You are on page 1of 23

MGA KADAHILANANG NAGIGING SANHI NG SMART-SHAMING

SA SAN SEBASTIAN COLLEGE RECOLETOS DE CAVITE

_______

Tisis na iniharap sa
San Sebastian College - Recoletos de Cavite

Bilang bahagi ng
Kahingian sa Pagtatamo ng Digring
Batsilyer sa Communication

_______

ni/nina

Angeles, Janna Alliah V.


Generillo, Marcus Reynald C.
Profeta, Aila Marie D.
Romano, Vera Lalaine P.
Urbano, Emer James P.

Marso, 2019
Ang pananaliksik na ito ay nag-uukol na alamin ang Anti-Intellectualism, kadahilanan nito, at
epekto sa mga mag-aaral ng San Sebastian College Recoletos de Cavite.

Maraming mga tao partikular, mga Pilipino, ang mahilig manghila pababa ng kapwa.
Nakaugnay ang isyu ng Smart Shaming sa isyung ito, kung saan ang mga taong matatalino
naman ang biktima at madalas na nakakaranas ng verbal bullying. Ang mga kadalasang
katagang natatanggap ng mga biktima ng Smart-Shaming ay “Edi-Wow!” at “Ikaw na
matalino!”.

Ang pananaliksik na ito ay sumasaklaw sa mga faculty members, guidance counselors, at iba
pang may katungkulan sa paaralan na may kaalaman sa smart shaming at may kakayahan sa
paghawak ng mga estudyante.

Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng deskriptibong pamamaraan ng pagsulat sapagkat ang


mga kasagutan sa pag-aaral na ito ay naglalayon na maipaliwanag ang Smart Shaming.

Ang pamamaraang ginamit sa pagkalap ng mga datos naman ay mga reperensiya mula sa
internet: artikulo, pananaliksik/tises at blog.

Ang pananaliksik na ito ay nagresulta na ang Anti- Intellectualism ay totoong nangyayari sa


eskwelahan, at may mga ilang estudyante na sa paaralan ng San Sebastian ang nakaranas nito.
Ito rin ay nangyayari ng may dahilan, at nakakaapekto sa buhay ng mga biktima ng Smart
Shaming.

2
Sa isang bansa kung saan ang edukasyon ay may malaking kahalagahan sa mga tao,
tila ba mayroon ding lumalago na pagkahilig sa pagbibitaw ng mga negatibong komento at
ekspresyon sa mga may mataas na kaalaman sa akademiko. Tayong mga Pilipino ay kilala sa
maraming mga bagay: Pagkamalikhain, pagiging talentado, pagkakaroon ng etika sa trabaho,
palatanggap sa bisita, at mapagmahal sa pamilya. Ngunit sa kabila ng mga positibo at maka-
mundong pagkilala ng lahat sa mga Pilipino, mayroon tayong pinagbabatayang mga
negatibong gawain na hindi lang natin basta-basta kayang tanggalin sa ating mga sarili:
kakulangan sa disiplina, “crab mentality”, at ang pagbibigyang-pansin ng pananaliksik na ito
na “smart-shaming”.
Ayon kay Isabella Secillano, 2016, ang “smart-shaming” o “anti-intellectualism” ay
isang gawain ng panunukso sa isang taong mas matalino kaysa sa iba. Ang mga ekspresyon
katulad ng “Ikaw na magaling!” o “Edi wow!” ay tinitignan bilang isa sa mga karaniwang
tugon sa mga taong nagpapalaganap ng mas malawak na impormasyon na bago sa pandinig
ng nakararami. Malimit rin tayong magbigay ng mabilis na reaksyon at pagpuna sa mga
taong may bagong mga ideyang nais ibahagi. Higit pa sa intensiyon ng pagpapasaya,
nakakabigong isipin kung paano ang mga magandang usapan ay napapatigil dahil sa ganitong
mga tugon; sa halip na hikayatin ang sarili na matuto ng maayos na pakikipag-komunikasyon,
karamihan sa mga taong gumagamit ng social media ay tinitignan ang pagbahahagi ng
bagong kaalaman bilang isang kasalanan na tila ba parang pinapahalagan ng mga Pilipino ang
pagiging ignorante sa mga bagay na nakikita nilang mahirap intindihin at hindi naman
kinakailangan.
Ang “smart-shaming” ay isang pagpapakita kung paano napahahalagahan ng mga
Pilipino ang pagtugis sa kaalaman. Nakakabigong makita na may mga taong pinagtatawanan
ang mga taong masigasig na nagsisikap na matuto at magbahagi ng mga bagong natutunan at
mga ideya.
Sa mabilis na paglaganap ng social media sa ating bansa at sa mga tao, hindi na lingid
sa ating kaalaman ang maraming bagong impormasyon na maaari nating matutunan sa
paglipas ng mga oras na ginugugol natin sa Internet. Ganito rin ang sitwasyon ng mga
estudyante sa mga paaralan kung saan sila ay hinuhubog at tinuturuan ng mga bagong
impormasyon na kakailanganin nila sa kanilang nais maging trabaho sa paglipas ng panahon.
Ang pananaliksik na ito ay naglalayon na mabigyang-pansin ang smart-shaming na
nangyayari rin sa mga paaralan kung saan ang mga aktibong estudyante sa akademiko ang
maaaring maging mga biktima. Ang pag-aaral na ito ay bubuuin lamang sa San Sebastian
College-Recoletos de Cavite kung saan ang mga respondent ay ang mga nasa ika-unang
baitang na estudyante sa Kolehiyo. Inaasahang mabibigyan ng mga mananaliksik ng mas
malalim na kahulugan, at kasagutan ang problema ng “smart-shaming” lalo na sa pagkatuto.
Ang paglago ng bansa ay nakasalalay sa mga tao na naninirahan dito. Ang mga inteketwal na
kaisipan ay nangangahulugan ng patuloy na pag-unlad ng bansa at pag-unlad ng isang tao.

