You are on page 1of 24

Republic of the Philippines

SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY


Tandag City - Main Campus
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
1

Kabanata 1

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula

Ang silid-aralan ay isa sa mga mahalagang pasilidad ng paaralan dahil ito

ay isang pormal at komportableng lugar kung saan nagagaganap ang pagbibigay

kaalaman ng mga guro sa kanilang mag-aaral, dito nangyayari ang mga gawaing

pang akademiko kung kaya’t natututo ang mga estudyante at mas nalilinang pa

ang taglay na kakayahan. Madaming studyante ngunit kaunti lamang ang silid

aralan. Ito ay karaniwang suliranin ng mga paaralan lalo yung nasa

pambublikong paaralan lamang kung kaya’t ang mga hindi nakagamit nito ay

nagsasagawa ng klase sa ibang espasyo maaaring sa shed, ground, o kaya sa

gymnasium ng campus. Dahil dito naaapektuhan ang mga studyante sa kanilang

pagkatuto o pagkamit ng kaalaman sa mga aralin sapagkat hindi pabor ang

kanilang kinalalagyan sa maraming kadahilanan sa kapaligiran.

Ayon kay Eventus Raphael (2015) ang impluwensya ng kapaligiran bago

paman ngayon ay hindi isinaalang-alang bilang isa sa mga nakakaapekto sa

pagganap ng akademiko sa mas mataas na institusyon, kung kaya't ito ay

nabibigyan lamang ng kaunting pagsasaalang-alang sa edukasyon. Sinabi na

ang kapaligiran sa pag-aaral ay may mahalagang papel sa tagumpay ng mag-

aaral. Ang mga paaralan kung magkakaroon lamang ng mabuting kapaligiran,

1
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Tandag City - Main Campus
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

nagagawa nitong mas maiangat ang tagumpay ng mag-aaral sa kinalalagyan

(Matthew at William 2019). Dagdag pa rito, ayon kay Letise Dennis (2016), isang

manunulat ito ay akma dahil ang mga mag-aaral ay mas mahusay sa gawain

kapag natututo sila sa positibong kapaligiran. Sa gayon, ang karamihan sa mga

tao ay sumasang-ayon na ang ilang mga kapaligiran ay mas kaaya-aya sa pag-

aaral at pagganap sa akademiko.

Ang kaugnayan ng kakulangan ng silid aralan sa akademikong pagganap

ng mga mag-aaral ay hindi pa naging malinaw sapagkat hindi ito masyadong

natutuunan ng pansin ng Unibersidad ng SDSSU. Kung kaya't kami na mga

mananaliksik ay gumawa ng pag-aaral sa suliraning umiiral ng sa gayon ay

magkaroon ng malinaw na impormasyon at posibleng solusyon.

Ang akademikong papel na ito ay magbibigay ng malinaw na

impormasyon sa mambabasa at mga estudyante kung ano ang mangyayari kung

ang isang mag-aaral ay walang maayos na kapaligiran kapag nagkaklase. At

higit sa lahat ito ay ginawa upang maipabatid sa mga nasa matataas na

nakauukulan ng paaralan ang umiiral na suliranin ng sa gayon ay matuunan ng

atensyon, malaman ang suhesyon ng mga studyante at upang ma aksiyonan.na

ginaganapan ng pag-aaral at ang epekto nito sa mga studyante.

2
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Tandag City - Main Campus
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Teoretikal/ Konseptual na Balangkas

Ang pag-aaral na ito ay naka-angkla sa “Walberg’s theory of education”.

