Pateros

Elvira B. Magalso
Master Teacher 1 –Edukasyon sa Pagpapahalaga
Signal Village National High School
School Division Office of Taguig City and Pateros

December 2017
MAKADIWA
(ABSTRACT)

Sa kasalukuyang henerasyon ng mga teknolohiya, ang mga mag-


aaral ay nagiging aktibo sa kanilang partisipasyon sa paggamit ng kanilang
mga cell phones, tablet, at iba pang mga gadget sa pang-araw-araw nilang
gawain. Maaari nating mapansin na ang mga kabataan ay nahihilig sa
paggamit ng mga makabagong teknolohiya at ito ay parte na ng kanilang
buhay. Bilang mga guro, ating mapapansin na ang mga mag-aaral sa
kasalukuyang panahon malimit na hawak ang kanilang mga smart phones
kaysa sa mga libro. Sa kadahilanang ito, masasabi natin na nakakaapekto
ang paggamit ng makabagong gadget sa paraan ng pag-aaral ng mga mag-
aaral. Dahil ditto, naisip ngt mga mananaliksik na gamitin ang smart phones
ng mga mag-aaral bilang gamit sa pagtuturo. Ito rin ay gagamitin ng mga
mag-aaral sa kanilang pag-aaral. Sa paraang ito, malalaman ng mga
mananaliksik kung ang paraang ito ng pagtuturo ay nakatulong bas a istilo
ng pag-aaral ng mga mag-aaral sa ika-siyam na baiting sa asignaturang
“Edukasyon sa Pagpapahalaga 9.”

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng pauna at panapos na


pagsusulit upang mabatid kung nagkaroon ba ng mabuting epekto ang
paggamit ng odyobuk, kapalit ng paggamit ng kanilang mga libro sa pag-
aaral ng moduyul 5 hanggang modyul 8 ng modyul ng mga mag-aaral sa
ika-siyam na baiting sa Edukasyon sa Pagpapahalaga. Ang mga
mananaliksik ay gumamit ng mapaglarawang disenyo sa pananaliksik
upang masagot ang mga katanungan sa pananaliksik na ito.

Sa pag-aaral na ito, nabatid ng mga mananaliksik na may malaking


pagbabago sa antas ng pagpapahalagang sosyal ng mga mag-aaral gamit
ang odyobuk. Ito ay nakatulong sa kanilang interes sa pag-aaral at sa
kanilang istilo. Mula sa mababang iskor na nakuha sa paunang pagsusulit
ng mga mag-aaral, ay tumaas ang resulta ng kanilang panapos na
pagsusulit.

Susing Salita: odyobuk, smartphones, makabagong teknolohiya,


kasalukuyang henerasyon, pagpapahalagang sosyal
Kabanata 1 PANIMULA

Konteksto at Katwiran sa Paggawa ng Aksyon Riserts

Sa biglang pagdami at pagiging madaling makuha sa ang mga

smartphones sa kasalukuyang panahon, ang mga kabataan ay nahihilig na sa

paggamit ng mga ito. Madalas pa nga, mas pinipili nilang mamalagi sa loob

ng kanikanilang tahanan kaysa lumabas ng bahay basta mayroon silang

magagamit na smartphones at internet connection. Bilang mga guro ng

Edukasyon sa Pagpapahalaga, napansin naming na mas madalasna bitbit ng

mga mag-aaral ang kanilang mga cell phones kaysa sa kanilang modyul o

libro. Ito ay nakaaapekto sa daloy ng pagtuturo naming mga guro dahil

madalas, iilan lamang sa aming mga mag-aaral ang maaasahan na dala ang

kanilang mga libro. Imbis na magsimula na sa aming Gawain sa pagtuturo at

pag-aaral, ang mga mag-aaral ay naghihiraman ng libro sa pagbabasa nang

“pagpapalalim” sa bawat modyul. Malimit ay hindi naiintindihan ng mga

mag-aaral ang diskusyon dahil sa hindi nila nabasa ang aralin. Dalawang

beses lamang sa isnag lingo ang pagtuturo ng EsP sa bawat pangkat, kung

kaya madalas na katwiran ng mga mag-aaral ay naiwan nila ang kailang libro

dahil nakalimutan nila na may asignatura silang EsP sa araw na yon. Paulit-

ulit man naming pagsabihan, bilinan, paalalahanan,. Ay tila walng pagbabago

sa mga mag-aaral. Sa ganitong kadahilanan, sinamantala ng mga


mananaliksik ang paggamit ng kanilang mga smartphones sa pag-aaral. Silay

ay gumawa ng odyobuk na magagamit ng mga mag-aaral sa oras ng klase.

Madalas na dala ng mga estudyante ang kanilang mga smartphones kaysa sa

kanilang mga libro. Sa ganitong paraan, wala nang pasubali ang mga mag-

aaral para di malaman at matutunan ang pagpapalalim ng diskusyon. Hindi

na nila kailangan pa na maghintayan sa paggamit ng libro dahil ang bawat isa

sa kanila ay mayroong smartphone na magagamit bilang odyobuk.

Iminumungkahing Interbensyon, Inobasyon, at Istratehiya

Odyobuk

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng odyobuk bilang istratehiya sa

pagtuturo. Ang odyobuk ay isang uri ng material sa pagtuturo na

ginagamitan ng teknolohiya tulad ng smartphones, tablet, cassette tape,

speaker, headset o iba pa. Sa pag-aaral na ito, ang mga mananaliksik ay

gumamit ng odyobuk kung saan ang boses ng isa sa mga mananaliksik ay

inirekord gamit ang tablet. Nirekord ang kanyang boses habang binabasa

niya ang mga pagpapalalim mula modyul 5 hanggang modyul 8 ng modyul

ng mga mag-aaral sa Edukasyon sa Pagpapahalaga 9. Ang piyesang ito ay

ipinamahagi sa piling mag-aaral sa ika-siyam na baitang sa pamamagitan ng

“share it” na isang aplikasyon sa smartphones kung saan maaari nmong

ibahagi ang isang dokumento o talaksan mula sa isang smartphone o tablet


patungo sa iba pa. ang piyesang ito ang aaralin ng mga mag-aaral sa

pamamagitan ng pakikinig gamit ang kanikanilang headset sa oras jng klase.

Sa pag-aaral ng mga mananaliksik, ang paggamit ng odyobuk ay

nagging mabuti at may positibong pagbabago at nakatulong sa mga

gumamit nito. Il;an sa pag-aaral na nasaliksik ng mga mananaliksik ay ang

paggamit ng odyobuk upang matulungan ang mga mag-aaral na di

marunong bumasa. Ito rin ay nagiong epektobo upang maipataas ang interes

ng mga mag-aaral sa pagbabasa.

Ayon sa aming pananaliksik, wala kaming nakitang pag-aaral na hindi

nagging epektibo ang odyobuk. Ang mga sumusunod ay mga pag-aaral gamit

ang odyobuk. Ang mga pag-aaral na nasaliksik ay nasulat sa Ingles.

“Denise Johnson mentioned benefits of audiobooks for all readers.

