You are on page 1of 13

MODYUL 9

MGA PILING PRIMARYANG BATIS SA PANAHON NG PANANAKOP NG MGA AMERIKANO


Palmo R. Iya
Fakulti, Departamento ng mga Agham Panlipunan

Panimula
Nakamit ng sambayanang Pilipino ang kalayaan mula sa Espanya sa paglulunsad ng Himagsikan
ng 1896. Tuwirang ibinunga nito ang deklarasyon ng kalayaan noong Hunyo 12, 1898, ang pagbubuo ng
Kongreso ng Malolos noong Setyembre 15, 1898 at ang pagpapasinaya ng Republikang Pilipino noong
Enero 23, 1899. Subalit sa kabila ng tagumpay ng Himagsikan, marahas na inagaw ng Estados Unidos ang
kalayaan ng Pilipinas sa pamamagitan ng Kasunduan ng Paris noong Disyembre 10, 1898 kung saan inilipat
ng Espanya sa Estados Unidos ang soberanya nito sa Pilipinas kapalit ng USֆ20 milyon.

Ilalahad at susuriin sa modyul na ito ang ilang piling primaryang batis sa panahon ng pananakop
ng mga Amerikano gaya ng Proklamasyong Benevolent Assimilation ng Pangulong William McKinley, ang
Batas Bilang 518 (Brigandage Law of 1902), at Batas Bilang 1696 (Flag Law of 1907).

Mga Inaasahang Pagkatuto sa Paksa:


Pagkatapos mapag-aralan at gawin ang nilalaman ng modyul, inaasahang magagawa mo ang mga
sumusunod:

Mga Inaasahang Pagkatuto sa Kurso:


CLO2. Masuri ang mga primarya at sekundaryang batis ng kasaysayan upang makabuo ng mga paksain
at talakayang maaaring gamitin sa pag-unawa ng ating nakaraan ayon sa konteksto ng mga kaganapang
nakalipas;
CLO3. Magpanukala ng mga rekomendasyon at solusyon upang mabigyan ng kasagutan ang mga
kasalukuyang usapin/suliranin;
CLO4. Makalikha ng indibidwal/pangkatang pagtatanghal/presentasyon o anumang kaugnay na gawain
sa napiling makabuluhang paksa; at
CLO5. Makapagpamalas ng mga kasayanang pang-dantaon 21 sa lahat ng mga gawain.
Mga Inaasahang Pagkatuto sa Paksa:
TLO28. Masiyasat ang konteksto at perspektiba ng pananakop ng mga Amerikano at Hapones sa
Pilipinas;
TLO29. Mapahalagahan ang pagpupunyagi at sakripisyo ng mga makabayan at magigiting na Pilipino
upang makamit ang kalayaan sa mga bagong mananakop;
TLO33. Makapagpanukala ng mga pagkilos at programa na nagpapamalas ng pagmamahal sa bayan;
TLO36. Makagawa ng indibidwal/pangkatang patas na reaksyon at kritikong kaisipan sa paksa; at
TLO38. Mapayabong ang mga kasanayang pang-dantaon 21 gaya ng mga sumusunod: a. kolaborasyon,
b. komunikasyon, c. pagiging-malikhain, at, d. kritikal na pag-iisip.
Mga Inaasahang Pagkatuto sa Modyul:
1. Matalakay ang konteksto at perspektiba ng pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas;
2. Masuri ang perspektiba ng mga piling dokumento at kung paano nakapag-impluwensya ang mga
ito sa naging daloy ng kasaysayan ng Pilipinas sa panahon ng imperyalismong Amerikano;
3. Mapahalagahan ang pagpupunyagi at sakripisyo ng mga makabayan at magigiting na Pilipino
upang makamit ang kalayaan sa bagong mananakop; at

1
4. Masukat ang mga natutunan sa pamamagitan ng pagsagot sa pagpapaganang pagtataya sa anyo
ng pagtalakay sa paksa.

Gawain 1: Lunsarang Katanungan


1. Bago mo simulan ang pag-aaral sa modyul na ito, mainam na sagutin mo muna ang
lunsarang tanong sa ibaba. Mamarkahan ang iyong tugon batay sa inihandang rubrik. (20
puntos)
Pamantayan Puntos Gradong Sukat
1. 3 7 10
Malinaw na Nangangailangan ng Mahusay Napakahusay
pagpapaliwanag 10 Pagpapabuti
Naipaliwanag nang Naipaliwanag
Bahagyang malinaw ang mga nang napakalinaw
naipaliwanag ang mga ideyang tumutugon sa ang mga ideyang
ideyang tumutugon sa paksang tinalakay tumutugon sa
paksang tinalakay paksang tinalakay

2. Faktuwal 3 7 10
na datos 10 Nangangailangan ng Mahusay Napakahusay
Pagpapabuti

Bahagyang nailahad ang Nailahad nang mahusay Nailahad nang


mga faktuwal na datos ang mga faktuwal na katangi-tangi ang
na sumusuporta sa datos na sumusuporta mga faktuwal na
paksang tinalakay sa paksang tinalakay datos na
sumusuporta sa
paksang tinalakay

Tanong: Paano mo mailalarawan ang panahon ng pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas?


