You are on page 1of 18

1

KABANATA 1

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Sanligan ng Pag-aaral

Sa panahong kasalukuyan iba’t ibang problema ang ating kinakaharap

at hinahanapan ng solusyon. Maraming iniintinding malalaking problema

subalit hindi man lang natin napapansin ang mga dahilan na siyang

pinagmulan nito. Tulad na lang halimbawa ng kawalan ng bisa sa sarili na

siyang dahilan upang mawalan ng kumpyansa sa sarili ang isang mag-aaral

na mailahad ang kanyang mga ideya na nais niyang iparating sa kanyang

guro at kapwa mag-aaral. Ang pagkakaroon ng bisa sa sarili ay paniniwala sa

angking kakayahan at abilidad na magagawa ang isang bagay. Ang lahat ay

kinakailangan ang bisa sa sarili, hindi lamang sa pagtamo sa nais na

mangyari kundi sa pagtamo ng isang ablidad na higit na kinakailangan ng

marami, ito ay ang pampublikong pagsasalita.

Ayon sa pag-aaral na ito ang mga mag-aaral ay may mga problema sa

pagsasalita sa loob ng klase, ang ibig sabihin nito ay mababa o hindi pantay

ang paglahok sa paggamit ng bernakyular na wika. Natuklasan sa pag-aaral

na ito na ang perpormans ng mga mag-aaral sa pagsasalita ay hindi

maganda sapagkat hindi nila kabisado ang tatlong elemento ng pagsasalita,

ito ay ang mga bokabularyo, gramatika, at ang tamang pagbigkas na

isinagawa sa Muhammadiyah University sa Malang, Indonesia sa pag-aaral ni

Lukitasari (2008).

Sa UP Diliman, Quezon City ay nagsasaad na ang mga guro sa

Filipino ay gumagamit ng “western materials” sa pagdisenyo ng kanilang mga


2

kurso. Ginawa ang pagsisiyasat na ito bilang pagtugon sa mga kakulangan

patungkol sa mga mag-aaral na nagsisimulang naniniwala na kanilang

maipaliliwanag ang kanilang kabalisaan sa pagsasalita. Dagdag pa rito na

ang pagkabalisa ay isang resulta sa dating karanasan sa syang inaasahang

magaganap sa hinaharap ayon sa pag-aaral ni Del Villar (2010).

Sa obserbasyon ng mga guro sa UM Panabo College, napapansin nila

na kalimitan sa mga mag-aaral ay nahihirapan sa pagsasalita sa harap ng

klase dahil sa kawalan ng bisa sa sarili. Nahihirapan silang kumuha ng lakas

ng loob na magsalita sa harap ng publiko dahil sa takot at kawalan ng

paniniwala sa kanyang kakayahan na gawin ang mga aksyong kinakailangan

sa pagtugon sa isang maaring maging sitwasyon. Ipinapahiwatig rin nito na

kaya nawawalan ng kumpyansa ang isang mag-aaral ay dahil sa natatakot ito

na baka husgahan siya ng mga taong nakikinig o nanonood sa kanya. Ang hi

ndi pag-iinsayo ng mga mag-aaral sa kanilang kakayahang pangkomunikatibo

o pampublikong pagsasalita ay isa ring dahilan ng pagkawala ng bisa sa

sarili.

Upang mabigyan ng kalutasan ang suliraning ito, tinangka ng mga

mananaliksik na pag-aralan ang bisa sa sarili at abilidad sa pagsasalita ng

mga mag-aaral ng baitang 12 ng senyor hayskul. Ang papel na ito ay

naglalayong tukuyin kung ang bisa sa sarili ay may kaugnayan sa

pampublikong pagkabalisa sa pagsasalita ng mga mag-aaral.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay upang matanto ang

pagkakaugnay ng bisa sa sarili at abilidad sa pagsasalita ng mga mag-aaral


3

ng Baiting 12 Senyor Hayskul ng UM Panabo College.


