You are on page 1of 3

[BALITA]

Ni: Perez, Stephanie N.

CAASUC III 2022 FESTIVAL, KASADO NA!

Naglabas na ng opisyal na petsa ang Culture and the Arts


Association of State Universities and Colleges (CAASUC) III para sa
muling pagpapamalas ng iba’t ibang talento ang mga mag-aaral sa CAASUC
III 2022 Festival na gaganapin sa ika-21, 23, at 25 ng Nobyembre 2022.

Para sa unang araw ng kompetisyon, magtatagisan ang mga mag-aaral


na pambato ng labing tatlong kalahok na pamantasan sa ikatlong Rehiyon
sa larangan ng pagkukuwento o story telling, pagsulat ng sanaysanay o
essay writing, spoken poetry, radio drama, at short and sweet play.

Ang kasunod na araw naman ay nakapokus ang patimpalak sa musikal


at instrumental genre gaya ng choir, vocal duet, vocal solo, piano,
banduria, classic guitar, violin, at live band.

At ang panghuling araw naman ay ang pagtatagisan ng galing sa


virtual arts tulad ng on the spot poster making, pencil drawing,
charcoal rendering, photography, at painting. Mayroon ding paggalingan
sa pagsayaw ng folk dance, indigenous, hip hop, at contemporary. Bukod
pa rito, hindi rin mawawala sa okasyon ang pagrampa ng mga kalahok sa
Mr. And Ms. CAASUC 3.

“Nakakapressure, pero mas nangingibabaw yung excitement dahil


this time may kasama na ako unlike last year solo lang. Actually,
ngayon palang nagsisimula na kaming mag-ensayo. Mahirap at
nakakapagod, but we have to endure everything because we are aiming
for the victory ”, saad ni Leslie Suba na nagkamit ng panalo sa
larangan ng Contemporary Dance noong nakaraang CAASUC 3 2021 Festival.

Samantala, kinakailangan ng humigit kumulang sa 3.6 milyong


pisong budget ang nasabing aktibidad para sa mga gastusin sa
sertipiko, tropeo, pagkain, transportasyon, dekorasyon, uniporme,
training, moderator, at marami pang iba. Kaya naman maghahati-hati ang
labing tatlong unibersidad sa gastos upang matagumpay na maisagawa ang
CAASUC 3 2022 Festival.
[EDITORYAL/OPINYON]
Ni: Perez, Stephanie N.

ANG PAGBABALIK NI JUAN SA KANYANG SILID ARALAN

Matapos ang mahigit dalawang taong pagtitiis sa online classes


dulot ng pandemya, naghahanda nang muli ang Pampanga State
Agricultural University (PSAU) para sa muling pagbubukas ng face-to-
face classes na magsisimula sa ika-22 ng Agosto taong 2022. Ngunit
pinangangambahan ng mga mag-aaral ang malaking hamon na kahaharapin
para sa darating na pasukan.

Ang turismo at ilan sa mga negosyo sa bansa ay patuloy nang


umuunlad matapos sirain ng pandemya, ngunit ang edukasyon ay tila
napag-iiwanan parin hanggang sa ngayon. Sa halip na maraming natutunan
ang mga estudyante sa kanilang talakayan, mas nawawalan lamang ng
ganang mag-aral sapagkat at hindi na sila nagiging produktibo dahil
nagagawa na nilang mandaya sa mga pagsusulit at iba pang mga
aktibidad.

Ayon sa United Nations International Children's Emergency Fund


(UNICEF), ang Pilipinas ang tanging pinakamatagal na nagsara ng mga
paaralan mula sa 122 na bansa sa buong mundo na umabot ng humigit
dalawang taon. Sa katunayan, mas nauna pang nagbalik eskwela ang mga
nasa Elementarya at Sekondarya sa bansa, samantalang ang mga kolehiyo
na nangangailangan ng sapat na training at laboratory para sa kanilang
propesyon tulad ng mga engineering at nasa medikal na kurso ay
nagtitiis pa rin na pag-aralan ang mga ito sa online class.

Nito lamang Hulyo ng kasalukuyang taon, pinahintulutan na ng


Commission on Higher Education (CHED) ang mga unibersidad na magpasya
para sa pisikal na balik eskwela. Dahil sa patuloy na pagbaba ng kaso
ng mga nagpopositibo sa COVID 19 sa lungsod ng Pampanga, isa ang PSAU
sa mga unibersidad sa bansa ang naghahanda na para sa ligtas na
limited face-to-face class. Masidhing pinag-aaralan ng pamantasan ang
mga dapat na i-konsidera para sa kapakanan ng kanilang mga mag-aaral.

Ang ilan sa mga lubos na pinangangambahan ng mga mag-aaral ay ang


kanilang kaligtasan. Kaya naman mas minabuti ng PSAU na limitado muna
ang papasok ng paaralan upang mabawasan ang pisikal na kontak sa
kanilang mga kamag-aral, bagkus mas bigyang pokus ang mga subject na
ngangangailangan ng face-to-face classes. Ngunit para naman sa mga
nakatira sa malalayong lugar, ang transportasyon at paghahanap ng
kanilang pansamantalang matutuluyan ang isa sa kanilang mga
pinoproblema, lalo na kung hindi lahat ng kanilang assignatura ay
kinakailangan ng face-to-face classes.
Marami ang dapat na isalang-alang sa muling pagbubukas ng mga
paaralan. Hindi lamang ang minimithing propesyon ang nakasalalay,
kundi pati buhay ng bawat indibidwal ang nakataya. Mas mainam kung
pag-aralan nang mabuti at inanunsyo agad upang makapaghanda ang mga
guro at mag-aaral para sa darating na pasukan. Nang sa gayon hindi
sila mahirapan at sama-sama nilang haharapin ang mga hamon sa new
normal dahil ito ay may kaakibat na bagong hamon, bagong panuntunan,
at bagong panganib na dapat tugunan.

#########

You might also like