You are on page 1of 7

Department of Education

Caraga Administrative Region


Surigao Del Sur Division
Tago III
CLARENCE TY PIMENTEL NATIONAL HIGH SCHOOL
Sumo-sumo, Tago, Surigao del Sur

PANG-ARAW-ARAW Guro MARIA FE L. MOLO Asignatura Aral.Pan 10


NA TALA NG MGA
Petsa at Oras Ika-30 ng Marso, 2021/ 9:00 ng umaga Markahan Ikatlo
ARALIN
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa:
Pangnilalaman mga epekto ng mga isyu at hamon na may kaugnayan sa kasarian at lipunan upang maging aktibong tagapagtaguyod ng
pagkakapantay-pantay at paggalang sa kapwa bilang kasapi ng pamayanan.
B. Pamantayan sa Ang mga mag- aaral ay:
Pagganap nakagagawa ng mga malikhaing hakbang na nagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang kasarian upang maitayugod
ang pagkakapantay – pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan
C. Kasanayan/ Layunin Kasanayang Pagkatuto: Nasusuri ang mga uri ng kasarian (gender) at sex (AP10KIL-IIIa-2)
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakatutukoy ng iba’t-ibang uri ng kasaarian;
2. Nakapagtatala at nakapag-uulat ng mahahalagang ideya tungkol sa paksa ; at
3. Napahahalagahan ang iba’t-ibang uri ng kasarian.

II. NILALAMAN Iba’t -ibang Uri ng Kasarian


III. PROSESO NG
PAGKATUTO
A. Sanggunian
1. Gabay ng guro ( Pahina) TG p. 220- 225
2. Kagamitan ng mag-aaral ( LM p. 262-266
Pahina)
3. Aklat ( Pahina)
4.Karagdagang kagamitan
para Learning Resources Dep.Ed. ADM Araling Panlipunan 10, Q3 Module 1/ LAS
(LR) portal
B. IBA PANG
KAGAMITAN Projector, Laptop & Visual Aids
Department of Education
Caraga Administrative Region
Surigao Del Sur Division
Tago III
CLARENCE TY PIMENTEL NATIONAL HIGH SCHOOL
Sumo-sumo, Tago, Surigao del Sur

IV. HAKBANG
PANIMULA  Panalangin
 Pagtsek ng Attendance
 Pagpapahayag ng mga tuntunin sa silid-aralan
A.Balik-Aral Pahapyaw na magbabalik-aral ang guro tungkol sa kahulugan ng gender at sex.
B. Paglalahad ng mga Gawain 1. Maglaro tayo: Aksyon ko, huhulaan mo!
layunin ng aralin Ang klase ay hahatiin sa dalawang pangkat. Bawat pangkat ay pipili ng myembro na syang bibigyan ng guro ng salita
C. Paglalahad ng mga na kanyang ipapatukoy sa mga ka myembro sa pamamagitan ng sign language. Ang pangkat na may pinakamaraming puntos
halimbawa para sa bagong ang syang panalo.
aralin Ang mga salita na tutukuyin sa laro:
1. Babae 4. Lesbian
2. Gay 5. Kasarian
3. Male/man
Sa palagay ninyo, ano kaya ang paksang tatalakayin natin sa araw na ito?
Ang layunin ng paksang tatalakayin ay ang mga sumusunod:
1.Nakatutukoy ng iba’t-ibang uri ng kasaarian;
2.Nakapagtatala at nakapag-uulat ng mahahalagang ideya tungkol sa paksa ; at
3.Napahahalagahan ang iba’t-ibang uri ng kasarian.

Magbibigay ang guro ng paunang pagsusulit.

D. Pagtalakay ng bagong Gawain 2. Larawan, ilarawan mo! (Pangkatang Gawain)


konsepto at pagsasanay ng Bawat pangkat ay binubuong tatlong myembro. Bibigyan sila ng guro ng ng iba’t-ibang larawan ng sikat na
bagong kasanayan #1 personalidad. Ilalarawan ng mag-aaral ang mga katangian ng mga ito basi sa pinapakita nitong katauhan.