According to her, audiobooks have traditionally been used in schools by

teachers of second-language learners, learning-disabled students, and

struggling readers or nonreaders. In many cases, audiobooks have proven

successful in providing a way for these students to access literature and

enjoy books. But they have not been widely used with average, avid, or

gifted readers. Varley (2002) writes, "Uncertain whether audiobooks belong

to the respectable world of books or the more dubious world of

entertainment, elementary and high-school teachers have often cast a fishy

eye at them, and many have opted for the safe course of avoidance."
It might be appropriate, then, to list the benefits of audiobooks for

all students. Audiobooks can be used to:

1. Introduce students to books above their reading level

2. Model good interpretive reading

3. Teach critical listening

4. Highlight the humor in books

5. Introduce new genres that students might not otherwise consider

6. Introduce new vocabulary or difficult proper names or locales

7. Sidestep unfamiliar dialects or accents, Old English, and old-

fashioned literary styles

8. Provide a read-aloud model

9. Provide a bridge to important topics of discussion for parents and

children who can listen together while commuting to sporting

events, music lessons, or on vacations

10. Recapture "the essence and the delights of hearing stories

beautifully told by extraordinarily talented storytellers" (Baskin &

Harris, 1995, p. 376)

Johnson also mentioned that Even with all the benefits of audiobooks,

however, they are not for all students. For some, the pace may be too fast or

too slow. For others, the narrator's voice can be irritating or the use of

cassette or CD players can be cumbersome when compared to the flexibility


of the book. But the majority of students will find listening to well-narrated,

quality literature to be a transformative experience. Varley (2002) states, "If

one thing has struck me about the way people describe listening to

audiobooks, it is the reported intensity of their absorption and the emotional

grip of the experience. 'They go right to your soul,' says one listener."

Ayon sa pag-aaral ni Denise Johnson, ang paggamit ng odyobuk ay

tunay na nakatulong sa mga mag-aaral lalo na sa pag-aaral ng ikalawang

linguhe. Ito din ay nakatulong sa mga kabataan na di marunong magbasa.

Nagging interesado din ang mga mag-aaral sa mga literature, kwento, at

mga tula dahil sa paggamit ng odyobuk.

“One reason more audiobooks are not finding their way into classrooms

is availability. Public libraries usually have a good quantity of audiobooks,

but most school libraries have a limited number – audiobooks are expensive.

The cost of cassette or CD players and headphones must also be taken into

consideration, and though these costs have come down considerably in the

last few years, schools typically do not budget funds for such purchases.”

Ngunit di natin madalas na nakikita ang mga odyobuk sa mga silid-aralan

dahil sa paniniwalang ito ay mahal dahil gagamit ng headsets, speakers,

players, at iba pa. Batid ng karamihan an hindi lahat ng paaralan ay bibili ng

mga ito para ilagay sa silid-aralan at gamitin ng mga bata sa paniniwalang ito

ay masisira lamang sa kanilang di maayos na paggamit.


“Audiobooks can be a welcome addition to every classroom. Many

students are avid readers while others are struggling to become readers and

still others have given up hope. Audiobooks have something to offer all of

them.”

Ang paggamit ng odyobuk ay maaari nating simulant sa loob ng silid-

aralan. Ang mga kabataan sa ngayon ay may kanikaniyang smartphones at

headset na maari nilang gamitin nang personal. Hindi lingid sa kaalaman ng

mga guro ang iba’t ibang uri ng paraan ng pagkatuto ng mga bata kayat

nararapat din na bigyan natin nang pansin ang mga kabataan at mag-aaral

na antututo sa pamamagitan ng pakikinig.

“New research shows audiobooks have powerful impact on literacy

development. According to research, the impact of audiobooks on

vocabulary development and reading achievement  in second-  and third-

grade students looks at the use of Tales2go’s streaming audio service in

the  San Francisco Bay  Area school district’s after-school program, which is

economically and  ethnically diverse with approximately 42% of elementary

students receiving free or reduced-price lunch and 15% identified as English

Language Learners. The study was performed by  Kylie Flynn, Ph.D., Bryan

Matlen, Ph.D., Sara Atienza, M.S., and Steven Schneider, Ph.D. for WestEd, a

nonpartisan, nonprofit research and development service. researchers

focused on just listening, with no follow-along-in-the-book or other reading

intervention added. The impact of purely listening to books is striking. Two

notable findings are that students using Tales2go attained 58% of the
annual expected gain in reading achievement in just 10 weeks, putting them

three months ahead of control students. Plus, the study  group outperformed

the control group across all measures, by three times in reading

comprehension, nearly seven times  in second-grade vocabulary, and nearly

four times  in reading motivation. These increases came after  students

listened  for twenty  minutes three times per week in the afternoon  program

at school, and an additional two twenty-minute sessions at home.”

Ayon sa aming pananaliksik,. Nagging positibo ang paggamit ng

odyobuk sa pagpapatibay ng pagkatuto ng mga gumamit nito. Napagtibay

ang kanilang bokabularyo at ang kanilang interes din naman sa pagbabasa.

At hindi lang iyon, napagtibay din ang kasanayan sa pakikinig ng mga mag-

aaral. Ang odyobuk ay maari ring gamitin bilang interbensyon sa pag-aaral

ng mga linguahe tulad ng tamang pagbigkas ng mga salita, tamang tono ng

boses sa pagsasabi ng opinion at nararamdaman, paglalapat ng tamang

boses at emosyon sa mga babasahin at mga palabigkasan at linya sa bawat

istorya.

Pagpapahalagang Sosyal

Ang mga Pilipino ay kilala sa sa iba’t ibang uri ng pagpapahalaga na

mayroon tayo bilang tunay na mga Pilipino. Ang mga halimbawa ng mga

pagpapahalagang sosyal na ito ay ang bayanihan, pagkamatao, pagiging

matapat, matulungin, maasahan, maka-Diyos, makakalikasan, at iba pa. Sa


pag-aaral na ito, ang mga mananaliksi ay tumukoy sa pagpapahalagang

sosyal na napapaloob sa aralin ng mga mag-aaral sa ika-siyam na baitang

mula modyul 5 hanggang modyul 8 – ang likas na batas moral, karapatan at

tungkulin, paggawa, at pakikilahok at bolunterismo. Ang mga

pagpapahalagng ito ay masasabi nating hindi masyadong binibigyang pansin

ng mga mag-aaral. Sa mga sitwasyon sa loob at labas ng paaralan, iilan

lamang sa ating mga estudyante ang nagpapakita ng kagalingan sa paggawa,

ang nakikilahok, alam ang kanilang karapatan ngunit hindi ang kanilang

tungkulin. Sa pag-aaral na ito gamit ang odyobuk, ating makikita ang tuling

at pagbabago na nalikha sa isang mag-aaral.

Mga Katanungang Pang-aksyon Riserts

Ang mga sumusunod ay mga katanungang pang-riserts na nasagot ng

mga mananaliksik

1. Ano ang antas ng pagpapahalagang sosyal ng mga mag-aaral sa ika-

siyam na baitang sa puna at panapos na pagsusulit?

2. May kapansin-pansin bang pagkakaiba ang antas ng

pagpapahalagang sosyal ng mga mag-aaral na gumamit ng odyobuk

pagkatapos ng pananaliksik?

3. Anu-ano ang mga hinagap ng mga mag-aaral tungkol sa paggamit ng

odyobuk?
Kabanata 2 METODOLOHIYANG PANG-AKSYON RISERTS

Disenyo ng Riserts at Populasyon

48 na mag-aaral mula sa ika-siyam na baitang ang lumahok sa

pananaliksik. 29 sa mga ito ay lalaki, at 19 ay mga babae. sila ay nahati sa

dalawang pangkat, unang pangkat ay ay binubupo ng 24 na mag-aaral na

silang gagamit ng odyobuk sa ikalawang markahan, at ang ikalawang

pangkat ay 24 din naman na siyang gagamit ng pagbabasa ng modyul para

sanikalawang markahan. Ang pagpili ng unang pangkat na gagamit ng

odyobuk ay ang mga estudyante na mayroon nang sariling smartphone at

sariling headset na kanilang magagamit sa oras ng klase. Ang ikalawang

pangkat naman ay ang mga mag-aaral na walang smartphone na pansarili.