Isa sa mga pinakaunang naitalang senaryo ng “Smart Shaming” o mas kilala bilang
“Anti-intellectualism” ay nagsimula bilang isang phenomena sa politika matapos ang isang
halalan ng mga senador na ginanap sa Wisconsin, Milwaukee noong Nobyembre 1946. Ang
phenomena ay itinuring bilang isang “study case” sa Anti-intellectualism at tinalakay na may
kaugnayan sa iba pang mga kontemporaryong mga pagkakataon bilang pagsalungat sa pag-
aaral sa akademikong pag-aaral dulot nito.
Ang kultura ng smart-shaming or anti-intellectualism ayon kay Dr. Virgilio
Enriquez ay nagsimula nang sakupin ng mga Espanyol at Amerikano ang Pilipinas na nag-
iwan sa mga Pilipino ng pag-iisip tungkol sa kawalan ng tiwalang alinsunod sa kultura ng
kaunluran na kung tawagin ay “individualism” o elitismo. Ang kaugalian na ito ay patuloy na
nananatili sa mga Pilipino hanggang ngayon at patuloy na nararanasan ng mga indibidwal na

3
sinasabing mas matalino o may kaalaman na nakaka-angat kaysa sa iba. Nakasaad din sa
isang libro niya na pinamagatang “Sikolohiyang Filipino”, ang pagkakaisa o “togetherness”
ang pangunahing bumubuo sa sikolohiya ng mga Pilipino. Pinahahalagan ng mga Pinoy ang
pakikitulad, pakikiramay, at ang magandang relasyon natin sa lipunan, mga karaniwang
kaugalian ng mga taga-Asya. Ngunit ang karanasan ng mga Pilipino sa kamay ng mga
Espanyol at Amerikano nang sila’y manakop ay nag-iwan sa ating mga isipan ng kawalan ng
tiwala sa iba alinsunod sa kultura ng mga taga-kanluran na kung tawagin ay “individualism”
o elitismo. Maraming mga bayani sa kasaysayan ng ating bansa ang intelektwal, ngunit dahil
sa istruktura ng pamumuhay, hindi lahat sa mga ito ay nagkaroon ng oportunidad na
makapag-aral. Ito ang lumika ng agwat sa pagitan ng mga Pilipinong patuloy na
nakikipaglaban para sa pagkakaisa at mga intelektwal na nauugnay sa mga elitista, isang
estereotipiko na patuloy na nangyayari hanggang sa araw na ito. Ang pakiramdam ng
pagkakaisa ay nananatiling malakas sa loob nating mga Pilipino sa kabila ng mga
kolonisasyon at globalisasyong nangyari. Ngunit kapag mayroon kang isang bansa kung saan
42 % lamang ang nakatapos ng haiskul at higit 25 % ang nakatira sa ibaba ng linya ng
kahirapan, mayroon kang mahusay na ideya kung ano ang hitsura ng karaniwang Pilipino.
Mahalaga sa atin ang pakikipagkaibigan sa karaniwang Pilipino, ngunit sila rin ang mga
taong madalas hindi nakapag-aral dahil walang pribilehiyo.
Ito ang pinanggagalingan ng problema ng smart-shaming na maaring ikonekta sa
pagkakaroon ng mga Pilipino ng katangiang “Crab Mentality”; isang dahilan kung bakit
