You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
Caraga Administrative Region
PURISIMA NATIONAL HIGH SCHOOL
Purisima, Tago, Surigao del Sur

Epekto ng Social Media sa Paggamit ng Wikang Filipino sa Purisima NHS sa


ika-9 na Baitang.

Bilang pagtupad sa pangangailangan sa Asignaturang


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik

Jezza Mae Cadelina


Ivy Montenegro
Lovely Baes
Angelie Garcia
Alwina Joson
Alicar Mahinay
Rechelle Salahay
Ricky Diolan
Jhon Racel Martinez
Xyron Pontevedra
Alfritz Cuarteron
Francis Comeros
Sam Aying
Fernando Villafranca
Sherwin Fiel Alecida
Mga Mananaliksik

BB. GREZEL CASPE


Tagapayo
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Administrative Region
PURISIMA NATIONAL HIGH SCHOOL
Purisima, Tago, Surigao del Sur

Hunyo 2023
Kabanata 1
SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG-AARAL

Introduksiyon
Sa panahon ngayon marami na ang nabago ang mga tao ay nahumaling na
sa makabagong teknolohiya na siyang ginagamit sa pang-araw araw na
pangangailangan. Sa tulong ng social media sites tayo ay nakakapagbigay at
nakakahagilap ng mga impormasyon. Ngunit ang social media ay may hindi rin
magandang hatid sa wastong pagbabaybay sa wikang filipino.

Ang Wikang Filipino ang Pambansang Wika ng ating bansa. Ito ang
lenguwaheng ginagamit ng mga Pilipino sa pakikipag-usap. Ang Wikang Filipino ay
isang paraan ng komunikasyon upang magka-unawaan ang bawat isa. Isa rin sa
mga sumisimbolo sa kultura nating mga Pilipino na kung sino tayo at ano tayo.

Ang wika ay isang sistema ng komunikasyon na ginagamit ng mga tao. Ito ay


koleksyon ng ibat ibang simbolo at mga salita na nagpapahayag ng kahulugan. Ito
ay nagsisilbing behikulo upang maipahayag natin ang ating mga kaisipan, mga
saloobin at nararamdaman. Maaaring maihayag ang wika sa pamamagitan ng sulat
o pananalita (Carlo, 2020). Ang wika ay ang tulay na ginagamit para maipahayag at
mangyari ang anumang mga minimithi o pangangailangan ng tao (Paz, et.Al.,2003).
Ang wika ay ang ginagamit upang magkaroon ng mas epektibong
komunikasyon at pundasyon ng maayos na pakikipagtalastasan at pakikipag-
ugnayan. Ito ay sumisimbolo sa mga bagay na nagbibigay ng kahulugan,
interpretasyon, at kabuluhan sa pamamagitan ng mga salita at simbolo sa ating
nakikita, naririning at nababasa.

Hindi maipagkakaila na patuloy ng nagbago ang mundo lalo na ang


teknolohiya kung saan pati ang indibidwal ay nabago nito. Masasabing laganap na
ang social media sa buong bansa at ito ay may pinaka-malaking epekto sa buhay ng
mga Pilipino nang dahil ginagamit ito upang makipag-ugnayan (Quintos, 2016).
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Administrative Region
PURISIMA NATIONAL HIGH SCHOOL
Purisima, Tago, Surigao del Sur

Sa tulay ng Social Media tayo ay nagkaroon ng mas mainam na


komunikasayon. Ang app na Facebook ay isang social media site na higit na
ginagamit ng mga tao. Dahil dito, nakaka-ugnay tayo sa kahit na sino kahit saan
mang dako ng mundo.

Hindi maitatanggi na ang facebook ay may magandang naitulong sapagkat ito


ay nagiging sangkap sa pakikipagkonekta at makipagpalitan ng impormasayon.
Subalit sa mga mabubuting dulot nito ito rin ay may masamang epekto. Dahil
napapalitan na ang mga orihinal at tamang pagkabaybay ng mga salita. Ngayon,
marami na ang nagbago tulad na lamang ng “ako” na ginawang “aq”, “ikaw” na
naging “e-cow”, “gg” na ang ibig sabihin ay “good game” at marami pang iba. Sa
henerasyong ito ang mga kabataan ay maraming mga pauso at nabuong bagong
lenguwahe kagaya ng Jeje language o Jejemon, Gay Language o Bekimon at iba
pa. Ang iba nama’y may pinairal na mga ekspresyong bago halimbawa ay “edi
wow!”, “anak ng tinapay.” at kung ano-ano pa.

Ang pag-aaral na ito ay may layunin na matukoy ang epekto ng social media
sa paggamit ng wikang filipino sa mga estudyante ng Purisima NHS sa ika-9 na
baitang.

