You are on page 1of 9

Sana All Bright: Ang Mga Suliranin at Estratehiya ng mga Mag-aaral na

Biktima ng Intelektwal na Pagpapahiya o Anti-intellectualism

Isang Pag-aaral na Iniharap sa Senior High School Unit

Philippine Women’s College of Davao

Lungsod ng Davao

Bilang Bahagi ng Pagpapatupad sa Asignaturang

Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t Ibang Teksto

Tungo sa Pananaliksik

Ipinasa nina:

Durano, Charlot Mae A.

Echanes, Edison R.

Gonzales, Reeve Angelo V.

Paredes, Yessamin

Ipinasa kay:

Bb. Gladys Angeles

2020
Introduksyon

Ang pagpapahiya ay nagiging matinding suliranin na kadalasan ay

ginagawa ngunit hindi nabibigyan ng espesyal na pansin. Walang katumbas

na euphemismo ang makapapantay sa kahamakan dulot ng pagpapahiya sa

katawan o mukha na siyang kahinaan ng mga kabataang lantad sa ibat-ibang

impluwensya dulot ng kapaligiran. Ipinahayag nina Breugelmans,

Wagemans, at Zeelenberg (2017) ang pagpapahiya na siyang nakabase sa

karanasan ng indibidwal. Ito ay kadalasang nangyayari o nararamdaman sa

pagharap ng kabiguan, kakulangan at pagsuway sa pakikibahagi sa sosyal

na pamantayan. Ngunit, hindi lamang dito umiikot ang lahat. Sa paaralang-

Pilipino, tila may nag-aalsang kaugalian na hindi nabibigyang importansya at

lingid sa atensyon ng karamihan na ito ay nagiging suliranin sa loob ng silid-

aralan.

Ang pang-akademikong pagkatuto ay nagaganap sa loob ng silid-

aralan. Ang mga mag-aaral ng ika-21 siglo ay nakasanayang magtanghal at

magbahagi ng mga ideya upang maisangkot ang sarili sa isang maayos na

panayam. Ang silid-aralan, ayon kina Abdullah, Abhu Bakar at Mahbob

(2012), ay isa sa mga importanteng salik sa pagkatuto at kung saan

nagaganap ang pormal na interaksyon ng mga guro at mga mag-aaral. Ang

magka-ugnay na relasyon ng dalawa ay nagbibigay kabuluhan sa pagtupad

ng puwang sa karunungan at malayang daan sa pag-uusisa ng mga

katanungan. Ang mahusay na midyum ng pagkatuto ay may dulot sa

pagkamit ng kaunlaran sa sarili at pangkalahatan. Ang kabuuang layunin ng

Kagawaran ng Edukasyon ay nakalahad sa Batas Republika 9155 o

Governance of Basic Education Act of 2001: “Ang paaralan ang magiging


puso ng pormal na sistema ng edukasyon. Dito natututo ang mga bata.

Magkakaroon ng isang layunin ang mga paaralan na magkaloob ng

pinakamabuting maaaring batayang edukasyon para sa lahat ng mag-aaral.”

Gayunman, kahit na ang isang matibay na konsepto ay may naka-abang ding

banta.

Ayon kay Santos (2016), ang Pilipinas ay isa sa mga bansang may

mataas na pagpapahalaga sa edukasyon. Subalit, ang ninanais na

makamtan nitong malayang pag-uugnay ng kaalaman ay nahahadlangan ng

pagpapahiya sa mga estudyanteng may mataas na katalinuhan at balak pa

sanang magbahagi. Bukod doon, batay sa saliksik na isinagawa ni Berso

(2018), malaki ang bilang ng mga nakararamdam ng intimidasyon kaya

naiiahon nila ang sarili mula sa mababang sitwasyon tungo sa katayugan, sa

pamamagitan ng pagsumbat ng mga naka-iintrigang salita gaya ng: “edi

wow”, “ikaw na matalino” o kaya ay pinagtatawanan ang mga bagong

impormasyong ipinapahayag. Pinakamalubha, nauuwi pa ito madalas sa

pamimintas.

Layunin ng Pag-aaral

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay mailarawan at maunawaan ang

mga paghihirap at estratehiyang ginawa ng mga mag-aaral ng Philippine

Women’s College ng Davao bilang biktima ng intelektwal na pagpapahiya.

Ang pag-aaral na ito ay hindi lamang dinisenyo para sa matatalinong mag-

aaral na siyang biktima ng nasabing suliranin, ngunit sa lahat ng mag-aaral

ng nasabing institusyon; ito ay may masamang dulot.


Paglalahad ng Suliranin

Ang proseso ng pag-apila ng ginagawang pagpapahayag ng mag-

aaral at ang pagkatuto nito ay mahalaga at pinupunyagi ng lahat ng paaralan.