Ang teoryang ito ay nagmumungkahi na ang agarang sikolohikal na mga

kapaligiran ay nakakimpluwensya sa estudyante sa kanilang mga akademikong

pagganap mapa kognitibo man o pag-uugali. Ito ay itinuturing na mga layunin sa

proseso ng pang-edukasyon pati na rin ang mga layunin ng pagkamit upang

madagdagan ang pagiging produktibo sa edukasyon. Ayon sa teoryang ito may

siyam na baryabol na nakaka apekto sa akademikong pagganap ng mga

studyante at isa na ron an ang kapaligiran ng silid-aralan. Ang klima sa silid-

aralan na kinabibilangan ng kalooban, saloobin, pamantayan at tono na

nadarama ng mga mag-aaral kapag nasa loob sila ng isang silid-aralan;

negatibong klima sa silid-aralan ay maaaring makaramdam nang walang gana at

kontrol habang ang positibong klima sa silid-aralan ay nagreresulta sa mabuting

kalagayan sa intelektwal, sosyal, emosyonal, at pisikal na kapaligiran kung saan

natututo ang mga estudyante.

3
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Tandag City - Main Campus
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Epekto ng
Suliranin ng
kakulangan ng
mga mag- Suhestyon sa
silid-aralan
aaral sa matutuklasang
akademikong
kakulangan ng suliranin
pagganap ng
silid-aralan
mga-aaral

Pigura 1. Iskema ng Pag-aaral

4
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Tandag City - Main Campus
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Makikita sa pigura 1 ang iskema ng pag-aaral. Sa unang kahon ay ang

pagtukoy sa mga suliranin ng mga mag-aaral sa kakulangan ng silid aralan sa

pamamagitan ng pagpapasagot sa mga mag-aaral ng talatanungan.

Sa ikalawang kahon ay ang pag tuklas sa magiging epekto ng kakulangan

ng silid-aralan sa akademikong pagganap ng mag-aaral na nakabatay sa

ginawang talatanungan ng mga mananaliksik.

Batay sa kinalabasan ng pag-aaral, ang mga mananaliksik ay bumuo ng

suhestyon sa natuklasang suliranin. Suhestyon na makakalutas sa kakulangan

ng silid-aralan at makakatulong sa akademikong pagganap ng mga estudyante.

Paglalahad ng Suliranin

Hangarin ng pananaliksik na ito na matukoy at mailahad ang mga epekto

ng kakulangan ng silid-aralan sa akademikong pagganap ng mga mag-aral.

Bilang pagtitiyak, papagsisikapang sagutin ng pananaliksik na ito ang mga

sumusunod na katanungan:

1. Ano-ano ang mga suliranin ng mga estudyanting nagkaklase na walang

silid-aralan?

2. Ano-ano ang epekto ng kakulangan ng silid-aralan sa akademikong

pagganap ng mga estudyante

5
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Tandag City - Main Campus
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

3. Ano ang mabubuong suhetsyon upang malutas ang mga nabanggit na

suliranin?

Ang pananaliksik na ito ay umiikot lamang sa mga nasabing katanungan upang

malinaw na maipahayag ng mga mannaliksik ang mga suliranin at epekto ng

nasabing pag-aaral.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay tumatalakay sa mga “Epekto ng Kakulangan ng

Silid-aralan sa Akademikong Pagganap ng mga Estudyante” ay nais lamang isa-

isahin at alamin ang mga problemang pinagdadaanan ng mga mag-aaral. Nais

lamang ng mga mananaliksik na pag-aralan ang buhay ng mga mag-aaral at

idagdag na din ang posibilidad na lalo pang mapaayos at mapaganda ang

pasilidad ng kagawaran para sa mga mag-aaral.

Anuman ang maging resulta ng pag aaral na ito ay maaaring maging

kapaki-pakinabang sa mga sumusunod: sa mga mag-aaral, sa mga guro, sa mga

pinuno ng paaralan, at maging sa iba pang pananaliksik.

Sa mga Mananaliksik. Sa pananaliksik na ito ay nakakalap ang mga

mananaliksik ng mga impormasyon na nagsilbi upang lalo pang madagdagan

ang kaalaman ng bawat isa at maintindihan ng lubos ang mga mag aaral at

tunay na kahalagahan ng kumpleto at maayos na silid-aralan.