maraming Pilipino ang nanghihila pababa upang makaramdam ng pangingibabaw sa
intelektuwal na kapabilidad bilang indibidwal sa kanyang kapwa.
Para sa mas malalim na pag-unawa sa ugat ng pagu-ugaling ito, maari nating
obserbahan ang intellektwal na kulturang Pilipino kung saan kapag ang isang myembro ng
pamilya ay may mataas na pangarap, ito ay tinututulan agad ng kanyang pamilya lalo na kung
ito ay hindi makakapag-angat ng antas ng buhay at dignidad ng indibidwal na tinutukoy.
Dagdag pa, hindi nila pinahahalagahan ang kaalaman bagkus, ang sertipiko sa kolehiyo na
nagpapahintulot sa isang tao na makahanap ng isang komportable na trabaho. Dahil dito, ang
edukasyon ay hindi isang batayan sa mataas na katayuan sa lipunan dahil ito ay napapalitan
ng pag-aalinlanagan at “self-doubt” na dulot din ng “smart-shaming”.
Ang pinakamagandang halimbawa nito ayon kay Niels Mulder (2016) ay ang
pulitika sa Pilipinas. Kung iyong titingnan ang mga halalan na nagsimula noong ika-21 na
siglo, sinimulan nating makita ang salitang “intelektwal” bilang isang insulto sa halip na
isang kalidad na iyong hahanapin sa mga pampublikong tagapaglingkod, bagkus mas nakikita
at pinagkakatiwalaan natin ang mga kandidatong hindi binibigyang empasis ang kanilang
natamong akademiko at karera para sa epektibong pag-apila sa masa, isang senaryo
nagpapakita na ang mataas na katalinuhan ay isang negatibong katangian.
Ayon sa nakolektang sanggunian ng grupo, ay natuklasan ang mga
posiblengKadahilanan ng manggagad ng mga taong mas matalino kaysa sa iba, maraming
katanungan kung bakit ganito ang trato ng mga ibang Filipino sakanilang kapwa, marami din
ang mga kadahilanan kung bakit ganito ang mga kuro – kuro ng mga tao.
Ayon kay Sigmund Freud (1894, 1896) ang “Defence Mechanism” ay isang taktikang
binuo ng isang pagkamakaako ng isang tao para marpotektahan laban sap ag kabahala ng
isang tao, tinuloy ito ni (Anna Freud,1895 – 1982) at nagawa niya ang sampung “Defense
Mechanism” bilang ambag sa ginawa ng kanyang ama.

Denial
Isa sa mga Gawain ng tao upang tumanggi sa realidad or katotohanan, umaakto na
parang nakaranas ng masakit na pangyayare, umaarte na parang walang nangyare. (Sigmund
at Anna Freud,1895 – 1982)

4
Rationalisation
Isang taktikang ginagamit upang hindi masabi na ikaw ay “guilty”, (Sigmund at Anna
Freud, 1895 – 1982). Konektado ito sa “Smart Shaming” dahil isang Gawain ito ng isang
taong kapag sila ay nag kamali at kadalasan itinatanggi nila ito sa lahat ng taong nakapaligin
sakayna.