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Mga Nilalaman
I. Kontekstong Pangkasaysayan
Hindi bago sa kasaysayan ng Estados Unidos ang panghihimasok sa buhay ng ibang bayan. Madalas
itong mandigma para manakop. Mula sa kanilang pagdating hanggang sa mahigit na isang daang taong
nakalipas, nakipagdigma ang Estados Unidos sa mga katutubong Indian na kanilang ipinagtabuyan at
inagawan ng lupain. Sa kalagitnaan ng dantaon 19, nakipagdigma ang Estados Unidos sa Mehiko at kinuha
ang malaking bahagi ng teritoryo nito bilang botin (spoils of war) ng kanilang pagkapanalo. At noong 1898,

2
tinalo ng Estados Unidos ang Espanya sa digmaan at nakuha ang mga kolonya nito sa Caribbean at Pasipiko
– Cuba, Puerto Rico, at ang Pilipinas.

Bahagi ang 1898 Digmaang Espanyol-Amerikano ng pagpapalawak na dulot ng bugso ng kapitalismo.


Produkto ito ng paglawak ng monopolyo, labis na kapital at mga kasunduan ng pandaigdigang kartel. Dahil
nang nawala ang hanggahang heograpiya, isang paraan, kung hindi man tanging paraan ang bagong
pagpapalawak paibayong dagat upang mapanatili ang kasaganaan at mapigil ang suliraning pambansa.

Ang huling dalawang dekada ng dantaon 19 ay nagtakda ng mga katangian para sa pag-usbong ng
bagong sistemang pangkabuhayan na batay sa mga korporasyon at kahalintulad na pangkat na malalaki
at mahusay ang pagkakatatag. Sumulong ang pagpapaunlad sa industriya hanggang sa pagkakaroon ng
sobrang produkto para iluwas. Samantala, hindi na kayang gamitin ng pamilihang pambansa ang mga ito.
Lumikha ang ganitong katayuan ng pandaigdigang ekonomiya ng bagong anyo ng pananakop. Layunin
nitong kumuha ng komersyal na pamilihan at pook para malagakan ng puhunan, bukod sa patuloy na
pagkuha ng mga hilaw na sangkap sa ibayong dagat. Ang paghahanap sa mga komersyal na pamilihan ang
nagbunsod sa Estados Unidos para sapilitang buksan ang Hapon, kunin ang bahagi ng Samoa, at angkinin
ang Hawaii. Sa bandang huli ng dantaon 19, naging udyok ang pagsali sa kalakalan sa Tsina. Ang kahirapang
pangkabuhayan noong 1893 ang nagpabilis sa bugso ng pagpapalawak paibayong dagat. Ang mahigpit na
pangangailangan ng pagpapalawak at ang pangangailangan para sa maginhawang tungtungan ng
kalakalan sa Tsina ang mga dahilang nagtulak sa Estados Unidos para sakupin ang Pilipinas.

Gaano man ang pagiging mapang-akit ng estratehikong kinalalagyan ng Pilipinas kaugnay ng kalakalan
sa Tsina, maraming sektor sa ekonomiya ng Estados Unidos ang naniniwala sa pagpapatuloy ng
imperyalistang patakaran. Kabilang sa mga interesadong makinabang ang mga gumagawa ng mga
kagamitang pandigma; mga namumuhunan sa digmaan, kabilang na ang sandatahang panlupa at
sandatahang pandagat; mga gumagawa ng mga kagamitang panriles; gumagawa ng barko at
nagpapatakbo ng makina; gumagawa ng tela, kasangkapang metal at makinarya; mga may kinalaman sa
kagawarang panlabas; mga inhenyero at misyonero; at mga pabrika ng asukal. Ang mga nagpupumilit na
grupong ito ang nag-impluwensya sa direksyon ng pambansang patakaran na lalong pinadali sa
pamamagitan ng tulong ng mga sang-ayon sa pagpapalawak (expansionism) na mga politiko katulad nina
William McKinley, Theodore Roosevelt, Henry Cabot Lodge, at Albert Beveridge.

