You are on page 1of 12

ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL

SENIOR HIGH SCHOOL


Luna St., La Paz, Iloilo City, 5000 Philippines

Telefax: (033) 320-0846 E-mail: contactus@iloilonhs.edu.ph

SALOOBIN NG MGA MAG-AARAL NG HUMSS 11 NG MATAAS NA PAARALANG

NASYONAL NG ILOILO SA PAGKAKAROON NG MABABANG GRADO

Isang Pamanahong-Papel na Iniharap sa Guro ng Filipino sa Senior High School

Ng Mataas na Paaralang Nasyonal ng Iloilo

Bilang Bahagi ng Pangangailangan sa Pagbasa at Pagsusuri

ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Iniharap nina:

Adriano, Hanz Cristian D.

Ardeña, Alleah N.

Delos Santos, Aleiah Carla E.

Ledesma, Stephanne E.

Pedrosa, Rona Mae S.

Humanities and Social Sciences 11-A

Iniharap kay:

Gng. Ma. Sharmain Jane S. Magallanes

Guro sa Filipino

Marso 2018
ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL

SENIOR HIGH SCHOOL


Luna St., La Paz, Iloilo City, 5000 Philippines

Telefax: (033) 320-0846 E-mail: contactus@iloilonhs.edu.ph

Saloobin ng mga Mag-aaral ng HUMSS 11 ng Mataas na Paaralang Nasyonal ng

Iloilo sa Pagkakaroon ng Mababang Grado

Adriano, Hanz Cristian D.

Ardeña, Alleah N.

Delos Santos, Aleiah Carla E.

Ledesma, Stephanne E.

Pedrosa, Rona Mae S.

Humanities and Social Sciences 11-A

KABANATA I

Panimula

Ang Kabanata I ay binubuo ng limang bahagi: (1) Kaligiran ng Pag-aaral, (2) Layunin ng

Pag-aaral, (3) Paglalahad ng Suliranin, (4) Kahalagahan ng Pag-aaral, at (5) Saklaw at

Limitasyon ng Pag-aaral.

Unang bahagi, Kaligiran ng Pag-aaral, tinatalakay dito ang kaligiran, introduksyon at

pangunahing impormasyon tungkol sa isinagawang pananaliksik.

Ikalawang bahagi, Layunin ng Pag-aaral, tinatalakay dito ang mga layunin kung bakit

isinagawa ang pag-aaral at ang haypotesis ng pananaliksik.

Ikatlong bahagi, Paglalahad ng Suliranin, tinatalakay dito ang mga katanungan at

suliranin na kailangang masagot sa kahulihan ng pananaliksik.


ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL

SENIOR HIGH SCHOOL


Luna St., La Paz, Iloilo City, 5000 Philippines

Telefax: (033) 320-0846 E-mail: contactus@iloilonhs.edu.ph

Ika-apat na bahagi, Kahalagahan ng Pag-aaral, tinatalakay dito ang mithiin ng

pananaliksik, mga salik kung bakit mahalaga ang pagsasagawa ng pananaliksik at benepisyong

makukuha sa resulta ng isinagawang pag-aaral.

Ikalimang bahagi, Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral, dito tinatalakay ang

hangganan o sakop ng pananaliksik na ito.

Kaligiran ng Pag-aaral

Akademiks. Hindi maitatangging ang mga panturong institusyon ay nagbibigay nang

higit na pagpapahalaga sa larangan ng akademiks bilang pundasyon ng mabisa at episyenteng

sirkulasyon at palitan ng kaalaman. Ayon kay Parikh (2016), ang akademiks ay sumasalamin sa

balangkas at kaunlaran ng ating lipunan. Sa modernong siyentipiko at teknolohikal na

pagbabago, maraming larangan ng pag-aaral ang napapasailalim sa akademiks at saklaw nito

ang mga sumusunod: mula sa siyensya hanggang sa operasyong medikal, panitikan hanggang

matematika, fine arts at iba pang larangang pang-akademiko na nakatutulong sa paghubog ng

daan tungo sa kaginhawahan at kawilihan ng buhay. Ang sistemang akademiko ng mundo ay

nagsisilbing pabrika na nag-aangat sa lahat ng lumalagong estudyante na maabot ang

pamantayan inilatag ng mga eskwelahan upang masiguro na sila ay makatupad sa mga

hinihingi nito (Hardy, 2016).

