You are on page 1of 36

The Mabini Academy

SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

PANANAW SA PUBLIC SPEAKING ANXIETY NG MGA MAG-AARAL

NA KABILANG SA BAITANG 11 NG STEM TAONG 2019-2020

Isang Pamanahong Papel


na Iniharap sa
Kaguruan ng Departamento ng Filipino, The Mabini Academy

Bilang Pagpapatupad
sa isa sa mga Pangangailangan ng Asignaturang Filipino,
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Inihahandog ng Pangkat
11 – STEM A

Marso, 2020

i
The Mabini Academy
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

PINAGTIBAY

Ang pamanahong papel “Pananaw sa Public Speaking Anxiety ng mga Mag


– aaral na Kabilang sa Baitang 11 ng STEM Taong 2019 – 2020 ” na inihanda ng
Pangkat blg. 1 na mula sa seksyon STEM A na binubuo nina:

Almero, Jasmine
Cuenca, Allysa Denise
Endaya, Kim Kenneth
Leyesa, Ian Adriel
Rivera, James Vincent

Bilang Partial Requirement sa Filipino, Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Tekso


Tungo sa Pananaliksik, ay dumaan sa pamamagitan ng Oral Defense at
inirekomenda para tanggapin at pagtibayin.

Bb. Eugelee Lou B. Hernandez


Tagapayo

Panel ng Ebalweytor

_______________________
Chair ng Depensa

____________________________ ____________________________
Member Member

Marso, 2020

ii
The Mabini Academy
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang Pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino 2A,


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pagsasaliksik, ang
pamanahong papel “Pananaw sa Public Speaking Anxiety ng mga Mag – aaral na
Kabilang sa Baitang 11 ng STEM Taong 2019 – 2020 ” na inihanda ng Pangkat Blg.
1 na mula sa seksyon STEM A na binunuo nina:

Almero, Jasmine
Cuenca, Allysa Denise
Endaya, Kim Kenneth
Leyesa, Ian Adriel
Rivera, James Vincent

Tinanggap ang Pamanahong Papel na ito sa ngalan ng Departamento ng Filipino


at The Mabini Academy, bilang isa sa pangangalingan sa asignaturang Filipino,
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Tekso Tungo sa Pananaliksik.

Bb. Eugelee Lou B. Hernandez


Tagapayo

iii
The Mabini Academy
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

PASASALAMAT

Taos-pusong nagpapasalamat ang mananaliksik sa mga taong nagsilbing

inspirasyon at lakas upang maisakatuparan ang pag-aaral na ito.

Sa aking tagapayo, si Bb. Eugelee Lou Hernandez, at sa lupon ng

tagataya, sa mga pinagkukunan naming ng mahahalagang datos, kami ay lubos

na nagpapasalamat sa kanila ,maraming salamat sa inyong mga puna at

suhestiyon para sa ikagaganda at ikabubuti ng aking pag-aaral.

iv
The Mabini Academy
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

TALAAN NG NILALAMAN

Pamagat………………………………………………………….………………….….i
Pinagtibay…...……………………..………………...…………….….………………ii
Dahon ng pagpapatibay ………….………………...………….………………..….iii
Pasasalamat o Pagkilala……….…………………......………….………………....iv
Talaan ng Nilalaman…….…………………………………………….………...……v

Kabata
I. Ang Suliranin at Kaligiran Nito
Panimula o Introduksyon………………………………………...….………..1
Layunin ng Pag-aaral……………………………………………..................3
Saklaw at Limitasyon…………………………………....………..…………..3
Kahalagahan ng Pag-aaral………………………………………...………...4
Depinisyon ng mga Terminolohiya………………………………….……….5

II. Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura………………………………...6

III. Disenyo at Paraan ng Pananaliksik


Disenyo ng Pananaliksik………………………………………………..…...10
Respondente………................................................................................11
Instrumento ng Pananaliksik…………………………………….................11
Tritment ng mga Datos……………………………………………………....

IV. Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos……………………....13

V. Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon


Lagom……………………………………………………….…………..…...20
Konklusyon…………………………………………………….……...……..21
Rekomendasyon………………………………………….…….…………..22

Listahan ng Sanggunian

Apendiks o Dahong-Dagdag……………………………………….…………23

v
The Mabini Academy
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT ANG KALIGIRAN NITO

INTRODUKSYON

Parte na ng pang araw-araw na buhay ng tao ang pakikipag-usap. Ito ang

nagsisilbing tulay sa pagkakaunawaan at pagkakaintidihan ng bawat isa lalo na

sa buhay ng isang estudyante. Malaki ang ginagampanan ng pakikipagtalastasan

lalo na sa paaralan. Maraming mga aktibidades ang kakaharapin ng mga mag-

aaral na nangangailangan ng pagsasalita sa harap ng mga madla. Ito ay mas

kilala bilang public speaking. Kalimitan itong makikita sa senaryong resitasyon, na

kung saan ang mag-aaral ay sasagutin ang tanong ng guro sa harap ng mga

kapwa mag-aaral. Isa pang halimbawa ay ang paglahok sa mga paligsahan tulad

ng talumpati at debate.

Hindi maiiwasan na makaramdam ng iba’t ibang emosyon sa gitna ng

ganitong sitwasyon. Ilan sa mga maaaring maranasan ay ang pagkakaba, takot,

pangamba, pagkabalisa at iba pa. Ito ay mas kilala bilang public speaking anxiety.

Isa pang katawagan nito ay ang glossophobia o ang pagkabalisa dahil sa takot sa

pagsasalita sa pampublikong lugar. Ayon kay Nordquist (2020), ang public

speaking ay ang pinakakinatatakutan sa lahat ng mga bagay. Ang mga tao ay

mas takot pa dito kesa sa mga dentista, daga, mataas na lugar at nakakalulang

tanawin. Ang public speaking anxiety ay maaaring magmula sa kaba hanggang

sa mauwi na ito sa kahindik-hindik na pangamba. Ilan sa mga karaniwang

1
The Mabini Academy
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

sintomas ng public speaking anxiety ay: panginginig, pagpapawis, pagikot ng

sikmura, tuyot na bibig, mabilis na tibok ng puso, at garalgal na boses.