1. Ano ang antas ng Bisa sa Sarili ng mga mag-aaral batay sa:

1.1 kasanayan sa karanasan,

1.2 dating karanasan,

1.3 sosyal na panghihikayat,

1.4 sikolohikal na pag-iisip?

2. Ano ang antas ng Abilidad sa Pagsasalita ng mga mag-aaral.

3. Mayroon bang makabuluhang pagkakaiba sa Bisa sa Sarili ng mga

mag-aaral ng Baitang 12 ng Senyor Hayskul ng UM Panabo College kung

papangkatin sa:

3.1 Seksyon,

3.2 Kasarian?

4. Mayroon bang makabuluhang pagkakaiba sa Abilidad sa Pampubli-

kong Pagsasalita ng mga mag-aaral ng Baitang 12 ng Senyor Hayskul ng UM

Panabo College kung papangkatin sa:

4.1 Seksyon,

4.2 Kasarian?

5. Mayroon bang makabuluhang ugnayan ang Bisa sa Sarili at Abilidad

sa Pampublikong Pagsasalita ng mga mag-aaral ng Baitang 12 ng Senyor

Hayskul ng UM Panabo College.


4

Haypotesis

Ang null haypotesis ay nabuo galing sa ikatlo, ikaapat at ikalamang

suliranin na sinubok batay sa 0.05 antas ng kahalagahan.

1. Walang makabuluhang pagkakaiba sa Bisa sa Sarili ng mga mag-

aaral ng Baitang 12 ng Senyor Hayskul ng UM Panabo College kung

papangkatin sa:

3.1 Seksyon,

3.2 Kasarian.

2. Walang makabuluhang pagkakaiba sa Abilidad sa Pampublikong

Pagsasalita ng mga mag-aaral ng Baitang 12 ng Senyor Hayskul ng UM

Panabo College kung papangkatin sa:

4.1 Seksyon,

4.2 Kasarian.

3. Walang makabuluhang ugnayan ang Bisa sa Sarili at at Abilidad sa

Pampublikong Pagsasalita ng mga mag-aaral ng Baitang 12 ng Senyor

Hayskul ng UM Panabo College.

Balangkas na Teoritikal at Konseptwal

Iprenisenta sa teoritikal at konseptwal ang mga konsepto na may mga

indikeytor na sumusuporta sa teoryang ipinapakita ang relasyon ng dalawang

baryabol.

Ang pag-aaral na ito ay nakabatay sa pag-aaral nina Warren et al.

(2011) na may mga salik na nakaaapekto sa bisa sa sarili ng mga mag-aaral


5

Malayang Baryabol Di-malayang Baryabol

BISA SA SARILI
 Kasanayan sa
karanasan ABILIDAD SA
 Dating karanasan PAMPUBLIKONG
 Sosyal na panghihikayat PAGSASALITA
 Sikolohikal na pag-iisip

Modereytor Baryabol

 Seksyon
 Kasarian

Talaguhitan Bilang 1. Ang mga Baryabol ng Pag-aaral


6

sa pagtukoy ng kakayahang mapagtagumpayan ang partikular na gawain.

Ilan sa mga ito ay ang, kasanayan sa karanasan (mastery expeience), dating

karanasan (vicarious experience), sosyal na panghihikayat (social persuasion

at sikolohikal na pag-iisip (psychological states).