Hindi salungat ang idealismo ng mga Amerikano sa imperyong Amerikano. Sa halip, pinaglilingkuran,
binibigyang katwiran at ginagawang katanggap-tanggap ito sa mata ng ilan. Gayunman, hindi bago ang
pamamaraang ito dahil nagtaguyod ng isa o ibang anyo ng misyong pangsibilisasyon ang bawat
kapangyarihang kolonyal. Sa Pilipinas, binubuo ito ng pagpapakilala ng Kanluraning politika at kalinangan,
kalinisan, pagtatayo ng mga gusali at daan, mga pagamutan, at mga paaralan. Ang mithiin ng katungkulan
ay layong magpatahimik sa mapandigmang gawi, para mahikayat ang mga nasasakupan na tanggapin ang
kolonyal na pamumuno, ilingid ang hangad na pagpapalawak at nang sa gayon, mapaniwala ang madlang
Amerikano. Kaugnay nito ang pagwawalang bahala sa tradisyon ng “pamamahala ng ayon sa pagsang-
ayon ng pinamamahalaan.” Kung gayon, hindi na kailangang konsultahin ang mga mamamayang Pilipino
tungkol sa paglilipat ng kapangyarihang pampolitika ng karapatang pamahalaan ang sarili nila. Maari nang
lusubin ang isang bansa at ikatwirang gagawin itong sibilisado. Sabay na umiral nang maayos ang
pinapangarap at huwaran, ngunit salungat ang pagsasakatuparan ng mga ito sa kanyang tradisyong
pampolitika at sa kabuuan, binalewala ang mga epekto nito sa mga mamamayang Pilipino.

3
Ang paghahangad sa isang maluwalhating uri ng patakarang panlabas ay pinagtibay ng isang
paniniwala sa superyoridad ng lahi. Gamit ang teorya ni Charles Darwin tungkol sa natural na pagpili,
binigyang katwiran ng mga Amerikano ang kanilang layuning pampolitika sa pamamagitan ng pagtuturo
ng pagiging superyor ng lahing Anglo-Saxon na pinili ng Diyos para palaganapin ang kanilang kabihasnan
sa lahat ng dako. Ito ang ipinapabatid ng dalawang mapanlansing islogan ng Amerika na Manifest Destiny
at Benevolent Assimilation.

American Progress, 1872.


Pinta ni John Gast na nagpapakita ng isang babae (Columbia bilang personipikasyon ng Estados Unidos)
na pinangungunahan ang mga Amerikano patungong kanluran. Isang larawan ito na naghahayag ng
islogang “Manifest Destiny.” Hinangong larawan mula sa google.

The Filipino's First Bath

4
Isang karikaturang lumabas sa harapang pabalat ng Judge Magazine na nailathala noong Hunyo 10,
1899. Ipinapakita rito ang Presidente ng Amerika na si William McKinley na nagpapaligo sa isang
hubad na sanggol na may hawak na pana. Ayon sa mga historyador, ang tubig ay sumasagisag sa
sibilisasyon at ang sanggol na pinapaliguan ay kumakatawan sa mga walang muwang, walang
disiplina, barbaro, at mapanganib na mga Pilipino. Sa bandang kanan sa itaas ay ang kapitolyong
gusali ng Estados Unidos at sa bandang kaliwa naman sa itaas ay ang ibang batang katatapos lamang
maligo at ngayo’y nakasuot na ng mga damit na gaya ng bandila ng Estados Unidos, nagpapahiwatig
na sila’y naging sibilisado na. Hinangong larawan mula sa google.

II. Ang Proklamasyong Benevolent Assimilation ni William McKinley ng Estados


Unidos

Nang hindi pa nalalagdaan ang Kasunduan ng Paris ay nagmaang-maangan si McKinley nang sabihin
niyang hindi niya malaman kung ano ang gagawin sa Pilipinas. Sinabi niya mismo sa harapan ng delegasyon
ng mga Metodistang dignitaryo noong 1903 na ang desisyon sa aneksasyon ng Pilipinas ay hindi naging
madali para sa kanya. Ito ang pahayag ni McKinley sa nasabing delegasyon:

When next I realized that the Philippines had dropped into our laps I confess I did not know what to do with
them. I sought counsel from all sides – Democrats as well as Republicans – but got little help. He then
exclaimed, ‘One night late it came to me this way – I don’t know how it was, but it came: (1) That we could
not give them back to Spain – that would be cowardly and dishonorable; (2) that we could not turn them over
to France or Germany – our commercial rivals in the Orient – that would be bad business and discreditable;
(3) that we could not leave them to themselves – they were unfit for self-government – and they would soon
have anarchy and misrule over there worse than Spain’s was; and (4) that there was nothing left for us to do
but to take them all, and to educate the Filipinos, and uplift and civilize and Christianize them, and by God’s
grace do the very best we could by them, as our fellow-men for whom Christ also died. And then I went to
bed, and went to sleep, and slept soundly, and the next morning I sent for the chief engineer of the War
Department (our mapmaker), and I told him to put the Philippines on the map of the United States [pointing
to a large map on the wall of his office], and there they are, and there they will stay while I am President.’

