You are on page 1of 16

1

Tentative date & day Face to Face


December 2, 2023 (Saturday)
of demo teaching or Online? Online

Feedback

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga 4

Ikatlong Markahan

Joanna Kyla T. Antonio

Razel Ann A. Fiesta

Naipamamalas ng magaaral ang pag-unawa sa pagkakapantay- pantay


Pamantayang ng bawat isa sa kabila ng pagkakaiba-iba ng kakayahan.
Pangnilalaman

Naisasagawa ng magaaral ang mga paraan na nagtataguyod ng


Pamantayan sa pagkapantay-pantay ng bawat isa sa kabila ng pagkakaiba-iba bilang
Pagganap tanda ng pagiging magalang.
3. Naisasabuhay ang pagiging magalang sa kapuwa sa pamamagitan
ng pantay-pantay na pakikipag-ugnayan sa kabila ng pagkakaiba-iba
(hal. walang pagtatangi sa kapuwa anuman ang kaniyang estado sa
buhay)

Kasanayang a. Nakapaghahambing ng mga pagkakatulad at pagkakaiba-iba ng


Pampagkatuto sarili at kapuwa
b. Naipaliliwanag na ang pagkakapantay-pantay ng bawat isa sa kabila
ng pagkakaiba-iba ay patunay na lahat ay may karapatan at tungkulin
na dapat kilalanin ng bawat isa tungo sa mapayapang ugnayan
c. Nakabubuo ng mga paraan upang itaguyod ang pagkapantay-pantay
ng bawat isa sa kabila ng pagkakaiba-iba
Sa pagtatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
Mga Layunin
a. Pangkabatiran:
a. Nakakikilala ng pagkakaiba ng sarili sa kapuwa;
Nakapaghahambi
ng ng mga b. Pandamdamin:
pagkakatulad at Napagtitibay ang kahalagahan ng paggalang at pagkakapantay-
pagkakaiba-iba pantay ng bawat isa; at
ng sarili at
2

kapuwa c. Saykomotor:
Nakapagmumungkahi ng iba´t-ibang paraan sa pagpapakita ng
b. paggalang at pagkakapantay-pantay sa kabila ng pagkakaiba-
Naipaliliwanag iba.
na ang
pagkakapantay-
pantay ng bawat
isa sa kabila ng
pagkakaiba-iba
ay patunay na
lahat ay may
karapatan at
tungkulin na
dapat kilalanin
ng bawat isa
tungo sa
mapayapang
ugnayan

c. Nakabubuo ng
mga paraan
upang itaguyod
ang
pagkapantay-
pantay ng bawat
isa sa kabila ng
pagkakaiba-iba
Paksa Mga pagkakatulad at pagkakaiba-iba ng sarili at kapuwa

a.
Nakapaghahambi
ng ng mga
pagkakatulad at
pagkakaiba-iba
ng sarili at
kapuwa

Pagpapahalaga Magalang
(Dimension) (Social Dimension)

Sanggunian
1. CO_Q3_EsP 4_ Modyul 2 Edukasyon sa Pagpapakatao Ikatlong
(in APA 7th edition
format, indentation) Markahan -Modyul 2: Kultura ng Iba’t Ibang Pangkat, Tatak
ng Aking Pagiging Pilipino 4. (n.d.).
3

https://depedtambayan.net/wp-content/uploads/2022/03/ESP4
-Q3-MODYUL2.pdf

2. ESP-7-Q2-Weeks-7-8. (n.d.). Studylib.net. Retrieved November


12, 2023, from https://studylib.net/doc/25770570/esp-7-q2-
weeks-7-8

3. Grade 5 Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul: Paggalang sa


Ideya ng Kapuwa • DepEd Tambayan. (2021, December 15).
Depedtambayan.net. https://depedtambayan.net/grade-5-
edukasyon-sa-pagpapakatao-modyul-paggalang-sa-ideya-ng-
kapuwa/#google_vignette