Paraan ng Pangangalap ng Datos

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng trayanggulasyon na binubuo

ng pauna at panapos na pagsusulit, pakikipanayam at pagmamasid sa mga

mag-aaral an gumamit ng odyobuk. Kami ay gumamit ng istratehiyang

deskripto. Ang istratehiyang deskripto ay isang uri ng disenyo sa pananaliksik


tungkol sa isang kalagayan sa kasalukuyan (Best: 1963). Ito ay isang

imbestigasyon na naglalarawan at nagbibigay-kahulugan tungkol sa isang

bagay o paksa. Ito ay may kinalaman sa kondisyon ng mga ugnayang

nagaganap, mag gawaing umiiral, mga paniniwala at prosesong nagaganap,

mga epektong nararamdaman o mga kalakarang nilalang.

Etikal na Konsiderasyon

Ang mga mananaliksik ay humingi ng permiso mula sa punong-guro

hinggil sa pag-aaral na ginawa. Ang mga mag-aaral ay binigyan din ng

pagwawaksi (waiver) na kanilang pinapirmahan sa kanilang mga magulang o

tagapagbantay na nagpapahayag na sila ay nagbibigay pahintulot na

pasalihin ang kanilang estudyante sa pag-aaral na gagawin. Ang mga

pangalan ng mga magulang at ng mga mag-aaral ay bibigyang importansiya

at itatago ang kanilang pagkakakilanlan sa pananaliksik na ito.

Pag-analisa ng Datos

Ang mga mananaliksik ay gumamit din ng mean percentage score at

standard deviation upang mapagtibay ang kanilang pag-aaral tungkol sa

paggamit ng odyobuk. Ang mga mananaliksik ay gumamit din ng mga

talahanayan na magpapakita ng mga datos.


Sa pagkuha ng mean, pagsamasamahin ang mga datos ng isang

pangkat, at hatiin sa dami ng datos. Halimbawa, ang bilang na 9,8,7,6,5,at 4.

Pagsamahin ang kabuuan, ang sagot ay (9+8+7+6+5+4) = 39. Hatiin ang

sagot sa dami ng bilang, kaya 39/6 = 6.5, ito ang mean.

Sa pagkuha ng mean percentage score, ang formula ay MPS =

Mean / number of items * 100.

Ang pormula ng standard deviation na ginamit ay makikita sa ibaba.

Para makuha ang MPS Difference, ibawas ang mean percentage

score ng unang pangkat sa ikalawang pangkat, o sa unang hanay sa

ikalawang hanay ng talahanayan.

Makikita sa ibaba ang mga legend na ginamit para sa mga berbal na

interpretasyon ng bawat datos sa bawat talahanayan.

Mean Percentage Score Paglalarawan / Diskripsyon


96 – 100 Pinagkadalubhasaan (Mastered)
86 – 95 Malapit na Pagkilala sa
Pinagkadalubhasaan (Closely
Approximating Mastery)
66 – 85 Paglipat tungo sa Karunungan
(Moving Towards Mastery)
35 – 65 Abereyds na Karunungan (Average

Mastery)
15 – 34 Mababang Karunungan (Low mastery)
5 – 14 Napakababang Karunungan (Very Low
mastery)
0–4 Walang Pagkatuto (Absolutely No
Mastery)

MPS Difference Berbal na Interpretasyon


16 – pataas Napaka-marked na Pagpapabuti
11 – 15 Marked na Pagpapabuti
6 – 10 Katamtamang Minarkahang
Pagpapabuti
1–5 Bahagyang minarkahang Pagpapabuti
0 Walang pagpapabuti

Kabanata 3 DISKUSYON, RESULTA AT REPLEKSYON


Narito ang mga datos, diskusyon, resulta at interpretasyon ng mga

nakalap na impormasyon ng mga mananaliksik. Ang unang talahanayan ay

nagpapakita ng resulta ng paunang pagsusulit ng mga mag-aaral bago sila

gumamit ng odyobuk.

Mean Percentage Score ng mga Mag-aaral sa Paunang Pagsusulit

Talahanayan Bilang 1.1

PANGKAT BILANG MEAN MEAN STANDARD MPS VERBAL


NG MAG- PERCENTAGE DEVIATION DIFFERENCE INTERPRETATION
AARAL SCORE
Una 24 10.54 26.35 2.31 1.05 Slight difference/
bahagyang
pagkakaiba
Ikalawa 24 10.95 27.40 1.93

Sa Talahanayan 1.1, ating mapapansin na sa paunang pagsusulit, ang

unang pangkat ay mayroong mean percentage score na 26.35, kung saan

ang ikalawang pangkat naman ay may mean percentage score na 27.40.

Ating makikita na mas mataas ang mean percentage score ng unang pangkat

ng 1.05 kaysa sa ikalawang pangkat. Sa talahanayang ito, mapapansin natin

na hindi masyadong malayo ang pagkakaiba ng kanilang mean percentage

score. Ang verbal interpretation ay masasabi na mayroon lamang itong may

berbal na interpretasyon na “slight difference” o bahagyang pagkakaiba.


Mean Percentage Score ng mga Mag-aaral sa Panapos na Pagsusulit

Talahanayan Bilang 1.2

PANGKAT BILANG MEAN MEAN STANDARD MPS VERBAL


NG MAG- PERCENTAGE DEVIATION DIFFERENCE INTERPRETATION
AARAL SCORE
Una 24 35.54 88.85 2.78 18.225 Very Marked
Improvement /
Napakamarked
na Pagpapabuti
Ikalawa 24 28.25 70.625 3.78

Sa Talahanayan bilang 1.2, ating makikita ang mean at mean

percentage score ng bawat pangkat sa panapos na pagsusulit. Ang unang

pangkat na gumamit ng odyobuk ay may mean na 35.54 at mean percentage

score na 88.85. Ang ikalawang pangkat na gumamit ng babasahin na

mkodyul ay may mean na 28.25 at mean percentage score na 70.625. ating

mapapansin na may mataas na mean percentage score ang unang pangkat

kimpara sa ikalawang pangkat. Atin ding makikita na ang MPS difference ng

dalawang pangkat ay 18.225 na may berbal na interpretasyon na “marked

difference” o minarkahang pagkakaiba. Sa pamamagitan ng resulta ng MPS

ng panapos na pagsusulit na ito, ating mahihinuha na may malaking

pagbabago sa iskor ng mga mag-aaral na gumamit ng odyobuk. Sila ay

nagkaroon ng malalim na pagkakaunawa sa mga aralin gamit ang odyobuk

sa kanilang pag-aaral. Masasabi din natin na ang paggamit ng odyobuk ay


naging epektibo para maitaas ang antas ng sosyal na pagpapahalaga ng isang

mag-aaral.