Matapos lagdaan ng mga kinatawan ng Espanya at Estados Unidos ang Kasunduan ng Paris, si
McKinley ay naglathala ng pahayag noong Disyembre 21, 1898 na mananatili ang Estados Unidos sa
Pilipinas upang pamahalaan ito. Ang pahayag na ito ay kilala sa tawag na Proklamasyong Benevolent
Assimilation. Maliwanag na ang layon ay gawing kolonya ang Pilipinas, at tungod dito’y inatasan ni
McKinley ang mga kumander na Amerikano sa Pilipinas na palawakin ang kapangyarihang Amerikano sa
pamamagitan ng dahas.
Bilang tugon sa proklamasyon ni McKinley, ang Pangulong Emilio Aguinaldo ay naglathala ng kanyang
proklamasyon noong Enero 5, 1899 na nagsasabing ang kanyang “pamahalaan ay handing
makipagsukatan ng lakas kung magtatangka ang mga tropang Amerikano na kunin ang Kabisayaan sa
pamamagitan ng dahas.” Dugtong pa ni Aguinaldo, “sa harap ng daigdig ay tinutuligsa ko ang gawang ito
ng mga Amerikano upang hatulan ng budhi ng sangkatauhan kung sino ang tunay na nang-aapi ng mga
bansa at nagpapahirap sa sangkatauhan.” Tinuligsa at nagalit ang mga Pilipino sa proklamasyon at sinabi
ng pahayagang La Independencia na yao’y isa lamang “lalang upang patahimikin ang bayang Pilipino nang
pansamantala hangga’t hindi pa napaiiral ang mga hakbang na magsasakatuparan sa mga kasuklam-
suklam na paraang ginamit ng Espanya” sa Pilipinas.
Bago tunghayan ang buong teksto ng proklamasyon ni McKinley, basahin muna ang mga sumusunod
na gabay na tanong.

5
Mga Gabay na Tanong:

1. Ayon kay Pangulong McKinley, ano ang naghikayat sa kanya na magdesisyong i-aneks ang
Pilipinas sa Estados Unidos?
2. Paano ipinakilala ng Proklamasyong Benevolent Assimilation ang mga intensyon ng Estados
Unidos sa Pilipinas? Isa-isahin ang mga ito.
3. Bakit pinamagatang “Benevolent Assimilation” ang nasabing dokumento?
4. Tukuyin ang mga direktang salita mula sa dokumento na nagpapahayag nang magiging
kahihinatnan kapag tumanggi ang mga Pilipino sa aneksasyon ng kanilang bansa sa Amerika.

5. Bilang mga Pilipino sa kasalukuyang panahon, ano ang reaksyon n’yo nang malaman n’yo ang
tungkol sa Proklamasyong Benevolent Assimilation na ito ni William McKinley?

Isang pangungusap mula sa Proklamasyong Benevolent Assimilation ni McKinley.


Hinango mula sa google.

Ang Teksto ng Proklamasyong Benevolent Assimilation ni William McKinley ng Estados


Unidos1
Executive Mansion, Washington, December 21, 1898

The destruction of the Spanish fleet in the harbor of Manila by the United States naval squadron
commanded by Rear-Admiral Dewey, followed by the reduction of the city and the surrender of the Spanish

1
James H. Blount, The American Occupation of the Philippines, 1898-1912 (New York and London: The
Knickerbocker Press, 1913), 147-150. Maraming beses nang nailathala ang proklamasyong ito sa iba’t ibang
publikasyon ng gobyernong Estados Unidos, halimbawa sa War Department Report, 1899, vol. 1., pt. 4, 355-356 at
Senate Document 208, 56th Congress, 1st Session (1900), 82-83.