6
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Tandag City - Main Campus
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Sa mga Mag-aaral. Ang pananaliksik na ito ay makakatulong upang

imulat ang bawat isipan ng mga mag-aaral sa tunay na kahalagahan ng

edukasyon at sa maayos na silid-aralan para sa mga mag-aaral at nang sa

ganun ay makapagbahagi rin ang mag-aaral sa kapwa nila mag-aaral tungkol sa

maayos na silid-aralan at gayun na din sa kagawaran ng paaralan.

Sa mga Guro. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay maaaring magsilbing

patnubay sa pagpapabuti sa paraan ng kanilang pagtuturo sa kabila ng

kakulangan ng silid-aralan. Maaari din itong magsilbing batayan kung bakit

nahihirapan ang mga mag-aaral na makasabay sa leksyon.

Sa mga paaralan. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay maaaring

magsilbing batayan sa pagpaplano ng kung ano ang dapat nilang gawin upang

masolusyonan ang kakulangan ng silid-aralan ng kanilang paaralan.

Sa mga Magulang. Ang pag-aaral na ito ay para din sa mga magulang ng

bawat mag-aaral, upang magabayan at lubos na mapaunawaan ng bawat

magulang sa kanilang mga anak ang tunay na kahalagahan ng edukasyon at

upang lalo pang magsumikap ang mga mag-aaral sa kanilang pag aaral sa

kabila ng kakulangan ng silid-aralan ng kanilang kagawaran.

Saklaw at Delimitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa mga epekto ng kakulangan ng

silid-aralan sa akademikong pagganap ng mga studyante. Saklaw ng pag-aaral

7
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Tandag City - Main Campus
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

na ito ang mga mag-aaral mula sa College of Arts and Sciences ng Surigao del

Sur State University Main Campus. Sila ang makapagbibigay ng kasagutan sa

pag-aaral na gagawin at dahil sila rin ang mas nakakaranas ng ganitong

problema.

Ang pag-aaral na ito ay hindi tumitiyak sa panlahat na saloobin ng

mga respondante o mag-aaral sa buong unibersidad. Ito ay may kinalaman

lamang sa mga saloobin ng mga mag-aaral sa departamento ng Arts and

Sciences.

Kahulugan ng Katawagan

Ademikong Pagganap. Ito ay performance ng studyante at pag-uulat ng

mga mag-aaral ng nakaraang semester CGPA/GPA at ang kanilang inaasahang

GPA para sa kasalukuyang semester.

Suliranin .Tumutukoy sa anumang bagay na kailangang lutasin at

masolusyonan

Iskema . Ang Sistema ng pag-iimbak ng impormasyon sa utak ng tao

Suhestiyon .Ang pagbibigay ng sariling pananaw o paniniwala tungkol sa

larangan ng natatanging bagay

Espasyo. bigyan ng space/espasyo

8
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Tandag City - Main Campus
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Sarbey. Isang proseso kung paano makakakuha ng isang datos o

impormasyon.

9
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Tandag City - Main Campus
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Kabanata 2

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Sa kabanatang ito ay kinapapalooban ng mga kaugnay na literature at

pag-aaral na nakuha ng mga mananaliksik sa binasang aklat, disertasyon, tesis,

at iba pang mga babasahing may mahalagang kaugnayan sa naturang pag-

aaral. Inilalahad ang mga konsepto at kaisipan mula sa iba’t ibang mananaliksik

at awtor upang mabigyang linaw ang isinasagawang pag-aaral.