Subalit, ito ay nahahadlangan ng pagpapahiya sa kanilang talino na siyang

impluwensya rin ng kapaligiran. Ang kasong ito ay kilala bilang “smart-

shaming” o “anti-intellectualism” sa wikang Ingles.

Tanong Pananaliksik:

1.) Ano-ano ang mga suliranin na kinakaharap ng mga mag-aaral na

biktima ng intelektwal na pagpapahiya?

2.) Ano ang kanilang ginawa upang makabangon mula sa

pagpapahiya?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pagsagawa ng saliksik na ito ay mapakikinabangan hindi lamang

ng mga mag-aaral na biktima ng pagpapahiyang intelektwal kundi pati na rin

sa pangkalahatang bilang ng mga mag-aaral ng Philippine Women's College

ng Davao. Bukod pa rito, ang mga guro, administrasyon, at mga kawani, ay

maaari ring makinabang nang sa gayon ay mabigyang pansin at nararapat na

atensyon ang ganitong uri ng suliranin na kasalukuyan ay kinakaharap ng

mga mag-aaral sa loob ng akademikong pook. Mahalaga ang mga

impormasyong nakasaad dito sapagkat malaki ang maitutulong nito sa mga

Pilipinong mag-aaral upang may kamalayan sa mga negatibong epekto ng

smart-shaming tungo sa pagkamit ng epektibong ugnayan pati na rin sa

pagtaguyod ng matalinong usapan papunta sa akademikong hulwaran.


Sa pamamagitan ng saliksik na ito, maaari ring malaman ang mga

estratehiyang ginawa ng mga biktima upang maibangon ang sarili mula sa

pagpapahiya. Naniniwala ang mga mananaliksik sa kahalagahan ng respeto,

pag-unawa, at partisipasyon ng mga mag-aaral sa bawat isa sa

pagpapahayag ng nalalaman at pagkatuto na hindi nararapat na hadlangan

ng anumang uri ng pagpapahiya tungo sa isang sistematiko at malusog na

edukasyon sa Pilipinas.

Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagdiskubre ng suliranin,

damdamin, pananaw, estratehiya ng mga mag-aaral hinggil sa intelektwal na

pagpapahiya o smart-shaming. Saklaw nito ang mga estudyanteng nasa

elementarya hanggang kolehiyo ng PWC ng Davao. Nalimitahan ang pag-

aaral na ito sa mga estudyanteng biktima ng nasabing suliranin na kinahiligan

ang paglahok sa loob ng silid-aralan upang makapaghayag ng mga bagong

impormasyon, na sa kasamaang palad ay nahahadlangan ng pagpapahiya o

binabato ng mga naka-iintrigang mga salita.

Talakayan ng Terminolohiya

Upang mas madaling maunawaan ng mga mambabasa ang kabuuang

pag-aaral, nararapat na bigyang kahulugan ang mga terminolohiyang

naibanggit batay sa kung paano ito ginamit ng mga mananaliksik.

 Ang anti-intellectualism o anti-intelektwalismo na kaugnay ng

smart-shaming, ay ang paghadlang sa katalinuhang tinataglay

ng isang indibidwal.

 Ang euphemismo ang katawagan sa mga katagang ginagamit


upang humalili sa mga salitang may mabigat, opensibo o

negatibong konotasyon.

 Ang estratehiya o strategy ay isang aksyon na ginawa upang

makabangon mula sa pagpapahiya.

 Ang smart-shaming ay ang panunukso o panghihiya sa

katalinuhang taglay ng indibidwal.

 Ang suliranin o difficulties ay ang mga karanasang may

epektibong dulot o hadlang sa daan-pagkatuto ng mga mag-

aaral na biktima ng intelektwal na pagpapahiya

Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Maraming pag-aaral ang nailathala hinggil sa mga salik na may

negatibong epekto sa mga mag-aaral sa kanilang daan-pagkatuto (hal. social

media, teknolohiya, gadyet, atbp). Gayunman, ang pananaliksik na ito ay

naka-pokus sa suliranin na nagaganap sa kapwa mag-aaral sa loob mismo

ng silid na kung saan sila natututo. Ayon nga kay Santos (2016), na siyang

nabanggit na sa unahang bahagi ng pag-aaral na ito, ang Pilipinong mag-

aaral ay matagal ng nakararanas ng pagpapahiya subalit lingid sa kanilang

kaalaman ang mga negatibong epekto mayroon ito.

