You are on page 1of 22

LEMERY SENIOR HIGH SCHOOL

KABANATA 1
INTRODKUSYON

Ang asignaturang Filipino ang nagbibigay kaalaman sa mga mag-aaral ukol sa

ating wika at panitikan. Bukod dito, ay nalilinang din sa mga mag aaral ang kaisipang

makabayan. Kaugnay sa pag aaral ng mga panitikan, nabibigyang pansin din ang pag

aaral ng makasaysayang pinagmulang ng bansang Pilipinas.

Upang magkaroon ng isang epektibong pagtuturo at pag talakay sa mga paksa

ay mayrong pangangailangan sa mga kagamitang panturo, kagamitang pampagkatuto

naman sa parte ng mga mag aaral. Iyo ay nagsisilbing pantulong sa paghahatid ng

impormasyon , saloobin at mga kasanayan sa pag-unawa ng paksang ipinaliliwanag.

Dagdag pa rito, ang kagamitang pampagkatuto ay ang lahat ng bagay na makikita sa

silid aralan na makatutulong sa pag aaral, nagsisilbing gabay ito ng mga guro. Ang

paggamit ng mga kagamitang pampagkatuto ay nakatutulong din upang mas maging

mas maging makatotoo ang mga m,ag aaral sa talakayan, mas magamit ng maayos ang

oras at ang mas pagiging dominante ng guro sa pagtalakay na magbubunga ng

magaang daloy ng talakayn o diskusyon.

Lubos na mahalaga ang asignaturang Filipino upang maintindihang mabuti ng

mga bagong henerasyon hindi lamang ang wika pati narin ang bansang kanilang

sinilanghan. Ang wika bahagi na ng kultura ng isang bayan. Kaya ito ay nararapat na

ipagmalaki at payabungin.

1
LEMERY SENIOR HIGH SCHOOL

LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay isasagawa upang malaman ng mga mag aaral ang epekto

ng pagkakaroon ng kakulangan sa kagamitang pampagkatuto sa kanilang:

 Performance

 Kaalaman at pagkatuto ng mga paksa

 Marka o grado sa report card

 Interest sa pag aaral ng wika

 Maipaalam ang kadahilanan kung bakit nagkakaroon ng kakulangan sa kagamuitang

sa pagkakatauto ng mga mag aaral.

LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay isasagawa upang malaman ng mga mag aaral ang epekto

ng pagkakaroon ng kakulangan sa kagamitang pampagkatuto sa kanilang:

 Performance

 Kaalaman at pagkatuto ng mga paksa

 Marka o grado sa report card

 Interest sa pag aaral ng wika

 Maipaalam ang kadahilanan kung bakit nagkakaroon ng kakulangan sa kagamuitang

sa pagkakatauto ng mga mag aaral.

2
LEMERY SENIOR HIGH SCHOOL

ABSTRAK

Pangalan ng Institusyon: Lemery Senior High School

Adres: Atienza St. Lemery, Batangas

Pamagat: Suliranin sa kakulangan ng kagamitang Pampagkatuto sa Asignaturang


Filipino ng mga mag-aaral ng Lemery Senior High School

Mananaliksik: Gabriel Alexis Ibabao

Francis Benjamin Jalando-on

John Allen Mendoza

Jules Martin Tibayan

Seksyon: Grade 11 STEM-2

Guro: Jennybel

Taon: 2019

Maipaliwanag at maipaunawa sa mga mambabasa ang mga suliranin sa

kakulangan ng kagamitang pampagkatuto sa asignaturang Filipinong mga mag-aaral

ng Lemery Senior High School.

3
LEMERY SENIOR HIGH SCHOOL

4
LEMERY SENIOR HIGH SCHOOL

SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG AARAL


Nakapaloob sa pananaliksik na ito anh epekto ng suliranin sa kakulangan sa

kagamitang pmapagkatuto sa asignaturang Filipino ng mga mag aaral ng Lemery

Senior High Schooll. Saklaw din ng pag aral na ito kung ano ano ang maaring kahinat-

natan ng patuloy na kakulangan sa gamit upang lubos na matuto ang mga mag aaral.

Ang pananaliksik ay naglalayon na makakuha ng nga respondente mula sa mga

mag aaral ng Lemery Senior High School na nakararanas/ may karansan sa

kakulangan ng gamit upang matuto. Nais makabu ng mga mananaliksik ng 15

respondente upang makakuha ng mga imporamasyon at magsisilbing tulay upang

maisakatuparan ang pananaliksik.

