You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan X

DLP Blg.: Asignatura: Araling Panlipunan Baitang: Grade Markahan: III Oras: 1 oras
21 10
Code: AP10IKL-IIIj- Petsa: Year and Section: Grade 10 Lotus and Orchid
Enery 3, 2018
11(a)

Mga Kasanayan: Nakagagawa ng malikhaing hakbang na nagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa


kasarian na nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan.
Susi ng Pag-unawa na Pagtanggap at paggalang sa kasarian
Lilinangin:
Domain: Adapted Cognitive Process Dimensions (D.O. No. 8, s. 2015)

1. Layunin

Kaalaman Naipapahayag ang tamang kaasalan sa pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang kasarian.

Kasanayan Nailalapat ang mga tamang kaasalan sa pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang kasarian
sa tunay na buhay.
Kaasalan Naipapakita ang pagpapahalaga sa sarili at paggalang sa kapwa.

Kahalagahan Nailalarawan ang pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan.

2. Nilalaman Paunlarin ang nakamit na talento o kakayahan.


Hindi dapat mahiya o itatago ang talento.
Sanayin ang sarili sa pagsasalita sa harap ng klase o sa maraming nanunuod.
3.Mga Kagamitang Bondpaper,ballpen,laptop, video clip,LCD screen/projector,marker,manila paper
Pampagtuturo
4. Pamamaraan

4.1 Panimulang Pagbabalik tanaw:


Gawain Ano-ano ang mga ginagawang hakbang ng pamahalaan ng Pilipinas para matugunan ang
mga isyu ng karahasan at diskriminasyon sa iba’t ibang uri ng kasarian?
4.2 Mga Pangkatang Gawain:
Gawain/Estratehiya
1. Hatiin ang klase sa limang pankat.
-Lahat ng kasapi ay dapat makilahok sa gawain.
2. Pagpapakita ng mga larawan o video clip tungkol sa inaaping LGBT.

3.Sagutan ang mga sumusunod:


-a. Ano ang iyong nararamdaman habang pinapanood ang larawan/video clip?
-b. May karapatan ba ang ibang tao na husgahan ang pagkatao ng iba?
-c. Kung ikaw ang nasa katayuan ng inaaping LGBT ano ang dapat gawin para maagapan
ang ganitong kremin?
-d. Batay sa ipinakitang larawan o video clip magbahagi ng mga hakbang kung paano
maisulong ang pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang kasarian sa lipunan.
-e. Sa iyong pagkakaintindi ano ang ibig sabihin ng tamang kaasalan?
4.Isulat ang mga nalikom na sagot sa isang manila paper.
5. Ang guro ang pumili ng tagapag-ulat sa bawat pangkat.
6.Pag-uulat

4.3 Pagsusuri Gaano ba kahalaga ang buhay ng isang tao?


Sino ang may karapatan na husgahan ang pagkatao ng iba?(Diyos/maylikha)
4.4 Pagtatalakay Paglalagum ng mga positibong kasagutan ng mga mag-aaral na binahagi sa
pangkatang gawain.
-Ano ang ibig ipakahulugan ng salitang pagkakapantay-pantay?
-Bilang kasapi ng pamayanan paano mo maipapakita sa iba ang pagkakapantay-
pantay ng tao sa lipunan.

-Kung ikaw ay isa sa mga kamag-anak ng mga taong naaapi ano ang iyong mga
hakbang para maisulong ang paggalang at pagtanggap sa ibat-ibang kasarian?
4.5 Paglalapat Magbahagi ng sariling karanasan sa pagpapakita ng tamang kaasalan sa paggalang at

pagtanggap ng ibang kasarian sa lipunan.

4.6 Pagtataya Itanong sa mag-aaral ang sumusunod:Bukas ba sa inyong kalooban ang pagtanggap ng
mga LGBT bilang kasapi sa lipunan?Paano ninyo papahalagahan ang pagkatao ng isang
LGBT?Maipapangako nyo ba sa inyong sarili ng pantay-pantay na pagpapahalaga,
paggalang at pagtanggap sa ibang kasarian sa lipunan.
4.7 Takdang-Aralin Sundin ang nabuong pangkat sa unang gawain.

Bumuo ng media-advocacy/ symposium/ documentary presentation at iba pa kung paano


maipakita ang hakbang na nagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa kasarian na
nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan. .
4.8 Paglalagom/ Paunlarin ang nakamit na talento o kakayahan.
Panapos na Gawain Hindi dapat mahiya o itatago ang talento.
Sanayin ang sarili sa pagsasalita sa harap ng klase o sa maraming nanunuod.
5. Mga Tala

6. Pagninilay

Inihanda ni:

Pangalan: KIM C. LAWI-AN Paaralan: LANAS NATIONAL HIGH SCHOOL


Posisyon/Designasyon: TEACHER I Sangay: DEPARTMENT OF EDUCATION
Contact Number: 09559641878 Email address: kim.lawian@deped.gov.ph

Checked By: HENDRINA A. TALANDRON


School Head

You might also like