Kaugnay na Literatura

Banyaga

Si Khan at Iqbal (2012) "sa masikip na silid-aralan" ang pag-aaral na

isinasagawa sa Pakistan ay nalaman na ang epektibong pagtuturo ay hindi

posible sa labis na masikip na mga klase at karamihan sa mga guro ay

nahaharap sa mga problema sa pagtuturo, disiplina, pisikal at pagsusuri. Ayon

kay Hannah (2013) sa kanyang pag-aaral na “The Effect of Classroom

Environment on Student Learning” na ang silid-aralan ay isang lugar kung saan

nakakuha ng higit na kaalaman ang mga mag-aaral at ito ang lugar na kanilang

natuklasan kung ano ang nais nilang maging sa hinaharap. Ang silid-aralan ay

isang mahalagang lugar kung saan lumalaki at natututo ang mga mag-aaral ng

maraming bagay sa kanilang buhay. Inilahad din niya na upang maging mabisa

10
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Tandag City - Main Campus
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

ang silid-aralan ay dapat tiyakin na ang ang lugar kung saan nagaganap ang

akademikong gawain ay tumutulong para umunlad ang mga estudyante.

Ayon sa aklat ni Hueman (2003) na “College and University Facilities”

bawat pasilidad sa isang paaralan o unibersidad ay mahalaga. Ang

pagkakaroon ng wastong pasilidad ay nakakatulong para mas mapapaunlad ang

kakayahan at abilidad ng bawat estudyante. Ayon pa kay Kowalski Malaki ang

nagiging epekto nila sa pagkakaroon ng maganda at maaayos na pasilidad ng

isang unibersidad dahil ang mga state Regulator naito ang may hawak badyet

para sa mga unibersids at paaralan.

Ayon kay Lifftoff (2016), ang mga mag-aaral ay mas natututo kapag

sila ay nasa positibong kapaligiran. Dagdag pa niya, karamihan sa mga tao ay

sumasang-ayon na nakakaapekto ang kapaligiran sa akademikong pagganap ng

mga mag-aara. Ang isang mag-aaral na nagsasagawa ng isang gawain sa isang

tahimik at mapayapang silid ay halos tiyak na mahusay kaysa sa isang mag-

aaral na kumukuha ng parehong gawain sa isang malakas at magulong silid

(Forhergill, 2016)

Ang kapaligiran sa silid-aralan ay maaring makipag ugnay sa personal

na katangian ng mga mag-aaral at nakakaapekto sap ag-aara. Ayon kay Lewin

(2010). Dagdag pa niya, ang mode,saloobin, pamantayan at toro na nadarama

ng mga mag-aaralkapag nasa loob sila ng silid-aralan ay nakakaapekto sa mga

resulta ng pang-edukasyon.

11
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Tandag City - Main Campus
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Local

Ayon sa pahayag ng UNTV Radio (2014) marami sa mga paaralan ng

Pilipinas tulad ng Zamboanga National High School, Ilo-ilo City National High

School, Angeles at San Fernando City, Philippine Science of Technology High

School, Baguio City, at Bulacan ang nakakaranas ng kakulangnan sa pasilidad

tulad ng silid-aralan dahilan sa pagsisiksikan ng mga estudyante sa isang silid-

aralan, at ayon din sa Dep-Ed ay marahil hindi papasok ang ilan sa mga

estudyante dulot ng magulong senaryo ng ng paaralan at dulot na rin ng

kakulangan ng pasilidad sa paaralan tulad ng mga upuan sa silid-aralan. Hindi

nating maikakaila na mamrami talagang sa mga estudyante ang nakakarnas ng

aberya sa paaralan dahilan upang hindi sila makapag pokus sa pakikinig sa mga

guro dulot ng maalinsang pananhon at hindi wastong silid aralan

Dagdag din ng ABS-CBN News (2018) ay ilan ring mga paaralan lakip na

ang sa Elementarya at Secondaryang Paaralan ng ibat-ibang lalawigan sa

Pilipiinas ang nakakaranas ng kakulangan ng silid-aralan dahilan upang

magdaos sila ng klase sa hindi wastong silid-aralan tulad ng covered court,

maggsiksikan sa isang paaralan ang ibat ibang seksyon ng mga mag-aaral na

pinamamagitan lamang ng plywood at blackboard, at mag class shifting upang

mairaos ang klase, hindi maikakailang nahirapan ang mga estudyante na

pagtuunan ng pansin ang kanilang pag-aaral dahil sa init at ingay sa lugar.

