You are on page 1of 5

Project Proposal

Title:Proyektong Paglilinis ng Baradong Kanal

Organisasyon: Clogging Gutter Cleaner


Petsa: Ika-1 ng Oktubre taong 2023
Haba ng panahong gugugulin: 1 buwan
Lugar: Bayog Los Baños Laguna

Panimula
Baradong kanal ang nagiging sanhi ng pagbaha sa ating Lungsod. Ang dahilan ay
ang mga basurang hindi naitatapos sa tamang tapunan. Katulad na lamang ng
plastic at styro foam na hindi nabubulok na bumabara sa daluyan ng ating tubig. Ang
pagbaha ay laganap na nararanasan ng ating mga kababayan lalo na kung may
kalamidad o bagyo sa ating bansa. Ito ay dahil na rin sa mga pasaway na ibang
mamamayan na hindi sumusunod sa polisiyang tamang pagtatapon ng basura.
Paano nga ba natin mabibigyan ng soluyon ang pagbaha sa ating Lungsod gayong
ito ay isang natural na kalamidad?
Unang naisip ng mga may akda ay magkaroon ng malawakang clean-up drive. Ang
rason kung bakit ito ang naisip na solusyon ng mga may akda ay upang maiwasan
ang pagkakaroon ng baradong kanal at ang mabilis na pagbaha sa mabababang
lugar na nagiging resulta ng hindi maayos na pagkakatapon ng mga basura.

1|Page
Nilalaman
Abstrak ……………………………………………………………………………… 3
Konteksto ……………………………………………………………………………… 3
Katwiran ng Proyekto ………...……………………………………………………… 4
1. Pagpapahayag sa Suliranin
2. Prayoridad na Pangangailangan
3. Interbensyon
4. Mag-iimplementang Organisasyon
Layunin ……………………………………………………………………………… 5

2|Page
Abstrak
Ang proyektong ito ay naglalayong maiwasan ang mga sakit na naidudulot ng mga
baradong kanal. Ito ay maaring maging sanhi ng baha, maaring makakuha ka ng
sakit dahil sa baha katulad na lamang ng leptospirosis at dengue. Ito din ay isang
hakbang na naglalayong maiwasan ang pagbaho ng ating mga kanal. Kaya dapat
nating panatilihing malinis ang ating kapaligran lalong lalo na ang ating mga kanal o
daluyan ng tubig.

Konteksto
Madaming probelma ang kinakaharap ng ating bansa. Isa na rito ang pagkakaroon
ng baradong kanal dahil sa mga basurang itinatapon sa kalsada. Ito ang nagiging
sanhi ng pagbaha sa mga lugar kahit na madami ang naglalagay ng mga babala o
karatula na bawal magtapon ng basura sa isang lugar. Gayunpaman, mayroon pa
din na nagtatapon. Maaari nating masolusyunan ang pagbaha kung sama sama
natin itong pagtutulungan linisin. Disiplina ang ating kailangan upang hindi na
magtapo ng basura kung saan saan. Lalong lalo na ating mga kanal uang hindi na
tayo makaranas ng pagbaha ang ating Lungsod o ang ibang lugar.

3|Page
Katwiran ng Proyekto
1.Pagpapahayag sa Suliranin
- Nakikita naming na ang mga lungsod ay laging binbaha at nabaho. Ang mga taong
nag tatapon ng basura kung saan saan ang nagiging dahilan ng pag bara ng mga
kanal. Sa pag baha at bara ng kanal ay maaari tayong maka kuha ng sakit.
2.Prayoridad na Pangangailangan
- Isasagawa ang proyektong ito sa isang barangay na kakaunti ang basurahan at
mababaw ang kanal. Dahil dito, tuwing may malakas na ulan ay nag babaha ang
kanilang lugar. Ang mga tao ay kung saan saan nag tatapon dahil wala sila
masyado makita na basurahan sa lugar na iyon. Kung kaya naman ang pag tatapon
nila nang basura ang nag sasanhi ng pag bara at pag baho ng kanal.
3.Interbensyon
- Kung mag tatapon tayo kung saan saan ay magkakaroon ito ng epekto ng pag
baha na kung saan ay maari tayo maka kuha ng sakit na leptospirosis. Ito ay isang
uri ng seryosong impeksyong sanhi ng bakteryang nag mumula sa ihi ng hayop.
4. Mag-iimplementang Organisasyon
- Ang organisasyong mag-implementa sa proyektong ito ay ang clogging gutter
cleaner na kinabibilangan ng anim na katao na sina Emanuel Santos,Leizceljoyce
Velasco,Mirachey Oro, Angel Biñan, Matthew Binamira at si Johannes Naredo. Ang
pangalan ng kanilang organisasyon ay nakuha nila sa mga baradong kanal. Silang
anim ang nagtatag ng organisasyong ito sapagkat pareho ang kanilang gusto na
malinis ang kapaligiran natin, kung kaya't kanilang napag desisyonan na magtatag
ng aksyon sa suliraning kanilang nakikita. Kasama ng clogging gutter cleaner ang
sangay ng gobyerno na naaangkop sa panukalang ito tulad na lamang ng
Department of Environment and Natural Resources(DENR).

4|Page
Layunin
- Pag-iwas sa Baha: Ang malinis na mga kanal ay nakakatulong sa pag-alis ng tubig
mula sa kalsada at mga pook ng tahanan, na nag papabawas sa pag kakaroon ng
baha sa mga lugar na prone dito.

- Pag-iwas sa Pagkalat ng Sakit: Ang mga maruming kanal ay maaaring maging


breeding ground ng mga lamokat iba pang mga disease-carrying pest. Sa pamagitan
ng paglilinis, mapipigilan natin ang pagkalat ng sakit tulad ng dengue at
leptospirosis.

- Pagpapabuti sa Kalusugan ng Komunidad: Ang mga baradong kanal ay maaring


mag dulot ng maruming hangin at amoy na maaring maka apekto sa kalusugan ng
mga taong nakatira malapit dito. Ang paglilinis ay nagpapabuti sa kalidad ng hangin
at pangkalahatang kalusugan ng komunidad.

5|Page

You might also like