4. Ko, K., & Ko, I. (n.d.). Edukasyon sa Pagpapakatao Ikaapat na


Markahan -Modyul 3. Retrieved November 12, 2023, from
https://depedtambayan.net/wp-content/uploads/2022/05/ESP4
-Q4-MOD3.pdf

5. Sa Ideya Ng Kapuwa, P. (n.d.). Edukasyon sa Pagpapakatao


Ikalawang Markahan -Modyul 4. Retrieved November 12,
2023, from
https://depedtambayan.net/wp-content/uploads/2021/12/EsP5
_Q2_Mod4_PaggalangSaIdeyaNgKapwa_v2.pdf

6. Sa Pagpapakatao, E., & Baitang. (2014). Edukasyon sa


Pagpapakatao Baitang 9 Unang Markahan MODYUL 1:
LAYUNIN NG LIPUNAN: KABUTIHANG PANLAHAT A.
ANO ANG INAASAHANG MAIPAMAMALAS MO?
https://www.depednegor.net/uploads/8/3/5/2/8352879/esp_9_lm_dr
aft_3.31.2014-2.pdf
4

Traditional Instructional Materials

Digital Instructional Materials

● Laptop
● Applications
Mga Kagamitan

Pangalan at
Larawan ng
Guro

(Ilang minuto: 5) Technology


Integration di
Stratehiya: Values Voting
Panlinang Na Panuto: Magbibigay ang guro ng limang App/Tool: Vimeo
Gawain sitwasyon, mula rito ay magtataas ng kamay ang
mga mag-aaral kung ito ay kanilang gingawa. Link:
Logo:
Mga sitwasyon:
1. Hindi ko tinatanggi ang aking kaibigan Description:
ano man ang kalagayan o estado nito sa
buhay. Picture:
2. Ginagalang ko ang mga taong may ibang
kultura at paniniwala.
3. Nirerespeto ko ang relihiyon ng ibang tao.
4. Hindi ko minamaliit ang taong may ibang
katayuan sa buhay kumpara sa mayroon
ako.
5. Hindi ko pinagtatawanan ang wika at
lenggwahe ng ibang tao kahit pa ito ay
hindi ko maintindihan.
5

Mga Gabay na Tanong:

1. Ano/Ano-ano ang mga sitwasyong iyong


ginagawa?
2. Ano ang naging epekto ng mga sitwasyong ito
sa iyong buhay?
3. Sa iyong palagay, ano ang kahalagahan ng mga
ito?

Pangunahing (Ilang minuto: 3) Technology


Gawain Integration

DLC No. & Dulog: Values Inculcation App/Tool:


Statement: Stratehiya: Pagbibigay ng kuwento
Link:
a.
Panuto: Papanuorin ng mga mag-aaral ang Logo:
Nakapaghahambi
bidyong inihanda ng guro tungkol sa kuwento ng
ng ng mga
pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba. Pagkatapos,
pagkakatulad at
sasagutin ng mga mag-aaral ang mga tanong na Description:
pagkakaiba-iba
nasa ibaba.
ng sarili at
Picture:
kapuwa
Pagkakaiba ko sa Kapuwa ko

Sa isang maliit na bayan ng Poblacion,


nagtatagpo ang mga buhay ni Juana at Alberto.
Sila'y nag-aaral sa sa iisang paaralan, subalit
magkaibang mundo ang kinalakihan.

Si Juana ay ipinanganak sa isang tradisyonal na


Kristiyanong pamilya. Bawat Linggo, sila'y
dumadalo ng misa kasama ang pamilya at
nagbibigay ng importansya sa mga aral ng
Bibliya.

Sa kabilang banda, si Roberto ay napapabilang sa


isang pamilyang Muslim. Siya'y lumaki sa
pagtangkilik sa kultura at pananampalataya ng
Islam. Bawat araw, gumigising sila nang maaga
upang sumunod sa ritwal ng panalangin na
tinatawag na Salah.