5
LEMERY SENIOR HIGH SCHOOL

KABANATA 3
METODOLOHIYA AT PAMAMARAAN
Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng metodolohiyang ginamit ukol sa pag-
aaral na may pamagat na “Suliranin sa kakulangan sa kagamitang pampagkatuto sa
asignaturang Filipino ng mag-aaral ng Lemery Senior High School”.

Disenyo ng Pananaliksik
Sa pagsusuring ito, ang mga manananaliksik ay gumagamit ng “Action
Research” upang magkaroon ng mas malalim na pag-aaral at upang matukoy ang
nararapat na solusyon o alternatibo na Gawain ukol sa kakulangan sa kagamitang
pampagkatuto. Ang mga mananaliksik ay magkakaroon ng mas detalyadong mga
katanungan. Ang mga nakalap na imposmasyon ay mula sa karanasan ng mga piling
respondent.

Respondente
Ang mga magiging respondete ng pag-aaral ay mula sa Grado 11-12 na mag-
aaral ng Lemery Senior High School. Ang kabuuang bilang ng mga respondente ay 15
mula sa iba’t ibang strand ng Lemery Senior High School.

Instrumento ng Pananaliksik
Ang mga datos sa pananaliksik na ito ay nakolekta sa pamamagitan ng
pakikipanamyam sa mga piling respondent. Sa pag-aaral na ito, ang mga mananaliksik
ay magbibigay ng mga tanong na nakadisenyo upang malaman ang mga kakulangan sa
mga kagamitan sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa Lemery Senior High School. Ang
mga mananaliksik ay magkakaroon ng mas malalim na ideya at kaalaman tungkol sa
mga kakulangang kagamitan sa madaling pagkatuto ng mga mag-aaral.

Pamamaraan sa Pagkalap ng Datos


Ang mga mananaliksik ay hihingi ng pahintulot sa institusyon ng Lemery
Senior High School (LSHS), kung saan sila ay magsasagwa ng koleksyon ng mga
datos para sa kanilang pag-aaral. Pagkatapos mabigyan ng pahintulot ang mga
mananaliksik ay mag-sasagawa ng mga tanong na gagamitin sa kanilang panayam.

6
LEMERY SENIOR HIGH SCHOOL

Susunod ay hihingi ng permiso ang mga mananaliksik sa mga respondent na sagutin


ang

Tritment ng Datos
Ang mga mananaliksik ay mag-aanalisa ng mga datos kung saan

7
LEMERY SENIOR HIGH SCHOOL

KABANATA 2
REBYU NG LITERATURA AT MGA PAG-AARAL

Kaugnay na Literatura
Ayon kay Angela Dela Cruz(2017) sa akda nyang: Epekto ng kakulangan ng
Gamit sa SHS, Malaking epekto sa estudyante ang kakulangan ng gamit sa SHS,
gaya na lamang ng kakulangan sa pasilidad, silid-aralan, libro,kompyuter, at
kakulaungan pa din sa mga guro. Ilan pa rin problema ito sa mga pampublikong
paaralan. Dahil sa kakulangan ng badyet para sa sector ng edukasyon. Hindi parin ito
natutugonan ng gobyerno ang mga kakulangan ng pangangailangan sa edukasyon.
Kawalan ng maayos na silid-aralan. Hindi nakakapag aral ng mabuti ang mga
estudyante at hindi sila makapagpokus sa kanilang gawain dahil sa kakulangan ng silid
aralan, sardinas kong sila ay tawagin dahil nagsisiksikan sila sa iisang silid aralan,
hindi sila nagkakaintindihan dahil sa ingay, magulo ang mga estudyante.
Kakulangan ng bilang ng sapat na guro. Sa isang paaralan ang mga guro ang
itinuturing na pangalawang ina. Subalit dahil sa kakulangan ng bilang ng mga guro sa
mga pampublikong paaralan ang nahubog sa kanilang isipan ang tila mahirap sa
bahagi ng isang guro.
Kakulangan ng bilang ng sapat na libro. Dahil sa lumalaking bilang ng mag
aaral sa mga pampublikong paaralan sa bansa hindi na matugunan ng mga paaralan
ang pagkakaroon ng mga mag aaral ng isang libro bawat isang mag-aaral sa bawat
asignatura.
Kawalan ng kagamitang panteknolohiya sa pagtuturo. Sa kasalukuyang
panahon kompyuter na ang kalimitang ginagamit ng mga tao mula sa iba’t ibang
larangan upang magkaroon ng mabilis na transaksyon at upang makahabol sa global
na pagkatuto. Nahihirapan ang mga estudyante sa pagkuha ng mga pagsusulit nila
dahil sa kompyuter madalas gumagawa, kumukuha ng pagsusulit o kanilang inaaral
ang kanilang mga guro.