Mababasa sa konseptwal na balangkas sa Talaguhitan bilang 1 ang

malayang baryabol sa pag-aaral na ito. Ito ay ang Bisa sa Sarili ng mga mag-

aaral. Ito ay may indikeytor na: kasanayan sa karanasan na tumutukoy sa

dating kaalaman bilang makabuluhang tungkulin sa pag-unlad ng bisa sa

sarili. Ang taong matagumpay na natapos ang isang gawain ay maaaring

magkaroon ng mataas na paniniwala sa kabisaan ng kanyang sarili; dating

karanasan, ito ay mararanasan lang ng isang mag-aaral sa panahong

kanyang maobserbahan ang perpormans ng mga taong nakapalibot sa

kanya; sosyal na panghihikayat, ito ay nakikita o natatanggap galing sa iba

kung saan ang mga gawain na pilit na sinusubukan at ginagamitan ng

bagong istratehiya ay nasa paligid lang; sikolohikal na pag-iisip, ito ay

nagdudulot ng pagud, takot, pagkabalisa at kaguluhan na makakaapekto sa

bisa sa sarili.

Ang di-malayang baryabol ay ang Pampublikong Pagsasalita, na kung

saan nakikita ang takot sa pagpapahayag ng sarili sa paraang pabigkas.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matulungan ang mga sumusunod:

Administrasyon. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay makakatulong

upang mabigyang tuon ng administrasyon kung ano ang antas ng bisa sa

sarili ng bawat mag-aaral sa kanilang institusyon.


7

Guro. Ang kalalabasan ng pag-aaral na ito ay upang matulungan ng

mga guro ang mga mag-aaral na malinang ang kanilang kakayahan sa bisa

sa sarili na siyang magiging daan tungo sa abilidad sa pampublikong

pagsasalita.

Mag-aaral. Para sa ikahuhusay ng mga mag-aaral. Magiging gabay

ang pag-aaral na ito upang maikintal sa kanilang kaisipan at damdamin ang

kahalagahan ng pagkamit sa bisa sa sarili.

Depinisyon ng Terminolohiya

Ang mga sumusunod na terminolohiya ay binigyan ng pagpapakahulu-

gang konseptwal at operasyunal upang sa lubos na ikauunawa ng pag-aaral

na ito.

Bisa sa Sarili. Ang bisa sa sarili ay nagbabago habang denedebelop

ang angking kakayahan ng isang indibidwal na nakakaranas ng iba’t ibang

gawain. Bagaman minsan lang nangyayari ang pagkabigo kung ang isang

mag-aaral ay unti-unting napapansin ang kanyang paghusay sa kanyang mga

kakayahan at karaniwan ng nararanasan ang pagtaas ng kanilang bisa sa

sarili. Samantala ang halaga ng pagsisikap ay kinakailangan upang matapos

ang isang gawain ay isa ring indikatibo sa kakayahan ng isang tao. Kung ang

isang mag-aaral ay nakararanas ng pagkabigo pagkatapos ng pagbigay ng

buong pagsisikap, ang kanilang bisa sa sarili ay maaaring bababa. Katulad

din nito, ang tagumpay na matatamo sa tulong ng ibang tao ay nagpapahiwa-

tig sa kahinaan ng kakayahan ng isang tao kaysa sa pansariling pagtamo ng

tagumpay, ito ay ayon kay Bandura (1997).


8

Pampublikong Pagsasalita. Nakabatay kina Nilsson at Shima (2011)

na ang pagkabalisa ay ipinaliwanag bilang isang uri ng takot na ipinahayag sa

pamamagitan ng biswal na mga palatandaan. Samakatuwid binigyang

kahulugan ang pagkabalisa sa pagsasalita bilang takot sa pagpapahayag ng

sarili sa paraang binibigkas na maaaring kinikilala ng pisyolohikal na mga

palatandaang nabanggit sa itaas. Ito ay pinaka-malamang na ang mga

palatandaan ay maaaring maging sagabal at pagbawalan ang isa sa mga

kakayahan upang makipag-usap dahil ang isang tao na may karanasan na sa

uri ng pagkabalisa ay hindi magagawang magpokus sa proseso ng

pagsasalita.
9

KABANATA 2

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ang bahaging ito ng pananaliksik ay naglalahad ng mga ideya at

pinaniniwalaang dahilan ng bisa sa sarili at pampublikong pagsasalita ng mga

mag-aaral na makikita sa mga kaugnay na pag-aaral at literatura mula sa iba’t

ibang bansa at sa Pilipinas kung saan nakatuon ang pag-aaral.