Sa kabila ng kanilang magkaibang paniniwala,


napagtanto nina Juana at Roberto ang mga
6

pagkakatulad sa kanilang puso. Pareho silang


nagmumula sa mga pamilyang nagtuturo ng
respeto at pagpapahalaga sa kapwa. Kapwa rin
silang nagpupugay sa kahalagahan ng
pagtutulungan at pagtanggap sa kanilang sarili at
sa iba.

Sa isang proyektong ibinigay ng guro, ipinakita


nina Juana at Roberto ang kahalagahan ng
pagpapahalaga sa isa't isa kahit na magkaiba ang
kanilang relihiyon. Sa kanilang mga mata, mas
lalo pang lumawak ang kanilang pang-unawa sa
iba't-ibang pananampalataya.

Nakita ng kanilang komunidad ang halaga ng


respeto at pagtanggap, at ito ay naging simula ng
mas mapayapang pamumuhay sa Poblacion. Sa
tulong ng pag-unlad ng pag-unawa sa kanilang
sarili at sa kapwa, naging sentro ang bayan na ito
ng pagkakaisa at pagpapahalaga sa kabila ng
pagkakaiba.
Mga (Ilang minuto: 10) Technology
Katanungan Integration
1. Ano ang pagkakaiba nina Juana at Roberto?
DLC No. & App/Tool:
Statement: 2. Anong katangian ang ipinakita ng mga tauhan
sa kuwento? Link:
a.
Logo:
Nakapaghahambi 3. Kung ikaw si Juana o si Roberto, gagawin mo
ng ng mga rin ba ito? Bakit?
pagkakatulad at
Description:
pagkakaiba-iba 4. Bukod sa nabanggit sa kuwento, ano pa ang
ng sarili at maaaaring maging pagkakaiba mo sa ibang tao? Picture:
kapuwa
5. Paano mo pa maipapakita ang pantay na
b.
pagtingin sa bawat isa sa kabila ng pagkakaiba-
Naipaliliwanag
na ang iba?
pagkakapantay-
6. Bakit mahalaga ang pagpapakita ng
pantay ng bawat
isa sa kabila ng pagkakapantay-pantay ng bawat isa sa kabila ng
pagkakaiba-iba pagkakaiba-iba?
ay patunay na
lahat ay may
karapatan at
tungkulin na
dapat kilalanin
7

ng bawat isa
tungo sa
mapayapang
ugnayan

c. Nakabubuo ng
mga paraan
upang itaguyod
ang
pagkapantay-
pantay ng bawat
isa sa kabila ng
pagkakaiba-iba

Pangalan at
Larawan ng
Guro

Pagtatalakay (Ilang minuto: 17) Technology


Integration
DLC No. & Outline 1
Statement: App/Tool:
● Ang pagkakapantay pantay ay tumutukoy Link:
sa walang kinikilingan at walang Logo:
3. Naisasabuhay diskriminasyon na pagtingin sa iba.
ang pagiging ● Ang pagkakapantay pantay sa kabila ng Description:
magalang sa pagkakaiba iba ay importante upang
kapuwa sa maunawaan na ang paggalang at pantay na Picture:
pamamagitan ng pagtingin sa kapwa ay nararapat.
pantay-pantay na ● Ang pagkakapantay pantay ay
pakikipag- maipapakita sa pamamagitan ng pag
ugnayan sa unawa, pagtanggap at paggalang sa kabila
kabila ng ng pagiging iba sa sarili at kapwa.
pagkakaiba-iba
(hal. walang Content:
pagtatangi sa
kapuwa anuman Ang pagkakapantay pantay ay tumutukoy sa
ang kaniyang walang kinikilingan at walang diskriminasyon na
estado sa buhay) pagtingin sa iba.