Iskor ng Unang Pangkat sa Paunang Pagsusulit at Panapos na

Pagsusulit

Talahanayan 1.3

Unang BILANG NG MEAN MEAN STANDARD MPS VERBAL


MAG- PERCENTAGE DEVIATION DIFFERENCE INTERPRETATION
Pangkat AARAL SCORE
Paunang 24 10.54 26.35 2.31 62.5 Average Mastery
pagsusulit
Panapos 24 35.54 88.85 2.78
na
Pagsusulit

Ang Talahanayan 1.3 ay naglalaman ng mga iskor ng unang pangkat

sa pauna at panapos na pagsusulit. Ating mapapansin na sa paunang

pagsusulit, ang mga mag-aaral ay nakakuha ng mean na 10.54, at mean

percentage score na 36.35. Sa panapos na pagsusulit, ang unang pangkat ay

nakakuha ng mean na 35.54 at mean percentage score na 88.85. Kung ating

titingnan, ang pagkakaiba ng mean average score mula sa pauna at panapos

na pagsusulit at 62.5 na may berbal na interpretasyon na “average mastery”

o abereds na karunungan. Ito ay nagpapakita lamang na nagging epekto ang

paggamit ng odyobuk ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng mga aralin sa

Edukasyon sa Pagpapakatao 9.
Iskor ng Ikalawang Pangkat sa paunang Pagsusulit at Panapos na

Pagsusulit

Talahanayan 1.4

Ikalawang BILANG NG MEAN MEAN STANDARD MPS VERBAL


MAG- PERCENTAGE DEVIATION DIFFERENCE INTERPRETATION
Pangkat AARAL SCORE
Paunang 24 10.95 28.25 1.93 43.225 Average Mastery
pagsusulit
Panapos 24 27.40 70.625 3.78
na
Pagsusulit

Ang Talahanayan 1.4 ay nagpapakita ng iskor ng ikalawang pangkat

na hindi gumamit ng odyobuk . Ating mapupuna na sa paunang pagsusulit,

ang mga mag-aaral ay may mean na 10.95, at mean percentage score na

28.25. sa panapos na pagsusulit, ang mga mag-aaral ay may mean na 27.40 o

70.625 na mean percentage score. Ang mean percentage difference ng

pauna at panapos na pagsusulit at 43.225 na may berbal na interpretasyon

na “average mastery” o abereyds na karunungan.

Napatunayan ng mga mananaliksi na ang paggamit ng odyobuk ay

may malaking naitutulong sa pag-unlad at pagtaas ng antas ng sosyal na

pagpapahalaga ng mga mag-aaral. Mula sa Talahanayan 1.3, na naglalaman

ng datos ng mga mag-aaral na gumamit ng odyobuk, makikita na ang MPS

difference ay 62.5, at sa Talahanayan 1.4 na naglalaman naman ng datos ng


mga mag-aaral na hindi gumamit ng odyobuk ay may MPS difference na

43.225, mapapansin na malaki ang itinaas na pagpapabuti ng mga mag-aaral

na gumamit ng odyobuk. Ang kanilang datos ay mataas ng 19.275 kumpara

sa MPS difference ng hindi gumamit ng odyobuk.

Mula sa obserbasyon ng mga mananaliksik, napansin na ang mga

mag-aaral ay naging mas interesdao sa pag-aaral at diskusyon ng mga aralin

gamit ang odyobuk. Mas naging interesante para sa kanila ang pakikinig

gamit ang kanilang mga smartphones at headset sa klase. Ayon sa isang

mag-aaral, nakabuti para sa kanya ang paggamit ng odyobuk dahil alam

kahit anong oras niya gusto mag-aral ay makapag-aaral siya dahil dala na

niya ang “libro” sa pamamagitan ng kanyang smartphone. Naging magaan

ang pag-aaral para sa kanya dahil hindi na niya kailangan pang bitbitin ang

kanyang modyul sa araw na pag-aaralan ang “pagpapalalim” sa modyul.

Ayon din sa isa pang mag-aaral, natutuwa siya na nagagamit niya

ang kanyang smart phone sa pag-aaral. Dahil hilig niya ang making ng

musika, natuwa siya na ang kanyang aralin ay napakikinggan din niya.

Madalas daw kasi na nakakatulugan niya ang pagbabasa. At dahil sa

pakikinig niya ng odyobuk, nakatulong ito sa pagpapatalas ng kanyang

pandinig at pagkakaunawa sa kanyang mga napakikinggan.

Nabanggit din ng isa pang mag-aaral na kahit sa kanyang pagtulog ay

maaari siyang making ng pagpapalalim na diskusyon dahil napakikinggan


niya ito gamit ang kanyang smartphone at headset. Madalas pa nga ay

nagiging pamilyar siya sa mga susunod na salita na babanggitin sa odyobuk

dahil sa madalas niyang pakikinig dito.

Sa pakikipanayam sa isa pang mag-aaral, nasabi niya na naging

aktibo siya sa talakayan dahil naintindihan niya sa matamamang pakikinig ng

odyobuk ang pagpapalalim na aralin. Sinabi din niya na kahit siya ay may

ginagawa tulad ng pagwawalis at paghuhugas ng pinggan, nakakapag-“Multi-

task” siya dahil nagagawa niyang making sa aralin gamit ang odyobuk kahit

siya ay gumagawa ng gawaing bahay.

Ayon din sa isang mag-aaral, mas natuto siya at natandaan ang mga

mahahalagang paksa sa aralin sa pagpapalalim dahil sa pakikinig sa odyobuk.

Matama siyang nakikinig sa odyobuk habang nakapikit at ninanamnam ang

bawat usapin sa aralin. Dahil sa paggamit ng odyobuk, natuto siyang gamitin

ang kanyang smartphone hindi lang sa paggamit ng social media kundi pati

na din sa kanyang pag-aaral.

Kabanatan 4 KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Konklusyon
Narito ang mga konklusyon ng mga mananaliksik hinggil sa kanilang

pag-aaral.

1. Ang antas ng pagpapahalagang sosyal ay mababang marka sa

paunang pagsusulit kumpara sa panapos na pagsusulit matapos

gumamit ng odyobuk sa pag-aaral. Sa paunang pagsusulit, ang mga

mag-aaral ay may mean percentage score na 26.35 para sa unang

pangkat at 10.95 naman sa ikalawang pangkat. Sa panapos na

pagsusulit, ang unang pangkat na siyang gumamit ng odyobuk ay

may mean percentage score na 88.85, at 70.65 naman sa ikalawang

pangkat na hindi gumamit ng odyobuk.

2. Ating mapapansin na may pagkakaiba ang antas ng

pagpapahalagang sosyal ng mga mag-aaral na gumamit ng odyobuk

at doon sa mga mag-aaral na hindi gumamit ng odyobuk. Ang mean

differerence ng kanilang mean percentage score ay 18.225 (88.85 –

70.65). kahit na ang parehong mean percentage score ay may berbal

na interpretasyon na “average mastery” o abereyds na pagkatuto,

may pagkakaiba pa din sa MPS difference matapos ang panapos na

pagsusulit.

3. Base sa pagmamasid at panayam sa mga mag-aaral na gumamit ng

odyobuk, sila ay natuwa at naging magaan para sa kanila ang pag-

aaral. Ang paggamit nito ay nakatulong sa kanila na mapatalas pa

ang kanilang husay sa pakikinig. Sila din ay nakagagawa pa ng ibang

bagay tulad ng mga gawaing bahay habang nakikinig ng aralin.