Sa katunayan, ayon sa mga pag-aaral ay pitumpu’t limang porsiyento

(75%) ng mga mag-aaral sa buong daigdig ang nakakaranas ng ganitong uri ng

anxiety. Karamihan sa mga apektado ay ang mga walang kumpiyansa sa sarili

(lack of self-confidence). Ang public speaking anxiety ay kalimitang makikita sa

mga kabataan kaysa sa mga may edad na at mas nakikita rin ito sa mga

kababaihan kaysa sa kalalakihan (Strawn,2019).

Isa pang ebidensya na nagpapatunay na ang public speaking anxiety ay

laganap sa mga kabataan kapag ang mga ito ay may social anxiety disorder. Ito

ay ang pagkatakot sa pakikipagsosyalisayon sa kanyang mga kapwa. Kalimitang

makikita rin ito sa mga nagdadalaga at nagbibinata dahil ang kanilang estado ng

emosyon ay hindi pa ganoong yumayabong. Sa kadahilanang ito, madalas

kakikitaan ang mga kabataan ng kawalan ng interes sa pakikipag-usap sa iba.

Ngunit mahalaga din na malaman na kapag ang isang tao ay may public

speaking anxiety, ito ay hindi nangangahulugang mayroon din siya kaagad na

social anxiety disorder.

Isa din sa mga prominenteng sanhi ng pagkakaroon ng Public Speaking

Anxiety ay ang labis na presyon na nararamdaman. Kapag ang isang tao ay

nakaramdam ng kaba, ang utak ay nagsisimulang huminto sa pagproseso ng

memorya. Mas lalong madadagdan ang stress hormones na magreresulta sa

pagtigil ng frontal lobe. Kapag nangyari ito, mas lalong magiging mahirap

alalahanin ang mga impormasyon na nakaimbak sa utak (Dr. DeGeorgia, 2017).

2
The Mabini Academy
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

Dahil dito, ang mga mananaliksik ay magsasagawa ng pananaliksik

patungkol sa pananaw ng mga mag-aaral ng ikalabing - isang baitang pangkat

STEM ng The Mabini Academy. Ang mga mananaliksik ay gagamit ng

kwalitatibong pamamaraan sa paggawa ng pananaliksik at kwantitatibo sa

pangangalap ng datos at impormasyon.

LAYUNIN NG PAG – AARAL

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy ang persepyon ng mga piling

mag-aaral mula sa baitang 11 ng STEM patungkol sa "public speaking anxiety".

Sa pag-aral na ito, nilalayong masagot ang sumusunod:

1. Ano ang kahulugan ng "public speaking anxiety"?

2. Anu-ano ang mga dahilan ng pagkakaroon ng "public speaking anxiety"?

3. Anu-ano ang mga epekto ng pagkakaroon ng "public speaking anxiety" ?

4. Batay sa magiging resulta ng pag-aaral, ano ang maaaring maimungkahing

gawain o aksiyon hinggil sa pagpapaunlad ng kakayahan ng mga mag aaral sa

pagsasalita sa harap ng publiko?

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pangangalap ng impormasyon lalo't

higit sa persepsiyon ng mga respondente sa pagkatakot sa pagsasalita sa

publiko. Ang pag-aaral ay sumasaklaw sa bawat limang piling mag-aaral sa bawat

seksiyon ng STEM sa institusyon. Sa kabuuan, ang pananaliksik na ito ay

magkakaroon ng tatlumpu't limang respondonte.

Hindi saklaw bilang mga respondente ang mga mag-aaral na mula sa ibang

"academic strand" na malinaw na sinabi sa titulo ng pananaliksik. Gamit ang

3
The Mabini Academy
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

nasabing bilang ng mga respondente, makakapagbigay ang mga mananaliksik ng

sapat at malinaw na mga impormasyon at datos na kakailanganin sa pag-aaral.

KAHALAGAHAN NG PAG – AARAL

Hinahangad ng mga mananaliksik na magbunga nang maayos ang

kanilang pananaliksik na posibleng makatutulong sa bawat indibidwal na

mababanggit. Ang pananaliksik na ito ay makatutulong upang malaman ng bawat

indibidwal na mababanggit ang pananaw sa public speaking anxiety ng mga mag

– aaral na kabilang sa baitang 11 ng STEM taong 2019 – 2020.

Mga Mag-aaral. Ang resulta ng pag-aaral ay makatutulong upang magkaroon ng

ideya ang mga mag-aaral tungkol sa public speaking anxiety. Ang pag-aaral na ito

ay makakatulong at magbibigay ng linaw sa kahila upang higit na maunawaan ang

kahulugan ng public speaking anxiety. Ito rin ay makapagbibigay sa kanila ng

mga impormasyon tungkol sa mga nararapat nilang gawin patungkol dito.

Magkakaroon din sila ng kaalaman sa ibat ibang paraan at estratehiya tungkol sa

kung paano ito maiiwasan.

Mga Guro. Ang pag-aaral na ito ay magiging batayan ng mga guro kung paano

matutulungan at bigyan ng payo ang mga mag-aaral tungkol sa public speaking

anxiety. Magiging batayan din ito ng mga guro kung paano nakakaapekto ang

public speaking anxiety sa buhay ng estudyante.

Mga Mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay makapagbibigay sa kanila ng mga

kaligirang impormasyon at ideya tungkol sa public speaking anxiety. Ang pag-

aaral na ito ay maaaring magsilbing sangguniang magagamit nila sa kanilang

4
The Mabini Academy
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

pananaliksik at pag-aaral. Magagamit nila ang pag-aaral sa kanilang pananaliksik

na may kauganayan sa public speaking anxiety.

