You are on page 1of 23

KABANATA 1

SULIRANIN AT KALIGIRAN

"You can speak well if your tongue can deliver the message of your heart".

Mula sa pelikulang The Man Who Short Liberty ni Ford (1894) na isang sikat na

direktor sa Amerika noong taong 1913 hanggang 1966, na nangangahulugan na

ang puso ay tapat, bukas, at dalisay ngunit ang dila ay madaling

maimpluwensyahan ng mga opinyon ng iba at sa gayon ay sinusubukan na

magsalita kung ano ang maaaring patunayan na katanggap-tanggap sa

nakikinig.

Ang pag-aaral ng pagsasalita sa publiko (Public Speaking) ay nagsimula mga

dalawang libo’t limang daang (2,500) taon na ang nakalipas sa mga sinaunang

Athens. Ang mga kalalakihan ay kinakailangang magbigay ng mga talumpati

bilang bahagi ng kanilang mga tungkulin sa sibiko, na kasama ang pagsasalita

sa pambatasang pagpupulong at korte. Ang mahusay na kasanayan sa

pagsasalita ay mahalaga din para sa isang kilalang panlipunang buhay at

paghahalo sa mamamayan. Ayon sa aklat na pinamagatang "Effective


Speaking" ni Stuart (1999), isang kilalang punong-patnugot ng isang news

company sa Connecticut, United States of America, binanggit niya ang isang

sarbey sa Amerika na isinagawa sa mahigit na tatlong libo (3,000) na tao ukol

sa sampung (10) bagay na kanilang kinatatakutan. Ang mga resulta ng sarbey -

ang pagsasalita sa harap ng publiko ang kanilang unang kinatatakutan, higit pa

sa pagbagsak ng kanilang katayuan at sa kamatayan.

Mula naman sa artikulo ni Engr. Ressie Fos (2017) – dating Pangulo ng

Bayanihan ng Manggagawa sa Konstruksyon ng Qatar (BMKQ) (2017-2018) na

itinuro sa mga Filipino Community Leaders sa Qatar. Ginanap ito noong Abril

2018 sa Double Tree by Hilton (Doha, Qatar) na dinaluhan ng tatlumpu't limang

(35) kasapi ng Filipino Community Organization sa nasabing bansa na kasama

sa Bayanihan. Naniniwala si Fos na malaking tulong ang seminar na ito upang

mas mahasa ang abilidad ng mga Pilipino sa pagsasalita sa harap ng maraming

tao.

Samantala, ayon naman sa 2014 Chapman University Survey sa American

Fears, ang takot sa pagsasalita sa publiko ay patuloy na nangunguna sa listahan


ng mga pinaka-karaniwang phobias sa bansa. Ito ay ang Glossophobia ang takot

sa pagsasalita sa publiko. Sa ika-dalawampu’t isang (21) siglo, may mga tao pa

din ang may problema sa pagsasalita sa publiko. Ayon sa datos na inilabas ng

Psycom.net, mula sa isang daang tatlupu’t limang (35) respondente na pawang

mga Pilipino, ay nasa pitumpu't limang (75%) porsiyento sa kanila ang

nakararanas ng kahinaan sa public speaking.

Parami nang parami ang kinakailangan na magsalita sa publiko, sa mga

kumperensya, sa mga pulong sa negosyo, pagtanggap ng mga parangal,

pagtuturo sa loob ng isang klase, sa panahon ng mga kaganapan sa media at

maraming iba pang okasyon. Ito ay naging lalong mahirap upang maiwasan ang

mga kaganapan sa pagsasalita ng publiko dahil ang mga kasanayan sa oratoryo

ay naging napakahalaga.

Ayon naman kay Tanawan (2002), isang manunulat patungkol sa istruktura

ng Wikang Filipino, ipinaliwanag niya na ang kasanayan sa pagsasalita ay isang

mabisang paraan upang matamo ang matagumpay na pagtuturo. Sa matagal

na panahon, ang kasanayan sa pagsasalita ay isang pagsubok sa ginagawang


pagtuturo ng mga guro. Dito nasusukat ang kakayahan ng mga guro sa

tungkuling maturuan ang mga mag-aaral sa mabuting pakikipagtalastasan o

pagsasalita sa publiko. Ito ay kawakasan ng sunod-sunod at binabalangkas ng

mga aralin mula sa pagpapayaman ng talasalitaan hanggang sa malikhaing

pagsasalita.