Rekomendasyon

Ang mga mananaliksik ay inirerekumenda ang mga sumusunod:

1. Ang paggamit ng odyobuk sa mga babasahin tulad ng Filipino at

Ingles, na para bang nakikinig ang mga bata ng dramarama sa radio

upang mapatalas ang kanilang husay sa pakikinig.

2. Ang paggamit ng odyobuk ay nakatutulong sa mga mag-aaral na

mag-aral habang gumagawa ng gawaing bahay o iba pang gawain.

3. Ang paggamit ng odyobuk upang maiwasan ang pagbitbit ng

mabibigat na libro.

4. Gumamit ng personal na headset para sa pansariling kalinisan.

5. Ang odyobuk ay maaring gamitin ninuman sa pag-aaral, lalo na para

sa mga mag-aaral na ninanais na making kaysa magbasa dahil para

sa kanila, nakakaantok ang pagbabasa.

6. Gamitin ang pag-aaral na ito para sa iba pang pag-aaral o

pananaliksik.

Planong Aksyon

Ang mga mananaliksik ay patuloy na gagamitin ang odyobuk sa klase

hanggang sa susunod na taong pampaaralan. Sisimulan ito mula sa Hunyo ng

taong 2018 hanggang Marso 2019. Habang bakasyon ng Abril at Mayo 2018
ay magsasagawa na ng pagrerekord ng boses ang guro ng EsP na gagamitin

sa odyobuk at ito ang pakikinggan ng mga mag-aaral sa oras ng diskusyon sa

pagpapalalim ng modyul.

Ang pag-aaral na ito ipamamahagi sa kapwa guro o mga mag-aaral

sa paraan ng pagkakaroon at oorganisa ng isang seminar na nagpapakita ng

tagumpay sa paggamit ng odyobuk upang makamit ang pag-taas ng antas ng

soyal na pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa baitang 9. Ito rin ay maaring

ipamahagi sa pamamagitan ng social media tulad ng facebook, tweeter,

instagram, scribed, blog, at iba pa. ito rin ay maaring ibahagi sa kapwa guro

kung bibigyan ng pahintulot ng ulo ng kagawaran na magsalita o magbahagi

sila sa isa sa mga araw ng in-service training.

SANGGUNIAN

1. Newkirk, W., Linden, R., (1982).Improving communication

throughactivelistening. Emergency medical services


2. http://www.booklistreader.com/2016/04/28/audiobooks/new-

research-shows-audiobooks-have-powerful-impact-on-literacy-

development/

3. https://www.digitalunite.com/guides/music-audio/radio-

audiobooks-podcasts/how-put-audiobook-on-ipod

4. https://www.lifewire.com/what-are-audiobooks-2438535

5. www.nclrc.org/essentials/listening/liindex.htm

BAGAY NA PANGWAKAS

MGA APPENDICES
Appendix A
Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao
G9
(Week 18, October 2 – October 6 , 2017)
Unang Pagkikita

I. Layunin:
A. Nakapagsusuri kung ng paggawang nasaksihan sa pamilya,
paaralan o barangay ay nagtataguyod ng dignidad ng tao.
B. Nakikilala ang kahalagahan ng paggawa bilang
tagapagtaguyod ng dignidad ng tao.
C. Nakabubuo ng sintesis tungkol sa kabutihang naidudulot ng
paggawa gamit ang panayam sa mga mangagawang
kumakatawsan sa taong nangangailangan na nasa ibat ibang
karera o trabahong teknikal-bokasyonal

II. Paksa:

Modyul 7 : Ang Paggawa bilang Paglilingkod at Pagtaguyod ng


Dignidad ng Tao
Edukasyon sa Pagpapakatao, , Modyul para sa mga
Mag-aaral G9
Pahina 96-108

III. Pamamaraan:
A. Pang-araw-araw na Gawain
1. Panalangin
2. Pagpuna sa kalinisan at kaayusan ng paligid
3. Pagtala ng liban sa klase

B. Motibasyon/Pagbabalik-aral
Gamitin ang imahinasyon:
1. Suriin nang mabuti ang mga sumusunod na
sitwasyon batay sa iyong imahinasyon
- Isang langgam na naghahakot ng pagkain
- Isang ibong gumagawa ng pugad
- Isang kalabaw sa bukid na ginagamit sa pang-
araro
- Mga taong nagtatrabaho (halimbawa ay guro ng
SVNHS, mga construction workers na gumagawa
ng kalsada sa Taguig, mga trycile driver sa mga
terminal ng sasakyan, anf iyong ina/ama na
nagtatrabaho ngayon , etc.)
2. Ano ang pagkakaiba ng langgam, ibon, kalabaw, at
tao sa kanilang layunin sa paggawa? Ipaliwanag.

C. Paglalahad
Sa pag-unawa sa pagpapalalim, ang unang pangkat
ay makikinig gamit ang odyobuk, at ang ikalawang pangkat
ng mga mag-aaral ay bibigyan ng 20 na minute upang
basahin at unawain ang pagpapalalim ng modyul.

D. Pagtataya
Sumulat ng isang malaking konsepto mula sa mga maliit na
konsepto na naisulat.

Paraan upang
Gawain kumita ng pera
ng tao

Pag-unlad ng
sarili

paggawa

Upang magamit
ang kakayahan

IV. Takdang Aralin


Gwain ang Gawain 5 sa inyong notebook. Pahina 108 ng Modyul
ng mga mag-aaral sa Grade 9, Edukasyon sa Pafpapakatao

Appendix B
Appendix C

Pagsusulit

Pangalan: _____________________

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong.


Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang titik nito sa sagutang papel.
1. Ang mga batas ng lipunan ay nilikha upang:
a. Protektahan ang mamamayan at may kapangyarihan
b. Ingatan ang interes ng marami
c. Itaguyod ang karapatang pantao
d. Pigilan ng masasamang tao
2. Ang likas na batas moral ay:
a. Nilikha ni Tomas de Aquino
b. Nauunawaan ng tao
c. Inimbento ng pilosopo
d. Galling sa Diyos
3. Ang mabuti ay:
a. Paggawa ng tama
b. Pagsunod sa batas
c. Pagbuo ng sarili
d. Pagsunod sa Diyos
4. Ang mabuti ay:
a. Lagging tama
b. Iba-iba sa tao
c. Minsan tama
d. Pare-pareho sa tao
5. Piliin sa mga sumusunod ang hindi ayon sa likas na batas moral.
a. Pagkaltas ng SSS, Pag-ibig, at buwis sa mga mangagawa
b. Pag-utos sa mga magiging ina na regular na magpatingin sa
doctor
c. Pangungulit sa bata ma maligo
d. Pagpilit sa tao na magsimba
6. Paano natututunan ang likas na batas moral?
a. Binubulong ng anghel
b. Tinuturo ng magulang
c. Basta alam mo lang
d. Sinisigaw ng konsensya
7. Pillin sa mga sumusunod ang tamang panukala.
a. Nagpapalit ang likas na batas moral sa paglip[as ng panahon
b. Iba-iba sa mga iba-ibang kultura ang likas na batas moral
c. Isa lang ang likas na batas moral para sa lahat
d. Isa lang ang likas na batas moral na may iba-ibang pag-aanyo
8. Ang tama ay pagsunod sa mabuti
a. Sa lahat ng panahon at pagkakataon
b. Ayon sa sariling tantya
c. Angkop sa pangangailangan at kakayahan
d. Nang walang pasubali
9. Tama ang isan g bagay kung
a. Ito ay ayon sa mabuti
b. Walang nasasaktan
c. Makapagpapabuti sa tao
d. Magdudulot ito ng kasiyahan
10. Ang pagiging makatao ay
a. Ang pagsaklolo sa iba
b. Ang pagiging matulungin sa kapwa
c. Pagpanig sa tao
d. Pagsunod s autos ng Diyos
11. Ano ang totoo para sa karapatan, kasunduan, kabutihan at
kawanggawa?
a. Ito ay mga bagay na pansarili lamang
b. Ito ay mahahalagang bagay para sa lahat ng nilalang
c. Ito ay mahalagang bagay na nararapat na mayroon ang bawat
tao
d. Ito ay magdudulot ng pagkakapantay-pantay sa tao
12. Ang pagiging may pananagutan, mapagpalaya at may
pagpapahalaga sa dignidad ay ___
a. Inaasahang magawa at maisakatuparan ng tao para sa sarili at sa
lipunang kanyang kinagagalawan
b. Maaaring maging hadlang upang maging isang mabuting
mamamayan
c. Magpapatunay na ikaw ay karapat-dapat na mabuhay
d. Ang magdadala ng isang masaganang pamumuhay
13. Ano sa mga sumusunod ang hindi gaanong importanteng batayan ng
pagkatao at halaga ng tao?
a. Konsensiya b. dignidad c. katwiran d. kilos-loob
14. Tukuyin kung tama o mali: Ang pagkakaroon ng karapatan at
kalayaan ay likas sa tao.
15. Tukuyin kung tama o mali: ang karapatan ng tao ang palaging
mangangalaga sa kanya bilang tao
16. Tukuyin kung tama o mali: sa isip lamang nakaugat ang kalayaan at
katwiran ng tao
17. Tukuyin kung tama o mali: May kaugnayan ang kalayaan at katwiran
sa karapatan at tungkulin ng tao sa lipunan
18. Nakita mo ang iyong nakatatandang kapitbahay na pinapalo ang
kanilang pusa sa kadahilanang itinakbo nito ang pagkain nila na nasa
hapag-kainan. Ano ang iyong gagawin ayon sa likas na batas moral?
a. Kukuhanin ko ang pusa at kakalingain koi to sa aming bahay
b. Kukuhanan ko ng video ang pangyayari at ia-upload sa youtube
c. Aawatin ko an gaming kapitbahay bago pa niya lalong masaktan
ang pusa
d. Papanoorin ko na lang ang pananakit ng matanda dahil may sala
ang pusa
19. Isang lalaking de-kotse, pinagagalitan ang isang matandang drayber
dahil sa hindi pagparada nang tama ng dyip. Habang pinagsasalitaan
ng hindi maganda ang matandang drayber ay naroon sa tabi niya
ang kanyang paslit na apo. Ano ang iyong gagawin ayon sa likas na
batas moral?
a. Panonoorin ko ang nangyayaring kaganapan
b. Tatawag ako ng kinauukulan tulad ng barangay tanod o pulis
para mamagitan sa kanila
c. Pupuntahan ko ang lalaki at ang matandang drayber.
Pagsasabihan ko sila na tumigil na
d. Tatawagin ko ang paslit na apo para lumayo kami sa kaganapan
20. Kayong magkakaeskwela ay nasa paborito ninyong kainan. May
pumasok na binatilyo na hindi maikakailang may kapansanan sa
paglalakad. Napansin mong walang bakanteng lamesa at upuan para
sa binatilyo an tila uhaw at gutom na. Ano ang iyong gagawin ayon
sa likas na batas moral?
a. Tatawagin ko siya para umupo nang sandal sa aming lamesa
habang naghihintay siya ng malulugaran
b. Hahayaan ko siya at patuloy akong makikipagkwentuhan at
tawanan sa aking mga kaeskwela
c. Tatawagin ko ang pansin ng isa sa mga service crew para
maglaan ng lugar para sa mga taong may kapansanan
d. Makikipagkilala at makikipagkwentuhan ako sa binatilyong may
kapansanan habang hindi pa siya nakakahanap ng lugar na
kaninan
21. Ang mga sumusunod ay paglalarawan sa paggawa maliban sa
a. Anumang gawaing makatao, nararapat sa tao bilang anak ng
Diyos
b. Isang Gawain ng tao na palagiang isagawa nang may
pakikipagtulungan sa kanyang kapwa
c. Resulta ng pagkilos ng tao na may layuning makatugon sa
pangangailangan ng kapwa
d. Isang Gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad,
pagkukusa at pagkamalikhain
22. Ang mga sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng tunay na
gumagawa maliban sa
a. Si Mang Joel ay matagal nang karpintero, nakilala na siya sa
kanilang komunidad dahil sa kanyang pulidong trabaho. Hindi
lamang siya umaasa sa disenyo ng arkitekto o inhinyero kundi
nagbibigay din siya ng mungkahi sa mga ito kung paano mas
mapatitibay at mapagaganda ang paggawa ng isang bahay.
b. Si Henry ay isang kilalang pintor. Ang kaniyang panahon ay
kanyang inilalan sa loob ng isang silid para sa loob ng isang
maghapong pagtatapos ng isang obra.
c. Si Renato ay isang batang nagpupunta sa mga bahay upang
kumolekta ng mga basura. Umaasa lamang siya sa kaunting
barya na ibibigay ng kanyang mga kapitbahay upang
maipambaon sa paaralan dahil gusto niyang makatapos.
d. Mula pagkabata, si Anthony ay napilitang tumira sa isang
malaking pabrika bilang trabahador. Iniwan na siya ng kanyang
mga magulang sa lugar na ito dahil mayroon siyang naiwang
utang at hindi nabayaran. Bilang kapalit, si Anthony ay
magtatrabaho ditto ng ilang taon.
23. Ang tao ay gumagawa upang kitain ang salapi na kanyang kailangan
upang matugunan ang kanyang pangunahing pangangailangan. Ang
pangungusap ay
a. Tama, dahil likas sa tao na unahing tugunan ang kanyang
pangunahing pangangailangan
b. Tama, dahil hindi mabibili ng tao ang kanyang pangangailangan
kung wala siyang pera
c. Mali, dahil hindi nararapat na pera ang maging layunin sa
paggawa
d. Mali dahil mas mahalagang isipin na matugunan ang
pangangailangan ng kapwa bago ang sarili