Projection
Paglalagay ng iyong sariling pagkakamali sa ibang tao o kaaway nito. (Sigmund at
Anna Freud, 1895 – 1982)

Verbal Bullying
Paraan ng pang aasar sa tao ay ang “Verbal Bullying”, nag sasabi ng mga salitang nag
nakakasakit, nakakainsulto o mga salitang laban sa katangian ng taong pwedeng gawing
katawa – tawa. (Sigmund at Anna Freud, 1895 – 1982)

Identification
Pag gaya sa isang taong hinahangaan mo o mga parirala na sikat o pinapauso ng mga
tanyag na tao. (Sigmund at Anna Freud, 1895 – 1982)

INPUT PROCESS OUTPUT

Pangalan, Edad, Mga Kadahilanang


Katungkulan, at nagiging sanhi ng
Judgemental
Kaalaman sa isyu ng Smart Shaming sa
Sampling
Smart Shaming o San Sebastian
Anti-Intellectualism College – Recoletos
sa Pilipinas de Cavite

Figyur 1.1
Ang balangkas na ito ay nagpapakita ng prosesong gagawin ng mga mananaliksik sa
pag-aaral na ito. Ito ay naglalayon na maipakita ang koneksyon ng input, sa proseso na
gagamitin upang makuha ang output o ang resulta ng pag-aaral.
Ang mga input na Pangalan, Edad, Katungkulan, at ang Kaalaman ng mga
respondents sa isyu ng Smart Shaming ang magsisilbing pangunahing mga datos hinggil sa
paksa. Ito ay gagamitan ng Judgemental Sampling upang mahimay at makuha ang mga
impormasyong naglalarawan, nagpapaliwanag, at nag-uugnay sa Smart Shaming, at sa
layunin ng pag-aaral. Matapos ang proseso ng Judgemental Sampling, ang mga mananaliksik
ay naglalyon na maipaliwanag at maipakita ang output na isasaaad naman sa deskriptibong
pamamaraan.

Ang “smart-shaming” ay isang negatibong gawaing nakasanayan na ng mga Pilipino.


Ang gawain na ito ay nangyayari at nararanasan sa iba’t-ibang mga lugar ng iba’t ibang uri
ng mga tao. Ang pananaliksik na ito ay naglayon na pag-aralan ang problema ng smart-
shaming sa mga paaralan partikular sa San Sebastian College-Recoletos de Cavite kung saan
matatagpuan ang mga respondente. Ang pag-aaral na ito ay inaasahang sasagot sa mga
sumusunod na katanungan:

5
1. Ano ang estado ng “smart-shaming” sa paaralan?
2. Ano ang mga kadahilanang nagiging sanhi ng “smart-shaming” sa paaralan?
3. Ano ang mga epekto na maaaring makuha sa pagkaranas ng “smart-shaming”?
4. Ano-ano ang mga solusyon na nagawa at maaaring gawin para maiwasan ang “smart-
shaming”?

H.0 Ang “smart-shaming” ay hindi nangyayari sa nasabing paaralan.


H.1 Ang “smart-shaming” ay nararanasan ng mga estudyanteng nasa ika-unang
baitang sa kolehiyo kung saan naibigay ang mga kadahilanang nagiging sanhi nito.

Ang pananaliksik na ito ay nag-ukol na alamin ang mga kadahilanang nakaapekto sa


pagkakaroon ng smart shaming. Ito ay naglayon na mangalap ng mga datos at impormasyon
sa mga kaugnay na literatura upang masagot ang mga katanungan hinggil sa paksa. Ang mga
respondente naman sa pag-aaral ay ang mga piling guro ng San Sebastian College-Recoletos
de Cavite kasama na ang mga faculty members sa Students’ Development and Placement
Center na may kaalaman at karanasan sa problema ng smart shaming. Ito ay naglalayon na
maisakatuparan sa San Sebastian College Recoletos de Cavite sa loob ng isang buwan,
partikular sa buwan ng Enero hanggang Marso 2019.
Ang pananaliksik na ito ay makakatulong upang maipalaganap ang kamalayan ukol sa
“smart-shaming o anti-intellectualism.” Layunin ng pananaliksik na ito na magbigay
kaalaman sa mga tao ukol sa mga hindi magandang epekto ng “smart-shaming” at mga
maaaring maidulot nito hindi lang sa taong intelektwal kundi sa buong sambayanan.
Naglalayon ito na makatulong mapugsa ang ganitong nakasanayang aktibidad o gawain ng
kulturang Pilipino. Nais ng pananaliksik na ito na maiparating ang impormasyon at
kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman at matuto mula sa mga taong intelekwal bagkus na
maging ignorante sa mga mahahalagang kaalaman. Ang pananaliksik na ito ay naglalayon na
maipabatid sa tatlong aspeto ng Pamantasan at isa sa lipunan;
Mga estudyante, karaniwan na nagmumula at kasama sa kultura ng mga estudyante
ang ganitong uri ng aktibidad na dapat na mabigyang pansin at mapugsa sapagkat sa
maaaring masamang maidulot nito sa kapwa estudyante.
Mga guro, isa sa pinaka malaking parte ang mga guro upang makatulong na maialis at
maiayos ang hindi kaaya ayang ugali na naging kagawian na ng karamihan ng estudyante.
Guidance counselor, magiging malaking tulong ang isa sa mga aspeto na ito upang
maipalaganap at mahubog ang kamalayan ukol sa smart shaming at mga maaaring maidulot
na hindi magandang epekto nito sa larangan ng akademiko.
Mga mamamayan, sa pag-usbong ng social media mas maraming tao ang pwedeng
maapektuhan sa gawaing “smart-shaming.” Sa malaking populasyon ng mamamayan malaki
rin ang kanilang maiaambag na impluwensya kung tutulungan ang isa’t isa na mapugsa ang
ganitong uri ng aktibidad na tinawatawag na “smart shaming.”