Bisa sa Sarili

Ipinahayag sa pag-aaral nina Usher at Pajares (2008) ang bisa sa sarili

ay ang paniniwala sa kakayahang magawa ang isang gawain. Ayon sa kanya

na ang bisa sa sarili ay isang kontekstwal. Dagdag pa niya na ang teorya ng

bisa sa sarili ay tumatalakay sa paniniwala na hindi sumasaklaw sa lahat ng

bagay ngunit makikita ang pagkakaiba na ang paniniwala sa sarili ay

naiugnay sa natatanging kaalaman.

Sa tinuran ni Taylor (2012) sa bisa sa sarili, ang emosyonal na

kalagayan, kakayahang mapagtagumpayan, maayos na kalagayan, maayos

na perpormans sa kognitibong gawain, at maayos na pangangatawan ay

paniniwalaang kayang makontrol ng isang tao ang kanyang mga istres na

pagdadaanan. Ipinapakita sa pananaliksik na ito ang pagkakaugnay sa

pagitan ng bisa sa sarili at ang pagsisimula at pagpapanatili sa maayos na

kalagayan.

Ang bisa sa sarili ay isang mahalagang aspeto ng ugali’t motibasyon

ng bawat indibidwal. Ito rin ay nakaiimpluwensya sa mga hakbang na ga-

gawin niya na makakaapekto sa kanyang buhay. Ayon sa pag-aaral ni

Bandura (2005) na binanggit mula sa undergraduate tesis nina Dahan et al.


10

(2016), ang bisa sa sarili ay tumutukoy sa pininiwala ng isang tao tungkol sa

kanyang kakayahang gawin ang mga aksyong kinakailangan sa pagtugon sa

isang maaaring maging sitwasyon.

Dagdag pa sa pag-aaral nina Dahan et al. (2016) na ayon kay

Lunenburg (2011) ang kahulugan ng bisa sa sarili na kung saan ito ay

nakaiimpluwensya sa kakayahan ng bawat indibidwal na matuto tulad na

lamang ng pagpili nila ng matutunan at isagawa lamang ang mga bagay na

pinaniniwalaang mapagtatagumpayan nila. Ang teoryang ito ay malinaw na

masasalamin sa siniping sabi mula kay Mahatma Gandhi na “Kung mayroon

akong paniniwala magagawa ko, sisiguraduhin ko na magkakaroon ako ng

kapasidad na gawin ito kahit na wala pa akong kakayahan sa simula”.

Ayon naman nina Hairuzilaldrus at Rohani Salleh (2011) ang

pagkakaroon ng bisa sa sarili ay nakakatulong upang mapagtagumpayan ang

isang gawain. Tulad ng isang tao na may matibay na bisa sa sarili at may

pagganyak na kaya niyang gawin ng mahusay ang isang gawaing ibinigay sa

kanya. Sa kabaligtaran naman, kapag ang isang tao na may mababa ang bisa

sa sarili ay nahihirapan sa mga hamon na ibinigay sa kanya at ito’y kanyang

iniiwasan sa halip na pinagkadalubhasaan.

Isa ring mahalagang pangangailangan ang pagkakaroon ng tiwala sa

sarili ng isang tagapagsalita. Ang isang taong walang tiwala sa sarili ay

karaniwang nagiging kimi o hindi palakibo inilalantad naman ng kanyang

mahinang tinig, garalgal na boses, mabagal na boses, mabagal na

pananalita, pautal-utal na pagbigkas, di kaya’y ng kanyang panginginig,

paninigas, pag-iwas ng tingin, labis na pagpapawis ang kakulangan niya,


11

kawalan ng tiwala sa sarili madalas din silang kabado lalo na sa harap ng

pangkat ng tagapakinig o sa harap ng publiko. Ang mga ganito ay mahirap

makaakit, makakumbinsi, o makahikayat ng pasang-ayon sa mga

tagapakinig. Mahihirapan silang papaniwalain ang ibang tao sa kanilang

mensahe. Sino nga naman ang magtititwala sa isang taong walang tiwala sa

kanyang sarili mismo.