24. Ano ang nagiging epekto sa pagiging produktibo ng tao sa paggawa
sa pag-unlad ng agham at teknolohiya?
a. Hindi nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magamit ang
kanyang pagiging malikhain
b. Mas nababawasan ang halaga ng isang produkto dahil hindi ito
nahawakan ng tao
c. Nagkakaroon ng katuwang ang tao sa mabilis na paglikha ng
maraming produkto
d. Nababago ang kahulugan ng tunay na paggawa
25. Sino sa mga sumusunod ang hindi nakatutulong sa pag-angat ng
antas kultural ng bansa sa pamamagitan ng kanilang paggawa?
a. Si Antonino na gumagawa ng mga furniture na yari sa rattan at
buli at nilalapatan ng modernong disenyo
b. Si Renee na gumagawa ng mga damit na yari sa material na
tanging sa bansa nakikita at inilalapat sa yari ng mga damit ng
mga banyaga
c. Si Romero na nageexport ng mga produktong gawa sa bansa sa
mga kalapit na bansa
d. Si Sheila na gumagawa ng mga pelikulang tungkol sa mga isyung
panlipunan ng bansa na inilalahok sa mga timpalak sa buong
mundo
26. Ang paggawa ay isang moral na obligasyon para sa kapwa, sa
kanyang pamilya, sa lipunan na kanyang kinabibilangan, at sa bansa.
Ito ay nangangahulugang
a. Hindi nararapat na isipin ng tao ang kanyang sarili sa kanyang
paggawa
b. Kailangang kasama sa layunin ng tao sa paggawa ang
makatuliong sa kanyang kapwa
c. Kailangan ng tao na maghanap ng hanapbuhay na ang layunin ay
makatulong at magsilbi sa kapwa
d. Lahat ng nabanggit
27. Ano ang obheto ng paggawa?
a. Kalipunan ng mga Gawain, resources, instrument, at teknolohiya
na ginagamit ng tao upang makalikha ng mga produkto
b. Mga taong gumagamit ng produktong nilikha
c. Tunay na layunin ng tao sa kanyang paglikha ng mga produkto
d. Kakayahang kakailanganin ng tao upang makalikha ng isang
produkto
28. Saan nakikita ang tunay na halaga ng paggawa?
a. Sa proseso na pinagdaanan bago malikha ang isang produkto
b. Sa kalidad ng produkto na nilikha ng tao
c. Sa haba ng panahon na ginugol upang malikha ang isang
produkto
d. Sa katotohanan na ang gumawa at lumikha ng produkto ay tao
29. Ang paggawa ay para sa tao at hindi ang tao para sa paggawa. Ito ay
nangangahulugang
a. Hindi kasangkapan ang tao na kinakailangan para mapagyaman
ang paggawa bagkus kailangan niya ang paggawa upang
makamit niya ang kanyang kaganapan
b. Hindi kasangkapan ang tao na kinakailangan para mapagyaman
ang paggawa bagkus ang tao ang kailangan upang mapagyaman
ang mga kasangkapan na kinakailangan sa pagpapayaman sa
paggawa
c. Ang tao ang gagamit ng lahat ng mga nilikha bunga ng paggawa
at hindi nararapat na iasa lamang ng tao ang kanyang pag-iral sa
mga produktong nilikha para sa kanya ng kanyang kapwa
d. Ang tao ang gagamit ng lahat ng mga nilikha bunga ng paggawa
kung kaya ibinubuhos ng tao ang lahat ng kanyang pagod at
pagkamalikhain upang makagawa ng isang makabuluhang
produkto
30. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng panlipunang
dimensyon ng paggawa?
a. Ang paggawa ay paggawa para sa kapwa at kasama ang kapwa
b. Ang paggawa ay paggawa ng isang bagay para sa iba
c. Ang paggawa ay nagbubukas para sa pagpapalitan, uganayan at
pakikisangkot sa ating kapwa
d. Ang paggawa ay pagkilala sa kagalingan ng mga likha ng kapwa
31. Ang mga sumusunod ay kahulugan ng pakikilahok maliban sa
a. Ang pakikilahok ay isang tungkulin na kailangang isakatuparan
ng lahat ng mayroong kamalayan at pananagutan tungo sa
kabutihang panlahat
b. Ang pakikilahok ay isang malayang pagpili. Hindi maaring pilitin
o pwersahin ang tao upang isagawa ito
c. Ang pakikilahok ay maaring tawaging bayanihan, damayan, o
kawanggawa
d. Ang pakikilahok ay tumutulong sa tao upang magiong
mapanagutan sa kapwa
32. Ito ay nangangahulugang pagiging karapat-dapat ng tao sa
pagpapahalaga at paggalang mula sa kanyang kapwa
a. Bolunterismo b. dignidad c. pakikilahok d. pananagutan
33. Bakit mahalaga na dapat may kamalayan at pananagutan sa
pakikilahok?
a. Upang matugunan ang pangangailangan ng lipunan
b. Upang magampanan ang mga gawain o isang proyekto na
mayroong pagtutulungan
c. Upang maibahagi ang sariling kakayahan na makatulong sa
pagkamit ng kabutihang panlahat
d. Upang maipakita ang diwa ng pagkakaisa at pagmamahalan
34. Ang pakikilahok ay makakamit lamang kung kinikilala ng tao ang
kanyang ____
a. Pananagutan b. tungkulin c. dignidad d. karapatan
35. Alin sa mga sumusunod ang hindi benepisyo ng bolunterismo?
a. Nagkakaroon ang tao ng perosnla na paglago
b. Nagkakaroon siya ng pagkakataon na makilala ng higit ang sarili
c. Nagkakaroon siya ng kontribusyon o bahagi sa pagpapabuti ng
lipunan
d. Nagkakaroon siya ng pagkakataon na makabuo ng suporta at
relasyon sa iba
36. Sa Bolunterismo, kung hindi mo ito gagawin, hindi ka apektado,
kundi yaong iba na hindi mo tinulungan. Ang pahayag na ito ay
a. Tama, sapagkat maraming tao ang nangangailangan ng iyong
tulong
b. Mali, sapagkat ang hindi mo pagtulong ay isang bagay na
maaring makaapekto sa iyo
c. Tama, sapagkat maari kang managot sa iyong konsensya
sapagkat hindi ka tumugon sa pangangailangan ng iyong
kapwasa mga sandaling yaon
d. Mali, sapagkat hindi maaring pilitin ang tao sa kanyang gagawin.
Ito ay dapat manggaling sa puso
37. Alin sa mga sumusunod ang hindi hgalimbawa ng bolunterismo?
a. Tuwing Sabado at Linggo ay tinuturuan ni Karen ang mga batang
hindi nakapag-aaral sa knailang lugar upang matutong bumasa
at sumulat ang mga ito
b. Si Jerick ay pumupunta sa bahay ampunan ng mga bata upang
alagaan ang mga ito tuwing bakasyon
c. Tuwing eleksyon ay sinisigurado ni Rechelle na bumoto at piliing
mabuti ang tunay na karapat-dapat na mamuno
d. Sumali si Darlyn sa paglilinis ng paligid sa kanilang barangay
sapagkat nasi njiyang makiisa sa layunin nitong mapanatili ang
kalinisan at kalusugan ng kanyang mga kapit-bahay
38. Hindi nakalahok si Rico sa Oplan Linis ng kanilang barangay sapagkat
inalagaan niya ang kanyang bunsong kapatid na may sakit ngunit
siya ay nagbigay ng gamit sa paglilinis tulad ng walis tingting at sako
na paglalagyan ng basura. Ano kayang antas ng pakikilahok ang
ipinakita ni Rico?
a. Impormasyon c. Sama-samang pagkilos
b. Konsultasyon d. Pagsuporta
39. Anu-ano ang dapat makita sa isang tao na angsasagawa ng
pakikilahok at boluntyerismo?
a. Pagmamahal, malasakit at talent
b. Panahon, talent at kayamanan
c. Talent, panahon at pagkakaisa
d. Kayamanan, talent, at bayanihan
40. Ano ang makakamit n gating lipunan kung ang bawat isa ay
nagsasagawa ng kanilang taos-pusong pakikilahok at bolunterismo?
a. Pagkakaisa c. pag-unlad
b. Kabutihang panlahat d. naitataguyod ang pananagutan
Appendix D

