You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Caraga Region
Division of Surigao del Sur
District of Lanuza
AGSAM INTEGRATED SCHOOL

MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 10


Ikatlong Markahan/Ikatlong Linggo

I. LAYUNIN
 Pamantayang Pangnilalaman:
Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa:
sa kahalagahan ng pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang perspektibo na may
kaugnayan sa samu’t saring isyu sa gender
 Pamantayan sa Pagganap:
Ang mga mag-aaral ay:
nakabubuo ng dokyumentaryo na nagsusulong ng paggalang sa karapatan ng mga
mamamayan sa pagpili ng kasarian at sekswalidad
 Kasanayan sa Pagkatuto:
*Natatalakay ang mga uri ng kasarian (gender) at sex at gender roles sa iba’t ibang
bahagi ng daigdig (AP10IP-IIIa-b)

Layunin :
K - natataya ang bahaging ginagampanan ng kasarian (gender roles) sa lipunan at
ibat-ibang larangan;
S – nakapagsasaliksik ng gender roles ng kababaihan at kalalakihan sa iba’t ibang
panahon ng kasaysayan ng bansa; at
A - napapahalagahan ang gender roles sa kasalukuyang panahon sa pamayanan at
bansa.

II. NILALAMAN :

A. Aralin/Paksa : Gender Roles sa Pilipinas

III. KAGAMITANG PAMPAGKATUTO

A. Sanggunian : LAS sa Araling Panlipunan 10, Q3/W3


B. Iba pang Kagamitang Panturo:
Mga larawan ng iba’t ibang gawain o trabaho, powerpoint presentation,
mga colored papers strips, aklat, modyul

IV. PAMAMARAAN

Panimulang Gawain
Panalangin (Simulan ang klase ng panalangin na pangungunahan ni ______)
Pagtala ng Liban ( Lahat ba ay pumasok o may mga lumiban ba sa klase ngayon?)
*Lahat po ay pumasok maam at wala pong lumiban sa klase ngayon.
*Mabuti para ang lahat ay matuto sa leksyon natin ngayon.

Mga Paalala:
*Itaas ang kamay at sabihin ang mga kailangan.
*Maging magalang sa guro at mga kaklase.
*Makinig at iwasan ang pagsagot kung hindi tinawag.
*Makilahok ng masaya sa mga gawain para matuto.

Agsam, Lanuza, Surigao del Sur

https://facebook.com/agsamIS
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Region
Division of Surigao del Sur
District of Lanuza
AGSAM INTEGRATED SCHOOL

*Irespeto ang mga sagot ng mga kaklase, tama man oo my kakulangan.

Balik-Aral:
Pagtatanong tungkol sa pagkakaiba ng sex at gender.
 Ano ang pagkakaiba ng sex at gender?
Ayon sa World Health Organization (2014), ang sex ay tumutukoy sa biyolohikal at
pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki.
Samantalang ang gender naman ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos,
at gawain na itinatakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki.

Unlocking of difficulties:
*gender roles
 Ang terminong “gender roles” ay nagmula kay John Money noong 1955 habang
kanyang pinag-aaralan ang pagkakaiba-iba ng kasarian upang ilarawan ang kilos at
gawi ng mga tao bilang babae at lalaki sa mga sitwasyon kung saan walang “biological
assignment” na umiiral.

Pangganyak:
Sino sa inyu ang nglalaba ng mga damit sa bahay?
Nghuhugas ng pinggan o pinagkainan? *
Namamalantsa ng mga uniporme?

*Ngayon suriin ninyo


ang nasa larawan.

*Ano ang ginagawa ng lalaki?


*Bakit kaya siya ang nglalaba ng
mga damit?
*Ano ang masasabi mo sa lalaking
gumagawa ng ganitong gawaing
bahay?
*Nakakabawas ba ng pagkalalaki
ang paglalaba?

Ngayon para mas mapalalim ang ating matututunan, narito ang ating susunod na gagawin.

Paglalahad ng layunin: Basahin ang mga layunin.

Layunin :
K - natataya ang bahaging ginagampanan ng kasarian (gender roles) sa lipunan at
ibat-ibang larangan;
S – nakapagsasaliksik ng gender roles ng kababaihan at kalalakihan sa iba’t ibang
panahon ng kasaysayan ng bansa; at
A - napapahalagahan ang gender roles sa kasalukuyang panahon.

Agsam, Lanuza, Surigao del Sur

https://facebook.com/agsamIS
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Region
Division of Surigao del Sur
District of Lanuza
AGSAM INTEGRATED SCHOOL

SINO KAYA?
Tukuyin at idikit sa kartolina kung sino ang gumagawa ng mga trabahong ito. At
ipapaliwanag nila ang kanilang mga sagot.

