You are on page 1of 4

Ang Guro bilang Frontliner: Karanasan ng mga Guro sa

Filipino sa Panahon ng Pandemya

ABSTRAK

PANIMULA
Ginalugad nito ang karanasan ng mga guro sa Filipino bilang
frontliner ng edukasyon sa panahon ng pandemya sa pagsabay sa
mga pangangailangan ng bagong kadawyan. Sinuri rin nito ang
hamon at motibasyon ng mga guro sa pagtuturo sa kasagsagan ng
COVID-19 pandemya.

KAUGNAY NA LITERATURA

METODOLOHIYA
Ginamit sa pag-aaral ang penomenolohikal na pananaliksik at
Collaizi's seven steps of data analysis. Labinlimang guro sa Filipino ang
napili gamit ang purposive sampling at sinangguni upang magbahagi ng
kanilang mga karanasan sa pagtuturo sa panahon ng pandemya.

KAUGNAY NA LITERATURA

KONKLUSIYON
Natuklasan sa pag-aaral ang mga hamon sa pagtuturo gaya ng
usad-pagong na internet connection, pagbuo, pagkolekta at pagwawasto
ng modyul, banta sa pisikal at mental na kalusugan, at kakulangan sa
gadget at iba pang learning resources.

Samantala, ang motibasyon naman ng mga guro sa pagtuturo ay


may temang mag-aaral ang puso ng pagtuturo, breadwinner si titser,
kagustuhan at komitment sa sinumpaang propesyon, at pamilya ang
lakas at sandigan sa pagtuturo. Kung kaya, ang motibasyon ng mga guro
sa Filipino ay humihimok sa kanila upang paghusayan ang pagpapaabot
ng kalidad na edukasyon sa kabila ng banta ng pandemyang COVID-19.
Antas ng Kakayahan sa Pagsulat ng Sanaysay
ng mga Senior High School Gamit ang
Teknolohiya

Abstrak
Layunin ng pag-aaral na ito na matukoy ang antas ng kakayahan ng mga mag-
aaral sa Senior High School ika labindalawang baitang (Grade 12) ng Mangatarem
National High School Taong Panuruan 2019-2020 sa pagsulat ng sanaysay gamit ang
teknolohiya. Animnapung mag-aaral ang naging respondente ng pag-aaral. Sa unang
suliranin, lumabas sa pag-aaral na mas marami ang bilang ng mga mag-aaral na
kababaihan at nabibilang sa HUMSS strand gumagamit ang teknolohiya sa
pakikipagkomunikasyon. Sa ikalawang suliranin naman ay natuklasan na may mataas
na kakayahan sa pagsusulat ng sanaysay ang mga mag-aaral gamit ang teknolohiya na
may kinalaman sa elemento ng sanaysay. At para sa panghuling suliranin, nakita ng
mananaliksik na ang demograpikong profayl ay walang makabuluhang pagkakaiba sa
antas ng kakayahan sa pagsulat ng sanaysay ng mga Senior High School gamit ang
teknolohiya. bilang kongklusyon sa mga natuklasan, ang mga guro at mag-aaral, ay
kailangang isaalang-alang ang tamang paggamit ng teknolohiya upang lalong malaman
ang mga naidudulot nito at mga dapat iwasan pa para sa ikagaganda ng kanilang
akdang pampanitikan o ang pagsulat ng sanaysay at ikalalawak ng kanilang kaalaman.
Sanayin ng mga mag-aaral ang pagsulat ng sanaysay upang makilala ang mga
elemento nito at ay kailangang bigyang pansin ang pagsulat ng sanaysay sa Filipino
gamit man ang teknolohiya o hindi upang mahasa ang kanilang kasanayan at
kakayahan sa pagsulat lalo na sa sanaysay.
Kalungkutan ng kabataan: Isang diskriptibong pag-
aaral sa depresyon
Abstrak
Ang diskriptibong pag-aaral na ito ay nakatuon sa
depresyon/kalungkutan ng mga kabataang Pilipino na may edad mula
labintatlo (13) hanggang labing-anim (16). Pinag-aralan nito ang mga
sanhi o etiolohiya ng kanilang depresyon at pinagtuunan din ng pansin
ang mga palatandaang (naiisip, nararamdaman, ikinikilos) kanilang
napapansin tuwing sila ay nakararanas ng depresyon. Ang pananaliksik
na ito ay gumamit ng convenience sampling sa pagpili ng mga kalahok.
Sa pangkalahatan, mayroong tatlumpu't dalawang (32) adolesent o
kabataang kalahok. Napag-alaman ang mga tugon ng mga kalahok sa
pamamagitan ng metodong open-ended na serbey. Ang pagsusuring
ginamit ay ang content analysis at sa pamamagitan nito ay bumuo ng
mga kategorya na siyang naglalarawan sa mga sanhi at palatandaan ng
depresyon ng mga adolesent. Mula sa mga kasagutan ng mga kasapi,
napag-alaman na ang sanhi nito ay suliranin ng indibidwal sa sarili at sa
pakikitungo niya sa iba. Para sa sarili, ang mga naging kategorya ay
kalusugan, pinansyal, pag-aaral, negatibong pananaw sa sarili, at
libangan. Ang pamilya, kaibigan, at pag-ibig naman ang pinanggalingan
ng depresyon ng adolesent sa kanyang pakikitungo sa iba. Nagpapamalas
din siya ng mga palatandaang nagpapatunay o nagpapahiwatig na siya
ay nalulungkot. Nahati ito sa naiisip, nararamdaman, at ikinikilos. Ang
mga kategoryang nabuo sa ilalim ng naiisip ay ang pag-iisip ng paraan
upang maalis ang depresyon at ang pag-iisip ng mga negatibong bagay.
Sa nararamdaman naman, ang mga kategorya ay kawalan ng sigla,
pagkainip, pagkainis, at kagustuhan o di-kagustuhan na kasama. Ang
mga kategorya naman sa ilalim ng ikinikilos ay ang pagkabigla-bigla ng
kilos, kawalan ng konsentrasyon, pananamlay, paglilibang,
pagpapakita/paghahayag ng nararamdaman o ang hindi pagpapahalata
nito, at karahasan.

You might also like