You are on page 1of 2

#SerbisyoPubliko #BatasHindiDahas ⚖️- PAANO PO BA ANG TAMANG PROSESO NG PANININGIL

NG UTANG?
1. Padalahan ng DEMAND LETTER. Demand is necessary because under Article 1169 of the Civil Code,
walang demand, walang delay, unless nasa contrata niyo na due and demandable na ang utang without
need for demand.
Note: Kung walang budget sa abogado, send a demand letter na gawa mo, bigyan mo ng deadline;
pwede agaran na ang demand o bigyan mo ng ilang days within which to make the payment. Pwede din
as simple as text message or message sa FB na ma "seen" niya. Bastat kailangan alam niya na naniningil
ka. Pwede din oral demand, syempre magsama ka ng witness to help prove that there was already
demand.
GENTLE REMINDER: Huwag po ipapahiya sa social media ang may utang. Sasabihing swapang,
masamang tao, "walang-hiya," scammer, o kung ano ano pa, at baka ma cyber libel ka pa. Huwag
ipapahiya sa publiko, wag mag sigaw sigaw sa kanto at mag mura ng mag mura. Huwag din sapilitang
kukuhanin ang property ng may utang. May krimen ang mga iyan. So, behave. Formal lang and in good
faith lagi. Pwede namang maningil ng hindi ka nakagagawa ng krimen. Sundin ang proseso ng batas.
Huwag isa kamay (huwag isa-bibig🙄) ang batas, please lang. Nasa huli ang pag sisisi. Ikaw na nga di
nabayaran, dahil sa emosyon mo, naka gawa ka pa ng krimen. Follow the correct procedures, okay?
Good.
2. Kapag ayaw pa rin magbayad, syempre idemanda mo na. Pero if you live within the same City or
Municipality, or Barangay, file a complaint first sa Barangay. Section 409 (b) provides: Those involving
actual residents of different barangays within the same city or municipality shall be brought in the
barangay where the respondent or any of the respondents actually resides, at the election of the
complainant.
Note: Kapag may failure to reconcile, ask certificate to file action. Importante ito. Ang tawag dito ay
condition precedent. Maaring ma-dismiss ang kaso mo kapag hindi ito natupad.
*Kapag hindi kayo parehas ng City or Minicipality, diretso na sa Korte. Hindi na kailangan dumaan sa
Barangay.
3. NOW COMES INTO THE PICTURE, THE COURT.
1. SMALL CLAIMS (Sa Municipal Trial Court/METC/MTCC ito). Ito yung commonly na naririnig ninyong
"Small Claims Court." It is still the first level court, pero using the procedure on Small Claims. - If the utang
does not go beyond 1 million pesos. File ka lang ng "Small Claims" complaint mo sa MTC/METC/MTCC)
na nakasasakop kung saan ka nakatira o saan nakatira yung may utang. The Clerk will help you there,
may form, ifi-fill out mo. Pay the minimal docket fee. Padadala ang summons. 1 day lang ang hearing dito.
Super bilis ng Small Claims procedure. Ang desisyon dito, UNAPPEALABLE, final and executory. Bawal
ang abogado dito, so kayo kayo lang talaga diyan sa hearing. Again, walang MOTION FOR
RECONSIDERATION, AT WALA DIN APPEAL PAG UNDER SMALL CLAIMS. Final and executory ang
desisyon dito. So be ready to provide your pieces of evidence na klarong klaro ang claims mo. Kapag
natalo ka, certiorari lang ang makakapagkwestyon sa desisyon ni Judge.
2. ORDINARY (REGULAR) CIVIL PROCEDURE -
Note: If the utang exceeds 1 million pesos but not over 2 million, under Summary Procedure ito (hindi na
Small Claims), pero if it exceeds 2M, ordinary civil procedure ang ipa-follow, automatic.
Pwede din na hindi Small Claims kapag lower than 1M, ang benefit ng hindi Small Claims procedure,
kapag natalo ka, pwedeng mag MOTION FOR RECONSIDERATION AT PWEDENG MAG APPEAL.
Tulad ng nasabi sa itaas, hindi available ang MR at Appeal sa Small Claims.
Syempre kapag Ordinary Civil Procedure ito, o kahit na doon sa Summary Procedure, kailangan mo ng
abogado dito, but you can litigate naman if you know the procedures. Of course, it is not recommended to
litigate without your lawyer (except sa Small Claims Procedure) dahil kahit matalino ang tao, kapag di siya
bihasa sa Rules, ay maari siyang matalo.
The Complaint will be filed, at the same time, pay the docket fees. Tapos ayun, padadalahan na ng
summons ang defendant.
(Pwedeng mag pray ng grant of damages especially in bad faith si creditor. Note also that interest rates
will be valid only if written. Pero mayroon default, 6% per annum in case hindi applicable ang interest rate
na napagkasunduan. If the interest rate is too high but it is written, pwede pababain ng korte.
The principal remains the same even if the interest rate is declared void.)
Ayan, ganyan mag initiate ng COLLECTION SUM OF MONEY CASE.
Nawa ay nakatulong.
Love,

Atty. Rob Gozun ⚖️

⚖️GOZUNLAW

🏢927 G/F Phoenix Bldg.,


Quezon Avenue, Quezon City
📲0949 832 4274

☎️02-7004-7106

P.S. Sa mga may utang, aba naman, utang iyan, bayaran. Kahit pa unti unti ay bayaran ang utang. Hindi
naman pinulot sa lupa ng tao ang perang pinahiram sa iyo. Tao sa tao dapat. Wag yung kayo pa ang galit
kapag sinisingil o idinedemanda. Sa ibang bansa ang nagkaka-utang, halos di makatingin sa pinagkaka
utangan kapag hindi nakakabayad. Dito, parang masamang tao pa yung nangungutang... Sila pa
nagmamaka-awa na bayaran. Wag ganon. Ang utang, ang very nature niyan ay binabayaran talaga.
Show good faith, kung di kaya nang buo ay makiusap at religiously pay naman kahil installment. Kapag in
"bad faith" ka sa hindi pagbabayad, maari din na ipa-bayad sayo ng Korte ang Attorney's fees, and other
damages na na incur ng naningil sayo, as the case may be. So mas magagastusan ka pa lalo. Saka
nakakahiya kapag ineexcute na ang judgment. I-garnish ang pera mo sa bangko, kung wala sa bangko,
ia-attach ang personal properties mo. Kung di sasapat iyon, pwede pa i-levy ang iyong lupa at bahay. So
magbayad ka na lang ng maayos, diba?
Ngayon sa mga may pautang, hindi niyo alipin ang may utang sa inyo, tao pare parehas, pantay lang.
Huwag silang ipapahiya dahil masama iyon. Kumikita ka din naman sa interest, if may interest. Tao sa tao
dapat. Yan lang ang prinsipyo ko: TAO SA TAO. Observe good behavior and goodwill. Yun lang. Periodth.
Lab u oil

You might also like