Binigyang pansin naman ni Macaraig (2000), dating Pangalawang Pangulo ng

Technical Services at the Agribusiness Unit of Alcantara Group in the

Philippines. Isa sa mga kailangang matutunan ng bawat mag-aaral ay ang sining

ngpakikipagtalastasan sa pamamagitan ng pagsasalita. Ang kakayahan ng

bawat isa namaipahayag nang lubos ang sariling damdamin, maisalaysay ang

mga karanasan at maisalin ang sariling kaalaman sa pinkamadali at pinakatiyak

na paraan ay matatamo sa pagsasalita. Ito’y kanilang magagamit sa pakikipag-

usap, pagkukwento, pagsasalaysay o pakikipagtalakayan. Higit na nabibigyang

katuparan ng isang indibidwal ang kaniyang mga hangarin sapagkat naipahayag

ng lubos ang damdamin, naisalaysay ang kaniyang karanasan at nasasabi ang

kaalaman sa paraang pasalita. Makikita rin ang kasanayan sa pagsasalita ng


isang tao kung nagpamalas ito ng matatag na damdamin, malawak na kaisipan,

at kasanayan sa wika, retorika at balarila.

Sa kasalukuyan, hindi naman nakaligtas ang mga mag-aaral sa ika-labing

isang (11) baitang ng Humanities and Social Sciences (HUMSS) pangkat ng

Bonifacio at Luna , sa Mataas na Paaralan ng Caloocan City Business sa suliranin

hinggil sa mga sitwasyong kinakailangang magsalita sa harap ng maraming

bilang ng indibidwal. Ang mga mag-aaral sa nasabing baitang at pangkat ay

nakararanas ng kahirapan sa pakikipagtalastasan partikular sa mga sitwasyong

kinakailangan nilang humarap sa maraming tao. Sa mga pagkakataong

nagsasagawa ng mga presentasyon o pag-uulat ang mga mag-aaral, ay

mapapansing nahihirapan sila sa paglalahad patungkol sa nilalaman ng kanilang

ulat. Nariyan ang pagkautal at madalas ay napapahinto na lamang sa

pagsasalita dahil sa labis na kaba sa tuwing nakaharap sa maraming tao,kaya

naman ay nahihirapan na sa pag-iisip ng mga susunod na sasabihin na kung

minsan ay nagreresulta pa sa pagsasabi ng mga ideyang hindi nauugnay sa ulat.

Sa mga sitwasyon naman na kailangang magsalita sa entablado ay nakakaranas

ang mga mag-aaral ng stage fright kaya naman ay nahihirapan nang magsalita
na kung minsan ay nagreresulta pa ng tuluyang pagtigil sa pagsasalita sapagkat

nauunahan ng kaba at nahihirapan nang mag-isip ng mga salitang babanggitin.

Bunsod ng mga nakakabahalang sitwasyong katulad nito na talagang matinding

suliranin ng mga mag-aaral, ang nagtulak sa mga mananaliksik na isagawa ang

pag-aaral na ito na pinamagatang "Epekto ng Kahinaan sa Public Speaking sa

Academic Performance ng mga Mag-aaral tungo sa Estratehiyang Public Talk

(Pub-Talk).

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang mga mananaliksik ng pag-aaral na ito ay bibigyang solusyon ang

kanilang pananaliksik na pinamagatan, “Epekto ng Kahinaan sa Public Speaking

sa Academic Performance ng mga Mag-aaral tungo sa Estratehiyang Public Talk

(Pub-Talk)” at sasagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano-ano ang mga dahilan ng kahinaan ng mga mag-aaral ng Grade 11-


HUMSS sa Public Speaking?