LALAKI BABAE
____________ ___________
____________ ___________
____________ ___________

Mga tanong:
1. Anu-ano ang mga trabaho ng lalaki? babae?
2. May mga gawain ba ng lalaki na ginagawa ng mga babae?
Ano ang mga ito?
3. May mga gawain ba ng babae na ginagawa ng mga lalaki?
Ano ang mga ito?
4. Paano mo inuuri ang ang trabaho ng lalaki at babae?
Ano ang tawag sa mga gawain o gampanin ng ng tao.

Panlinang ng Aralin:

A. Aktibiti
Upang mas maunawaan ang mga gender roles ng iba’t-ibang panahon sa Pilipinas,
narito ang isa na namang pangkatang gawain. Ito ay naayon sa inyong mga interes,
talento at hilig para mas madali ninyong magagampanan ang inyong mga gawain.
Magsasaliksik kayo ng ibat-ibang gender roles ng mga kababaihan at kalalakihan
sa iba’t ibang panahon ng kasaysayan ng bansa gamit ang kanilang selpon na my
internet at ang babasahin na ibibigay ng guro.
Kayo ay bibigyan ng 20 minuto para gawin ang mga nkatakdang gawain sa bawat
grupo.
Pagkatapos ng nkatakdang oras, bibigyan kayo ng 3 minuto para sa presentasyon.
Kung handa na kayo, isisigaw ninyo ang inyong panahon ng tatlong beses sabay
palakpak.
Magkaroon ng pagbunot kung sino ang una, ikalawa at ikatlong
mgpresenta ng gawain.

Agsam, Lanuza, Surigao del Sur

https://facebook.com/agsamIS
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Region
Division of Surigao del Sur
District of Lanuza
AGSAM INTEGRATED SCHOOL

Ang puntos ng bawat grupo ay nakabatay sa rubric na ipapakita.


Basahin ang rubrik bago magsisismula ang kanilang pangkatang gawain. Ito ang
batayan ng kanilang puntos.
Sundin pa rin ang mga paalala sa pagganap ng mga aktibiti.

Pamantayan Lubos na Mahusay (5) Mahusay (4) Hindi Gaanong Hingi Mahusay (2)
Mahusay (3)
Nilalaman Naibibigay ng buong May kakulangan ng May kakulangan ng Mahigit sa dalawang
husay ang hinihingi ng isang detalye sa dalawang detalye sa detalye ang kulang sa
takdang paksa takdang paksa takdang paksa takdang paksa

Presentasyon Buong husay at Naiulat at Naiulat at naipaliwanag Hindi handa sa


malikhaing naiulat at naipaliwanag ang ang paksa ng may isang pagpapakita ng takdang
naipaliwanag ang paksa paksa ng maayos mali. paksa
Takdang Oras/ Natapos ang gawain Natapos ang gawain Natapos ang gawain Hindi natapos ang
Kooperasyon bago ang itinakdang sa itinakdang oras pagkatapos ng itinakdang gawain pagkatapos ng
oras oras itinakdang oras

Pagkatapos mgbigay ng mga pamantayan at paalala, simulan na ang ang


pagganap ng pangkatang gawain. Ibigay na ang task envelope.
Handa na ba kayo?

 Unang Pangkat: Gender roles sa Panahon ng Pre-Kolonyal (Pagtula)


 Ikalawang Pangkat: Gender roles sa Panahon ng Amerikano (Pagbabalita)
 Ikatlong Pangkat: Gender roles sa Kasalukuyan (Pagsasadula)

Habang sila ay ngsasaliksik at nagsasulo ng kanilang gawain, ang guro ang naging facilitator
ng kanilang pagkatuto. Gabayan sila sa kanilang gawain. Hikayatin ang bawat miyembro na
mgbigay ng kanilang nga opinyon at makisali. Bigyan sila ng panahon at hayaang mag–isip,
gamitin ang kanilang mga talento at interes para sa kanilang mga aktibiti.

B. Analisis :

1. Ano ang kalagayan ng mga kababaihan at kalalakihan sa Pilipinas sa larangan ng ibat-


ibang institusyong panlipunan? Patunayan?
2. Paano nababago ng panahon ang inaasahang gender roles base sa kasarian sa ating
lipunan?
3. Bakit limitado pa rin ang karapatan ng babae at lalaki sa panahon ng Espanyol?
4. Paano nakatutulong sa pagpapaunlad ng komunidad ang mga gawain ng babae at lalaki?
Ipaliwanag.

C. Abstraksyon
 Ayon sa World Health Organization ang gender roles o gampaning pangkasarian ay
tumutukoy sa pamantayang panlipunan o norms na nagtatakda sa mga gawaing
mainam o katanggap-tanggap sa lipunan ayon sa seksuwalidad ng isang tao bilang
miyembro ng lipunan.