Isinaysay ng manunulat na si Shakira Sison sa kaniyang blog, na ang

anti-intellectualism ay naging sandata laban sa matinding diktadura ilang taon

na ang nakalipas. Ang Khmer Rouge, noong 1970, ay isang komunistang

partido sa bansang Cambodia, ay nagsagawa ng pagbitay sa mga sibilyang

nakapagtapos ng elementarya lalo na kung ito ay nakasuot ng salamin,

sapagkat para sa kanila, ang pagsuot nito ay nangangahulugan na


karunungan (Rappler, 2015). Nakasaad sa isang artikulo ng GMA News

Online ang patungkol sa panayam sa isang Amerikanong manunulat na si

Isaac Asmov noong 1980, ipinaliwanag nito na ang bansang United States ay

may kultong kamangmangan na kahit sa kasalukuyan ay buhay pa rin. Ito ay

ang pagkontra ng talino, sa pagpapahiya nito, at sa paniniwala na “ang

kamangmangan ko ay kasing buti ng katalinuhan mo.” Ang kaganapang ito

ay may negatibong dulot sa politikal at kultural na pamumuhay na siyang

hadlang sa pagkamit ng respeto at kawalan ng sentido-komun. Nakasaad din

sa artikulong ito ang nagawang obserbasyon ng isang propesor ng

Unibersidad ng Texas na si John Traphagan, na ang mga bansa sa

Kanlurang Asya ay may mataas na pagpapahalaga sa kanilang mga

natutunan. Isa sa nagbigay suporta nito ay ang mga marka ng mga mag-

aaral sa nagawang pagsusulit ng Trends in International Mathematics and

Science Study (timss) ay isang internasyonal na kompetisyon na nagsimula

sa taong 2007, na kung saan pasok sa listahan ang mga bansang Japan,

Singapore, South Korea, Hong Kong at Taiwan (Sta.Romana, 2015).

Sa kasamaang palad, sa Pilipinas, tila may kakaibang istorya ng

katalinuhan. Ang mga Pilipino ay hindi kulang sa kanilang nalalaman kung

hindi, sa kamalayan na ang katalinuhan ay hindi dapat nahahadlangan ng

anumang uri ng kilos. Sa pagkalipas ng panahon ay nagiging parte ito ng

kultura at kasanayan. Ang intelektwal na pagpapahiya ay laganap sa

larangan ng politika ng nasabing bansa. Ang pumanaw na si Gilbert Teodoro,

isa sa mga kandidatong tumakbo sa posisyong pagka-presidente noong

taong 2007, ay nakaranas din ng pang-aapi dahil sa angking katalinuhan nito.

Si Gloria Macapagal Arroyo, ang ikalawang babaeng presidente ng bansa ay


binatikus din dahil sa kaniyang katalinuhan. Kilala rin ang batikus nito sa

kanya na “matalino nga korap naman” (Sta. Romana, 2015). Samakatwid, sa

panahon ng Batas Militar isinagawa ang grupong pagpatay sa mga Pilipinong

nagbahagi ng maaaring alternatibong ideya laban sa mapanganib na

nagdaang administrasyon. Mula kay Rizal at Ninoy, mga kalalakihang may

kahiligan sa pagbabasa at naghangad ng karunungan upang maalis sa

mapait na kamangmangan, ay parehong itinakwil at pinatay dahil sa kanilang

nalalaman (Sison, 2015).

Ayon sa nagawang pagsisiyasat sa nasabing 45 katao, 60 porsyento

ang aminado na mawawalan sila ng interes kapag ang indibidwal ay

nagpahayag ng katalinuhan sa isang simpleng usapan. 26.7 porsyento

naman ang aminado na kapag ang isang indibidwal ay naglahad ng kaniyang

opinyon na hindi naman tinatanong ay nauuwi sa panghuhusga (Pieraz,

2018). Iginawad kay Zoë Rosal, gradwado ng De La Salle College ng Saint

Behilde, na nakapagtapos ng multimedia arts sa nasabing paaralan, dahil sa

kaniyang ginawang bidyong tesis na may pamagat na “Turtle Shells”. Ang

bidyong ito ay patungkol sa pagpapahiya sa indibidwal na nagtataglay ng

katalinuhan. Ayon pa kay Rosal, walang mali sa karunungan; hindi kasalanan

ang may kaalaman; at ang katalinuhan ay isang bagay na hindi kailanman

ikinahihiya o gawing kahihiyan (Manila Standard Lifestyle, 2018). Higit pa,

ibinahagi ni Jules Ruizol (2017) ang kaniyang karanasan sa intelektwal na

pagpapahiya sa sityong Modern Filipina. Ayon sa kaniya, siya ay nakaranas

ng pambubulas mula elementarya hanggang sekondarya dahil sa

kagalingang ipinapakita nito sa klase. Ibat-ibang reaksyon ang natatanggap

niya mula sa kapwa nitong mag-aaral sa tuwing itinataas nito ang kaniyang
kamay upang makapagbahagi ng nalalaman. Masama ang naging epekto

nito sa kaniyang pag-aaral; nawalan siya ng kumpiyansa at inililihim ang

kaalaman na noon ay binabahagi sa buong klase. Ayon sa kaniya, kung

gusto mong magbahagi, gawin ito ng may kababaang-loob at mabuting

intensyon. “Layunin nating turuan, hindi magsiraan. Gawain ng bawat isa,

hindi laban sa isa’t-isa.”

You might also like