1.1 Natatakot na magkamali sa harapan ng iba.

1.2 Kawalan ng lakas ng loob na sabihin ang mga na iisip na ideya.

1.3 Pagkakaroon ng stage fright.

2. Ano-ano ang mga epekto ng kahinaan sa Public Speaking ng mga mag-

aaral ng Grade 11-HUMSS?

2.1 Kawalan ng tiwala sa sarili.

2.2 Hindi pagpapartisepa sa mga aktibidad sa paaralan.

2.3 Pagkukumpara ng abilidad sa ibang tao.

3. Paano makakatulong ang estratehiyang Public Talk (Pub-Talk) sa

Academic Performance ng mga mag-aaral?

4. Epektibo ba ang estratehiyang Public Talk (Pub-Talk) upang mas


mapaunlad ang Academic Performance ng mga mag-aaral ng Grade 11-

HUMSS?

MGA PALAGAY

Ang mga sumusunod na palagay ay binuo ng mga mananaliksik base sa

kanilang pag- aaral:

1.May iba't ibang dahilan kung bakit mahina sa pagsasalita sa publiko o public

speaking ang karamihan sa mag-aaral dahil isa sa mga sanhi ay ang takot na

magkamali sa harapan ng kapwa mag-aaral. Ikalawang dahilan ay ang kawalan

ng lakas ng loob na sabihin ang mga naiisip na ideya. May mga pagkakataon na

kung saan ang mag-aaral na may ninanais na ibahagi ay mas pipiliin na lamang

sarilihin ang kagustuhang magpahayag ng nalalaman sa iba, at ang pagkakaroon

ng stage fright ng mga mag-aaral sa tuwing tutungtong sa harapan ng

maraming tao.
2. May mga epekto ang pagkakaroon ng kahinaan sa public speaking, isa sa

mga ito ay ang kawalan ng tiwala sa sarili na nagiging sanhi ng pagbaba ng

kanilang grado. Kabilang din dito ay ang hindi pakikibahagi sa mga aktibidad o

mga gawain sa loob ng silid-aralan. Maaari din na maging epekto ang

pagkukumpara ng sarili sa iba pang kapwa mag-aaral na may abilidad sa public

speaking.

3. Makatutulong ang estratehiyang Public Talk (Pub-Talk) sa mga mag-aaral ng

ikalabing-isang (11) baitang mula sa strand ng Humanities and Social Sciences

(HUMSS) sa pamamagitan ng mga sesiyon o mga aktibidad na aming ipagagawa

sa aming mga respondente na may kahinaan sa public speaking.

4. Epektibo ang estratehiyang Public Talk (Pub-Talk) hindi lamang sa Academic

Performance ng mga mag-aaral ng ikalabing-isang baitang mula sa strand ng

Humanities and Social Sciences (HUMSS) kundi pati na rin sa pang araw-araw

nilang pakikipagtalastasan sa mundong kanilang ginagalawan. Masasabi na

magiging mabisa ang estratehiyang ito dahil mabusisi itong pinagaralan ng mga

mananaliksik sa pamamagitan ng pag-alam ng iba’t ibang karanasan na may


kinalaman sa kahinaan sa public speaking partikular na sa strand na aming

napili.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang mga mananaliksik ay naniniwalang makakatulong ang pag-aaral na ito

sa mga sumusunod:

Mag-aaral. Malaki ang maitutulong ng pag-aaral na ito sa mga mag-aaral upang

mas mahasa ang abilidad sa pagsasalita sa harap ng maraming tao. Naglalayon

din itong mas mapaigting ang kumpiyansa sa sarili at magkaroon ng lakas ng

loob na humarap sa maraming tao.

Guro. Makapagbibigay ito ng panibagong impormasyon patungkol sa kahinaan

ng mga mag-aaral sa public speaking at mahihikayat ang mga guro na mas

lalong tulungan ang mga mag-aaral at mapausbong ang kakayahan sa

pakikipagtalastasan.
Magulang. Makapagbibigay tulong ito upang maging bukas sa kahinaan ng mga

anak sa public speaking nang sa gayon ay sila mismo ang makatulong na

pataasin ang kumpiyansa sa sarili ng kanilang mga anak.