DEPINISYON NG MGA TERMINO

Public speaking anxiety. tinatawag ding glossophobia o pagkabalisa sa

pagsasalita. Ito ang takot sa pagsasalita sa publiko at sa harap ng madaming tao.

Public speaking. Tinatawag din ito na oratory o oration. Ito ang proseso o kilos

ng pagsasagawa ng isang talumpati sa harap ng madla.

5
The Mabini Academy
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

KABANATA II

KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ang mga nilalaman ng kabanatang ito ay ay mga literatura at pag-aaral na

kaugnay ng mga napapaloob sa layunin ng pag-aaral. Ang mga impormasyon na

nakalap ay makakatulong upang makakuha ng mga datos na gagamitin upang

masuportahan ang mga suliranin. Ang mga literatura na ito ay nanggaling sa mga

mapagkakatiwalaang sanggunian at mga website upang masiguro na ang

impromasyon ay sapat at wasto.

Pagsusuri ng Literatura

Kahulugan ng Public Speaking Anxiety. Ayon kay Pertaub & Barker

(2002), ang public speaking anxiety ay isang kilalang uri ng social phobia na may

malaking epekto sa sosyalisasyon. Ang mga indibidwal na takot magsalita sa

harap ng publiko ay maaaring kumaharap ng mga pagsubok sa pagpursige ng

kanilang mga pangarap. Nakitaan din sila ng limitadong tsansa na mapataas ang

posisyon sa trabaho na maaaring humantong sa pansariling hinagpis, kawalan ng

pagkakuntento sa sarili, at labis pagiging malungkutin.

Ayon naman kina Aderka et al., (2012), ang public speaking anxiety ay

isang sikolohikal na tugon at nasuri din bilang panlipunang pagkatakot na

maaaring magresulta sa pagtakas sa pagsasalita sa harap ng madaming tao dahil

sa hiya na nadama.

Sinabi rin nina Cox, et al. (2008), bagaman ang public speaking anxiety ay

kilala bilang subtype ng social anxiety disorder, ang pinakabagong edisyon ng

6
The Mabini Academy
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

DSM (APA, 2002) ay nagsasabi na ang performance anxiety, stage fright, at

pagiging mahiyain sa pakikisalamuha sa kapwa na kasama ang mga taong hindi

kilala ay karaniwan at hindi dapat ituring bilang Social Phobia.

Dahilan ng Public Speaking Anxiety. Ayon kay Horwitz at Young (2018),

ang isang indibidwal ay nakakaranas ng public speaking anxiety kapag hindi sila

pamilyar sa kanilang kapaligiran at soyal na kaugalian, natatakot silang

mahusgahan ng mga tagapakinig, at nakararamdam ng pagkakaroon ng

maraming atensiyon galing sa mga tagapakinig o kaya naman ay naiisip nila ang

mga dating karanasan sa speaking anxiety.

Binigyang diin naman nina Ibrahim at Devesh (2019) na ang mga salik na

pangunahing nakakaapekto sa public speaking anxiety ay ang kawalan ng tiwala

sa sarili, hindi pagiging handa sa pagsasalita, pagkatakot sa pagsasalita gamit

ang dayuhang wika, kakulangan sa karanasan sa public speaking o kaya naman

ay ang pagiging makalimutin.

Ayon naman kay Sanders (2018), matapos makapanayam ang

labinglimang estudyante, nalaman ng mga mananaliksik na may tatlong

pangunahing dahilan ang pagkakaroon public speaking anxiety: panghuhusga ng

mga kakilala, panghuhusga ng mga nagtuturo, at mental block. Ipinaliwanag din

ng mga mag-aaral ang pakiramdam ng may nakatingin sa kanilang mga mata

habang nagsasalita, pagkakamali sa harap ng mga tao at panghuhusga ng iba

Epekto ng Public Speaking Anxiety. Ayon kay Strahan (2003), ang

mababang grado sa pag-aaral ay isa din sa resulta ng public speaking anxiety ng

mga estudyante. Sa halip na kanilang harapin ito ng buong tapang, lalo nilang

7
The Mabini Academy
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

iniiwasan ang malagay sa ganitong sitwasyon. Dahil dito, maarari itong maging

sagabal sa pagkuha ng trabaho sa hinaharap na mangangailangan ng husay sa

pagsasalita.

Ayon naman kina Glassman et al., (2016), ang mga taong may public

speaking anxiety ay nakakaranas ng pagkatakot at pag – iwas sa mga sitwasyon

na maaring magresulta sa labis na stress, kawalan ng kahusayan sa pagsasalita

at mga problema na maaaring makaapekto sa psychosocial functioning ng isang

indibidwal.

Ayon naman kay Cagatay (2015), ang public speaking anxiety ay may

malaking epekto sa performance ng mga mag-aaral, pagpili ng karerang

tatahakin, pagtatrabaho, at sa mataas na edukasyon.

Solusyon sa Public Speaking Anxiety. Ayon kina Ibrahim at Devesh

(2019), dapat mapahusay ang pansariling mga kakayanan, kabilang na ang

pampublikong pagsasalita, sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng pag-unlad ng

pagiging dalubhasa ng mga guro, pagsasama ng isang bagong kurikulum na

nakatuon sa komunikasyon. Ito ay maaaring makamtan sa pamamagitan ng

pagsasagawa mga sesyon para sa pagsasanay ng mga tagapagturo sa mas

mataas na sekundaryo, pagtataguyod ng mga kasanayan sa oratoryo sa

kurikulum, at pagbuo ng angkop na mga estratehiya sa pagtatasa. Ang mga ito

ang magbibigay sa mga mag-aaral ng mga epektibong estratehiya upang

mabawasan ang kanilang pagkatakot at mapaunlad ang kanilang kasanayan sa

pakikipag-usap

8
The Mabini Academy
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

Ayon naman kina Morgan and Schmidt (2012), ang public speaking anxiety

ay maaaring malagpasan sa pamamagitan ng tatlong paraan: ang halaga ng

cognitive restructuring, pagsasanay sa mga kasanayan, at systematic

desensitization. Pinakita ng pag-aaral nila na ang tatlong paraang nabanggit ay

angkop at maaring magamit para mabawasan ang public speaking anxiety.