12
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Tandag City - Main Campus
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Maaring ang wala itong epekto sa ibang mag-aaral pero hindi pa rin natin

masasabi na talagang wala nga itong epekto sa kanila. Ang paaralan ay isang

silid na pinagkaklasehan ng mga estudyante at dito nalilinang at nadadagdagan

ang kanilang mga kaalaman sa ibat-ibang larangan ng edukasyon.

Ayon kay dela Cruz (2017) ang isang dahilan kung bakit nagiging malala

ang kakulangan ng pasilidad tulad ng silid-aralan sa public schools ay maraming

mga estudyante sa pribadong paaralan ang lumilipat sa public schools. Ang

pinakamalaking dahilan kung bakit lumilipat ang mgaestudyante sa private sa

public schools ay kahirapan. Pataas na pataas naang tuition ngayon sa

pribadong paaralan dahil sa pagtaas na rin ng lahat nabilihin. (Ellen

Tordesillas,journalist). Nakasaad mismo sa Konstitusyon, Artikulo IV Seksiyon I

ng 1986 Konstitusyon na dapat pangalagaan ng Estado ang karapatan ng lahat

ng mamamayan sa mahusay na edukasyon sa lahat ng antas at dapat

magsagawa ng angkop na mga hakbang upang matamo ng lahat ang gayong

edukasyon.´ Dapat ay bigyan din ng pinakamataas na prayoridad ng

pamahalaan ang edukasyon. Dagdag ni Padua (2016) sa mga problemang ito ay

dapat lamang na mapagtu unan ito ng pansin upang ang mga estudyante ay

makamit ang kaalaman na gusto nilang makuha. Napakahalaga para sa isang

paaralan na magkaron ng isang kumpleto at de-kalidad na pasilidad at

kagamitan. Sapagkat kung wala ang mga bagay na ito hindi magagawa at

mapag-aaralan ng mga mag-aaral ng mabuti ang kanilang mga leksyon. Kung

13
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Tandag City - Main Campus
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

ang isang paaralan ay mayroong kumpletong pasilidad at kagamitan, tiyak na

ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng maayos na pagkatuto. Hindi lamang

iyon dahil sa mga natutuhan at nagiging karanasan nila sa paaralan ay maaari

rin nilang magawa ang mga naturang bagay sa kanilang bahay.

Kaugnay na Pag-aaral

Banyaga

Dagdag ni Janes Fritz (2014) , sa kanyang disertasyon na “The effect of a

New School Facility on Student Achievement” mas gusto ng mga mag-aaral ang

transpormasyon ng mga silid- aralan at iba pang pasilidad na binago ng

modernisasyon mula sa isang wastong paaralan noong 1600s hanggang sa

isang kompleks na estruktura tulad ng sa ngayon. Mas magiging komportable

ang mga mag-aaral kung mayroong bago sa kanilang paligid.

Ayon naman kay Maughan (2002) mas nakakaapekto ang kalidad ng

paaralan, kalakip nito ang mga guro, estruktura at pasilidad sa progreso ng isang

mag aaral kaysa sa panlipunang kasaysayan. Hindi magkatulad ang abilidad ng

bawat mag-aaral kayat hindi maiiwasang magkaiba ang epekto nito a kanila.

Gayunpaman, ang pagpapaunlad ng pasilidad ng isang paaralan , makakatulong

upang maibsan ang paghihirap sap ag-aaral.