Tagapamahala. Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sapagkat mamumulat sila sa

kamalayan ukol sa kakayahan ng mga mag-aaral sa asignaturang Sipnayan ng

Humanities and Social Sciences (HUMSS). Sa pamamagitan nito, makatutulong

sila sa paglikha o pag-isip ng mga programa at hakbang upang mapayaman ang

kasanayan ng mga mag-aaral sa nasabing asignatura.

Sa mga susunod na Mananaliksik. Makapagbibigay ito ng mga impormasyon

upang magsilbing gabay sa hustong pagpapalawig ng pag-aaral na ito. Sa

pamamagitan nito, makapagbibigay ng panibagong mga estratehiya na higit na

makatutulong sa ating komunidad.

SAKLAW AT DELIMITASYON

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa mga mag-aaral na mula sa Mataas na

Paaralan ng Caloocan City Business partikular sa mga mag-aaral mula sa strand

ng Humanities and Social Sciences (HUMSS) ng senior high na may kabuuang


tatlumpung (30) respondente mula sa baitang labing-isa (11) pangkat Bonifacio

at Luna na may labingwalo (18) na babae at labindalawang

(12) lalaki. Hindi saklaw ng pag-aaral na ito ang iba pang mga strand na STEM,

ABM, at TVL.

KATUTURAN NG KATAWAGAN

Ang mga sumusunod na salita ay binigyang kahulugan ng mga mananaliksik

batay sa pagpapakahulugan ng konseptuwal at operational:

Abilidad. Isang kasanayan o kakayahan upang gawin ang isang bagay o Gawain.

Aktibidad. Mga ginagawa ng iba’t ibang organisasyon sa paaralan.

Academic Performance. Aspetong maaapektuhan ng kahinaan sa public

speaking.

Effective Speaking. Ang pagsasalita sa paraang malinaw na naririnig ang iyong

mensahe.
Glossophobia. Ang matinding takot sa pagsasalita sa publiko.

Guro. Makapagbibigay ang pag-aaral na ito ng panibagong impormasyon.

Humanities and Social Sciences (HUMSS). Isang strand sa academic track na

naglalayong hasain ang mga mag-aaral sa pakikipagtalastasan.

Kontruksyon. Isang prosesong binubuo ng paggawa, pagtatayo, o pagbubuo ng

mga gusali.

Kumperensya. Regular na pagpupulong para sa isang talakyan, karaniwang

isinasagawa ng mga asosasyon o organisasyon.

Low Self-Esteem. Ang pagkakaroon ng mababawang tiwala sa sarili.

Oportunidad. Pagkakataon na maaaring makuha ng tao, maaaring sa paaralan

o trabaho.

Oratoryo. Ang pampublikong pagsasalita na nailalarawan sa pamamagitan ng

paggamit ng mga stock phrases at ang pag-apila ng mga pangunahing emosyon.

Phobia. Isang matinding takot sa isang partikular na bagay o sitwasyon.

Public Talk. Estratehiyang gagamitin upang mabigyang tulong ang mga mag-

aaral na may kahinaan sa Public Speaking.

Public Speaking. Kahinaan na nais bigyang solusyon ng pananaliksik na ito.


Punong Patnugot. Punong editor ng isang publikasyon, na responsable para sa

pamamahala ng mga patakaran sa editoryal at ang paggawa ng nilalaman.

Sibiko. Ang sibiko ay nangangahulugang bayan o siyudad at ang mga tao na

nakatira rito.

Seminar. Lugar kung saan mas pinalalalim nito ang iyong kaalaman upang ang

isang tao ay lumago at magkaron ng karagdagan o bagong kaalaman upang ito

ay magbunga ng magagandang resulta. Sa tagalog ay BINHISIPAN.

Stage Fright. Isa sa nakitang dahilan ng mga mananaliksik ang kahinaan ng mga

mag-aaral sa public speaking.

Sinaunang Athens. Ang kabisera at pinakamalaking lungsod ng Gresya.

Matatagpuan ito sa rehiyon ng Attica. Isa ang Atenas sa mga pinakamatandang

lungsod sa buong mundo, na may naitalang kasaysayan sa loob ng humigit

3,000 taon.
KABANATA 2

REBYU NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Naglalaman ang kabanatang ito ng pananaliksik ng iba’t-ibang rebyu ng mga

kaugnay na literatura at pag-aaral, lokal at banyaga, na makakatulong upang

bigyan ng kalutasan ang paksa.

