You are on page 1of 1

Arellano University – Malabon

Elisa Esguerra Campus


Gen. Luna St., Brgy. Bayan-bayanan, Malabon City

Pangalan: Fely Pearl P. Egana Petsa: 11/15/22


Strand/Baitang/Pangkat: STEM 12-M3(2P) Guro: Bb. Angel Fate

GAWAIN BLG. 1

Sa nakaraang dalawang taon, nakulong tayo sa ating mga tahanan dahil sa pandemya. Maraming
nawalan ng trabaho at marami ring nagsarang pampublikong atraksyon. Isa na rin sa nawala ay ang
harapang pag-aaral sa loob ng paaralan kung saan hindi lang kaalamang akademiko ang natutunan,
pati na rin ang pakikihalubilo sa kapwa estudyante at mga guro. Ako po si Fely Pearl P. Egana,
estudyante mula sa Arellano University taong 2022-2023.

Ngayong naisakatuparan na ang pagtuloy ng 'face-to-face classes', halo-halo ang emosyon na aking
naramdaman. May parte sa aking masaya dahil mas epektibo para sa akin ang ganitong paraan ng
pag-aaral, ngunit hindi rin mawala sa isip ko ang responsibilidad na aking maiiwan sa bahay. Marami
sa atin ang hirap ituon ang buong atensyon sa pag-aaral lamang dahil sa trabahong ginagawa, at
pagtulong sa magulang o sarili. Isa ako sa hirap magbalanse ng oras dahil dito, pero dahil sa tulong
ng aking mga guro na hindi tumatangging sumagot sa mga tanong at magpaliwanag nang paulit-ulit.
Totoo ngang, "A true teacher does not terrorize ignorant students, because a true teacher knows that
it is his job to cure ignorance." - Miriam Santiago. Dahil na rin sa mga kaibigan ko, naitawid ko ang
mga nakaraang taon at kinakaya ang nagdadaang taon.

Kaya ngayong taon, kung saan ako ay papasok muli sa paaralan, gagawa akong ng mga desisyong
aayon sa oras at perang ilalaan ko at ng aking pamilya. Mas mahirap pagdating sa responsibilidad
pero mas epektibo pagdating sa edukasyon, kaya kakayanin. Umaasa rin ako sa mga kapwa kong
estudyanteng sabay sabay tayong makakapagtapos sa kabila ng mga pangyayari dahil ayon nga kay
'Former Vice President,' Leni Robredo, "Sana isipin na the power is in our hands. 'Yung mga ganito,
tingin ko, minor unheavals 'to. They were allowed to happen for a greater reason."

You might also like