6
Anti-Intellectualism – hindi pagsang-ayon sa mga makabagong kaalaman na
maaaaring matutunan.
Crab Mentality – ang kaugaliang naghihila pababa sa mga taong mas nakakaangat sa
iyo.
Estudyante – mga estudyante ng San Sebastian College- Recoletos de Cavite na nasa
ika-unang baitang sa kolehiyo at mga estudyanteng nakakaranas at maaaring
makaranas ng “smart-shaming”.
Guro – guro ng bawat paaralan kung saan maaaring mayroong insidente ng “smart-
shaming”
Guidance Counselor – mga propesyonal na tao na may pinag-aralan tungkol sap ag
intindi ng pag-iisip ang humanidad ng bawat tao.
Smart – Shaming - isang gawain ng panunukso sa isang taong mas matalino kaysa sa
iba
Social Media – mga plataporma katulad ng “Facebook” kung saan madalas
makakakita ng “smart-shaming”.
Ang anti-intellectualism ay ang hindi pagtitiwala sa isang katalinuhan ng tao. Ayon pa
kay Shakira Sison, isang manunulat sa Rappler, isang kilalang news website, ang mga taong
gumagawa ng anti-intellectualism ay mayroong ibang pananaw pagdating sa pagiging
intelekwal ng tao, lalo na sa mga Pilipino. Kadalasang tingin nila sa mga taong intelekwal ay
arogante, matapobre, at elitista. Kaya naman hindi nila pinapaboran at sinasang-ayunan ang
mga ito.
Mayroong tumataas na kalakaran ngayon patungkol sa mga namamahiya ng mga
taong may pinag-aralan. Tila ba ang katalinuhan at kaalaman ay tinitignan na bilang isang
negatibong saad, ito ay kadalasang nakakatanggap ng mga katagang “Ikaw na ang magaling!”
sa halip na sang-ayunan o kaya naman ay mag-hanap ng higit pang impormasyon base roon.
Tinitiganan din ni Sison na ang kalayaan, lalo na ang kalayaan sa pagigiing inetelekwal ay
nakakatakot na ngayon. Dahil nga sa demokrasya, ang mga tao ay hindi na limitado sa
pagbibigay ng kanilang opinyon at gawin ang gusto man nilang gawin sa halip na maging
isang mabuting mamamayan na sumusunod sa batas at sa tama.
Mayroong mga ninuno ang mga Pilipino na nagbigay inspirasyon sa pagiging
intelekwal, at ang ilan nga sa mga ito ay sina Jose Rizal at Benigno Aquino Jr. Ang dalawa ay
parehong namatay dahil sa kanilang pagkakaroon ng kaalaman. At kahit pa walang
kasiguraduhan kung sino ang mga salarin, malaki ang posibilidad na ang mga ito ay kabilang
sa mga taong ang pananaw sa pagkakaroon ng kaalaman ay isang kasalanan.
-https://www.rappler.com/views/imho/109333-smart-shaming

Sikolohiyang Filipino at Intelektuwalismo

Pahayag ni Julia Jasmine Madrazo- Sta. Romana sa kanyang artikulo taong 2015,
“Mula sa aking kaibigang tagapag-unlad na psychologist na si Phil De Leon, ang
"Sikolohiyang Filipino" ni Dr. Virgilio Enriquez ay makapagpapaliwanag sa akin na ang
sikolohiya ay maaaring makatulong sa pagbibigay ng ilang pananaw sa kung bakit ang mga
Pilipino ay may isang komplikadong kaugnayan sa intelektuwalismo.
Sa kanyang aklat, isinulat ni Dr Enriquez na ang pagsasama-sama o "pakiki-kapwa"
ang pangunahing bumubuo ng sikolohiyang Pilipino. Pinahahalagahan natin ang