6
forces, practically effected the conquest of the Philippine Islands and the suspension of Spanish sovereignty
therein. With the signature of the treaty of peace between the United States and Spain by their respective
plenipotentiaries at Paris on the loth instant, and as a result of the victories of American arms, the future
control, disposition, and government of the Philippine Islands are ceded to the United States. In the
fulfilment of the rights of sovereignty thus acquired and the responsible obligations of government thus
assumed, the actual occupation and administration of the entire group of the Philippine Islands becomes
immediately necessary, and the military government heretofore maintained by the United States in the
city, harbor, and bay of Manila is to be extended with all possible despatch to the whole of the ceded
territory. In performing this duty the military commander of the United States is enjoined to make known
to the inhabitants of the Philippine Islands that in succeeding to the sovereignty of Spain, in severing the
former political relations, and in establishing a new political power, the authority of the United States is to
be exerted for the securing of the persons and property of the people of the islands and for the confirmation
of all their private rights and relations. It will be the duty of the commander of the forces of occupation to
announce and proclaim in the most public manner that we come not as invaders or conquerors, but as
friends, to protect the natives in their homes, in their employments, and in their personal and religious
rights. All persons who, either by active aid or by honest submission, cooperate with the Government of
the United States to give effect to these beneficent purposes Mall receive the reward of its support and
protection. All others will be brought within the lawful rule we have assumed, with firmness if need be, but
without severity, so far as possible. Within the absolute domain of military authority, which necessarily is
and must remain supreme in the ceded territory until the legislation of the United States shall otherwise
provide, the municipal laws of the territory in respect to private rights and property and the repression of
crime are to be considered as continuing in force, and to be administered by the ordinary tribunals, so far
as practicable. The operations of civil and municipal government are to be performed by such officers as
may accept the supremacy of the United States by taking the oath of allegiance, or by officers chosen, as
far as practicable, from the inhabitants of the islands. While the control of all the public property and the
revenues of the state passes with the cession, and while the use and management of all public means of
transportation are necessarily reserved to the authority of the United States, private property, whether
belonging to individuals or corporations, is to be respected except for cause duly established. The taxes
and duties heretofore payable by the inhabitants to the late government become payable to the
authorities of the United States unless it be seen fit to substitute for them other reasonable rates or modes
of contribution to the expenses of government, whether general or local. If private property be taken for
military use, it shall be paid for when possible in cash, at a fair valuation, and when payment in cash is not
practicable, receipts are to be given. All ports and places in the Philippine Islands in the actual possession
of the land and naval forces of the United States will be opened to the commerce of all friendly nations. All
goods and wares not prohibited for military reasons by due announcement of the military authority will
be admitted upon payment of such duties and other charges as shall be in force at the time of their
importation. Finally, it should be the earnest wish and paramount aim of the military administration to
win the confidence, respect, and affection of the inhabitants of the Philippines by assuring them in every
possible way that full measure of individual rights and liberties which is the heritage of free peoples, and
by proving to them that the mission of the United States is one of substituting the mild sway of justice and
right for arbitrary rule. In the fulfilment of this high mission, supporting the temperate administration of
affairs for the greatest good of the governed, there must be sedulously maintained the strong arm of
authority, to repress disturbance and to overcome all obstacles to the bestowal of the blessings of good
and stable government upon the people of the Philippine Islands under the free flag of the United States.

William McKinley

7
III. Ang Batas Bilang 518 o Brigandage Law of 1902
Mga Gabay na Tanong:

1. Ano ang tiyak na pagpapakahulugan ng Batas Bilang 518 (Brigandage Law of 1902) sa
konsepto ng “bandido” o “tulisan” at ang kaakibat na mga parusa ugnay nito? Ibatay ang sagot
sa mga seksyong pumapaloob sa nasabing batas.
2. Paano nakaapekto ang Batas Bilang 518 sa mga Pilipino lalong-lalo na doon sa mga nagpatuloy
sa laban ng kalayaan ng Pilipinas na nagsimula pa noong 1896?
3. Sa inyong palagay, may katuwiran ba ang mga Amerikano sa pagpapairal/pagpapatupad nila
ng batas na ito?
4. Bilang mga Pilipino sa kasalukuyang panahon, ano ang reaksyon n’yo nang malaman n’yo ang
tungkol sa Batas Panunulisan ng 1902?

Naisabatas noong Nobyembre 12, 1902, ang Batas Bilang 518 na kilala rin sa tawag na Brigandage
Law of 1902 (Batas Panunulisan ng 1902), katulad ng iba pang mapanupil na batas ay ginamit ng mga
Amerikano upang supilin at wakasan ang nagtataguyod ng kalayaan at anumang rebolusyonaryong gawain
sa Pilipinas. Itinuring na pambabandido ang paglabang gerilya. Ipinagbawal nito ang pagnanakaw sa mga
daanan at panunulisan sa kapuluan. Itinakda ng batas ang parusang pagkabilanggo at kamatayan sa
sinumang tumulong o kumupkop o maging kasapi sa isang armadong pangkat na bandido o tulisan.
Pagkatapos nang malawakang pagsuko at pagkamatay ng mga pangunahing rebolusyonaryong heneral na
nakipaglaban sa mga mananakop na Amerikano sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano, itinuring ng
kolonyal na pamahalaan ng Estados Unidos na “bandolerismo” o “panunulisan” ang mga gawaing may
kinalaman sa pagtataguyod ng kalayaan ng mga Pilipino. Tunghayan sa ibaba ang hinangong teksto mula
sa nasabing batas.