Kasanayan sa karanasan (mastery experience). Sinuportahan nina

Usher at Pajares (2008) na ang kasanayan sa karanasan ay nangyayari ka-

pag personal na ginagawa ng isang tao ang isang gawain. Sa pangkalahatan,

ang bisa sa sarili ay nadedebelop kapag ang tao ay nakaranas ng tagumpay

mula sa kanyang mismong karanasan. Sa pagsusuri ng kanilang pag-aaral,

nadiskobre na ang mga mag-aaral ay napag-alamang sa kabila ng iba’t ibang

domeyn, makikita sa kinalang bisa sa sarili ang kanilang kasanayan sa

karanasan. Higit pa rito, kanilang binanggit na, “di tulad ng ibang batayan, ang

ugnayan sa pamamagitan ng kasanayan sa karanasan at bisa sa sarili ay

makabuluhan sa lahat ng isinagawang pag-aaral.”

Para sa personal na tagapagsanay, tinuran ni Jackson (2010) na ang

kasanayan sa karanasan ay epektibong paraan para masuportahan ang

pagsasanay sa bisa sa sarili. Ang matagumpay na pagtapos ng isang

simpleng pagsasanay ay makalilikha ng isang kasanayan sa karanasan na

magdadala rin sa matagumpay na pagtapos ng mga mahihirap at

mapaghamong pagsasanay.

Dating karanasan (vicarious experience). Binanggit naman nina

Usher at Pajares (2008) na ang dating karanasan ay maaaring magbahagi sa


12

tao ng kaugnay na impormasyon sa bisa sa sarili. Ikinokumpara ng tao ang

kaniyang mga natamo sa natamo ng ibang tao at binibigyang husga niya ang

kaniyang mga kakayahan. Ang dating karanasan ay nakatutulong sa pagtaas

ng bisa sa sarili sa pampublikong pagsasalita ng mag-aaral. Dahil ang

bagohang tagapagsalita sa harap ng madla ay madalas nararanasan ang

pagkabalisa sa pampublikong pagsasalita. Maaaring makaranas ng pagtaas

sa bisa sa sarili sa pampublikong pagsasalita ang mga mag-aaral na naka-

oobserba sa kanilang kapwa mag-aaral na matagumpay na nailahad ang

kani-kanilang mga inihandang pagsasalita.

Ayon kay Del Villar (2007) maraming pag-aaral na nagpapakita ng mga

lebel sa pagkabalisa na kung saan dahil sa naranasang pagkabalisa sa dating

ginawang pagsasalita. Ang ugaling pagkabalisa na resulta sa dating

karanasan ay nagiging dahilan sa tao na gawin ang katulad na ugali sa

hinaharap.

Sosyal na Panghihikayat (Social Persuasion). Ayon kina Miskovic at

Schmidt (2012) ang mga taong nakararanas ng mataas na lebel ng takot sa

pampublikong pagsasalita ay napag-alamang mataas ang pagdebelop sa

sosyal na takot. Dagdag pa nina Knappe et al. (2011) sa katunayan kung may

pamantayan man sa sosyal na takot at nakuha nito ang pinakamataas na

bahagdan ay syang may malawak na karanasan na ng takot sa pampublikong

pagsasalita.

Binigyang mungkahi nina Usher at Pajares (2008) ang sosyal na

panghihikayat. Ang panghihikayat ng mga magulang, guro, at iba pang

kakilala na pinagkakatiwalaan ng mag-aaral ay nakapagpapataas ng tiwala sa


13

sarili sa kanilang pang-akademikong kakayahan. Sa pampublikong

pagsasalita, ang pakikihalubilo ay nangyayari sa paraang pagbibigay ng

pidbak o tugon mula sa guro at mga kaklase. Ang pagiinsayo bago pa ang

gagawing pagsasalita sa harap ng klase ay maaaring makatanggap ng

panghihikayat ang isang mag-aaral mula sa mga kaibigan o pamilya.

