You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION XIII – CARAGA
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR

NAME: _____________________________________________ DATE: ____________________


GRADE: _________________________ SCORE: ___________________
QUARTER I - FIRST SUMMATIVE TEST
FILIPINO 8
I. PAGPIPILIAN
Panuto: Basahin at unawain ang bawat katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa patlang.
_____ 1. Ito ay kahit anong nasusulat na gawa ng tao. Ito ay ginagamit ng mga tao upang magpahayag ng kanilang
mga nararamdaman, mga naiisip, mga karanasan, at mga hangarin sa pamamagitan ng pagsulat.
a. Pangtikan c. Panitikan
b. Pantalan d. Pangtitik-an
_____ 2. Ang panitikan ay nagmula sa salitang Latin na _______ na nangangahulugang “titik”.
a. Litera c. liter
b. Letter d. litere
_____ 3. Ito’y uri ng panitikan na naglalaman ng mga pangungusap at mga talata. Sa anyong ito ay ang daloy ng
pagkasulat ng mga ideya ay mas natural at tuloy-tuloy.
a. Prosa c. Patula
b. Patola d. Pross
______ 4. Uri ng panitikan na may masining na pagpapahayag. Sa paggagawa ng akdang nasa anyong patula, dapat
may isinasaalang-alang na sukat, bilang ng bigkas at mga taludtod, at may malikhaing paraan ng paghahatid ng mga
mensahe sa mambabasa.
a. Prosa c. Patula
b. Patola d. Pross
______ 5. kwento Isang maikling akda na naglalaman ng kakaunting tauhan kompara sa nobela. Ito ay may iisa
lamang na banghay. Ang pagbasa nito ay kayang tapusin sa isang upuan lamang.
a. Nobela c. Maikling kwento
b. Pabula d. parabula
______ 6. Isang mahabang salaysay na nahahati sa mga kabanata. Ang pagbabasa nito ay inaabot ng ilang basahan
para matapos ang buong istorya. Ito ay naglalaman ng madaming tauhan at maaring maganap ang mga pangyayari sa
iba’t-ibang tagpuan.
a. Nobela c. Maikling kwento
b. Pabula d. parabula
______ 7. Ito ay kwento tungkol sa pinagmulan ng isang bagay.
a. alamat c. Mito
b. Pabula d. parabula
_____ 8. Ito ay isang uri ng panitikan na kung saan hayop ang gumaganap bilang tauhan.
a. alamat c. Mito
b. Pabula d. parabula
______ 9. Ito ay isang maikling sulatin na nagpapahayag ng opinyon ng manunulat tungkol sa isang paksa.
a. sanaysay c. anekdota
b. talambuhay d. parabula
______ 10. Ito ay kuwento o salaysay hinggil sa pinagmulan ng sansinukuban, kalipunan ng iba't ibang paniniwala sa
mga diyos at diyosa
a. alamat c. Mito
b. Pabula d. parabula
_______ 11. Ito ay isang maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya.
a. alamat c. Mito
b. Pabula d. parabula
_______ 12. Ito ay tala ng mga kaganapan na nagaganap sa lipunan at kapaligiran.
a. alamat c. Mito
b. balita d. parabula
______ 13. Uri ng Patula na na binubuo ng labing-apat na taludtod.
a. Elihiya c. soneto
b. Epiko d. korido
______ 14. Ito ay istorya tungkol sa kabayanihan. Ito ay nagpapakita ng ugnayan ng tao at mga diyos.
a. Elihiya c. soneto
b. Epiko d. korido
______ 15. Ito ay maikling tula na ginawa upang awitin. Ang tema nito ay karaniwang umiikot sa pagmamahal,
desperasyon, kalungkutan, kasiyahan at pag-asa.
a. Awiting bayan c. soneto
b. Epiko d. korido

I. Pagkilala sa pangatnig
Panuto: Ikahon ang pangatnig sa bawat pangungusap.

1. Mabigat ang trapiko kaya nahuli ako sa klase.

2. Naglilinis siya ng silid habang nakikinig siya sa radyo.

3. Magbabasa ako ng aklat o manonood ako ng telebisyon.

4. Hindi kumikibo si Mario kapag malapit si Anna sa kanya.

5. Huwag mo siyang tularan sapagkat masama ang ginagawa niya.

6. Sasabay sana ako kay Maricar pauwi subalit nakaalis na pala siya.

7. Hindi pumasok sa paaralan si Nelia dahil sumakit ang kanyang ngipin.

8. Hindi siya matipid sa pagkain palibhasa marami ang perang baon niya.

9. Uuwi ako nang maaga para matulungan ko si Nanay sa mga gawaing bahay.

10. Naghintay si Nanay sa sala hanggang dumating si Tatay mula sa opisina.

You might also like