Ayon kay Hannah (2013) ay gumawa ng tesis na ang kapaligiran sa silid-

aralan ay may mahalagang papel sa pagpapanatili ng pansin ng mga mag-aaral

14
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Tandag City - Main Campus
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

at payagan silang maging matagumpay sa loob ng silid-aralan. Maaaring

baguhin ng guro ang kapaligiran upang makamit ang mga resulta na ito.

Maraming mga paraan upang gawin ito. Maaari nilang ayusin ang mga mesa sa

iba't ibang mga pattern. Maaari nilang palamutihan ang mga dingding na may

iba't ibang mga asignatura o item. Ang mga mag-aaral ay maaaring magamit

upang makatulong na pamunuan ang silid-aralan sa paraang nais ng guro. Kahit

na ang pag-adapt ng ilaw o ang temperatura ng silid ay maaaring dagdagan ang

pagiging epektibo ng pagtuturo sa silid-aralan. Ang isang mabuting guro ay may

kamalayan sa mga elementong ito at ang kahalagahan na kanilang ginampanan

sa tagumpay ng mag-aaral. Kung hindi bibigyang pansin ang kapaligiran ng

isang silid-aralan, itinatakda ng guro ang kanilang mga mag-aaral na hindi

gaanong maagumpay.

Ang silid-aralan ay tumutukoy sa pisikal na lugar sa paaralan kung saan

natutugunan ng guro ang pangkat ng mga mag-aaral upang makipag-ugnay sa

paksa at materyales upang ang pag-aaral ay maganap. Ang mga pasilidad ng

paaralan ay ang pangunahing sangkap sa pagbuo ng mga kakayahan ng mga

mag-aaral ng intelektwal at kakayahan na maaaring mag-ambag para sa

kadakilaan ng scholar. Ang silid-aralan ay lumampas sa mga pisikal na mga

limitasyon ng silid upang isama ang kabuuang konteksto ng paaralan na

tinitirahan ng mga guro at mag-aaral sa buong araw ng paaralan.

15
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Tandag City - Main Campus
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Dagdag pa ni Falsario (2014) sa kanyang pag-aaral na “Classroom

Climate and Academic Performance of Education Students” na ang kondisyon ng

silid-aralan ay nakakaapekto sa mga estudyante. Ang isang silid-aralan na may

positibong pananaw ang pinakamabisa para sa mga mag-aaral na maging mas

produktibo sa kanilang mga akademikong pagganap. Ang mga paaralan na may

positibong pananaw sa mga silid-aralan ay makakatulong sa mga mag-aaral na

maging mas komportable, matatag, ligtas, at maaaring matugunan ang kanilang

pangunahing pangangailangan sa pisikal at mental na kalusugan sa halip ng

may negatibong pananaw kung saan ang mga estudyante ay hindi komportable,

hindi nakaka pokus at palaging balisa.

Local

Ayon kay Escalante (2016). Malaki ang maitutulong ng maayos na mga

pasilidad pagkatuto ng mga estudyante sapagkat magbibigay ito ng

kaginhawaan sa mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral gayon na rin ay

gaganahan sila sa pagpasok sa paaralan

“… sa kabila ng lahat ng aming pagsisikap hindi namin magagawang turuan ang

lahat ng mga paksang dapat nilang pag-aralan” pahayag ng isang guro sa

ginwang interbyu ni Sapkota(2017). Dahil sa kakulangan ng silid-aralan

nahihirapan ang mga guro sa paglalahad ng mga aralin sa kadahilanang ibat-

ibang baitang ang nagsamasama sa isang silid aralan. Dagdag pa ni Sapkota,

nakakaapekto ang kondisyon ng kapaligiran sa akademikong pagganap ng mga

16
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Tandag City - Main Campus
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

estudyante. Dahil sa walang maayos na silid-aralan at pasilidad hindi

nakakapokus ang mga mag-aaral sa oras ng klase.