8
LEMERY SENIOR HIGH SCHOOL

KABANATA IV

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa paglalahad, pagsusuri at pagbibigay

interpretasyon sa mga nakalap na mga datos.

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON

NG MGA DATOS

Sa kabanatang ito ay ipapakita and mga datos na nakalap ng mga mananaliksik

mula sa mga mag-aaral sa strand ng Grade 11 STEM 2 ng Lemery Senior High School

tungkol sa “Suliranin sa kakulangan ng kagamitang Pampagkatuto sa Asignaturang

Filipino ng mga mag-aaral ng Lemery Senior High School”. Ang kasalukuyang pag-

aaral ay isinagawa upang malaman ang mga suliranin sa kakulangan ng kagamitang

pampagkatuto ng mga mag-aaral. Kagaya ng nabanggit sa naunang kabanata, ang mga

mananaliksik ay kumuha ng 15 respondente na mag-aaral ng Lemery Senior High

school. Ang pakikipanayam ay ginawa upang malaman ang suliranin sa kakulangan ng

kagamitang pampagkatuto ng mga kabataan. Ang resulta ay gagawan ng “coding” na

ipapakita sa kabanatang ito.

9
LEMERY SENIOR HIGH SCHOOL

Talahayan Blg.1

“Ano ang iyong saloobin ukol sa kakulangan sa kagamitang

pampagkatuto sa inyong paaralan?”

Hindi madali para sa mga estudyante na


makacope-up sa lesson kasi kulang o
R1AISUKKPP walang mga libro at minsan kailangan
pang gumastos sa pag-photocopy para
lang magkaroon ng copy ng libro.
Nalilimitahan ang pagkatuto ng mga
R2 AISUKKPP estudyante dahil sa kakulangan sa
kagamitan.
Bunsod ng kakulangan sa kagamitan ng
R3AISUKKPP paaralan, nalilimitahan ang sana’y walang
katapusang pagkatuto ng mga mag-aaral.
Ang kakulangan sa kagamitan sa paaralan
R4AISUKKPP ay nagdudulot ng malabong epekto sa
kung paano matuto ang mga mag-aaral.
Para sa akin napakahalaga ng mga
kagamitan na maaring gamtin sa
pagkatuto sa isang paaralan, kaya naman
R5AISUKKPP
ako ay nalulungkot sapagkat ang ating
paaralan ay kapos o kulang sa mga
ganitong uri ng kagamitan.
R6AISUKKPP nakakalungkot dahil walang magmit
kapag kailangan
Ito ay sadyang nakakadismaya na kulang
R7AISUKKPP nga ang paaralan sa mga learning devices
at iba pa.
Para sa akin, di naman lingid sa ating
kaalaman na kagaya ng ating paaralan sa
R8AISUKKPP Lemery Senior High School na babago pa
lamang tayo na paaralan ay madami pa
ding kakulangan sa kagamitan at mga
labs lalo na sa iba't-ibang strand na

10
LEMERY SENIOR HIGHmayroon
SCHOOL ang Lemsehi.
R9AISUKKPP Nagkakaroon ng hindi pagkakaunawa sa
aralin.
Okay lang, as long as nasusustentuhan ng
R10AISUKKPP mga teacher ang kaalamang dapat naming
malaman.

Ang Talahayan Blg.1 ay sumagot sa tanong na “Ano ang iyong saloobin ukol sa

kakulangan sa kagamitang pampagkatuto sa inyong paaralan?” kung saan lahat ng

respondent ay may kaalaman tungkol sa kakulangan ng kagamitan. Ayon sa kanila,

labis na mahihirapan ang mga mag-aaral na matuto dahil nga sa kakulangan ng

kagamitang pampagkatuto at nagkaroon din ng kalungkutan at pagkadismaya sa

nasabing problema.

