You are on page 1of 6

Pangalan: Benlot, Mary Stephanie Petsa: Dec.

15,2023

Program at Seksiyon: BEED-3A Instruktor: Dr. Erlinda G. Desierto

Subjek: Teach-Fil 2

Banghay Aralin sa Filipino

Ikalawang Baitang

I. Mga Layunin:

Sa loob ng isang oras, at sa tulong ng Visual Aid, ang mga mag-aaral sa Ika 2 baitang ay
nakakukuha ng 75% katumpakan:

A. maipapakita ang kakayahan sa paggamit ng magagalang na salita sa Filipino.;


B. magkakaroon ng pagpapahalaga sa kahalagahan ng magagalang na pakikipag-
usap.; at
C. magiging aktibo sa paggamit ng magagalang na mga salita sa iba't ibang
sitwasyon.

II. Paksang Arallin: Pag gamit ng magagalang na salita

Reference: ( Yunit III ) – Mga magagalang na salita pahina 45 - 47

Noypi.com.ph

https://youtu.be/M7cTsGNMYqg?si=OwqX2W3-fVFmyYy8
III. Kagamitang Pampagtuturo

 Mga Larawan
 Biswal na kagamitan
 Plaskard

IV. Values Integration


 Pagiging magalang sa kapwa
 Maayos na pakikitungo sa kapwa
V. Across Discipline

 Edukasyon sa Pagpapakatao

VI. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Pagbati sa klase
2. Panalangin
3. Pagpapaalala ng mga alituntunin sa loob ng klase
4. Pagtatala ng liban sa klase
5. Drill

Sa pamamagitan ng plaskard may mga ipapakita ako na mga larawan na kung saan huhulaan ng
mga mag-aaral kung ito ba ay Paggalang O Hindi paggalang, Walang

6. Pagbabalik-tanaw sa nakaraang diskasyon

Ang aking nakaraang diskasyon ay tungkol sa pamilya at sino-sino Ang bumubuo nito Ang mga
sumusunod ay karaniwang bumubuo ng pamilya

Ama: Ang lalaking miyembro ng pamilya na karaniwang nagtatrabaho at nagbibigay ng suporta sa


pamumuhay ng pamilya.

Ina: Ang babaeng miyembro ng pamilya na nag-aalaga sa mga anak at nagbibigay ng suporta sa kanilang
pangangailangan.

Anak: Ang mga batang miyembro ng pamilya na itinuturing na anak ng ama at ina

Ang pamilya ay maaaring magkaruon din ng iba't ibang uri ng miyembro depende sa sitwasyon, tulad ng
mga lolo, lola, kapatid, o kamag-anak na kasama sa iisang bubong. Ang konsepto ng pamilya ay maaaring
mag-iba-iba depende sa kultura, lipunan, at personal na mga karanasan.

B. Panlinang ng Gawain

1. Paglalahad ng Layunin

- Sa pamamagitan ng biswal na kagamitan ako ay maglalahad ng aking layunin bago ako


magsisimula sa panibagong paksa.
2. Pagganyak o Motibasyon

-Sa ipaparinig na awitin na pinamagatang“Magagalang na Pagbati” pagkatapos nitongmaipakita at


maiparinig ito ay aawitingsabay sabay. Pagkatapos ay may itatanong Ang guro.

3. Paglalahad ng Aralin

Itatalakay ang mga ibat-ibang mga salita sa paggalang at kahalagahan nito sa pamamagitan ng
biswal na kagamitan at magbibigay ako ng mga halimbawa upang mas maiintindihan ng mga mag-aaral
ang paksa na aming tatalakayin.

C. Aplikasyon

Unang Bahagi.

Panuto:Isulat kung ito ay Tama o Mali Ang mga sumusunod na pangungusap.isulat Ang tamang sagot sa
ibaba ng pangungusap.

________1. Ang paggamit ng magagalang na salita ay hindi mahalaga sa pakikipag-usap.

(Mali)

_______2.Ang magagalang na salita ay nagbibigay ng masusing imahe sa propesyonal na kapaligiran.

(Tama)

_________3.Ang mga bata ay hindi kailangang turuan ng magagalang na salita.

(Mali)

__________4. Sa trabaho, hindi mahalaga ang pagsasabi ng "po" at "opo" sa mga nakatatanda.
(Mali)

___________5. Ang magagalang na salita ay nakakatulong sa masusing ugnayan sa pamilya.

(Tama)

Ikalawang Bahagi.

Panuto: Sagutin ang Sumusunod na Isulat ang letra ng tamang sagot sa yong

mga sitwasyon sa ibaba kuwaderno.

1. Nais mong isauli sa iyong nakatatandang

kapatid ang hiniram mong ballpen.

A .Ito na ang ballpen mno,

B.Maramong salamat Po ate

C.Hindi ko na isasauli.

2. lbig mong magpaalam sa iyong ina upang dumalo sa kaarawan ng iyong

kaklase.

A. Inay, maaari po ba akong dumalo sa

kaarawan ng kaklase ko?

B. nay, pupunta ako sa kaklase ko.

C. Pupunta ako sa kaklase ko.

3. Isang umaga nasalubong mo ang iyong guro. Ano ang dapat mong sabihin?

A.Magandang Umaga Po Gng.Ramos


B.Saan ka pupunta?

C.Hoy ikaw pala Yan

4: Nais mong hilingin sa iyong tatay na iabot ang baso na nasa tabi niya.

A. labot mo nga ang baso.

B Pakiabot po ng baso, tatay.

C. Akin na ang baso tatay.

5. Binigyan ka ng baong pera ng iyontatay.

A. Salamat po tatay.

B. Kulang pa po tatay

D. Wrap Up

-Itatalakay ang buod ng aralin upang mas maiintindihan ng mga mag-aaral ang paksa.

E. Ebalwasyon:

Unang Bahagi.

Panuto: Gawain sa Pagkatuto Bílang 4: lsulat ang

tsek (✓) sa iyong kuwaderno kung ang ay nagpapahayag ng paggalang at ekis (X)

pahayag bawat bílang sa naman kung hindi.

____1. " Magandang hapon po, GinoongAlex."

____2. "Bb. Sanchez,maaari po -ba akong lumabas at mag tungo sa canteen?

____3. "Alis diyan, Gng Perez."

____4. "Hindi ko sinasadya, Whena.pagpaumanhin mo."

____5. "Paraan nga, nakaharang ka sa daan

F. Takdang Aralin

Panuto:gumuhit o gumawa ng artwork na nagpapakita ng mga magagalang na salita.


Pagbabalik tanaw o pagbibigay ng buod sa paksa

- Sa ganitong paraan, mas maiintindihan ng mga mag-aaral ang paksang tinalakay.

Panalangin

- Sa pagtatapos ng klase, tayo ay manalangin sa ating mahal na panginoon.

You might also like