Act No. 518, November 12, 1902


AN ACT DEFINING HIGHWAY ROBBERY OR BRIGANDAGE, AND PROVIDING FOR THE PUNISHMENT
THEREFOR.

By authority of the United States, be enacted by the Philippine Commission, that:


SECTION 1. Whenever three or more persons, conspiring together, shall form a band of robbers
for the purpose of stealing carabao or other personal property, by means of force and violence, and shall
go out upon the highway or roam over the country, armed with deadly weapons for this purpose they shall
be deemed highway robbers or brigands, and every person engaged in the original formation of the band,
or joining it thereafter, shall, upon conviction thereof, be punished by death or imprisonment for not less
than twenty years, in the discretion of the court.
SECTION 2. To prove the crime described in the previous section, it shall not be necessary to adduce
evidence that any member of the hand has in fact committed robbery or theft, but it shall be sufficient to
justify conviction thereunder if, from the circumstances, it can be inferred beyond reasonable doubt that
the accused was a member of such an armed band as that described in said section.
SECTION 3. Persons guilty of the crime defined in section one may be punished therefor in the
Court of First Instance in any province; in which they may be taken or from which they may have fled.
SECTION 4. Every person knowingly aiding or abetting such a band of brigands as that described
in section one by giving them information of the movement of the police or constabulary, or by securing
stolen property from them, or by procuring supplies of food, clothing, arms, or ammunition and furnishing
the same to thorn shall upon conviction, be punished by imprisonment for not less than ten years and not
more than twenty years…

8
Enacted, November 12, 1902.
Source: Act No. 518 (Brigandage Law of 1902)

Itinala ng pahayagang Hawaiian Gazette ang parusang kamatayan para sa mga tinaguriang
bandidong Pilipino gaya nina Macario Sakay (pangalawa mula sa kanan), Julian Montalan, Francisco
Carreon, Lucio de Vega, Benito Natividad, at Leon Villafuerte. Hinangong larawan mula sa google.

IV. Batas Bilang 1696 o Flag Law of 1907


Mga Gabay na Tanong:

1. Ano ang mga isinasaad ng Batas Bilang 1696 (Flag Law of 1907) at ang mga kaakibat na
kaparusahan kapag nilabag ito?
2. Sa inyong palagay, nasupil nga ba ng Batas Bilang 1696 ang nasyonalismong Pilipino? Bakit? Bakit
hindi?
3. May katuwiran ba ang mga Amerikano sa pagpapairal/pagpapatupad nila ng batas na ito?
4. Bilang mga Pilipino sa kasalukuyang panahon, ano ang reaksyon n’yo nang malaman n’yo ang
tungkol sa Batas Bandila ng 1907?

Noong Agusto 1907, ilang buwan bago ang pormal na pagpapasinaya ng mababang kapulungan
ng lehislatura ng Pilipinas na bubuuin ng pawang Pilipinong mga mambabatas, isa pang mapanupil na
batas ang ipinasa ng Komisyon ng Pilipinas (All-American Philippine Commission). Ito ay walang iba kundi
ang Batas Bilang 1696 o Flag Law of 1907 na nagbabawal sa mga Pilipinong iladlad ang bandila ng Pilipinas
kasama na ang mga bandila ng Katipunan. Tunghayan sa ibaba ang buong teksto ng nasabing batas.

Act No. 1696, August 23, 1907


AN ACT TO PROHIBIT THE DISPLAY OF FLAGS, BANNERS, EMBLEMS, OR DEVICES USED IN THE
PHILIPPINE ISLANDS FOR THE PURPOSE OF REBELLION OR INSURRECTION AGAINST THE AUTHORITY
OF THE UNITED STATES AND THE DISPLAY OF KATIPUNAN FLAGS, BANNERS, EMBLEMS, OR DEVICES,
AND FOR OTHER PURPOSES.