11
LEMERY SENIOR HIGH SCHOOL

Talahayan Blg. 2.1

“Sa iyong palagay, bakit nagkakaroon ng kakulangan ng mga gamit sa

paaralan?”

R1BNKGP Siguro dahil sa bago pa lang ang school


R2BNKGP Kulang sa budget
Dahil public school at nahahati ang pondo
para sa edukasyon sa iba pang
R3BNKGP
institusyong itinayo at pinangangasiwaan
ng pamahalaan.
R4BNKGP Maaaring sa kakulangan sin sa pondo
siguro dahil na din sa biglaang pagbabago
ng kurikulum ng bansa at sa katotohanan
R5BNKGP
na ang ating paaralan ay isang
pampublikong paaralan.
R6BNKGP dahil sa kakuilangan ng badyet at hindi
handa ang paaralan
Kagaya ng aking nabanggit maaring ang
isang paaralan ay bagong tayo pa lamang
at kung minsan naman ay may mga
R7BNKGP paaralan na hindi nabibigyan ng gobyerno
ng sapat na kagamitan na kakailanganin
sa paaralan at kung mayroon naman ay
iniimbak lang ito sa isang silid hanggang
sa maluma at hindi na magamit.
Sa aking palagay, ang kakulangan ng mga
gamit ng mag aaral ay dahilan ng hindi
R8BNKGP paglalaan ng gobyerno ng sapat na budget
para sa pagbili ng mga panibago at sapat
na bilang ng mga gamit sa pag aaral.
Maaring dahil sa karanihan ng mga
R9BNKGP estudyante ay hindi naibibigay lahat ng
pangangailangan ng bawat bata.
R10BNKGP Dahil hindi pa sapat ang kakayanan ng
gobyerno na bigyan ng sapat na pera ang

12
LEMERY SENIOR ating
HIGH SCHOOL
paaralan, na kung saan mas inuuna
muna ang mga pasilidad upang may
magamit ang dumadaming mga
estudyante na gusto makapag aral dito.

Ang Talahayan Blg. 2.1 ay sumagot sa tanong na “Sa iyong palagay, bakit

nagkakaroon ng kakulangan ng mga gamit sa paaralan?” kung saan lahat ng

respondent ay may kaalaman tungkol sa kakulangan ng kagamitan. Sangayon silang

lahat na ang pangunahing dahilan kung bakit may kakulangan sa kagamitang

pampagkatuto ay dahil sa kapos na pondo. May ilan din na nagsabi na dahil sa bago

palang ang paaralan.

13
LEMERY SENIOR HIGH SCHOOL

Talahayan Blg. 3.1

“Sa paanong paraan nakakaapekto sa mga mag-aaral ang kakulangan ng

mga gamit upang matuto?”

Hindi makapag-focus sa pag-aaral at dahil


kulang sa pasilidad, hinid maiapply nang
R1PPNMKGM
maayos ng mga mag-aaral ang mga
napapag-aralan.
Nalilimitahan ang kanilang pagkatuto at
R2PPNMKGM
ang pinagkukunan ng kaalaman.
Nalilimitahan ang paggamit ng mga
ekwipments na dapat ay makatutulong sa
R3PPNMKGM pagpapaunlad ng skills at pagkalap ng
experience na maghahanda sa mga mag-
aaral.
R4PPNMKGM Bumababa ang kalidad ng pagkatuto.
maapektuhan nito ang pagkatuto ng mga
mag aaral. para sa akin, mas madaling
matuto o makakakalap ng mga
R5PPNMKGM
impormasyon kapag nasa tamang lugar o
may mga angkop at sapat na kagamitan
tayong ginagamit.
nahahadlangan ang kanilang pagkatuto
R6PPNMKGM dahil sa kakulangan ng dagdag kalaman
na maaring maibigay ng gamit sa
pagkatuto
Magiging limitado at kulang ang mga
R7PPNMKGM kaalaman na maaaring matutunan ng
isang mag-aaral.
Halimbawa sa mga Experiments lalo na
sa Science or sa mga TVL strand hindi
R8PPNMKGM sila magkakaroon ng sapat na kaalaman
kung paano ba gagawin ang isang bagay
sa aktuwal. Nagkakaroon lamang sila ng
pagkakataon maranasan ito sa hindi
14
LEMERY SENIOR organisadong
HIGH SCHOOL lugar at hindi sa mismong
lugar na dapat ay masanay sila.
Nagkakaroon ng hindi pagkakaunawa ng
R9PPNMKGM mabuti sa isang aralin at nababawasan
ang kakayahan ng isang bata na umintindi
ng ayos.
. Time management. Kakulangan ng
sources, kayat nakakain ang oras sa
R10PPNMKGM paghahanap. Magiging magkakaiba ang
makukuha sa internet na maaring iba sa
basis ng teacher