Literatura

Lokal. Binigyang diin ni Eduque (2017) isang Orthopedic Surgeon sa Our Lady

of Mt. Carmel Medical Center sa San Fernando City, mula sa kaniyang artikulo

na pinamagatang “Public Speaking: How to Conquer Stage Fright!” ang sariling

karansan pagdating sa public speaking. Batay sa nilalaman, makailang ulit na

siyang inanyayahan na magbigay ng mga salita sa iba’t ibang kaganapang

pampubliko subalit nakararamdam pa din siya ng kaba ilang minuto bago siya

magsimula. Ang nasabing artikulo ay naglalaman ng dalawang mga payak na

paraan na ayon kay Duque ay nagbigay daan upang malabanan ang takot sa

pagsasalita sa harap ng publiko. Madalas na pag-eensayo at pagkilala sa mga

tagapakinig ang mga paraan na kaniyang ginagamit upang mapagtagumpayan

ang sariling takot. Aniya, “The reason you are talking on that very stage you are

on is irrelevant because what is important is that you were asked to do so


because you have a story to tell. Trust your ability to deliver.” Hindi

matutumbasan ang halaga ng kwentong iyong ibabahagi sa kung ano man ang

dahilan ng iyong pagtapak sa entablado.

Ayon sa isang grupo ng mga manunulat mula sa kanilang blog na "The

Dynamic World of Public Speaking Training in the Philippines" (2015), ang

public speaking ay isang paraan ng pakikipag-usap sa iyong mga tagapakinig

subalit hindi maikakaila na isa iti sa mga nangungunang phobias sa ating bansa.

Kung kaya't may mga organisasyon ang nagka-ideya upang magbigay tulong sa

mga taing may problema sa public speaking sa pagsasagawa ng workshops at

trainings sa pangunguna ng Inspire Leadership Consultancy sa kanilang Public

Speaking Program na naglalayong mailabas ang potensyal ng kanilang mga

kliyente pagdating sa pagsasalita sa publiko. Naniniwala ang institusyong ito na

ang public speaking ay isang skill na nahaasa sa pamamagitan ng personal na

karanasan. Base pa sa organisasyong ito, ang kanilang programa ay magiging

malaking tulong upang masolusyunan ang problema sa public speaking ng

nakararami.

Batay naman sa isang artikulo na isinulat ni Caoile(2019), isang manunulat

sa When in Manila na pinamagatang "Fear of Public Speaking? Here's How You


Can Overcome Your Stage Fright!", mula pa noon ay hindi na naging hilig ni

Caoile ang pagsasalita sa harap ng publiko subalit, sa paglipas ng panahon, unti-

unting nagkakaroon ng linaw ang kahalagahan ng public speaking sa pangaraw-

araw na pamumuhay partikular na sa pagbabanat ng buto. Ayon kay Caoile, ang

public speaking ay hindi lamang gaya sa ginagawa ng mga politka na pagbibigay

ng mga mabubulaklak na salita sa harap ng publiko. Ang simpleng pagbabahagi

ng ideya sa harap ng iyong mga kaibigan, kapwa mag-aaral, o maging sa ka-

trabaho man ay maituturing na public speaking. Ang ganitong klase ng skill ay

kabilang sa "must have skills" ng isang indibidwal kung kaya't hinarap ni Caoile

ang takot sa public speaking at nakibahagi sa iba't ibang workshops upang

matulungan ang sarili.

Banyaga. Ipinahayag ni Volk (2015), isang kilalang speech language pathology

sa Amerika, sa kanyang pananaliksik na pinamagatang "The Speaking Voice:

what you need to know about public speaking" na karamihan ng mga

pananaliksik o pag-aaral patungkol sa public speaking ay nakasentro sa

pagkabalisa o pagkakaroon ng mental na sakit na "anxiety" at kung paano

nakakaapekto ito sa pagkakaroon ng takot sa public speaking.