IMPORMASYON SA PANANALIKSIK

RESEARCH TITLE: “PAGGAMIT NG ODYOBUK SA PAGTUTURO NG


EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA UPANG MAPATAAS ANG ANTAS NG
PAGPAPAHALAGANG SOSYAL NG MGA MAG-AARAL SA IKA-SIYAM NA
BAITANG SA MATAAS NA PAMBANSANG PAARALAN NG BAYAN-BAYAN NG
SIGNAL”
SHORT DESCRIPTION OF THE RESEARCH: Paggamit ng odyobuk sa pag-aaral
ng pagpapalalim sa modyul 5 hanggang modul 8 ng modyul para sa mag-
aaral ng ika-siyam na baitang

RESEARCH CATEGORY RESEARCH AGENDA CATEGORY

o National o Teaching and Learning


o Region o Child Protection
o Schools Division o Human Resource
o District Development
o School o Governance

o Action Research o DRMM


o Basic Research o Gender and Development
o Inclusive Education
o Others _____________

FUND SOURCE AMOUNT


Personal fund 182.00

TOTAL AMOUNT 182.00

B. PROPONENT 1 INFORMATION

LAST NAME: FIRST NAME: MIDDLE NAME:


NISOLA JETT CABANATAN
BIRTHDATE: SEX: POSITION/DESIGANTION;
(09/30/1986) FEMALE Teacher 1
REGION/DIVISION/SCHOOL:
SIGNAL VILLAGE NATIONAL HIGH SCHOOL / DIVISION OF TAGUIG CITY AND
PATEROS

CONTACT NUMBER: CONTACT NUMBER 2: EMAIL ADDRESS:


09083674757 02 8377179 JETT.NISOLA@GMAIL.COM

EDUCATIONAL ATTAINMENT TITLE OF THESIS / RELATED


RESEARCH PROJECT
Bachelor in Secondary Education “Effective Classroom Discipline
major in English Practices as Perceived by Selected
Teachers of Signal Village National
High School: A Qualitative Research”
Master of Arts in English (39 units)
SIGNATURE OF PROPONENT:

PROPONENT 2 INFORMATION

LAST NAME: FIRST NAME: MIDDLE NAME:


MAGALSO ELVIRA BELTRAN
BIRTHDATE: SEX: POSITION/DESIGANTION;
01/25/1954 FEMALE Master Teacher 1

REGION/DIVISION/SCHOOL:
SIGNAL VILLAGE NATIONAL HIGH SCHOOL / DIVISION OF TAGUIG CITY AND
PATEROS

CONTACT NUMBER: CONTACT NUMBER 2: EMAIL ADDRESS:


09276822921 09186989240 magalsoelvira@gmail.com

EDUCATIONAL ATTAINMENT TITLE OF THESIS / RELATED


RESEARCH PROJECT
Bachelor in Secondary Education “Effective Classroom Discipline
major in English Practices as Perceived by Selected
Teachers of Signal Village National
High School: A Qualitative Research”
SIGNATURE OF PROPONENT:

IMMEDIATE SUPERVISOR’S CONFORME

I hereby endorse the attached research proposal. I certify that the

proponents have the capacity to implement a research study without

compromising their office hours.

VICTORIA A. CONTRERAS
Name and Signature of Immediate Supervisor
Position/Designation: Head Teacher III
Date: December 1, 2017

DR. NOEMI O. BAYLE


Name and Signature of Immediate Supervisor
Position/Designation: Principal IV
Date: December 1, 2017

Appendix E

DECLARATION OF ANTI-PLAGIARISM
1. We, Jett C. Nisola and E#lvira B. Magalso, undesratnd that plagiarism

is the act of taking and using another’s ideas and works and passing

them off as one’s own. This includes explicitly copying the whole

work of another person and/or using some parts of their work

without proper acknowledgement and referencing.

2. We hereby attest to the originality of this research proposal and has

cited properly all the references used. We further commit that all

deliverables and the final research study emanating from the

proposal shall be of original content. We shall use appropriate

citations in referencing other works from various sources.

3. We understand that violation from this declaration and commitment

shall be subject to consequences and shall be dealt with accordingly

by the Department of Education.

PROPONENT: _Jett C. Nisola

Signature: ______________

Date:___December 1, 2017

PROPONENT: Elvira B. Magalso

Signature: ________________

Date: _____ December 1, 2017

PAGKUNSAD
(ACKNOWLEDGEMENT)
Ang mga mananaliksik ay lubos na nagpapasalamat unang-una sa

ating May-kapal, sa lahat ng biyaya na kanyang ipinagkaloob; sa talino,

kaalaman, at kalakasan ng pangangatawan at isipan; at sa patuloy na

paggabay at pag-iingat sa bawat isa.

Ikalawa, kami ay nagpapasalamat sa aming pamilya na walang

sawang sumusuporta sa amin, sa pagmamahal, sa pagtitiwala, at

pagmamalasakit.

Ikatlo, sa aming ulong guro na si Victoria A. Contreras, sa kanyang

panghihikayat sa amin na magsagawa ng pananaliksik sa taong pampaaralan

2017 – 2018; at sa kanyang patuloy na pagsuporta at pag-alalay sa aming

mga guro. Gayundin sa aming punong-guro na si Dr. Noemi O. Bayle, sa

kanyang pagsuporta sa mga mananaliksik ng SVNHS.

Ikaapat, sa aming mga kasamang guro sa kagawaran ng EsP, sa

knailang pang-unawa, sa tawanan, kwentuhan, at pagpapaalalahanan ng

mga bagay na dapat tapusin at isumite sa oras; at sa pagkakaisa na mayroon

an gating departamento

Panghuli, sa aming kapwa mananaliksik sa pagtutulungan at

pag-unawa at pagsuporta sa bawat isa.

TALAAN NG NILALAMAN
Pamagat ----------------------------------------------------------------------------------

Pakunsad ---------------------------------------------------------------------------------

Panimula --------------------------------------------------------------------------------

a. Konteksto at Katwiran sa Paggawa ng Aksyon Riserts ------------

b. Iminumungkahing Interbensyon, Inobasyon, at Istratehiya -----

c. Mga Katanungang Pang-aksyon Riserts-------------------------------

Metodolohiyang Pang-aksyon Riserts -------------------------------------------

a. Disenyo ng Riserts at Populasyon

b. Paraan gn Pangangalap ng Datos

c. Etikal na Konsiderasyon

d. Pag-analisa ng Datos

Diskusyon, Resulta, at Repleksyon -----------------------------------------------

a. Talahanayan Bilang 1.1 ---------------------------------------------------

b. Talahanayan Bilang 1.2 ---------------------------------------------------

c. Talahanayan Bilang 1.3 ---------------------------------------------------

d. Talahanayan Bilang 1.4 ---------------------------------------------------

Konklusyon at Rekomendasyon

a. Konklusyon -----------------------------------------------------------------

b. Rekomendasyon ----------------------------------------------------------
c. Planong Aksyon -----------------------------------------------------------

Sanggunian ---------------------------------------------------------------------------

Mga Bagay na Pangwakas --------------------------------------------------------

Mga Appendices --------------------------------------------------------------------

a. Banghay Aralin -------------------------------------------------------------

b. Pagtutuos ng pauna at panapos na pagsusulit ---------------------

c. Pagsusulit -------------------------------------------------------------------

d. Impormasyon sa Pananaliksik -----------------------------------------

e. Declaration of Anti-Plagiarism -----------------------------------------

f. Waiver ng Mag-aaral ---------------------------------------------------

g. Sulat ng Paghingi ng permiso sa punong-guro -------------------

You might also like