Iminumungkahi ng “Failure is Inevitable and Important” (2017) na ang pagbagsak ay

hindi maiiwasan dahil ito ay isang mahalagang parte ng pagkatuto. Ang kabiguan ay di hamak

na mas tanyag kaysa tagumpay pilit man ng taong iwasan, layuan at kwestyunin ang kanilang
ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL

SENIOR HIGH SCHOOL


Luna St., La Paz, Iloilo City, 5000 Philippines

Telefax: (033) 320-0846 E-mail: contactus@iloilonhs.edu.ph

mga sarili tuwing sila ay nagkakaroon ng negatibong pag-iisip. Ang payak na katotohanan ay,

walang mararating na tagumpay kung ang tao ay hindi makararanas ng kabiguan, ito man ay

isang di-sadyang pagkabigo o serye ng mga kabiguan. Gustuhin man o hindi, ito ay

kinakailangan upang mapanday ang daan sa pag-abot ng mga pangarap (Walter, 2013). Ang

nararamdaman ng tao hinggil sa kabiguan ay maaraming maging isang epektibong ehemplo sa

pagbabago at muling pagkalap ng kaalaman. Kahit saan, hindi maiiwasan ang kabiguan. Kahit

ang pinakamahuhusay, ano man ang kanilang propesyon ay bumabagsak at patuloy na

babagsak sapagkat ang kabiguan ay hindi kagustuhan, bagkus isang opsyon (Gardiner, 2015).

Ang pagkakaroon ng mababang grado ay isang parte ng kabiguan at ang kabiguan ay

mahalagang bahagi ng pag-aaral kaya ang mga estudyante ng modernong akademya ay dapat

handa sa pagharap ng mga kabiguan sa mga akdemikong gawain (Failure is an option: Six

Ways to deal with it,” 2015).

Ayon sa “Grading System in the Philippines” (2012), ang mga estudyante ng

sekondaryang paaralan na may gradong 0.00- 74.49 ay nabibilang sa mga mag-aaral na bagsak

ang marka na katumbas ng letrang F sa sistema ng paggrado sa Estados Unidos.

Ang mababang grado na natatanggap ng mga estudyante sa paaralan ay

nakapagdudulot ng mentalidad na sila ay mas mababa sa kanilang mga kapwa estudyante na

humahantong sa kalungkutan na siyang simula ng depresyon. Mayroong dibisyon na nabubuo

sa pagitan ng mga estudyanteng nakakuha ng mataas at mababang grado na lumilinang sa

ugali ng pagiging mapagmataas o mababa (Grades and Students: Psychological Effects of

Grades on Students, 2017). Inilalahad ni Byrd (2005) na ang paulit-ulit na pagkuha ng


ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL

SENIOR HIGH SCHOOL


Luna St., La Paz, Iloilo City, 5000 Philippines

Telefax: (033) 320-0846 E-mail: contactus@iloilonhs.edu.ph

mababang grado ay negatibong nakaapekto sa kumpiyansa sa sarili ng mga mag-aaral at

nagpapabago sa kanyang pakikitungo sa mga tao sa kanyang paligid. Ang bagsak na grado ay

may negatibong epekto sa pakikisalamuhang sosyal, pag-uugali, sariling kagalingan, asal sa

paaralan ng mga mag-aaral. Sa tuwing nauulit ang pagkakaroon ng mababang grado, nakikita

nila ito bilang parusa o kabiguan.

Ito ang mga dahilan kung bakit napukaw ang atensiyon ng mga mananaliksik na

isagawa ang nasabing pag-aaral. Sa pag-aaral na ito, nais matuklasan ng mga mananaliksik ang

saloobin ng mga mag-aaral ng HUMSS 11 ng Mataas na Paaralang Nasyonal ng Iloilo sa

pagkakaroon ng mababang grado.

Layunin ng Pag-aaral

Nilalayon ng pag-aaral na ito na malaman ang saloobin ng mga mag-aaral ng HUMSS 11

ng Mataas na Paaralang Nasyonal ng Iloilo sa pagkakaroon ng mababang grado. Gayundin,

nilalayon rin nitong malaman ang saloobin ng mga mag-aaral ng HUMSS 11 ng Mataas na

Paaralang Nasyonal ng Iloilo sa pagkakaroon ng mababang grado kapag ang mga tagatugon ay

pinangkat batay sa kasarian at kung mayroon bang makabuluhang pagkakaiba sa saloobin ng

HUMSS 11 ng Mataas na Paaralang Nasyonal ng Iloilo sa pagkakaroon ng mababang grado

kapag ang mga tagatugon ay pinangkat batay sa kasarian.

Haypotesis
ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL

SENIOR HIGH SCHOOL


Luna St., La Paz, Iloilo City, 5000 Philippines

Telefax: (033) 320-0846 E-mail: contactus@iloilonhs.edu.ph

Walang makabuluhang pagkakaiba sa saloobin ng mga mag-aaral ng HUMSS 11 ng

Mataas na Paaralang Nasyonal ng Iloilo sa pagkakaroon ng mababang grado kapag ang mga

tagatugon ay pinangkat batay sa kasarian.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pamanahong papel na ito ay nagtataglay ng mga impormasyon at mungkahi na

naglalayong matugunan ang mga sumusunod na katanungan hindi lang ng mga mag-aaral

kundi pati na rin ng mga akademikong institusyon, mga magulang at sikolohista. Ito ay ang

mga sumusunod:

1. Anu-ano ang mga saloobin ng mga mag-aaral ng HUMSS 11 ng Mataas na Paaralang

Nasyonal ng Iloilo sa pagkakaroon ng mababang grado?