By the authority of the United States, be enacted by the Philippine Commission, that:

9
SECTION 1. Any person who shall expose, or cause or permit to be exposed, to public view on his
own premises, or who shall expose, or cause to be exposed, to public view, either on his own premises or
elsewhere, any flag, banner, emblem, or device used during the late insurrection in the Philippine Islands
to designate or identify those in armed rebellion against the United States, or any flag, banner, emblem,
or device used or adopted at any time by the public enemies of the United States in the Philippine Islands
for the purposes of public disorder or of rebellion or insurrection against the authority of the United States
in the Philippine Islands, or any flag, banner, emblem, or device of the Katipunan Society, or which is
commonly known as such, shall be punished by a fine of not less than five hundred pesos nor more than
five thousand pesos, or by imprisonment for not less than three months nor more than five years, or by
both such fine and imprisonment, in the discretion of the court.
SECTION 2. Any person or persons having charge of any banquet, public entertainment, public
meeting, or reunion, or any parade, procession, or review, who shall display, or cause or permit to be
displayed, at such banquet, public entertainment, public meeting, or reunion, or in such parade,
procession, or review, or who shall expose, or cause to be exposed, to public view any flag, banner, emblem
or device used during the late insurrection in the Philippine Islands to designate or identify those in armed
rebellion against the United States, or any flag, banner, emblem or device used or adopted at any time by
the public enemies of the United States in the Philippine Islands for the purposes of public disorder or of
rebellion or insurrection against the authority of the United States in the Philippine Islands, or any flag,
banner, emblem or device of the Katipunan Society, or which is commonly known as such, shall be punished
by a fine of not less than five hundred pesos nor more than five thousand pesos, or by imprisonment for
not less than three months nor more than five years, or by both such fine and imprisonment, in the
discretion of the court.
SECTION 3. It shall be unlawful for any person to expose, or cause or permit to be exposed, to
public view on his own premises, or expose, or cause to be exposed to public view either on his own
premises or elsewhere, or to display or cause to be displayed at any banquet, public entertainment,
meeting, or reunion, or in any parade, procession, or review, or for any person having charge of such
banquet, public entertainment, meeting, or reunion, or of such parade, procession, or review, to permit to
be displayed or exposed to public view any flag or banner the use or display of which is prohibited by the
executive order of the Governor-General. Any person who shall violate the provisions of this section shall
be punished by a fine of not less than five hundred pesos nor more than five thousand pesos, or by
imprisonment for not less than three months nor more than five years, or by both such fine and
imprisonment, in the discretion of the court: provided, however, that nothing in this section contained,
shall be construed to authorize the Governor-General to permit the use or display of any flag, banner,
emblem, or device whose use, display, or exposition to public view is prohibited by the preceding sections
of this Act.
SECTION 4. Any person who shall wear, use, or expose to public view in any parade, procession, or
review any uniform or dress, or part thereof, adopted or used during the late insurrection in the Philippine
Islands to designate or identify those in armed rebellion against the United States, or any uniform or dress,
or part thereof, adopted or used at any time by the public enemies of the United States in the Philippine
Islands for the purposes of public disorder or of rebellion or insurrection against the authority of the United
States in the Philippine Islands, shall be punished by a fine of not less than five hundred pesos nor more
than five thousand pesos, or by imprisonment for not less than three months nor more than five years, or
by both such fine and imprisonment, in the discretion of the court.
[…]
Enacted, August 23, 1907.
Source: Act No. 1696 (Flag Law of 1907)

10
Ang orihinal na Bandila ng Pilipinas na dinisenyo ng Junta Patriotica sa Hongkong at sa pakiusap ng
Pangulong Emilio Aguinaldo. Tinahi ito nina Doña Marcela Marino Agoncillo (kabiyak ng unang
diplomat na Pilipino na si Felipe Agoncillo); Delfina Herbosa-Rizal de Natividad (pamangkin ni Dr.
Jose Rizal); at Lorenza Marino Agoncillo, ang pitong taong gulang na panganay ni Marcela na
marunong nang manahi. Dala na ito ni Aguinaldo noong Mayo 17, 1898 sa kanyang pag-uwi
patungong Pilipinas lulan ng barkong McCulloch.

Mga Selyong “Evolution of the Philippine Flag,” 1972.


Gayunpaman, hindi ebolusyon ng bandila ng Pilipinas ito kundi mga bandila ng Rebolusyong
Pilipino. Nagpapakita ito ng iba’t ibang bandila ng mga balanghay ng Katipunan. Sa katunayan,
marami pa ang hindi naisama sa serye ng commemorative postage stamp na ito noong Hunyo 12,
1972. Kasama sa ipinagbawal na iladlad ng mga Pilipino ang mga bandila ng Katipunan noong
panahon ng pananakop ng mga Amerikano.