Ayon din kay Cagatay (2015), upang matugunan ang anxiety na ito,

kailangang mabigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na magsalita sa mga

sitwasyon sa totoong buhay, at lumikha ang mga guro ng mga learning-

environment kung saan ang mga mag-aaral ay maaaring umusad patungo sa mas

malakas na pag-unawa at kakayang magbahagi ng pasalita sa harap ng kanilang

mga ka-edad.

9
The Mabini Academy
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

KABANATA III

PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Ang kabanata na ito ay naglalaman ng mga proseso at hakbang na ginamit

sa pagkuha ng mga datos at impromasyon. Makikita sa loob nito ang mga

respondente, instrumento ng pananaliksik, paraan ng pagkalap ng datos, disenyo

ng pananaliksik at tritment ng datos. Ang mga datos ay ipapakita sa pamamagitan

ng paggamit ng estatistika. Ang pananaliksik na ito ay gumagamit ng disenyong

deskripitib upang makakalap ng datos na sasagot sa mga suliranin ng

pananaliksik. Gagamit din ito upang malaman kung ang haypoteses ba ay tama o

hindi. Ang mga resulta na makakalap ay gagamitin upang malaman ang

persepsyon ng mga mag-aaral patungkol sa public speaking anxiety.

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng palarawang paraan ng pananaliksik

kung saan ito ay kinapapalooban ng pagtatala, paglalarawan, pagpapakahulugan,

pagsusuri at paghahambing ng mga nakalap na datos na may kinalaman sa

persepsiyon sa public speaking anxiety ng mga piling mag-aaral ng 11-STEM sa

institusyon.

Ayon kay Best (1963), ang palarawang pananaliksik ay isang

imbestigasyon na naglalarawan at nagbibigay-kahulugan tungkol sa isang bagay

o paksa. Ito'y may kinalaman sa mga kundisyon ng mga ugnayang nagaganap,

10
The Mabini Academy
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

mga gawaing umiiral, mga paniniwala at prosesong nagganap, mga epektong

nararamdaman o mga kalakarang nilinang.

Karagdagan, ang pag-aaral ay gumamit ng sarbey-kwestyuner upang

malaman ang pananaw ng mga respondente hinggil sa nasabing paksa ng

pananaliksik nang hindi direktang nagtatanong kung bakit ganun at ganito ang

isang bagay o pangyayari.

RESPONDENTE NG PAG-AARAL

Ang respondente ng pag-aaral na ito ay ang mga piling mag-aaral ng

Senior Highschool na kabilang sa STEM strand ng ika-labing isang baitang ng

The Mabini Academy. Sa kasulukuyan ay may pitong (7) pangkat ang kabilang

sa STEM strand. Sa bawat pangkat ay kumuha ng tig lilimang respondente sa

pamamagitan ng voluntary sampling. Ang voluntary sampling ay ang

pagboboluntaryo ng isang tao upang maging respondente ng pag-aaral. Ang

limang respondente sa bawat pangkat o ang talumpu’t limang respondente sa

kabuuan ay ang magsisilbing representatibo sa kabuuan ng mga estudyante na

kabilang sa ika-labing isang baitang ng STEM strand. Ipinamahagi ang

kwestyuneyr sa mga mag-aaral ng bawat pangkat batay sa pagkakahati sa kung

ilan ang magiging respondente sa bawat pangkat.

INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Upang makakalap ng mga kakailanganing datos at impormasyon ,

gumamit ang mga mananaliksik ng sarbey kwestyuner sa pag aaral. Ang sarbey

kwestyuner ay naglalaman ng pitong mga katanungan at ito ay naglalaman ng

mga pumapatungkol sa public speaking anxiety gaya ng kahulugan, dahilan,

11
The Mabini Academy
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

epekto, solusyon, at mga paraan para mabawasan o maiwasan ito. Sa paggawa

ng sarbey kwestyuner ay sumangguni ang mga mananaliksik sa ilang mga libro at

pag aaral. Ito ay upang maging maayos at magkaroon ng balidasyon ang sarbey

kwestyuner. Matapos maaprubahan ang sarbey kwestyuner, ito ay agad na

ipamimigay sa mga respondente ng pag aaral, ang baitang 11 STEM.

12
The Mabini Academy
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

KABANATA IV
PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Makikita sa kabanata na ito ang pananaw sa public speaking anxiety ng

mga mag-aaral na kabilang sa baitang 11 pangkat ng STEM taong 2019-2020 ng

The Mabini Academy. Makikita rin sa kabanatang ito ang interpretasyon sa mga

datos na nakalap.

1. Kahulugan ng Public Speaking Anxiety.


Nakatala sa Grap 1 ang pananaw ng mga estudyante tungkol sa kahulugan ng

Public Speaking Anxiety. Base sa nakalap na datos, ang winika ni Tse (2012) ang

nangungunang kahulugan ng mga respondente ng public speaking anxiety. Ito ay

naglalaman ng labing anim na boto. Ipinapahayag dito na maraming respondente

ang naniniwalang ang public speaking anxiety ay maiuugnay sa takot sa

pagsasalita o nerbiyos sa pakikipagtalastasan. Pumapangalawa naman ang

winika nina Pertaub at Barker (2002) na nagkamit ng labing tatlong boto. Ang

panghuli ay ang winika nina Aderka et.al (2012) na naglalaman ng anim na boto.