Ayon sap ag-aaral ni Lasalaleta (2016) sa “Lack of Classroom”, Ang silid-

aralan ay isa sa mga pinaka importanteng salik sa epektibong pag-aaral, ito ay

nagsisilbing puso sa anomang systema ng edukasyon. Hindi kumpleto ang

pagpaplano ng kurikulum nang walang pagpapatupad at pagsusuri, kapwa sa

pangunahing isinasagawa sa silid-aralan, ang karamihan sa mga aktibidad sa

klase ay nagaganap habang nakaupo ang mga mag-aaral

Samakatuwid ang pag-aayos ng pag-upo ay napakahalaga upang

magdusa ang uri ng pagpapabaya na naranasan ng maraming sekundaryong

paaralan sa bansa. Ang isang maingat na atensyon sa pag-aayos ng pag-upo ay

nag-aambag ng mabisa tulad ng anumang iba pang aspeto ng classrooom

managemnt at kontrol sa pangkalahatang tagumpay sa isang klase kasunod

Pinatutunayan din na ang isang makapangyarihan sa index para sa

pagsusuri ng mga pamantayan at kalidad ng edukasyon ay isang pagsusuri sa

mga pisikal na pasilidad na magagamit para sa mga karanasan sa pagkatuto.

Sintesis

Ang mga literatura at pag-aaral na nabanggit sa itaas ay may kaugnayan

sa kasalukuyang pag-aaral ng mga mananaliksik at lumalabas na may

pagkakapareha ang mga suliranin ng mga estudyante sa pag-aaral sa

17
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Tandag City - Main Campus
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

kasalukuyang mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay nakapukos lamang sa mga

mag-aaral ng College of Arts and Science Main Campus.

Ang mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang

epekto ng kakulangan ng silid aralan sa akademikong pagganap ng mga

estudyante ng college of arts and sciences. Kung saan ito ay makatutulong sa

mga mag-aaral na maipabatid ang kanilang mga hinaing at karanasan sa

kakulangan ng silid-aralan sa administrasyon nang matugunan ang mga

nasabing suliranin.

18
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Tandag City - Main Campus
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Kabanata 3

METODO AT PAMAMARAAN

Nakapalood sa bahaging ito ang disenyo, pamamaraan, instrumentong

ginamit sa pangangalap at pag-aanalisa ng mga datos o impormasyon sa pag-

aaral. Gayundin ang teknik na ginamit sa pagpili ng kalahok, paghahanda ng

instrumentong gagamitin at uri ng estadistikang ginamit sa pagkuha ng resulta.

Disenyo ng Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng kwantitatibong pamamaraan sa

pag-aanalisa ng mga datos upang makita ang resulta sa ginawang pag-aaral.

Kwantitatibong itong maituturing dahil ayon kay Adi Bhat (2018) ito ay

sistematikong pagsisiyasat sa pamamagitan ng pagkolekta ng datos na maaring

quantifiable o computational na tugma sa gagawin ng mga mananaliksik. Ginamit

ang deskriptibong pamamaraan sapagkat tinutukoy nito ang epekto ng

kakulangan ng silid aralan sa akademikong pagganap ng mga mag aaral. At ang

teknik na ginamit ay isang sarbey sa pangangalap ng kinakailangang datos para

sa pag aaral.

Lugar ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa sa Surigao del Sur State University-

Main Campus Ang unibersidad na ito ay isang non-profit na pampublikong

19
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Tandag City - Main Campus
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

instutusyon ng mas mataas na kita na matatagpuan sa bayan ng Tandad City,

Surigao del Sur. May higit kumulang na 5,000-6,000 studyante ang nag-aaral.

Ito ang napiling lugar nag pag-aaral upang mas mapadali ang pangangalap ng

mga datos dahil ang mananaliksik ang kasalukuyang nag-aaral rin dito.