2. Sa anong salik mayroong malaking epekto ang mababang marka batay sa saloobin ng

mga mag-aaral ng HUMSS 11 ng Mataas na Paaralang Nasyonal ng Iloilo?

3. May makabuluhang pagkakaiba ba sa saloobin ng HUMSS 11 ng Mataas na Paaralang

Nasyonal ng Iloilo sa pagkakaroon ng mababang grado?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang resultang makukuha sa pag-aaral na ito ay maaaring magbigay ng

komprehensibong datos sa saloobin ng mga mag-aaral ng HUMSS hinggil sa dulot ng

mababang grado sa paraan ng pakikipagsalamuha at estado ng isipan ng mga mag-aaral. Ang


ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL

SENIOR HIGH SCHOOL


Luna St., La Paz, Iloilo City, 5000 Philippines

Telefax: (033) 320-0846 E-mail: contactus@iloilonhs.edu.ph

kahalagahan ng pag-aaral na ito ay upang malaman ang saloobin ng mga mag-aaral mula

HUMSS 11 ng Mataas na Paaralang Nasyonal ng Iloilo sa pagkakaroon ng mababang grado.

Ang resulta ng pag-aaral na ito ay maaaring makabenepisyo sa mga sumusunod:

Sa mga estudyante, ang resulta ng pananaliksik ay maaaring makapagbigay

inspirayon at makapagpabago ng pananaw at kanilang saloobin kung saan ang pagkakaroon ng

mababang grado ay hindi kabiguan, bagkus isang hagdan tungo sa pagkamit ng pangarap.

Sa mga akademikong institusyon, ang resulta ng pag-aaral ay maaaring

makapagbigay ng insayts sa saloobin ng mga mag-aaral tuwing sila ay nakakukuha ng

mababang grado na siyang magiging daan upang gumawa ng mga episyenteng taktika sa

pagtuturo at plano upang pagyamanin ang positibo at masugpo ang negatibong pananaw ng

mga estudyante sa pagkakaroon ng mababang grado.

Sa mga magulang, ang resulta ng pananaliksik ay maaaring makapagpabago ng

kanilang saloobin sa pagkakaroon ng kanilang anak ng mababang grado na siyang simula ng

pagsibol ng bukas at sensitibong kapaligiran.

Sa mga sikolohista, ang resulta ng pag-aaral ay maaaring makatulong sa kanila sa

pag-unawa sa kalagayan ng sosyalisasyon at mental na kapasidad ng mga mag-aaral na may

mababang grado sa partikular na grupo ng tao sa lipunan (HUMSS 11).


ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL

SENIOR HIGH SCHOOL


Luna St., La Paz, Iloilo City, 5000 Philippines

Telefax: (033) 320-0846 E-mail: contactus@iloilonhs.edu.ph

Sa mga susunod na mananaliksik, ang resulta ng pananaliksik na ito ay maaaring

magsilbing pundasyon sa kanilang pananaliksik at higit na makatulong sa pag-aaral na kanilang

gagawin.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon lamang sa sa saloobin ng mga mag-aaral ng

HUMSS 11 ng Mataas na Paaralang Nasyonal ng Iloilo sa pagkakaroon ng mababang grado.

Ang saklaw ng tagatugon ay nagmula sa mag-aaral na nabibilang sa HUMSS 11 ng Mataas na

Paaralang Nasyonal ng Iloilo. Ang mga mananaliksik ay mangangalap ng datos sa pamamagitan

ng sarbey-talasagutan na ipamimigay sa mag-aaral ng HUMSS 11 ng Senior High School ng

Mataas na Paaralang Nasyonal ng Iloilo.


ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL

SENIOR HIGH SCHOOL


Luna St., La Paz, Iloilo City, 5000 Philippines

Telefax: (033) 320-0846 E-mail: contactus@iloilonhs.edu.ph

SALOOBIN NG MGA MAG-AARAL NG HUMSS 11 NG MATAAS NA PAARALANG

NASYONAL NG ILOILO SA PAGKAKAROON NG MABABANG GRADO

I. Ang instrumentong ito ay inilaan sa pagkalap ng datos hinggil sa saloobin ng mga mag-

aaral mula HUMSS 11 ng Mataas na Paaralang Nasyonal ng Iloilo sa pagkakaroon ng mababang

grado. Bilang isang estudyante ng HUMSS 11 sa Mataas na Paaralang Nasyonal ng Iloilo, kayo

po ay napiling sumagot sa mga sumusunod na katanungan. Ang inyong paglahok ay higit na

makatutulong sa aming pananaliksik. Kayo po ay nasa posisyon upang punan ang mga datos

para sa aming layunin. Pakipunan ang kinakailangang impormasyon nang buong husay at

katapatan. Ang impormasyong nakasaad ay kompidensyal at gagamitin lamang sa pananaliksik

na gagawin. Maraming salamat po!