Batay naman kay Juneja (2015), isang propesor sa Amerika, sa kaniyang

artikulo na "Role of Confidence and attitude in Public Speaking" na ang pagiging

kampante ay mayroong malaking gampanin sa pagsasalita sa publiko o public

speaking, dahil ito ang nagbibigay ng malaking impak sa iyong mga taga-

pakinig, sapagkat kung ang isa ay hindi kampante sa pagbibigay ng pahayag sa

harap ng publiko ay maaari siyang balewalain ng kanyang mga taga-pakinig na

maaring magdulot sakaniya ng pagkakaroon ng trauma sa public speaking.

Ayon naman kay Thaousides (2017), isang kilalang nueropsychologist at

propesor sa Canada, sa kanyang artikuong pinamagatang "Why are we scared

of public speaking", Binigyang pansin ni Thaousides ang iba't-ibang dahilan

kung bakit nagkakaroon ng takot sa public speaking o mas kilala sa

siyantipikong termenolohiya na Glossophobia. Mayroong iba't-ibang dahilan na

ibinigay si Thaousides kung bakit nagkakaroon ng Glossophobia ang isang tao,

isa sa mga dahilan na nahanap niya ay ang kawalan ng karanasan, kung ang

isang tao ay walang karanasan sa gagawin niyang pagsasalita sa harap ng

publiko, siya ay hindi magkakaroon ng kumpiyansa na gawin ito na maaring


magdulot sa kanya ng pagkakaroon ng takot sa public speaking o pagkakaroon

ng Glossophobia.

Mula naman sa pag-aaral nila Ros at Johnson (2016), kapwa mamamahayag

sa England, na pinamagatang "How to Overcome your fear in Public Speaking"

na ang takot sa pagsasalita sa publiko ay kilala bilang glossophobia. Ayon sa

isang pagtatantya, halos pitumpu’t limang (75%) porsyento ng mga tao ang

nagdurusa sa iba't ibang anyo ng phobia na ito at sampung (10%) porsyento ng

mga tao ay talagang natatakot. Ang pagkatakot sa pagsasalita ng publiko ay ang

numero unong phobia sa Amerika. Karamihan sa mga sintomas na ito ay dahil

sa pagtaas ng adrenaline na ginawa ng aming mga katawan dahil nakakaranas

kami ng reaksyon ng flight-or-fight. Ang mga alalahanin na mayroon tayo bago

ang isang pagsasalita o pagtatanghal, nag-aalala sa kung ano ang iisipin ng mga

tao sa amin, nababahala na tayo ay madapa sa mga salita o makalimutan kung

ano ang sasabihin sapat na upang ma-trigger ang natural o likas na reaksiyon

upang tumakas.

Mula naman sa pag-aaral nila Akin at Kunzman (2015), kapwa mga

mamamahayag sa Candada, na pinamagatang "Outlined a Program that was

Premeditated to Behaviorally Condensed Symptoms of Public Speaking Anxiety


among Students". Ipinakita ang pagsusuri na sa halo-halong pormat ng pag-

uugali na nagbibigay diin sa mga resulta ng kasanayan na katulad ng diskarte sa

desensitization, na nagtuturo sa mga mag-aaral na kontrolin ang kanilang

pagkabalisa sa tuwing sila ay magsasalita sa publiko sa pamamagitan ng unti-

unting harapin ito ng harapin ito ng paulit-ulit sa ganitong uri ng sitwasyon.

Samakatuwid, ang mga nagsasanay nang mabuti bago sila nagsasalita sa

publiko, ay mas lamang ang tiwala sa sarili at naghahatid ng magagandang

pagtatanghal.

Mga Pag-aaral

Lokal. Mula naman sa Education Resources Information Center (ERIC) Digest

(2000), isang online digital library ng pananaliksik at impormasyon sa

edukasyon, maraming nagsasabi na ang Oral communication/ Public speaking

ay ang kasanayan na pinakamahirap hasain lalo na't ang wikang Ingles ay

itinuturo lamang sa paaralan. Karamihan sa mga mag-aaral ay nakararanas ng

problema sa pagsasalita at pagpapahayag ng kanilang nararamdaman na

nagdudulot nang pagkakaroon nang stage fright, poor eye contact, pagkautal

sa pagsasalita , at mental block sa kanilang klase sa Asignaturang Oral


Communication. Ang mga nabanggit ay maituturing bilang Speech Anxiety na

maaring makakaapekto sa kanilang pag-aaral, pakikisalamuha sa ibang tao.