a. Ang mga katangian at kakayahan ng bawat


Nakapaghahambi indibidwal ay nagkakaiba iba dahil sa
ng ng mga pinanggalingan ng iba’t ibang lahi, kultura,
wika, kasarian, relihiyon at maging estado sa
8

pagkakatulad at
pagkakaiba-iba buhay na kinabibilangan. Iba man ang mga
ng sarili at pinagmulan, nararapat na may paggalang upang
kapuwa maitaguyod ang pagkakapantay pantay.

b. Mga Halimbawa ng Aspeto sa Pagkakaiba-iba:


Naipaliliwanag
na ang Lahi - pangkat ng tao na may natatanging
pagkakapantay- kasaysayan at pisikal na kaanyuan.
pantay ng bawat
Kultura - ang kabuuang kaisipan, kaugalian,
isa sa kabila ng
paniniwala at tradisyon ng isang lipon.
pagkakaiba-iba
ay patunay na Wika - masistemang balangkas ng simbolo o
lahat ay may tunog upang maipahayag ang kaisipan.
karapatan at
tungkulin na Kasarian - tumutukoy sa isang aspektong kultural
dapat kilalanin na natutunan hinggil sa sekswalidad.
ng bawat isa
tungo sa Relihiyon - isang katipunan ng mga sistema ng
mapayapang paniniwala, kultural at pananaw sa daigdig na nag
ugnayan uugnay ng sangkatauhan, moralidad at
espiritwalidad.
c. Nakabubuo ng
mga paraan Estado ng Buhay - ang sistema, agwat o
upang itaguyod kalagayan ng buhay. (hal. mahirap o mayaman)
ang
pagkapantay-
pantay ng bawat
isa sa kabila ng Mga nararapat na paraan sa pagpapakita ng
pagkakaiba-iba paggalang at pantay na pagtingin sa iba:

1. Igalang ang kahit sinong tao na dayuhan


gayundin ang kabilang sa pangkat etniko.
2. Unawain na ang bawat tao ay may iba’t
ibang paraan ng kilos batay sa kulturang
nakasanayan at nakagawian.
3. Makisalamuha sa kapwa anuman ang
kanyang estado o katayuan sa buhay.
4. Huwag pagtawanan ang kapwa dahil sa
ibang itsura, kulay at pananamit nito.
5. Huwag ituring na ibang tao ang kapwa
kahit ito ay may sariling paniniwala at
kinagawian.
6. Iwasan ang pamamahiya sa kapwa kung
iba man ang wika o salita nito.
9

(Ilang minuto: 7) Technology


Integration
Stratehiya: Rank Ordering
Panuto: Ang mga mag-aaral ay maglilista ng App/Tool:
tatlong (3) paraan ukol sa paggalang sa kapwa at Link:
pantay na pagtrato sa pagkakaiba-iba ng mga tao. Logo:
Lalagyan ng 1 ang pinaka-ginagawang gawain
hanggang matukoy ang pangatlo o pinakahuling Description:
gawain.
Paglalapat Picture:

DLC No. & Rubrik:


Statement:

c. Nakabubuo ng
mga paraan
upang itaguyod
ang
pagkapantay-
pantay ng bawat
isa sa kabila ng
pagkakaiba-iba
10

Pagsusulit (Ilang minuto: 10)


Panuto:Unawaing mabuti ang katanungan at piliin Technology
Outline lamang ang pinakatamang sagot. Integration

a. Pagkakaiba- App/Tool:
A. Multiple Choice
iba ng tao
Link:
1. Ito ay tumutukoy sa walang pagkiling at Description:
b. Kahalagahan
walang diskriminasyon na pagtingin sa iba. Note:
ng pagpapakita
ng respeto sa a. Paggalang
b. Karapatan Picture:
pagkakaiba-iba.
c. Pagkakapantay-pantay
c. Mga paraan ng d. Tungkulin
pagpapakita ng
pagkakapantay-
pantay.
2. May bagong lipat na pamilya sa inyong
barangay, sila ay Aeta na iba ang kultura at
paniniwala sa inyo. Ano ang gagawin mo?
a. Kausapin sila kapag kakausapin din nila
ako.
b. Ngumiti sa kanila.
c. Tanggapin nang buong puso at walang
diskriminasyon na pagtingin sa mga Aeta.
d. Maging matulungin sa kanilang paglilipat
bahay.