Mula sa nakalap na datos ng mga mananaliksik, natuklasan na kakaunti lamang

sa mga respondent ang naniniwalang ang public speaking anxiety ay isang

sikolohikal na tugon na maaaring magresulta sa pagtakas sa pagsasalita sa harap

ng madaming
20 tao. Kahulugan ng Pubic Speaking Anxiety
16
15 13
10 6
5
0

Kahulugan ng Pubic Speaking Anxiety


13
The Mabini Academy
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

2. Pagkaranas ng Public Speaking Anxiety.


Nakatala sa Grap 2 kung ilan ang nakararanas ng public speaking anxiety sa

tatlumpu’t limang respondente. Base sa nakalap na datos, lumalabas lamang na

marami ang nakakaranas ng public speaking anxiety. Sa tatlumpu’t limang

respondente, tatlumpu’t dalawa (32) ang sumagot na sila ay nakakaranas ng

public speaking anxiety at tatlo (3) lamang ang hindi.

Pagkaranas ng Public Speaking Anxiety


35 32
30
25
20
15
10
5 3
0
Oo Hindi

Pagkaranas ng Public Speaking Anxiety

3. Dalas ng Pagkakaroon ng Public Speaking Anxiety.


Sa ikatlong grap nakatala kung gaano kadalas nararanasan ng mga

respondente ang pagkakaroon ng public speaking anxiety. Base sa nakalap na

datos mula sa kanilang mga sagot, walang estudyante ang laging nakararanas

nito. Lumalabas naman na labinglimang (15) mag-aaral ang madalas na

nakararanas nito. Mayroon ding labinglimang (15) mag-aaral ang minsan lamang

nakakaranas nito. Ipinapahayag nito na hindi lahat ng mag-aaral ay laging

14
The Mabini Academy
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

nakararanas ng public speaking anxiety. Marahil ang dalas ng pagkaranas nila ng

public speaking anxiety ay depende na din sa kanilang karanasan, kapaligiran, at

sitwasyong kinalalagyan. Limang (5) mag-aaral naman ang sumagot na bihira

lamang sila makaranas nito. Marahil sila yung mga mag-aaral na malakas ang

loob at bihasa at sanay na sa pagsasalita sa harap ng maraming tao.

Dalas ng Pagkakaroon ng Public Speaking Anxiety


16 15 15
14
12
10
8
6 5
4
2
0
0
Lagi Madalas Minsan Bihira

Dalas ng Pagkakaroon ng Public Speaking Anxiety

4. Dahilan ng Pagkakaroon ng Public Speaking Anxiety.

Makikita sa Grap 4 ang dahilan ng public speaking anxiety ng mga estudyante.

Mula sa mga nakalap na datos, makikita na ang pagiging makalimutin at

pagkaranas ng mental block ang nangungunang dahilan ng public speaking

anxiety ng mga estudyante na may sampung (10) boto. Sumunod naman dito ay

ang pagkatakot na mahusgahan ng mga tagapakinig na may siyam (9) na boto.

Pumapangatlo naman sa dahilan ay ang pag-iwas sa pakiramdam ng maraming

atensyon at hindi pagiging handa o kulang sa preparasyon na may parehas na

15
The Mabini Academy
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

apat (4) na boto. Ang ikaapat naman ay ang hindi pagiging pamilyar sa paligid na

may tatlong (3) boto. Parehas namang may dalawang boto ang kawalan ng tiwala

sa sarili at pagkatakot sa pagsasalita gamit ang mga banyagang lengguwahe

Dahilan ng Pagkakaroon ng Public Speaking Anxiety


12
10
10 9
8
6
4 4
4 3
2 2
2 1
0

Dahilan ng Pagkakaroon ng Public Speaking Anxiety

gaya ng ingles. Ang pinakahuling dahilan naman ay ang pagkatakot na

mahusgahan ng mga nagtuturo na mayroon lamang na iisang (1) boto.

5. Mga Sintomas na Nararamdaman Kapag Nakararanas ng Public Speaking

Anxiety.

Nakatala sa Grap 5 ang mga sintomas na nararamdaman kapag nakararanas

ng public speaking anxiety. Mula sa mga nakalap na datos, makikita na

karamihan ng mga estudyanteng sumagot sa sarbey ay nakakaranas ng pagbilis

ng pagtibok ng puso bilang sintomas ng public speaking anxiety. Ito ay nakakuha

16
The Mabini Academy
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

ng dalampu’t limang pagsang-ayon mula sa mga respondente. Sinundan ito ng

sintomas ng panginginig na nabigyan ng labinlimang boto. Ito ay lumamang ng

isang boto sa sintomas ng pagkaranas ng garalgal na boses na nagkaroon ng

labing-apat na pagsang-ayon. Labing-dalawa naman ang sumagot na sila ay

nakakaranas ng pagpapawis at walong boto naman bilang pagsang-ayon sa

panunuyot ng bibig at labi bilang sintomas ng nasabing anxiety. Samantala,

umani ng pinakamababang boto ang sintomas ng pananakit ng sikmura. Ito ay

nabigyan lamang ng apat na boto mula sa mga respondente

Mga Sintomas na Nararamdaman Kapag Nakakaranas ng


Public peaking Anxiety
30 28

25

20
15 14
15 12
10 8

5 4

Mga Sintomas na Nararamdaman Kapag Nakakaranas ng Public peaking Anxiety

6. Pangunahing Nagiging Epekto ng Public Speaking Anxiety.

Nakatalasa sa Grap 6 ang mga maaaring epekto dulot ng pagkakaroon ng

Public Speaking Anxiety. Ang epekto ng public speaking anxiety ay ang mga

sumusunod: Nakakaapekto sa academic performance ng mag-aaral,

nakakaapekto sa pagpili ng kanilang tatahaking kurso, nakakaapekto sa trabaho,

pagkakaroon ng labis na stress, kawalan ng kahusayan sa pagsasalita, at

nakakaapekto sa sikolohikal na pag-iisip ng isang indibidwal. Base sa nakalap na

17
The Mabini Academy
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

datos, lumabas sa grap na ang "Kawalan ng kahusayan sa pagsasalita" ang

nangungunang epekto ng public speaking anxiety. Labinglimang respondente (15)

ang sumang-ayon dito na mula sa kabuuang bilang na tatlumpu't limang

respondent (35). Pumangalawa naman dito ang "Nakakaapekto sa academic

performance ng mag-aaral" na sinang ayunan ng labing-isang mag-aaral (11).