Pamprosesong tanong:
1. Ano-anong kasarian ang ipinapakita sa larawan?
2. Paano ninyo nasabi na ganun ang kanilang kasarian?
3. Bakit sa tingin ninyo kailangan nating pag-aralan ang iba’t-ibang kasarian sa lipunan?
Department of Education
Caraga Administrative Region
Surigao Del Sur Division
Tago III
CLARENCE TY PIMENTEL NATIONAL HIGH SCHOOL
Sumo-sumo, Tago, Surigao del Sur

E. Pagtalakay ng bagong Gawain 3. Impormasyong natala, iulat mo!


konsepto at pagsasanay ng Hahatiin ang klase sa tatlong pangkat. Bawat pangkat ay bibigyan ng reference guide at paksa na kanilang
bagong kasanayan # 2 pagtutuunan, pagkatapos makahanap ng sapat na impormasyon ay itatala nila ito sa manila paper at ididikit nila ito sa
pisara. Bawat pangkat ay pipili ng isang myembro upang mag-ulat sa klase.

Pagakatapos ng presentasyon ay ipapaliwanag ng guro ang iba’t ibang uri ng kasarian.


Mga gabay na tanong:
1. Ano-ano ang mga kasarian na nakikita o napapansin niyo sa lipunan?
2. Ngayon ba ay kilala mo na ang iyong sarili at kung ano ang iyong pagkakakilanlan?
3. Ano ang LGBT?ang LGBTQIA+?
4. Paano mo maipapakita ang pagtanggap at pagpapahalaga sa ibat-ibang kasarian sa lipunan?

F. Paglinang sa kabihasaan Gawain 4. Fact o Bluff ( Indibidwal na Gawain)


( Tungo sa Formative Assessment 3) Panuto: Basahin at suriin ang sumusunod na pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang Fact kung tama ang ipinahahayag
ng pangungusap at Bluff naman kung mali.

1. Ang bisexual ay mga taong walang nararamdamang atraksyong seksuwal sa anumang kasarian.
2. Ang transgender ay tumutukoy ito sa isang taong nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan.
3. Ang gay (bakla) ay mga lalaking nakararamdam ng atraksyon sa kanilang kapwa lalaki; may iilang bakla ang
nagdadamit at kumikilos na parang babae.
4.Ang queer ay mga taong nakararamdam ng atraksyon sa dalawang kasarian.
5.Ang asexual ay mga taong walang nararamdamang atraksyong seksuwal sa anumang kasarian.

G. Paglalapat ng aralin sa pang- Gawain 5. Ihakbang mo! (Pangkatang Gawain)


araw-araw na buhay. Panuto: Suriin ang sumusunod na sitwasyon. Bumuo ng mga hakbang na iyong gagawin upang maisulong ang pagpapahalaga
at pagtanggap ng iba’t-ibang kasarian sa lipunan.
Pangkat I:
1. Si Tom ay ipinanganak na lalaki ngunit sa kaniyang pakiramdam ang kaniyang pangangatawan at pangkaisipan ay hindi
magkatugma. Ramdam niya sa puso at isip na siya ay isang babae. Gusto niyang ihayag ang sarili kung ano siya at
anong oryentasyong sekswal siya nabibilang ngunit siya ay natatakot sa kanyang ama na isang pulis. Minsan ay
Department of Education
Caraga Administrative Region
Surigao Del Sur Division
Tago III
CLARENCE TY PIMENTEL NATIONAL HIGH SCHOOL
Sumo-sumo, Tago, Surigao del Sur

binantaan siya nito na palalayasin kung siya ay hindi magpapakalalaki.