Ang Talahayan Blg. 3.1 ay sumagot sa tanong na “Sa iyong palagay, bakit

nagkakaroon ng kakulangan ng mga gamit sa paaralan?” kung saan lahat ng

respondent ay may kaalaman tungkol sa kakulangan ng kagamitan. Batay sa kanila,

hindi magiging mainam ang pagkatuto sapagkat mahihirapan umintindi ang mga mag-

aaral kung wala itong sapat na kagamitan na gagamitin o pagkukuhanan ng aralin.

15
LEMERY SENIOR HIGH SCHOOL

Talahayan Blg. 4.1

“Anong alternatibong solusyon ang kasalukuyanng ginagamit ng mag-

aaral o guro?”

Photocopy ng libro at mga powerpoint


R1AASKGMG
presentations o visual aids
R2AASKGMG Internet
Ginagawang groupings ang mga activity
ng sa gayon ay lahat ay makaranas at
R3AASKGMG
makita kung paano gumagana at
ginagamit ang mga kagamitan.
Nagbibigay ng mga “photocopy” or
R4AASKGMG “visuals” kapag kulang ang mga
teksbuks.
ginagamit kung ano ang available, nag
R5AASKGMG eexplore ng mga bagong ideya na
maaring gamitin
Ang mga estudyante at mga guro ay
R6AASKGMG dumedepende na lamang sa mga
impormasyon na makukuha mula sa iba't
ibang educational site sa internet.
Sa paggamit ng teknolohiya. Gamit ang
R7AASKGMG mga gadyets nakakakuha pa rin ng
impormasyon sa Internet
May mga guro pa din naman na patuloy
na pinapagamit ang mga gamit sa ating
R8AASKGMG pagkatuto pero hindi ito sapat, kaya't ang
tanging gagawin na lamang ng mag-aaral
ay maki-cooperate sa groups kahit na
kulang sa gamitm
Binibigyan ng mga guro ang kanilang
R9AASKGMG estudyante ng mga ppt kung san nandun
na ang ang mga dapat aralin
R10AASKGMG Xerox ng gawa ng teacher na ppt.

16
LEMERY SENIOR HIGH SCHOOL

Ang Talahayan Blg. 4.1 ay sumagot sa tanong na “Anong alternatibong solusyon ang

kasalukuyanng ginagamit ng mag-aaral o guro?” kung saan lahat ng respondent ay

may kaalaman tungkol sa kakulangan ng kagamitan. Dahil sa makabagong

teknolohiya ngayon ay karamihan sa mga repondente ay sinabing dumedepende sila sa

sa internet, photocopy at visual aids. May ilan naman na nagsagot na epektibo daw

ang mga pangkatang gawain upang magkaroon ng ibang perspektibo ang mga mag-

aaral sa pagkatuto.

17
LEMERY SENIOR HIGH SCHOOL

Talahayan Blg. 5.1

“Ano ang maaring permanenteng solusyon upang maiwasan ang

ganitong uri ng kakulangan sa kagamitang pampagkatuto?”

Mas patuunan ng pamahalaan ang


pagkakaroon ng mga gamit pampagkatuto
R1AMPSMGUKKP
lalo na sa mga bago at pampublikong
paaralan.
R1AMPSMGUKKP Magreport sa DepEd
R1AMPSMGUKKP Hindi ko alam
Magbigay ng sapat na pondo ang
R1AMPSMGUKKP
pamahalaan.
Ipokus dapat ng pamahalaan ang
R1AMPSMGUKKP pamimigay ng sapat na kagamitan para sa
mga mag-aaral.
R1AMPSMGUKKP paghandaan at alamin ang mga maaring
kalabasan
Magpatayo ng facilities sa loob ng school
R1AMPSMGUKKP kung saan nakapaloob dito ang mga
kagamitang kinakailangan ng bawat
estudyante sa kanilang pag-aaral
Gamitin ng maayos at magkaroon ng
R1AMPSMGUKKP sapat na rooms para doon ilalagay ang
mga equipments na gagamitin,
Maging kuntento nalang sa kung ano ang
R1AMPSMGUKKP naibibigay ng paaralan at maaring
magsabi sa mga nakatataas ng mga
concerns.
Kung ako ang tatanungin, di ko sadya
alam ang isasagot ko. Dahil bilang
estudyante, wala akong kakayahan upang
R1AMPSMGUKKP ito ay masolusyunan lalo na kung pera na
ng paaralan ang pag uusapan. Datapwat,
ang gobyerno ay may maaring magawa.
Magbigay ng sapat na pondo sa paaralan
upang masustentuhan ang mga kagamitan