Sikolohikal na Pag-iisip (Psychological States). Ipinaliwanag nina

Usher at Pajares (2008) na ang istres, pagkabalisa, bagabagin, at takot sa

mga negatibong epekto sa bisa sa sarili ay maaaring humantong sa

pagkabigo at kawalan ng kakayahan na gawin ang isang bagay.

Dagdag pa sa kanilang pag-aaral ang sikolohikal at pandamdaming

kalagayan ay maaari ring makaimpluwensya sa bisa sa sarili. Madalas

umaasa ang tao sa kaniyang sikolohikal at emosyonal na kalagayan para

matukoy kung magagawa o hindi magagawa ang anoman. Ang epekto ng

istres kagaya ng pagkabalisa, kalagayan ng loob, at kalagayan ng katawan ay

maaaring makaimpluwensya sa bisa sa sarili ng isang tao. Dagdag pa nila,

“ang sinumang may kakulangan sa tiwala ng kanyang kakayahan ay

maaaring mali ang pag-intindi sa pagkabalisa bilang sinyales sa kawalan ng

kakayahan” kung kaya “ang isang interpretasyon ay maaring magdala sa

pagkabigo na kinakatakutan ng mag-aaral”. Ang bagohang tagapagsalita sa

harap ng madla ay madalas nakararanas ng mataas na pagkabalisa sa

pampublikong pagsasalita, maaaring mabigyang kahulugan ang kanyang

pagkabalisa bilang kakulangan sa kakayahan at gawin ang mga itinakdang

pagsasalita.
14

Pampublikong Pagsasalita

Ang pampublikong pagsasalita ay isang gawain na isinasagawa

habang nagtatrabaho o kaya’y nasa paaralan ang isang tao, ayon kay

McCourt (2007). Maraming tao ang tinanong kung papaano nangyayari ang

isang gawain sa pamamagitan ng pagbibigay presentasyon sa paaralan o

maging sa trabaho o kaya’y pakikipag-usap sa mas nakakataas sa

kanya. Ang lahat ng ito’y nangangailangan ng epektibong komunikasyon.

Walang sino man ang pupunta sa isang pagpupulong ng hindi alam kung

paano at ano ang sasabihin. Sa mga sitwasyong ito ay nagkakaroon ng

pangamba at kadalasan ay nagiging dahilan sa pag-iisip ng negatibong

resulta para sa mga taong sangkot at pati na rin sa mismong tagapagsalita.

Samakatuwid, importanteng may tiwala sa sarili sa pagsasalita para sa

epektibong resulta.

Nakabatay kina Nilsson at Shima (2011) na ang pagkabalisa ay

ipinaliwanag bilang isang uri ng takot na ipinahayag sa pamamagitan ng

biswal na mga palatandaan. Samakatuwid binigyang kahulugan nina Usher at

Pajares (2008) na ang pagkabalisa sa pagsasalita bilang takot sa

pagpapahayag ng sarili sa paraang binibigkas na maaaring kinikilala ng

sikolohikal na mga palatandaang nabanggit sa itaas. Ito ay pinaka-malamang

na ang mga palatandaan ay maaaring maging sagabal at pagbawalan ang isa

sa mga kakayahan upang makipag-usap dahil ang isang tao na may

karanasan na sa uri ng pagkabalisa ay hindi magagawang mag pokus sa

proseso ng pagsasalita.