Batay naman sa tesis na isinagawa ni Azagra (2017) ,isang guro ng Oral

Communication in Context sa Polillo National Highschool. .Ang mga estudyante

,partikular na sa ika-labingisang (11) baitang na sa tuwing may mga gawain gaya

ng pagtatalumpati, pangkatang talakayan, pag-uulat, at iba pang gawaing oral,

sila ay ninenerbyos, nanginginig, nauutal at kadalasang nabablangko ang

kanilang isip. Inihayag niya pa rito na "It is quite alarming to see these

manifestations of speech anxiety among grade 11 students during

communication classes and even in other subjects. Considering that 50% of their

grade covers performance tasks ,they are expected to perform oral drills, oral

presentations, oral reports and recitation."

Banyaga. Ayon sa pag-aaral ni Raja (2017),isang guro ng English as Foreign

Languagge sa Pakistan, siya ay nagbigay ng mga katanungang may kinalaman

sa kahinaan ng mga mag-aaral pagdating sa public speaking at may tinatayang

pitumpu’t limang (75%) porsiyento ang sumagot sa unang katanungnan na may

kinalaman sa takot na humarap sa maraming tao at ito ay may

pagkakahalintulad sa pag-aaral ni Mc Calins (2012), isang manunulat sa


Amerika, "Nearly 90% of people reported feeling shy or uncomfortable speaking

in front of others at some time in their lives." ngunit ang obserbasyon na ito ay

naiiba sa bawat tao sa kadahilangang mayroon tayong iba’t ibang paniniwala at

confidence level sa mga pamilyar at hindi pamilyar na tagapakinig. Para naman

sa kaniyang pangalawang katanungan na may kinalaman sa kakulangan ng

kumpiyansa sa sarili ay mayroong limampung (50%) porsiyento ang sumagot na

sila ay nakakaranas ng ganitong suliranin.

Suhestiyon ni Sjoberg (2006) isang American Feminist, na ang mga mag-aaral

na walang kumpiyansa sa sarili ay nangangailangan ng paghihikayat sa paunang

yugto ng pag-aaral upang sila ay mahikayat na lumahok sa klase. Ang

pangatlong katanungan naman ay patungkol sa pagsisiyasat kung may epekto

ba ang bilang ng mga tagapakinig sa magiging resulta ng presentasyon ng mga

mag-aaral. Sa pagsasagawa nito ay mayroong walumpu’t dalawa (82%)

porsiyento na sumagot na ang dami ng tagapakinig ay may malaking epekto sa

kanilang pagganap. Isinasaad sa ika-apat na katanungan kung ang palaging

pakikilahok sa pakikilahok ng mga mag-aaral sa mga gawaing may kinalaman sa

public speaking ay nakakatulong upang mas maging maayos ang presentasyon.

Pitumpu’t lima (75%) na respondente ang sumang-ayon na nakatutulong ito

upang mas lalong magiging maayos ang isang presentasyon. Ang mga taong
humaharap sa publiko na mayroong kumpiyansa sa sarili ay hindi na

nagpapakita ng kahit anong kaba sa harap ng maraming tao.

Ayon kay Lucas (2011) “ Many People Who Converse Easily in all Kinds of

Everyday Situations Become Frightened at the Idea of Standing Up before a

Group to make a Speech.” Ang mga ganitong tao ay kailangan mapagtanto na

hindi lamang sila ang maaaring dumaan sa ganitong mga sitwasyon. Sa

katunayan, halos lahat ng nagsasalita ay pareho lamang ang nararamdaman.

Ito ay mahalaga na mapagtanto ng mga tao ang katotohanan na mas higit na

makaaapekto ito sa mambabasa kaysa sa mga tagapakinig lamang.

You might also like