You are on page 1of 2

Montalban Heights National High School Villa Ana Maria Subdivision San Jose Rodriguez Rizal SANHI NG PAGLIBAN

NG MGA ESTUDYANTE SA KLASE NG MONTALBAN HEIGHTS NATIONAL HIGH SCHOOL SA TAONG SY 2012 - 2013

Benjie G. Alvarez Jayson D. Ballad Mark Joseph R. Devera Ipinasa ni:

IV - Orchid Taon At Pangkat

Ipinasa Kay: Gng. Marianne Astor Mojar Guro sa Filipino IV

Kabanata I Sanhi ng Pagliban ng mga Estudyante sa Klase


Marami ang sanhi na lumiban sa klase ang isang mag aaral: una dahil sa sakit o pagkaaksidente, ikalawa dahil may mga bagay na napakaimportante o seremonya na dapat daluhan, ikatlo ang pagbabarkada, naging sanhi rin ito dahil ang mga estudyante ay Hindi na nakakapasok dahil lasing o nadala sa mga barkada, ikaapat dahil sa katamaran, ikalima dahil sa mga guro o mga instructor nawawalan sila ng gana dahil naboboringan sila at iba pa.

Ang ABSENTEEISM ay tungkol sa pagliban ng isang mag-aaral sa eskwelahang kanyang pinapasukan. Marami tayong salik kung bakit madalas na lumiliban ang isang bata sa klase. Marahil sa kakulangan ng pantustos kawalan ng baon sa eskwela, naghahanapbuhay sa murang edad, pagpigil sa anak na huwag ng pumasok o sa madaling salita ay kahirapan. Ito ay dahil din, takot sa guro, tinatamad,walang ipapasang proyekto, walang takdang aralin, udyok ng barkada,tanghali ng magising,may nagwang kasalanan sa klase, nalulong sa pagkokompyuter, pagkakaroon ng sakit o aksidente at marami pang iba. Dahil sa mga salik, ito ay nagdudulot ng pagbaba ng marka sa mga asignatura, huminto sa pag-aral, pagpapatalsik sa eskwelahang pinapasukan, pagbalik sa mga asignatura kung saan sila'y bagsak, pag-ulit sa hayskul, elementarya o kaya'y kolehiyo.

TESTING

You might also like