Pumangatlo naman ang "Nakakaapekto sa sikolohikal na pag-iisip ng isang

indibidwal" na nakakuha ng apat na boto (4) mula sa kabuuang bilang na 35 na

respondente. Pumaapat ang epektong "Nakakaapekto sa trabaho" na nakakuha

ng tatlong boto (3). Sumunod naman dito ang "Pagkakaroon ng labis na stress"

na nakakuha ng dalawang boto (2). Pinakahuli ang "Nakakaapekto sa pagpili ng

kanilang tatahaking kurso" na walang nakuhang boto kahit isa. Pinapatunayan

lamang nito na ang public speaking anxiety ay nakakababa at nakakabawas ng

kumpiyansa sa sarili na lalo pang pag-igihan ang pagsasalita sa harap ng madla.

Pangunahing Nagiging Epekto ng Public Speaking Anxiety


16 15

14

12 11

10

6
4
4 3
2
2
0
0

Pangunahing Nagiging Epekto ng Public Speaking Anxiety

18
The Mabini Academy
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

7. Mga Gawain Upang Maiwasan o Mabawasan ang Public Speaking Anxiety.


Nakatala sa Grap 7 pananaw ng mga estudyante tungkol sa mga

pamamaraan kung papaano mababawasan ang Public Speaking Anxiety. Tabla

sa unang pwesto ang suhestiyon na "pagkakaroon ng pagkakataon na mabigyan

ang mga mag-aaral na magsalita sa mga sitwasyon sa totoong buhay" at

"Pagkakaroon ng seminar ng mga estudyante patungkol sa Public Speaking

Anxiety at kung paano ito maiiwasan o mababawasan". Kapwa sila nakakuha ng

sampung boto (10) na nannggaling sa kabuuang bilang na tatlumpu't limang

respondent (35). Sumunod dito ay ang "Pagsasagawa ng mga sesyon para sa

pagsasanay" na nakakuha ng siyam na boto (9). Ang may pinakakakaunting

nakuha na boto ay ang "Paglikha ng mga guro ng learning-environment kung

saan ang mga mag-aaral ay maaaring umusad patungo sa mas malakas na pag-

unawa at kakayahang magbahagi ng pasalita sa harap ng kanilang ka-edad" na

nakakuha lamang ng anim (6) na boto.

19
The Mabini Academy
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

Mga Gawain Upang Maiwasan o Mabawasan ang Public


Speaking Anxiety
12

10 10
10
9

6
6

2
Mga Gawain Upang Maiwasan o Mabawasan ang Public Speaking Anxiety

KABANATA V

LAGOM, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON

LAGOM

Ang pag-aaral ay may layuning malaman ang persepsiyon ng mga piling

mag-aaral na kabilang sa baitang 11 ng STEM sa The Mabini Academy patungkol

sa public speaking anxiety na isinagawa ngayong taong akademiko 2019-2020.

Gumamit ang pag-aaral ng palarawang paraan ng pananaliksik na kung saan ito

ay kinabilangan ng paglalarawan, pagpapakahulugan, at pagsusuri ng mga

nakalap na datos. Dagdag pa rito, gumamit din ang mga mananaliksik ng internet

sa paghahanap ng mga impormasyon o kaugnay na literatura na susuporta sa

20
The Mabini Academy
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

nasabing pag-aaral. Lumikha rin ang mga mananaliksik ng kwestyuner na

nagsilbing instrumento sa pagkalap ng mga datos mula sa mga respondente at

pagkatapos ay masusing inalisa ang mga nakalap na resulta.

Natuklasan sa pagsusuri ng mga datos na karamihan ng mga respondente

ay sumasang-ayon na ang public speaking anxiety ay ang pakiramdam ng

pagkatakot habang nagsasalita sa harap ng publiko na madalas inilalarawan

bilang pagkatakot sa pagsasalita o pagkaramdam ng nerbiyos sa

pakikipagtalastasan. Lumalabas na ang pangunahing dahilan sa pagkakaroon ng

nasabing anxiety ay ang pagiging makakalimutin o ang pagkaranas ng mental

block. Samantalang ang kawalan ng kahusayan sa pagsasalita ang nakitang

pangunahing nagiging epekto ng public speaking anxiety sa mga respondente.

KONKLUSYON

Batay sa mga datos na nakalap, ang mananaliksik ay humantong sa mga

sumusunod na konklusyon:

A. Ang nangungunang kahulugan ng Public Speaking Anxiety para sa mga

mag-aaral ay ang pakiramdam ng pagkatakot habang nagsasalita sa harap

ng publiko na madalas inilalarawan bilang pagkatakot sa pagsasalita o

pagkaramdam ng nerbiyos sa pakikipagtalastasan.

B. Lumalabas na tatlumput tatlo sa tatlumput limang mag-aaral o 91.43% ang

nakararanas ng public speaking anxiety.

C. Karamihan sa mga mag-aaral ay madalas at minsan lamang makaranas ng

public speaking anxiety.

21
The Mabini Academy
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

D. Ang pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng public speaking anxiety ng

mga mag-aaral ay ang pagiging makalimutan at pagkaranas ng mental

block.