7
pagkakatulad, empatiya at ang relasyon natin sa ating lipunan, isang karaniwang katangian ng
mga tao na nabibilang sa bansang Asya. Ngunit ang ating karanasan sa ilalim ng kolonyal na
panuntunan ng Espanyol at Amerikano ay nag-iwan sa ating pag-iisip ng kawalan ng tiwala
sa ibang tao na alinsunod naman sa kultura ng kanluran tulad ng “individualism” o elitismo.
Kahit na maraming tayong mga bayani sa kasaysayan ng Pilipinas na mga intelektwal,
ang mga istrukturang panlipunan na nakalagay sa panahong iyon ay nagging dahilan at
basehan na upang matiyak kung sino lamang sa mga Pilipino ang may oportunidad na
makaranas ng edukasyon, lalo na sa edukasyon sa Kanluran. Lumikha ito ng agwat sa pagitan
ng mga komunidad ng mga Pilipino na nananatili na lumalaban sa pagtatayo ng pagkakaisa at
ang mga intelektwal na sa kalaunan ay nauugnay na sa mga elitista, isang estereotipiko na
patuloy hanggang sa araw na ito.
Paano ito nauugnay sa kasalukuyang nangyayari sa pagitan ng mga Pilipino at
intelektuwalismo? Ang pakiramdam ng pagkakaisa ay nananatiling malakas sa loob natin sa
kabila ng mga taon ng kolonisasyon at globalisasyon. Ito ang pagkakaisa na nagbubuklod sa
atin bilang isang bansa para kay Manny Pacquio o pagdarasal nang sama-sama para kay Mary
Jane Veloso. Pinatitibay ng mga Pilipino ang kahalagan ng pagkakaisa sa pamamagitan ng
pagkikipag-ugnayan nila sa mga karaniwang Pilipino.
Ngunit kapag mayroon kang isang bansa kung saan 42% lamang ang nakatapos ng
high school at higit sa 25% porsiyento ang nakatira sa ibaba ng linya ng kahirapan,
nakakakuha ka ng mas mahusay na ideya kung ano ang hitsura ng karaniwang Pilipino.
Wala tayong kultura ng anti-intelektuwalismo dahil pinahahalagahan natin ang
kamangmangan; ang pinahahalagahan natin ay ang pakikipagkaibigan natin sa karaniwang
Pilipino.
At nakakalungkot na ang karaniwang Pilipino, mas madalas kaysa sa hindi, ay walang
mga pinag-aralan at lubog sa kahirapan.”

(https://www.gmanetwork.com/news/scitech/science/517026/smart-shaming-and-our-pinoy-
culture-of-anti-intellectualism/story/)

Ayon kay Tomas U. Santos (2016) , mula sa isang pampamantasang pahayagan ng


mga estudyante ng Pamantasan ng Santo Tomas (UST), sa isang artikulo na pinamagatan na
“Filipinos at smart-shaming”, marapat na makita natin na ang mga matalinong kausapan
bilang isang opurtunidad sa paglawak ng ating pangkaisipan. Sa halip na mangpuna, dapat na
makinig at matuto nalang mula sa mga indibidwal na nagbibigay ng maganda o matalinong
mga ideya at pananaw. Dapat ay tumingin lagi sa hinaharap. Ang kaalaman at karunungan na
ating natatamo ay magiging mahalaga at magagamit sa hinaharap. Huwag tayong matakot na
magtanong o hanapin ang sagot sa katanungan sa pag gawa natin ng pananaliksik.