Paglalahad ng Suliranin
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Administrative Region
PURISIMA NATIONAL HIGH SCHOOL
Purisima, Tago, Surigao del Sur

Ang pag-aaral na ito ay naghahangad na masagot ang mga sumusunod na


katanungan;
1. Ano ang epekto ng social media sa paggamit ng Wikang Filipino?
1.1. Positibong Epekto
1.2. Negatibong Epekto

2. Ano-anong wika ang kadalasang ginagamit ng mga mag-aaral sa social media?

3. Bakit iniiba ng mga mag-aaral ang mga salitang Wikang Filipino sa social media?

4. Paano maiiwasan ang mga masasamang epekto ng social media sa Wikang


Filipino?

5. Nakakatulong ba sa pag-aaral ng mga estudyante ang paggamit ng social media?

Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong maibahagi sa mga mag-aaral ang
pagkakaroon ng sapat na kaalaman tungkol sa sariling wika. Ito rin ay may
gampaning ipaalam sa mga estudyante kung paano binago ang wikang filipino sa
pag usbong ng makabagong teknolohiya. Sa tulong ng pag-aaral na ito ang mga
estudyante ay inaasahan na matukoy kung paano dapat gamitin ng wasto ang
wikang filipino.

Sa Mga Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong upang magkaroon ng


kaalaman ang mga estudyante sa kanilang pagkatuto na magagamit sa
pagpapalago ng Wikang Filipino.

Sa Mga Guro. Ang pag-aaral na ito ay upang matulungan ng mga guro ang mga
estudyante sa pagturo ng pagpahalaga at pagtangkilik sa wika.
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Administrative Region
PURISIMA NATIONAL HIGH SCHOOL
Purisima, Tago, Surigao del Sur

Sa Mga Mananaliksik. Sa tulong ng mga mananaliksik makakabuo sila ng pang


edukasayong kagamitan na magagamit ng mga guro sa pagtuturo.

Saklaw at Limitasyon
Isinagawa ang pag-aaral na ito upang matukoy ang Epekto ng Social Media
sa Wastong Pagbabaybay ng Wikang Filipino. Kasabay na rin dito ang positibo at
negatibong epekto nito. Higit pa roon, ang mga mananaliksik ay magsisiyasat at
hihingan ng mga impormasayon ang mga estudyante ng Purisima NHS sa ika-9 na
baitang.

Konseptuwal na Balangkas
Ang daloy ng pag-aaral na ito ay nakabatay sa Input-Process-Output Model.
Nakatuon ang konsepto ng pag-aaral na ito sa Epekto ng Social Media sa Paggamit
ng Wikang Filipino.

Sa unang diyagram pinapakita ang koneksyon ng input baryante na susuriin


sa proseso at bibigyang awtput.
Teoritikal na Balangkas
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Administrative Region
PURISIMA NATIONAL HIGH SCHOOL
Purisima, Tago, Surigao del Sur

Ayon kay Carrol (1964), nagpapahayag na ang wika ay isang sistema ng mga
sagisag na binubuo at tinatanggap ng lipunan. Ito ay ang resulta ng ng unti unting
paglilinag sa loob ng maraming daang taon at nagbabago sa bawat henerasyon.

Ang unang henerasyon ng internet ay tinatawag na positibo na paglalathala o


passive display. Lumawak ito at naging interaktibo lalo na sa mga aspeto ng
pagsulat at pagbasa na lalong humikayat sa mga gumagamit nito na mag bahagi ng
kanilang mga ideya, palagay o maging ang mga malikhain nilang gawa o likha
bahagi ng SNS ang terminong Web 2.0 na mas kilala bilang ikalawang henerasyon
(second generation) ng pag-unlad ng web (Walling 2009).

Ang pagtaas ng paggamit ng social media sa loob at labas ng bansa ay hindi


naging pangkaraniwan sa loob lamang ng ilang taon. Nagsimula lamang ito ng
libangan ng mga taong bihasa sa kompyuter na naging pamantayan sa lipunan at at
naging bahagi ng buhay ng maraming tao. Tangggao na ng mga kabataan sa
ngayon na ang mga site na ito ay ang komukonekta sa kanila sa ibang tao
bahagiaan ng impormasyon at ipa ba (Boyd 2007).

Sa pag-aaral nina Marbella at Estera (2021), sinabi na ang social media ay


parehong may positibo at negatibong impak sa tao. Maaaring ito ay magandang
dulot halimbawa ang pagkakaroon ng bagong kaibigan, subalit may maaaring
negatibong epekto rin ito. Ilan sa mga negatibong epekto nito ay ang hindi tamang
pagtulog, depresyon, at ang mailagay ang isang tao sa mapanganib na sitwasyon.