Inilahad ni McCourt (2007) na ang pagkabalisa ay magreresulta rin sa

pampublikong perpormans ng mag-aaral. Ang pinakakaraniwan ay ang


15

“Pagkabalisa sa Pampublikong Pagsasalita”, na kung saan tinukoy bilang

takot sa pagsasalita sa harap ng maraming tao. Dahil ipinakita sa pag-aaral

na ang takot ay maaaring maging hadlang para sa paghangad ng

matagumpay na buhay, personal na pakikipag-ugnay at sariling imahe.

Minarapat na isuri ng mga eskolar ang pagiging mahina sa pakikipag-usap

para ito mabawasan.

Ayon sa aklat ni Jocaon et. al (2014) na binanggit mula sa

undergraduate tesis nina Eumenda et. al (2014), kung ang unang nalinang sa

isang tao ay ang pakikinig, ang una namang natutunan ng isang tao ay ang

pagsasalita. Malaking panahon ang ginugugol ng tao lalo na sa pagsasalita.

Ang pagsasalita ay makro ng komunikasyon na nagiging daan upang buong

layang maihayag ng tao ang kanyang karapatan, niloloob at damdamin. Ito rin

ay isangtungkulin upang ang maayos na talastasan ay magkaroon ng

magandang bunga. Madalas na binabatayan natin ang isang taong mahusay

magsalita, siya ay nakakakuha ng antensyon at lahat ng kanyang sinasabi ay

tinatandaan at pinapahalagahan.

Ayon kay Jaffe, C. (2012) ang pampublikong pagsasalita ay maaring

isang inihandang talumpati na bibigkasin sa mga tagapakining na walang

nakakaabala habang ang tagapagsalita ay nagbibibgay ng ideya. Sa pag-

aaral na ito ang pampublikong pagsasalita ay naghahatid ng impormasyon sa

anyo ng pananalita sa tagapanood. Ayon sa pananaliksik ni Pajares (2009) na

ipinapakita ang positibong epekto na ang bisa sa sarili ay may pagsisikap,

pagtiyatiyaga, pagtakda sa layunin, at sa bawat perpotmans.

Sa pag-aaral nina Larseingue et al. (2012) natuklasan nila na ang pang

unawa ng mag-aaral na kung paano sila nakahanda sa gagawing perpormans


16

sa pagsasalita sa klase ay makakakuha ng isang inaasahang marka sa

kanjlang guro. Isa sa mga pag-aaral ni Lucas (2011) na ang pansariling puna

sa pagsasalita ay nakakatulong upang mas mapahusay pa lalo ang kanyang

abilidad sa pagsasalita. Sa pag-aaral naman nina Schreiber et al. (2012)

upang masuri ang kasanayan sa pangkomunikasyon ginagamit ang

pamantayan ng kasanayan sa pampublikong pagsasalita Public Speaking

Competence Rubric o (PSCR).

Ayon ni Carlin (2008) ang pagkabalisa sa pampublikong pagsasalita ay

maaaring dahilan ng takot at pangamba sa kakayahan o di kaya’y

pakiramdam na maaari itong mabigo sa kanilang tagapakinig. Ang iba naman

ay ayaw silang husgahan ng kanilang tagapakinig. Isang manunulat si

Christopher Carlin na nagsasaad na kahit na ano ang iyong dahilan sa takot

sa pampublikong pagsasalita ay nararapat lang na pagtagumpayan ang mga

ito at maging isang aktibong tagapagsalita sa harap ng madla.