II. Personal na Impormasyon

1. Pangalan (Opsiyonal):

______________________________________________________________________

2. Kinabibilangan: _______________________________________________________

3. Kasarian: Lalaki______ Babae______

III. Mga Katanungan

Panuto: Ito ay naglalaman ng mga katanungan tungkol sa saloobin ng mga mag-aaral mula

HUMSS 11 ng Mataas na Paaralang Nasyonal ng Iloilo sa pagkakaroon ng mababang grado.

Bawat pahayag ay naglalaman ng persepsyon o saloobin hinggil sa topikong nabanggit.


ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL

SENIOR HIGH SCHOOL


Luna St., La Paz, Iloilo City, 5000 Philippines

Telefax: (033) 320-0846 E-mail: contactus@iloilonhs.edu.ph

Kinakailangan mong ipahiwatig sa apat na iskala o pagpipilian ang iyong pag-ayon o pagtutol sa

bawat pahayag na nakapaskil sa ibaba. Lagyan ng tsek ang bawat kahon ng mga pangungusap

kung ito ay iyong sinasang-ayunan o hindi.

Ang sumusunod ay ang mga pagpipilian:

LS – Lubos na Sumasang-ayon

S – Sumasang-ayon

HS – Hindi Sumasang-ayon

LHS – Lubos na Hindi Sumasang-ayon

Mga Katanungan: LS S HS LHS


1. Nakapagpapababa ng kumpiyansa sa sarili ang pagkakaroon ko

ng mababang grado.
2. Nahihirapan akong makipagsalamuha sa aking mga kaklase

kapag mababa ang aking grado.


3. Nakaaapekto ang mababang grado sa relasyon ko sa aking

pamilya.
4. Nakapagdudulot sa akin ng labis na kalungkutan ang pagkuha

ng mababang grado.
5. Nagiging sanhi ng negatibong pananaw ko sa buhay ang

pagkakaroon ng mababang grado.


6. Nakapagpapabago ng modo ang pagkakaroon ko ng mababang

grado.
7. Inilalayo ako ng mababang grado sa tipikal na lipunang aking

ginagalawan.
ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL

SENIOR HIGH SCHOOL


Luna St., La Paz, Iloilo City, 5000 Philippines

Telefax: (033) 320-0846 E-mail: contactus@iloilonhs.edu.ph

8. Nakabubuo ako ng mentalidad na kapag nagkaroon ako ng

mababang grado, hindi na ako aangat pa sa buhay.


9. Minsan naiisip kong mababa ang tingin ng akademikong

lipunan sa mga taong mayroong mababang grado.


10. Nagiging sanhi ang pagkakaroon ng mababang grado upang

tanggapin ko ang diskriminasyon at hindi na ito labanan.


11. Nakahuhubog ng tiwala sa sarili ang pagkakaroon ng

mababang grado.
12. Tinatanaw ko ang mababang grado bilang isang inspirasyon

upang pag-igihan pa ang aking pag-aaral.


13. Ang positibo kong pananaw sa pagkakaroon ng mababang

grado ay nakatutulong upang ako ay hindi lamunin ng trauma o

depresyon.
14. Nakapagpapatibay ng relasyon ko sa iba ang pagkakaroon ko

ng mababang grado.

15. Hindi rason ang pagkakaroon ng mababang grado upang

ihiwalay ko ang aking sarili sa ibang tao at sa lipunan.


16. Nakahuhubog ng mental na kapasidad ang pagkakaroon ng

mababang grado dahil mas nasusubok pa akong mag-aral nang

mabuti.
17. Nagiging rason ang mababang grado upang ako ay

makisalamuha sa mga pang-akademikong diskusyon.


18. Inuunawa at tinatanggap ko ang aking mga pagkukulang

tuwing ako ay nakakukuha ng mababang grado.


19. Ang pagkakaroon ko ng mababang grado ay nakapupukaw ng

aking interes na sumubok muli.


20. Kinikintal ko sa aking isipan na ang pagkakaroon ng
ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL

SENIOR HIGH SCHOOL


Luna St., La Paz, Iloilo City, 5000 Philippines

Telefax: (033) 320-0846 E-mail: contactus@iloilonhs.edu.ph

mababang grado ay hindi isang kabiguan, bagkus ay isang

oportunidad upang magbago.

You might also like