E. Ang pangunahing sintomas na nararamdaman ng mga mag-aaral tuwing

nakararanas ng PSA ay ang mabilis na tibok ng puso na sinundan ng

panginginig. Bibihira naman sa mga mag-aaral ang nakararanas ng

pananakit ng sikmura.

F. Ang pangunahing epekto ng PSA sa mga mag-aaral ay nawawalan sila ng

kahsuayan sa pagsasalita.

G. Para sa mga estudyante, “ang pagsasagawa ng mga sesyon para sa

pagsasanay ng pagsasalita” at “pagkakaroon ng seminar ng mga

estudyante patungkol sa public speaking anxiety at kung paano ito

maiiwasan o mababawasan”, ay ang mga gawain upang maiwasan o

mabawasan ang PSA.

REKOMENDASYON

A. Para sa mga estudyante, pataasin ang self-confidence o kumpiyansa sa

sarili para mas mapabuti ang pagsasalita sa harap ng madla. Ugaliing

sanayin Ang sarili sa pagharap sa Maraming Tao sapagkat Ito ay isang

malaking tulong sa pagbawas sa pagdanas ng Public Speaking Anxiety.

B. Para sa mga estudyante, subuking mag-ensayo sa pananalita sa loob ng

inyong tahanan upang umangat ang communication skills.

22
The Mabini Academy
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

C. Para sa mga guro, tulungan at iensayo ang mga estudyante nila kung

papaano magsalita sa harap ng madla. Magkaroon din ng isang pagtuturo

ng magiging gabay at maggagabay sa mga estudyante upang masanay sa

pagsasalita sa harap NG madaming tao.

D. Para sa mga magulang, ugaliing suportahan ang kanilang mga anak at

subuking tumayo bilang kanilang audience kapag sila ay nag eensayo sa

pagsasalita. Magkaroon ng pagsuporta at matinding paggabay ang mga

magulang at ng sa gayon ay madagdagan ang kumpyansa sa sarili ng mga

estudyante.

E. Para sa mga susunod na mananaliksik, gawing gabay,tulong at suporta

ang mga nakasaad na impormasyon dito upang sa susunod na gagawa ng

pananaliksik patungkol sa Public Speaking Anxiety ay masisigurong ang

mga makakalap na impormasyon ay wasto, sapat at may ebidensya.

The Mabini Academy


Balintawak, Lipa City
Senior High School

Mahal naming Respondente,

Pagbati ng Kapayapaan!

Kami ay mga mag-aaral ng Filipino 2, Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang


Teksto tungo sa Pananaliksik, na kasalukuyang nagsusulat ng isang pamanahong
papel tungkol sa “Pananaw sa Public Speaking Anxiety ng mga Mag – aaral na
Kabilang sa Baitang 11 ng STEM Taong 2019 – 2020”.

23
The Mabini Academy
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

Kaugnay nito, inihanda naming ang kwestyuner na ito upang makakalap ng


sapat na impormasayon at datos na siyang makatugon sa pangangailangan ng
aming ginagawang pananaliksik.

Dahil dito, humihingi ang aming pangkat ng kaunting panahon sa iyo upang
sagutan ng buong katapatan ang bawat aytem sa kwestyuner na ito, Tinitiyak po
naming mananatiling kompidensyal ang anumang impormasyong na inyong
ilahad sa bawat kasagutan.

Marami pong salamat at Mabuhay!

-Mga Mananaliksik

Pangalan(opsyonal):
Baitang at Seksyon:

Panuto: Lagyan ng tsek ang iyong napiling kasagutan.

1.Para sayo, ano ang kahulugan ng public speaking anxiety? (Isa lamang ang
maaaring piliin)
( ) a. Ang public speaking anxiety ay isang kilalang uri ng social phobia na may
malaking epekto sa sosyalisasyon. Ang mga indibidwal na takot magsalita sa harap ng
publiko ay maaaring kumaharap ng mga pagsubok sa pagpursige ng kanilang mga
pangarap. (Pertaub & Barker,2002)
( ) b. Ang public speaking anxiety ay isang sikolohikal na tugon at nasuri din
bilang panlipunang pagkatakot na maaaring magresulta sa pagtakas sa pagsasalita sa
harap ng madaming tao dahil sa hiya na nadama. (Aderka et al., 2012)
( ) c. Ang public speaking anxiety o glossophobia ay ang pakiramdam ng
pagkatakot habang nagsasalita sa harap ng publiko na madalas inilalarawan bilang
pagkatakot sa pagsasalita o pagkaramdam ng nerbiyos sa pakikipagtalastasan. (Tse,
2012)

2. Ikaw ba ay nakakaranas ng public speaking anxiety?


( ) OO ( ) HINDI

3. Gaano mo kadalas nararanasan ang pagkakaroon ng public speaking anxiety?


(Isang sagot lamang)
( ) LAGI ( ) MADALAS ( ) MINSAN ( ) BIHIRA

4. Ano ang dahilan ng pagkakaroon mo ng public speaking anxiety? (Isang sagot


lamang)
( ) Hindi ako pamilyar sa aking kapaligiran
( ) Natatakot akong mahusgahan ng mga tagapakinig
( ) Ayokong makaramdam ng maraming atensyon

24
The Mabini Academy
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

( ) Wala akong tiwala sa aking sarili


( ) Hindi ako handa sa pagsasalita o kulang sa preparasyon
( ) Takot akong magsalita gamit ang banyagang lengguwahe (Ingles, Mandarin, atbp.)
( ) Ako ay nagiging makakalimutin o nakakaranas ng mental block
( ) Takot akong mahusgahan ng mga nagtuturo sakin

5. Anu-ano ang mga sintomas na nararamdaman mo kapag nakakaranas ka ng


public speaking anxiety? (Maaaring pumili ng higit sa isa)
( ) Panginginig
( ) Pagpapawis
( ) Pananakit ng Sikmura
( ) Panunuyot ng bibig at mga labi
( ) Mabilis na tibok ng puso
( ) Garalgal na boses