18
LEMERY SENIOR HIGH SCHOOL
sa pagkatuto

Ang Talahayan Blg. 5.1 ay sumagot sa tanong na “Ano ang maaring permanenteng

solusyon upang maiwasan ang ganitong uri ng kakulangan sa kagamitang

pampagkatuto?” kung saan lahat ng respondent ay may kaalaman tungkol sa

kakulangan ng kagamitan. Halos lahat ay nagsabing dapat bigyang pansin ng

pamahalaan ang problemang ito. Nasabi din ng mga respondente na dapat bigyang

pondo ang mga kulang na kagamitan sapagkat ito ay kritikal na pangangailangan ng

bawat estudyante ng bansa.

19
LEMERY SENIOR HIGH SCHOOL

KABANATA V

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Ang kabanatang ito ay nag lalaman ng maikling lagom ng pag aaral na

isinagawa ng mga mananaliksik, nakatuklas konklusyon at mga rekmendasyon.

LAGOM

Ang naturang pag aaral ay naglalayong alamin ang mga mahahalagang detalye

ukol sa isyu sa Suliranain sa kakulangan ng kagamitang pampagkatuto sa asignaturang

Filipino ng mga mag aaral. Ang pag aaral ay may layon na alamin ang epekto ng

kawalan/kakulangan sa gamit upang matuto, sa performance/ perpormans, knowledge/

kaalaman, grades/ grado sa report kard, at interest sa pag aaral.

Ang pananaliksik na ito ay may mga katanungan na nais bigyan ng kasagutan:

1. Ano ang maaring maging epekto ng kakulangan ng kagamitang pagkatuto

sa mga mag aaral sa kanilang sa performance/ perpormans, knowledge/

kaalaman, grades/ grado sa report kard, at interest sa pag aaral.

2. Ano ano ang rason kung bakit mayroong kakulangan sa kagamitang

pagkatuto/ materyales sa pag aaral ang paaralan.

3. Ano ang maaaring maging epekto ng tuluyang kakulangan sa kagamitan sa

kaaalaman at pagkatuto ng bawat mag-aaral?

20
LEMERY SENIOR HIGH SCHOOL
4. Ano ang mga negatibong epekto ng kawalan o kakulangan ng mga

kagamitan sa pagkatuto/ pag aaral ng mga mag aaral?

5. Anong epektibong solusyon ang maaring gawin upang mag silbing

alternatib dahil sa kakulangan sa gamit pampagkatuto/ pampagtutuo?

21
LEMERY SENIOR HIGH SCHOOL

REKOMENDASYON

Ang mga mananaliksik ng pag-aaral na ito ay nais magbahagi ng kaalaman

patungkol sa isyu ng Kakulangn sa kagamitang pagkatuto sa sa asignaturang Filipino

ng mga mag aaral ng Lemery Senior High School. Matapos ang masusing pag aara;

ang mga manananaliksik ay nagrerekomenda na:

1. Nangangailangan pa ng ilang pag aaral tungkol sa ganitong isyu/paksa

upang mas mabigyang linaw ang mga katanungan at makabuo ng mas

malalim at mainam na kaalaman tungkol sa kakulangan ng kagamitan sa

pagkatuto ng asignaturang Filipino sa LSHS at ang epekto nito sa mga mag

aaral.

2. Ang mga guro at tagapangasiwa ng paaralan ay dapat na bigyang pansin at

bigyang solusyon ang ganitong uri ng isyu na syang maka aapekto sa

pagkatuto ng bawat mag aaral.

3. Ang kagawaran ng edukasyon ay dapat na bigyang solusyon at mag laan ng

pondo para sa ika uunlad ng pagkatuto ng bawat mag aaral sa kahit anong

asignatura.

22

You might also like