You are on page 1of 1

Tingnan;

Bakas ang kasiyahan sa mukha ng mga kabataang mas pinili ang tamang landasin tungo sa pagkamit ng
kani kanilang mga pangarap. Sa pagbubukas ng taong panuruan 2022-2023 mula sa mapanghamong
bakas ng mapamuksang COVID 19. Muling nakaapak at nagkita-kita ang mga minamahal na nag-aaral ng
PANTUYAN NATIONAL HIGH SCHOOL.

Sinalubong nila ang unang araw ng pasukan ng may malugod na pagbati mula sa mga guro, alumni at
mga mananayaw sa katutubong pamamaran na ipinakita, ang nakakadalang tunog ng Mangmang at
Gimbal'l kasabay ng sayaw ng mga mag-aaral at naggagandahang ngiti ng mga guro ay naghatid ng saya
at kagalakan sa bawat isa. Ang mga magulang na inihatid at buong sayang ibinahagi ang kanilang anak sa
paaralan upang maturuan ay nagbigay lakas sa mga guro na pagibayuhin pa ang pagtuturo lalo na sa
mahigit dalawang taon ay nahirapan at di nakikita ang mga mag-aaral sa kanilang silid-aralan.

Nagpakita naman ang dibisyon ng Davao Oriental ng pasasalamat at pagkalinga sa mga ibinahagi nilang
HYGIENE KITS bilang handog na pasasalamat sa mga batang di nawalan ng pag-asa at nagtiwala na nasa
edukasyon ang sulosyon at susi sa pag-angat.

Matinding regalo rin ang ibinahagi ng mga alumni na nag alay ng mga School Supplies para maipakita
ang pagtulong at kagalakan sa pagbabalikan eskuwela ng mga mag-aaral ng nasabing paaralan.

Pinangasiwaan din ng paaralan ang iba't-ibang sikososyal na mga gawain na naglalayong pagbutihin at
madama pa ang mga hinaing at iba't-ibang damsamin ng mag-aaral mula sa hamon ng virus at hanggang
sa pagbabalik eskuwela.

You might also like