3. Sinabi ni Joyce na hindi na siya nagsisimba


tuwing Linggo. Ngunit para sayo, mali ito. Ano
ang gagawin mo?
a. Pagsasabihan si Joyce na dapat magsimba
tuwing Linggo.
b. Uunawain at rerespetuhin ko na iba ang
aming paniniwala.
c. Yayain siya na samahan ako magsimba
tuwing Linggo.
d. Iintindihin ko ang kanyang rason sa hindi
pagsimba.

4. Isang banyaga ang iyong kamag aral. Napansin


mong walang gustong kumausap sa kanya sa
kadahilanang siya ay maitim at malaking tao. Ano
11

ang gagawin mo?


a. Susubukan ko siyang lapitan at kausapin.
b. Hindi ko siya huhusgahan kaagad batay sa
kanyang panlabas na anyo at katangian.
c. Isasama ko siya sa aking mga barkada.
d. Titiyakin kong kausapin siya palagi.

5. Ipinakilala ng iyong guro ang bago nyong


kamag aral na Aeta. Pinagtatawanan ito ng iyong
mga kaibigan. Ano ang gagawin mo?
a. Sasabihin ko sa kanila na hindi dapat
tawanan ang isang Aeta.
b. Kakausapin ko sila para ipaliwanag na
dapat igalang at pantay ang pagtingin sa
iba.
c. Pagsasabihan ko sila na huwag na itong
gawin sa susunod.
d. Kakausapin ko ang kamag aral kong Aeta
na huwag na lang pansinin ito.

Tamang Sagot:
1. C
2. C
3. B
4. B
5. B

B. Sanaysay

Panuto: Sagutin ang tanong sa pamamagitan ng


pagsulat ng sanaysay na hindi bababa sa limang
pangungusap (5).

1. Paano mo maipapakita ang pagiging


pantay at magalang sa kabila ng
pagkakaiba-iba ng tao.

2. Ano ang kahalagahan ng magalang at


pagiging pantay sa kabila ng pagkakaiba-
iba ng tao.
12

Inaasahang sagot: Magbibigay ang mga mag aaral


ng mga paraan sa pagpapakita ng paggalang at
pantay na pagtingin sa kabila ng pagkakaiba iba.
Maunawaan ng mga mag aaral na ang
pagkakapantay-pantay ay mahalaga tungo sa
magalang na pakikipag ugnayan sa kabila ng
pagkakaiba-iba.

Ang pagiging pantay at magalang sa kabila ng


pagkakaiba-iba ng tao ay maaaring ipakita sa
pamamagitan ng paggalang sa bawat isa, kahit
ano pa ang kanilang lahi, kultura, wika, kasarian,
relihiyon, o estado sa buhay. Mahalaga ang
pagiging pantay at magalang upang mapanatili
ang katarungan at kapayapaan sa ating lipunan.
Ang pagkakapantay-pantay ay nagpapahayag ng
respeto sa iba't ibang katangian at kakayahan ng
bawat isa, habang ang magalang na pakikitungo
ay nagtataguyod ng masusing pang-unawa sa
kanilang mga pinagmulan at pananampalataya. Sa
pag-iwas sa diskriminasyon at pamimili, nagiging
mas makulay at mas matagumpay ang
pakikipagkapwa-tao, na nagbubukas ng pintuan
para sa mas malalim na ugnayan at pag-unlad ng
ating komunidad.