6. Para sayo, ano ang pangunahing nagiging epekto ng public speaking anxiety?
( ) Nakakaapekto sa academic performance ng mag-aaral
( ) Nakakaapekto sa pagpili ng kanilang tatahaking kurso
( ) Nakakaapekto sa pagtatrabaho
( ) Pagkakaroon ng labis na stress
( ) Kawalan ng kahusayan sa pagsasalita
( ) Nakakaapekto sa sikolohikal na pag-iisip ng isang indibidwal

7. Paano mo maiiwasan o mababawasan ang public speaking anxiety?(Isang sagot


lamang)
( ) Pagsasagawa ng mga sesyon para sa pagsasanay
( ) Paglikha ng mga guro learning-environment kung saan ang mga mag-aaral ay
maaaring umusad patungo sa mas malakas na pag-unawa at kakayang
magbahagi ng pasalita sa harap ng kanilang mga ka-edad.
( ) Pagkakaroon ng pagkakataon na mabigyan ang mga mag-aaral na magsalita
sa mga sitwasyon sa totoong buhay
( )Pagkakaroon ng seminar ng mga estudyante patungkol sa public speaking
anxiety at kung paano ito maiiwasan o mababawasan.

25
The Mabini Academy
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

KURIKULUM BITA
DATOS PERSONAL
Pangalan : Jasmine Almero
Kasarian : Babae
Katayuang Sibil : Walang Asawa
Petsa ng Kapanganakan : Ika- 3 ng Nobyembre, 2002
Lugar ng Kapanganakan : Lipa, Batangas
Tirahan : Barangay Sabang
Lipa City
Email Address : jasminealmero0101@gmail.com

SANLIGANG EDUKASYON
Elementarya : Bacawan Elementary School

26
The Mabini Academy
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

Pola, Oriental Mindoro


2009 - 2015
Sekondarya (Junior High School) : Domingo Yu Chu National High
School
Pola, Oriental Mindoro
2015 - 2019
Sekondarya (Senior High School) : The Mabini Academy
Balintawak, Lipa City
2019 - Kasalukuyan
Strand & Track : ACADEMIC TRACK (STEM)

KURIKULUM BITA
DATOS PERSONAL
Pangalan : Allysa Denise T. Cuenca
Kasarian : Babae
Katayuang Sibil : Walang Asawa
Petsa ng Kapanganakan : Ika- 28 ng Disyembre,
2002
Lugar ng Kapanganakan : Lipa, Batangas
Tirahan : Barangay 10
Lipa City
Email Address : allysa_cuenca@yahoo.com

SANLIGANG EDUKASYON

27
The Mabini Academy
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

Elementarya : G.B. Lontok Memorial School


Sabang, Lipa City
2008 - 2015
Sekondarya (Junior High School) : The Mabini Academy
Balintawak, Lipa City
2015 - 2019
Sekondarya (Senior High School) : The Mabini Academy
Balintawak, Lipa City
2019 - Kasalukuyan
Strand & Track : ACADEMIC TRACK (STEM)

KURIKULUM BITA
DATOS PERSONAL
Pangalan : Kim Kenneth A. Endaya
Kasarian : Lalaki
Katayuang Sibil : Walang Asawa
Petsa ng Kapanganakan : Ika- 21 ng Setyembre, 2002
Lugar ng Kapanganakan : Rosario, Batangas
Tirahan : Barangay Pagolingin
Lipa City
Email Address : endayakimken12@gmail.com

SANLIGANG EDUKASYON

28
The Mabini Academy
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

Elementarya : Pagolingin Elementary School


Pagolingin, Lipa City
2008 - 2015
Sekondarya (Junior High School) : The Mabini Academy
Balintawak, Lipa City
2015 - 2019
Sekondarya (Senior High School) : The Mabini Academy
Balintawak, Lipa City
2019 - Kasalukuyan
Strand & Track : ACADEMIC TRACK (STEM)

KURIKULUM BITA
DATOS PERSONAL
Pangalan : Ian Adriel M. Leyesa
Kasarian : Lalaki
Katayuang Sibil : Walang Asawa
Petsa ng Kapanganakan : Ika- 17 ng Enero, 2003
Lugar ng Kapanganakan : Lipa, Batangas
Tirahan : Barangay Inosluban
Lipa City
Email Address : ianleyesa18@gmail.com

SANLIGANG EDUKASYON

29
The Mabini Academy
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

Elementarya : Vin-Mar School Inc.


Inosluban, Lipa City
2008 - 2015
Sekondarya (Junior High School) : The Mabini Academy
Balintawak, Lipa City
2015 - 2019
Sekondarya (Senior High School) : The Mabini Academy
Balintawak, Lipa City
2019 - Kasalukuyan
Strand & Track : ACADEMIC TRACK (STEM)

KURIKULUM BITA
DATOS PERSONAL
Pangalan : James Vincent E. Rivera
Kasarian : Lalaki
Katayuang Sibil : Walang Asawa
Petsa ng Kapanganakan : Ika- 10 ng Marso, 2003
Lugar ng Kapanganakan : San Pedro, Laguna
Tirahan : Barangay Balintawak
Lipa City
Email Address : jamesvincentrivera1@gmail.com

30
The Mabini Academy
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

SANLIGANG EDUKASYON
Elementarya : The Mabini Academy
Balintawak, Lipa City
2009 - 2015
Sekondarya (Junior High School) : The Mabini Academy
Balintawak, Lipa City
2015 - 2019
Sekondarya (Senior High School) : The Mabini Academy
Balintawak, Lipa City
2019 - Kasalukuyan
Strand & Track : ACADEMIC TRACK (STEM)

31

You might also like