Binanggit sa pag-aaral ni Baker (2010) na ang pagsasalita ng may

pagkabalisa ay may kinalaman sa takot na karamihan sa mga kasong ito ay

kadalasan nadebelop mula sa unang karanasan. Sinasabi na kapag ang

isang bata ay hindi nahikayat na magsalita sa murang edad pa lamang ay

nagreresulta ng isang mahinang komunikasyong gawi. Ang pagiging tahimik

naman ay nagbibigay sa isang limitadong oportunidad ng husay sa

pagsasalita. Ang gabay ng magulan ay maaring may malaking epekto sa pag-

unlad ng pagsasalita. Ang pampublikong pagsasalita ay nakakatulong sa mga

mag-aaral upang bumuo ng tiwala at pagpapahalaga sa sarili. Maaari ring

sanayin ang mga mag-aaral upang kontrolin ang kanilang nerbiyos kapag

sila’y nagsasalita na sa publiko. Dagdag pa niya na ang komunikasyon ay


17

maari ring teknikal na proseso sa paghahatid ng maraming element tulad ng

mga mapagkukunan ng imoormasyon (mensahe), tagapaghatid (i-encode ang

mensahe), at tagatanggap (mabasa ang mensahe).

Ipinahayag naman nina Mazer at Titsworth (2012) na kapag ang isang

mag-aaral ay kasangkot sa sariling paglahok ay may positibong kaugnay sa

matagumpay na pagsasalita.

Sa paglalahat, ang mga nabanggit na mga literatura sa pananaliksik na

ito’y binibigyang diin ang kaugnayan ng bisa sa sarili at pampublikong

pagsasalita. Malinaw ang mga binigay na pagpapaliwaag ng mga awtor sa

nasabing literatura. Labis na nakatulong ang kontribusyon ng mga awtor sa

mga mananaliksik sa pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa bisa sa sarili at

pampublikong pagsasalita ng mga mag-aaral.

Ang abilidad sa pampublikong pagsasalita ayon kay Jan (2017), ay

napakahalaga sa buhay kolehiyo lalo na sa paghahanap ng trabaho.

Samantalang, ang kurikulum at kolehiyo ay nakapukos sa pagsasanay ng

abilidad sa pag-iisip ng mga mag-aaral sa kani-kanilang kinuhang medyur, na

kung saan binigyang kuwantitatib na pagsusuri ng mga kumukuha ng kursong

edukasyon sa kolehiyo. Higit sa lahat, ang pagkakabalisa sa pagsasalita ay

maaaring magdadala sa negatibong pag-iisip at mababang bisa sa sarili

lalong-lalo na ang problema sa sikolohikal katulad ng hindi gaanong

nakakaadyast, hirap sa pakikipag-usap at personal na pakikipag-ugnayan at

mababa ang pagtingin sa sarili sa lipunan.

Sa realidad, ang mga mag-aaral sa kolehiyo ay nasa huling yugto na

sa pagharap sa totoong mundo. Ang ibig sabihin, kailangan nilang maghanda

sa maraming bagay upang may lakas at kakayahan sa pagharap ng


18

nagbabago at modernong lipunan. Ang mataas na bisa sa sarili ay

kinakailangan sa mga mag-aaral na nais mapabilang sa mundo at buhay

kolehiyo.

Ang bisa sa sarli ay isang positibong impluwensya sa mag-aaral na

magbago upang maging tanggap sa mundong kanyang papasukan at kalidad

ng buhay, ito rin ay may makabuluhang epekto sa pagpili ng magandang

trabaho at gawi sa preparasyon nito.

Sa lahat ng okasyon ang mga mag-aaral sa kolehiyo o sinyor hayskul

ay inaasahan na malinaw na nailahad ang kanilang mga opinyon sa harap ng

klase o sa iba pang mga gawain.

Sa pag-aaral ni Berkun (2009) na naniniwalang kung ikaw ay

komportableng makipag-usap sa ibang tao kung gayon ikaw rin ay

kumportable sa pakikipag-usap sa harap ng madla. Ang isang tagapagsalita

ay kinakailangang gumamit ng ganitong pangangatwiran kadalasan sa mga

manunuod ay magalang at hindi nanghuhusga kung ikaw ay nakagagawa ng

nakakahiyang pagkakamali. Ang presindenteng si George Bush ay kilala sa

pagiging bastos sa pagbibigay ng komento sa harap ng kamera sa mga

medya. Ngunit sa kabila ng mga ito, siya’y naihalal sa pangalawang

pagkakataon.

You might also like