Ano-ano ang mga hakbang na kanyang gagawin upang malutas ang kanyang matagal ng kinikimkim sa dibdib?
Hakbang 1.
Hakbang 2.
Pangkat II.
2. Alam ni Anna sa kanyang sarili na siya ay isang lesbian. Madalas ay kasama niya ang kanyang mga barkadang lalaki at
minsan sumasama siya dito sa mga gala at inuman. Minsan isang gabi, ay nag-iinuman ang tropa nila. Ang hindi niya
alam ay pagsasamantalahan siya ng tinuring niyang mga kaibigan. Nang gabing iyon siya ay ni-rape(gang rape). Mula
noon ay matindi ang depression na naramdaman niya ngunit natatakot siyang magsumbong kahit kanino dahil sa hiya at
takot. Ano-ano ang mga nararapat na hakbang upang malutas ang kanyang problema?
Hakbang 1:
Hakbang 2:
H. Paglalahat ng aralin Sagutin ang tanong:

1. Ano-ano ang iba’t-ibang kasarian sa lipunan?


2. Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga at pagtanggap sa iba’t-ibang kasarian?
3. Bakit mahalaga na ating maunawaan ang pagkakaroon ng dagdag na kasarian maliban sa babae at lalaki sa lipunan?

*Sa tingin ninyo, saang asignatura pwedi natin ma-integrate ang paksa natin ngayon?Ipaliwanag

I. Pagtataya ng aralin I. May Pagpipilian


Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at bilugan ang titik ng iyong sagot.
1. Ito ay tumutukoy sa nararamdaman at pinaniniwalaang kasarian ng isang tao na maaaring tugma o hindi tugma sa kaniyang
seksuwalidad.
A. heterosexual C. oryentasyong seksuwal
B. homosexual D. pagkakakilanlang pangkasarian
2. Anong oryentasyon mayroon si Erica kung siya ay nakararamdam ng pisikal o romantikong atraksyon sa kapwa niya babae?
A. asexual C. lesbian
B. gay D. transgender
Department of Education
Caraga Administrative Region
Surigao Del Sur Division
Tago III
CLARENCE TY PIMENTEL NATIONAL HIGH SCHOOL
Sumo-sumo, Tago, Surigao del Sur

3. Anong oryentasyon mayroon si Paolo kung siya ay nakararamdam ng atraksyon sa dalawang kasarian?
A. bisexual C. heterosexual
B. gay D. intersexual
4.Ang bi-sexual ay mga taong nakararamdam ng maromantikong pagkaakit sa kabilang kasarian ngunit nakararamdam din ng
parehong pagkaakit sa katulad niyang kasarian. Ang isang taong nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan at ang
kaniyang pag-iisip at pangangatawan ay hindi magkatugma. Siya ay tinatawag na:
A. bakla B. transgender C. lesbian D. homosexual
5. Kinikilala ito bilang malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma o
hindi nakatugma sa sex niya nang siya’y ipanganak.
A. heterosexual C. oryentasyong seksuwal
B. homosexual D. pagkakakilanlang pangkasarian

J. Karagdagang Gawain para sa Gumawa ng campaign slogan na nagpapakita ng pagsuporta sa pagkapantay-pantay at pagtanggap sa iba’t-ibang kasarian.
takdang aralin at remediation Gamitin ang kalakip na rubrik sa paggawa ng campaign slogan.

V. Mga tala
Ang seksiyong ito ay binubuo ng 24 na mag-aaral. Ang 10 mag-aaral ay may tumutulong sa kanilang pagkatuto, ang 9 ay
may cellphone, ang 5 ay may smart TV at dalawa lang ang may koneksiyon sa internet. Silang lahat ay walang problema
(Indicator 2) sa pangangatawan at pag-iisip. Upang matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral na walang gadgets, pinuntahan
ko sila sa kanilang tahanan at binigyan ng mga worksheets upang malinang ang kanilang mga kakayahan sa ibat-ibang
kasanayan.

VI. Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha
ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
Gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mag-aaral na nakaunawa
Department of Education
Caraga Administrative Region
Surigao Del Sur Division
Tago III
CLARENCE TY PIMENTEL NATIONAL HIGH SCHOOL
Sumo-sumo, Tago, Surigao del Sur

sa aralin.
D. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation

Inihanda ni: Iniwasto at Sinuri ni:


MARIA FE L. MOLO ROMIL J. MEDRANO, MST
Guro Instructional Supervisor
Department of Education
Caraga Administrative Region
Surigao Del Sur Division
Tago III
CLARENCE TY PIMENTEL NATIONAL HIGH SCHOOL
Sumo-sumo, Tago, Surigao del Sur

You might also like