Rubriks para sa paggawa ng sanaysay:


13

Technology
Takdang-Aralin (Ilang minuto: 3) Integration
Stratehiya: Graphic Organizer
DLC No. & App/Tool:
Statement: Panuto: Pipili ang mag-aaral ng isa niyang
kaibigan. Sasagutin nila ang venn diagram sa Link:
3. Naisasabuhay pamamagitan ng pagtatalakay ng kanilang Logo:
ang pagiging pagkakatulad at pagkakaiba. Magsulat ng 2
magalang sa hanggang 5 pagkakaiba at pagkakatulad.
kapuwa sa Pagkatapos nito, sasabihin nila kung anong mga Description:
pamamagitan ng paraan ang kanilang ginagawa upang magkaroon Picture:
pantay-pantay na ng maayos na ugnayan at paggalang sa isa't-isa sa
pakikipag- kabila ng kanilang pagkakaiba.
ugnayan sa
kabila ng Rubrik:
pagkakaiba-iba
(hal. walang
pagtatangi sa
kapuwa anuman
ang kaniyang
estado sa buhay)
14

a.
Nakapaghahambi
ng ng mga
pagkakatulad at
pagkakaiba-iba
ng sarili at
kapuwa

b.
Naipaliliwanag
na ang
pagkakapantay-
pantay ng bawat
isa sa kabila ng
pagkakaiba-iba
ay patunay na
lahat ay may
karapatan at
tungkulin na
dapat kilalanin
ng bawat isa
tungo sa
mapayapang
ugnayan Halimbawa:

c. Nakabubuo ng
Sarili Kaibigan
mga paraan
upang itaguyod
ang
Mahirap Mayaman
pagkapantay- Babae
Bisaya Tagalog
pantay ng bawat Pilipino
Maitim Bata Maputi
isa sa kabila ng
Kristiyano Iglesia ni Cristo
pagkakaiba-iba

Kung ihahambing ko ang aking sarili sa aking


kaibigan, masasabi kong nagkakatulad kami sa
lahi, kasarian at edad. Sa kabilang banda, kami
naman ay nagkakaiba sa estado ng aming buhay,
kultura, kulay ng balat at paniniwala at relihiyong
kinabibilangan. Gayunpaman, dahil nananatili sa
amin ang paggalang at pantay na pagtrato sa isa't
isa, kami ay may maayos na ugnayan. Ang
pagtrato nang walang diskriminasyon at
15

pagrespeto ay kinakailangan upang maitaguyod


ang pagkakapantay-pantay ng kapwa.

Panghuling (Ilang minuto: 5 minuto) Technology


Gawain Integration
Stratehiya: Kotasyon
DLC No. & App/Tool:
Statement: "Anuman ang pinanggalingan, Link:
3. Naisasabuhay Manatiling may paggalang kaninuman, Logo:
ang pagiging
magalang sa Bawat isa ay may taglay na pagkakaiba iba,
kapuwa sa
pamamagitan ng At inaasahang maging pantay pantay sa lahat ng Description:
pantay-pantay na kapwa."
Picture:
pakikipag-
ugnayan sa Panuto: Magbibigay ang guro ng kotasyon na
kabila ng magbubuklod ng tinalakay na aralin na gagawan
pagkakaiba-iba ng pagninilay ng mga mag-aaral.
(hal. walang
pagtatangi sa
kapuwa anuman
ang kaniyang
estado sa buhay)

a.
Nakapaghahambi
ng ng mga
pagkakatulad at
pagkakaiba-iba
ng sarili at
kapuwa

b.
Naipaliliwanag
na ang
pagkakapantay-
pantay ng bawat
isa sa kabila ng
pagkakaiba-iba
ay patunay na
lahat ay may
karapatan at
tungkulin na
dapat kilalanin
ng bawat isa
16

tungo sa
mapayapang
ugnayan

c. Nakabubuo ng
mga paraan
upang itaguyod
ang
pagkapantay-
pantay ng bawat
isa sa kabila ng
pagkakaiba-iba

You might also like