Pigura 1. Mapa ng Surigao del Sur State University

Respondente

Ang napiling respondente ng pananaliksik na ito ay ng mga mag-aaral sa

Surigao Del Sur State University Main Campus mula sa departamento ng

College of Arts and Sciences. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng random

sampling na pamamaraan sa pagpili ng mga kalahok upang malaman at

matukoy kung ilan ang kukuning repondente. Ang kukunin lamang na respondent

ay ang mga nakakaranas sa kakulangan ng silid-aralan.

20
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Tandag City - Main Campus
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Hakbang sa Pagpili ng Respondente

Ang teknik ng ginamit ng mga mananaliksik sa pagpili ng respondente ay

random sampling. Ibig sabihin nito lahat ng respondente ay may pantay na

tsansang mapili. Ito ay napiling teknik ng mga mananaliksik dahil lahat ng

respondente ay pweding makakasagot sa talatanungan.

Instrumento ng Pag-aaral

Ang instrumentong ginamit sa pagsasagawa ng pag-aaral na ito ay

talatanungan sa anyong tsiklist na ginawa ng mga mananaliksik. Nakapaloob sa

sa tsiklist ang mga suliranin na nararanasan ng mga estudyandte at mga epekto

nito sa kanilang akademikong pagganap at mga suhestiyon ng mga estudyante

para matugunan ang kanilang sulirain sa kakulangan ng silid-aralan.

Hakbang ng Pangangalap ng Datos

Inilalahad mga sumusunod na hakbang at prosedyur sa pagkalap ng

datos at impormasyon sap ag-aaral na ito:

Ang unang hakbang ng mga mananaliksik ay gagawa ng palatanungan

na nakapaluob ang suliranin sa kakulangan ng silid-aralan. Pangalawang

hakbang ay isinasaayos ang mga intrumentong gagamitin ng sa gayon ay

maiwasto ang mga tanong. Pangatlong hakbang ay ang mananaliksik ay

personal na pumili at humingi ng pahintulot sa kanilang kalahok na pagbibigyan

21
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Tandag City - Main Campus
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

at sasagot sa palatanungan. At ang pinaka huling hakbang ay kinalap ng mga

mananaliksik ang instrumento at inihambing ang sagot ng mga kalahok at

binigyan ng kabuuan.

Estatistikang Pamamaraan

Ang pananaliksik na ito ay gagamit ng estaditikang pamamaraan upang

makuha ang naayong porsyento ng resulta ng pag-aaral. Makukuha ang angkop

na prekwensi ayon sa bawat tugon ng respondente sa bawat katanungan. Ang

uri ng estadistikang gagamitin ay tinatawag na Frequency Distribution:

P=(f/n)x100

Kung saan ang:

P – bahagdan

f- prekwensi o bilang na sumagot

n- kabuuang bilang ng respondente

22
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Tandag City - Main Campus
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

TALASANGGUNIAN

Hannah, Ryan. 2013. "The Effect of Classroom Environment on Student

Learning". Honors Theses. Paper 2375.

Kausar et al. 2017. Effect of Classroom Environment on the Academic

Achievement of Secondary School Students in the Subject of Pakistan Studies at

Secondary Level in Rawalpindi District, Pakistan. Journal of Education and

Practice. Vol.8.

Miller, Angela and Katherine Cunningham. “Classroom Environment.”

Updated April 18, 2011, http://www.education.com/reference/article/classroom-

environment/. Accessed November 6, 2013.

Strickland, Ruth G. “Creating a Challenging Classroom Environment.”

The Reading Teacher , Vol. 15, No. 3, Reading as Thinking (Dec., 1961),

pp. 193-197, 201. Accessed November 6, 2013.

McGrew, K. 1918. Walberg's theory of educational productivity. Institute

for Applied Psychometrics.

Akech, P. 2016. The impact of over-crowded classrooms to Teachers and

Students. Tanzania. GRIN Publishing GmbH.

23
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Tandag City - Main Campus
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Dennis, L. 2016. Why Students Need More Physical Education. 2019 K12

Inc.

24

You might also like