Paglalagom
Pistaym (peacetime) kung alalahanin at ikuwento ng mga matatanda ang panahon pagkatapos
lantaran sakupin ng Estados Unidos ang Pilipinas hanggang bago maganap ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. Para bang paraiso ang Pilipinas ayon sa kuwento ng henerasyong iniluwal ng panahong ito.
Wala nang tatalo pa sa pamumuhay sa ilalim ng mga Amerikano.

11
Ganito ang naging kaisipan ng nakararami dahil sadyang ipinalimot, binaluktot, at binale-wala ng
Estados Unidos ang maraming pangyayari mula 1898 upang pagtibayin ang pag-agaw nito sa kalayaan ng
Pilipinas. Dahil nakontrol ng mga Amerikano ang mga pinunong Pilipino, mga elite, at mga institusyon
pagkatapos mahuli ang Pangulong Emilio, hindi nailantad ang mga kalupitan at kabagsikang ipinamalas ng
mga mananakop na Amerikano sa kanilang unang dekadang pamamahala sa kapuluan.
Sa kabila ng mga pahayag ng pakikipagkaibigan at pagtulong, mabilis na nalantad ang tunay na
imperyalistang interes ng Estados Unidos sa Pilipinas. May panlilinlang na nakipag-ayusan ang Estados
Unidos sa talunang Espanya at pagkatapos ay marahas na sinakop ang bansa. Ginamit ng mga mananakop
na Amerikano ang batas habang mahusay na inilunsad ang kampanyang militar at propagandang
sikolohikal para supilin ang nagtataguyod ng kalayaan sa iba’t ibang paraan. Maliban sa dalawang mapaniil
na batas na tinalakay sa modyul na ito, ilang batas pa ang ipinasa at ipinatupad ng Komisyon ng Pilipinas
(All-American Philippine Commission) gaya ng Sedition Law of 1901 na naghahayag na isang kataksilan sa
Estados Unidos ang manawagan ng kalayaan sa panahon ng giyera at Reconcentration Law of of 1903 na
puwersahang pinatira sa mga hamlet o kampo ang mga magsasaka upang matigil na ang tulong at suporta
ng mga ito sa mga rebolusyonaryo dahil mababantayan na ang kanilang mga kilos.
Puwersahang kumuha ng impormasyon ang mga tropang Amerikano ukol sa mga gerilya sa
pamamagitan ng pagtortyur sa mga nadakip, totoo mang gerilya o pinaghihinalaan. Karaniwang iniuugnay
ang mga pagmamalupit na ganito sa panahon ng Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, subalit
hindi nakintal sa isip ng maraming Pilipino ang ganitong mga pangyayari noong panahon ng pananakop
ng Estados Unidos dahil sa inilunsad na propagandang pampolitika at edukasyong kolonyal.

Pagpapaganang Pagtataya
Pagtalakay sa Paksa (25 puntos)
• Pumili lamang ng isang tanong na sasagutan. Ikaw ay mamarkahan sa pamamagitan ng rubrik na
nasa Schoolbook.
1. Bakit sinakop ng Estados Unidos ang Pilipinas? Makatwiran ba ang ganitong pananakop nila?
2. Ipaliwanag ang tunay na kahulugan ng Proklamasyong Benevolent Assimilation ni McKinley. Ano
ang naging reaksyon ng mga Pilipino sa pahayag ni McKinley? Ni Aguinaldo?
3. Talakayin ang nilalaman ng Batas Bilang 518 (Brigandage Law of 1902). Kung ikaw ay nabubuhay
sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano, ano ang magiging reaksyon mo sa batas na ito?
4. Bilang isang Pilipino, gumawa ng isang repleksyon ugnay sa ipinahahayag ng Batas Bilang 1696
(Flag Law of 1907).
5. Bakit hindi gaanong nailantad sa kasaysayan ng Pilipinas ang pagmamalupit ng mga Amerikano sa
mga Pilipino?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

12
Mga Sanggunian

Ambrosio, D. L. at F. C. Abaya-Ulindang. (2005). “Pagpapatuloy ng diwa ng bayan.” Kasaysayang bayan:


Sampung aralin sa kasaysayang Pilipino. Ikalawang Edisyon. ADHIKA ng Pilipinas, Inc.

Agoncillo, T. A. (1980). Ang Pilipinas at ang mga Pilipino noon at ngayon. Ikalawang Edisyon. Lungsod
Quezon: Garotech Publishing.

Blount, J. H. (1913). The American occupation of the Philippines, 1898-1912. New York and London: The
Knickerbocker Press.

Gripaldo, E. M. et al. (2005). Kasaysayan ng Filipinas at mga institusyong Filipino. Lungsod Quezon: Sentro
ng Wikang Filipino-Diliman, Unibersidad ng Pilipinas.

13

You might also like