Agsam, Lanuza, Surigao del Sur

https://facebook.com/agsamIS
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Region
Division of Surigao del Sur
District of Lanuza
AGSAM INTEGRATED SCHOOL

 Ang terminong “gender roles” ay nagmula kay John Money noong 1955 habang
kanyang pinag-aaralan ang pagkakaiba-iba ng kasarian upang ilarawan ang kilos at
gawi ng mga tao bilang babae at lalaki sa mga sitwasyon kung saan walang “biological
assignment” na umiiral.
 Ang konsepto ng gender roles ay “malleable” o maaaring magbago. Sa perspektibong
sosyolohikal, maaaring nagtataglay ang isang tao ng katangian ng isang partikular na sex
ngunit ibang gender naman ang kanyang ginagampanan.
 Ang gender roles ay maaaring maimpluwensyahan ng kultura.
 Nagkaroon ng pagbabago ng pananaw sa gender roles dahil sa peminismong
perkspektibo o pagpapalaganap ng karapatang pangkababaihan.
 Anu- ano ang mga pagbabago sa gampaning pangkasarian o gender roles sa
iba’t ibang institusyong panlipunan?
 Sa ating bansa, may Karapatan na bang makapag-aral ang babae at lalaki?
 Ano-anu ang mga gawaing pwedeng gampanan ng lalaki at ng babae?
 Sa pampulitika ba pwede na rin bang mamuno ang babae? Bakit?
 Paano mo masasabi na ngkakaroon ng pantay na pagtrato sa babae at lalake?
Magbigay ng mga halimbawa.

Paalalala sa guro:
Para sa layunin ng integrasyon kailangang maipaunawa ng guro sa mga mag-
aaral ang tinatawag na productive role na kung saan ito yaong mga nagtatrabaho na
kumikita at sumusuweldo, samantalang ang reproductive role ay yaong mga gumagawa ng
gawaing di binabayadan kagaya ng mga gawaing bahay ng mga babae, ganundin ang mga
gawaing pampamilya ng mga lalaki subalit kailangang gampanan ng bawat isa. Ang
community role ay yaung mga gawaing boluntaryo at hindi rin binabayaran subalit
tumutulong sa gawaing pang komunidad.

C. Aplikasyon

1. Paano natin maiuugnay ang mga gawaing panlipunan o mga gender roles sa
panahon natin ngayon?
2. May mga pag-uuri ba ang mga gawaing ito kung sino ang gagawa o gaganap?
3. Ano ang kaugnayan ng pagganap ng gender roles sa pagiging isang mabuting
mamamayan?

Pagtataya
Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
iyong sagutang papel.

I - Isaayos ang sumusunod na mahahalagang pangyayari na nagpapakita ng gender roles sa


Pilipinas. Piliin ang titik ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.

Agsam, Lanuza, Surigao del Sur

https://facebook.com/agsamIS
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Region
Division of Surigao del Sur
District of Lanuza
AGSAM INTEGRATED SCHOOL

___1. Sa panahon ng mga Amerikano, maraming kababaihan ang nakapag-aral dahilan upang
mabuksan ang kanilang isipan na hindi lamang bahay at simbahan ang mundong kanilang
ginagalawan.
___ 2. Ang kababaihan ay inihahanda sa pagiging ina o paglilingkod ng buhay sa Diyos.
___ 3. Sa panahon ng Hapones, ang mga kababaihan ay kabahagi ng kalalakihan sa paglaban
sa mga Hapon.
___ 4. Pagkakaroon ng pandaigdigang mga batas na nangangalaga sa karapatan ng
kababaihan tulad ng Magna Carta of Women.
___ 5. Ang kababaihan sa Pilipinas, maging ang kabilang sa pinakamataas na uri o timawa ay
pagmamay-ari ng mga lalaki.

Pagpapahalaga

Paano natin mapahahalagahan ang mga gender roles sa kasalukuyang panahon? Sa


panahon ng pandemya?
*Sa panahon ngayon, lahat ng tao ay may kanya-kanyang gampanin o tungkulin
anuman ang kasarian at naaayon sa edad.
*Mga lalaki at babae ang mga doktor, nars, guro, pulis, sundalo, mga opisyal at kawani
ng gobyerno na malaki ang tulong na ginagampan sa panhon ng pandemya. Walang
pinipiling kasarian ang mga gender roles, ang mahalaga ay nkatulong tayo at ating
nagampanan ang ating mga tungkulin.

V. Repleksyon

VI. Mga Tala

GENA P. HANDUGAN
Guro sa AP10

Agsam, Lanuza, Surigao del Sur

https://facebook.com/agsamIS

You might also like