Gayunpaman, ang mass media ay nagdudulot din ng malaking pagbabago sa


wika at kung paano ito pinoproseso gamit sa pakikipag-ugnayan. Samakatuwid,
gumagawa ito ng epekto sa mga proseso ng komunikasyon, pakikipag-ugnayan, at
transaksyon sa pang-araw-araw na gawain ng mga gumagamit nito. Mapapansin din
na kadalasang mababasa sa social media ay hindi nasusunod ang tamang
pamantayan sa paggamit ng wika. Kung gayon malaki ang nagiging impluwensiya
ang social media sa pagbago ng paraan sa paggamit ng wikang Filipino.
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Administrative Region
PURISIMA NATIONAL HIGH SCHOOL
Purisima, Tago, Surigao del Sur

Ayon kay Dichoso (2016), ang magagawa ng social media katulad ng


Facebook sa pag unlad ng wika ay layunin nitong pag-aaral na patunayang may
mabubuting dulot rin ang mga ito sa pang-araw-araw na buhay ng tao. Hindi lamang
ito pangsosyal na pakikipaghalubilo gamit ang internet kundi isang magandang
paraan para maayos na pakikipag-transaksyon sa iba’t ibang sangay ng kalakal o
negosyo.Masasabi na isang magandang daan ito para makausap ang mga
malalayong kamag-anak at kaibigan nang wala masyadong nagagastos at sa mabilis
na transaksyon, ngunit pagdating ng mga epekto nito sa isang estudyante,
magbabago ang daloy ng pakikisama nila.

Ang social media ay nagpabago sa kung paano tayo nakikipagusap sa iba’t


ibang tao. Ang social media para sa atin ay ang tulay upang magkaroon ng
komunikasyon sa mas maraming tao, ito ay nakakatulong sa pagkakaroon ng mga
kaibigan kahit nasa malayo man sila. Sa pagkakaroon ng mga kaibigan sa
malalayong lugar, umuunlad ang wika at napapalawak ang ating bokabularyo.
Malaki din ang naitutulong ng social media sa ating wika sa kadahilanan na
maraming impormasyon o kaalaman ang ating nakukuha sa social media, katulad na
lamang ng pagkakaroon ng mga panibagong salita: barkada, balikbayan, at gimmick
(Sambuena, 2016).

Nagsisilbing tulay o daluyan ang internet na makipag-ugnayan o kumonekta


sakapwa, makakuha o makapag- ambag ng mga impormasyon, mga bagay tulad ng
mgakasalukuyang ginagawa o events na aabangan o isasagawa o kaya mga
larawan, mensahe o notification video wall posting, at iba pang dahilan ng
pakiikipag-ugnayan o koneksyon. Malawak na ang saklaw ng modernisasyon,
lumaganap na ito mula saating lipunan hanggang sa mga komunidad. Ang
institusyon ng edukasyon ay hindi ligtas dito at nakikinabang sa teknolohiya kung
saan ang information technologies(IT) na may taglay na pananagutan ng pagbabago
ng pagtuturo, pag-iisip, at pagkatuto. (Halverson at Smith 2009-2010).
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Administrative Region
PURISIMA NATIONAL HIGH SCHOOL
Purisima, Tago, Surigao del Sur

Haypotesis
Ang mga haypotesis sa pag-aaral;
1. Ang mga wikang kadalasang ginagamit ng mga mag-aaral ay nakabatay sa mga
salitang nagte-trend.
2. Ang mga estudyante ay iniiba ang mga salita upang makasabay sa uso.
3. Maiiwasan ang mga masasamang epekto ng social media sa paggamit ng wikang
filipino kung ang mga mag-aaral ay may kaalaman ukol sa wastong paggamit nito.
4. Nakakatulong sa pag-aaral ng mga estudyante ang paggamit ng social media.

Kahulugan ng mga Termino

Wika. Ginagamit sa pakikipagtalastasan sa pangaraw-araw na pakikipag-ugnay.


Wikang Filipino. Opisyal na wika ng pamahalaan at pagkakakilanlan sa kultura ng
bansang pilipinas.
Social Media. Online platform at tool na nagbibigay daan sa mga user na gumawa,
magbahagi at makipag-ugnayan sa ibang tao.
Teknolohiya. Ang kasangkapan at pamamaraan na ginagamit upang mas lalong
maging madali, mas mabilis ang gawaing pakikipagkonekta sa iba.
Facebook. Ang facebook ay isang social networking website na karamihang
ginagamit ng tao.

TALASANGGUNIAN

A. Di-nalathalang Tesis at Disertasyon


Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Administrative Region
PURISIMA NATIONAL HIGH SCHOOL
Purisima, Tago, Surigao del Sur

Magalona, et al,. (2021).Epekto ng Social Media sa Paggamit ng Wika.University of


Batangas.

Orosio, et al,. (2015-2016).Social Media:Impluwensiya sa Pagpapalago ng Wikang


Filipino.Philippine Normal University-Visayas.

Marbella at Estera, (2021).Kultura at Wikang Filipino sa mga Facebook Status


Update. Sorsogon State College, Phiippines.

B. Sangguniang Elektroniko

Dichoso, M. (2016). Social Media sa Pagpapaunlad ng


Wika.https://free15394.wordpress.com/.

Sambuena, A. (2016).Ang Wikang Filipino at ang Social


Media.https://angelicasambuena.wordpress.com/

Carlo, B. (2020).Ano ang Wika?.https://www.pinoynewbie.com/ano-ang-wika/

You might also like