Ang anti-intellectualism ay ang hindi pagsang-ayon sa kaugnayan ng kaalaman at


katotohanan. Ayon sa mga “intellectualists”, ang relasyon na ito ay pawang kilalang-kilala.
Ang kaalaman ay mahalaga pagkat lahat ng bagay ay kailangan ng kaalaman, at ang
indibidwal na may kaalaman ay kayang gumawa ng pagbabago kahit pa sa anong klaseng
kaalaman meron ito. Sa isang pananaliksik ni Blake Roeber, 2017, na “Anti-Intellectualism”,
ipinapakita ang smart shaming at mga slik nito sa pamamagitan pragmatic encroachment
debate. Ito ay nagpapaliwanag patungkol sa pagtutol na ang pragmatismo ay konektado sa
anti-intellectualism at pagiging konserbatibo. Ayon sa pag-aaral, ang anti-intellectualism ay
maaring sumusunod sa pagiging konserbatibo ng mga indibidwal., kaya ang hindi pagsang-
ayon sa pamantayan ng pragmatism sa anti-intellectualism ay magiging kabiguan ng pag-
aaral.

8
https://www.researchgate.net/publication/313326899_Anti-Intellectualism

Isa itong nauusong pag papahiya sa mga taong mabagal matuto o mag bigay ng sarili
nilang kaalaman, kaya ito nauuso ay kadalasang ginagamit ng mga artista upang mag patawa
sa mga "Comedy Bar" o sa telebisyon, dahil dito nagagaya o nakukuha ng mga bata ang pag
akto ng mga artista kung paano mag salita kapag ito ay gustong nag patawa or mag pahiya
gaya ng "Smart Shaming".(Shakira Sison, 2015)

Ayon kay Tangney (1995) Ang “shaming” ay kilala bilang isang mahalagang aspeto
sa self-regulation at sa kapasidad nito na itatag ang pag-uugali at pag-iisip ng isang tao upang
magkaroon ng “self confidence”, kadalasan bilang resulta ng isang pagkilos o pagkukulang, o
isang pakiramdam ng isang personal na pagkukulang o depekto, ay nagtatamo ng pag-
aalipusta o panlilibak mula sa iba. Sinabi niya din na ang karanasan ng kahihiyan ay
makakatulong upang mapalakas ang mga pamantayan ng pagkakaroon ng lakas ng loob
makatutulong sa pagpapatatag ng personalidad ng isang indibidwal.
Marami na sa atin ang nakapagbasa na kung paano lumallaganap ang anti-
intellectualism o smart shaming sa Pilipinas dahil sa pagiging sobrang emosyonal ng ibang
Pilipino para sa sariling kapakanan. Dito nabubuo ang mga katanungang: Ganito na ba
kahirap maging isang propesyunal? Mahirap ba talagang magsikap para sa ikabubuti ng
lahat?
Nakakalungkot na sa Pilipinas, maraming tao ang Mayroong oportunidad na umangat ngunit
sa tuwing Mayroong pagkakataon dito, ay biglang babalik sa dati ang lahat. Mayroong mga
artikulo kung bakit ang Pilipinas ay may kasaysayan ng kabiguan sa mga internasyonal at
sosyal na oportunidad. Subalit, kailangan nating tanungin an gating mga sarili: bakit ba ito
nangyayari?
Mayroong isang kadahilanan sa paglago ng mga problemang ito: immaturity. Ang problema
ng Pilipinas ay hindi kahirapan (pagkat ang pagkakaroon ng kaalaman sa paghahanap ng
trabaho ay makakatulong sa pamumuhay), populasyon (pagkat sa ibang bansa, tinitignan
itong mabuting paraan para umunlad ang bayan sa pammagitan ng “manpower” o
pagtutulungan), o pamahalaan (tandaan na mga tao sa bansa rin ang bumuboto ng kanilang
mga pinuno) ngunit isang simpleng “immaturity”. Ang hindi pagtulong, “denial,” pagiging
makasarili, labis na pagiging emosyonal, at anti-intellectualism, ang iilan sa mga pinkasanhi
ng lahat ng problema na nauugnay sa pagiging “immature” ng mga Pilipino.

(http://laonlaan.blogspot.com/2015/01/grow-up-philippines.html)

Mayroong panibagong kinahaharap n problema na dahan-dahang kumakalat sa sting


bansa, maraming nagsasabi na huwag itong masyadong probemahin pero hindi nila alam na
mayroon itongmabigat na epekto sa sting bansa. Ang paglago ng panibagong problema ng
Pilipinas ay tinatawag na “Smart Shaming”. Ang gawing ito ay ang pagpapahiya sa pagiging
matalino ng ibang tao. Ito ay paunti-unting kumakalat sa ating bansa at marami ang
naaapektuhan sa aktong ito. Ibig sabihin marami ang hindi pa nakakaalam tungkol sa
problemang ito. Kinakailangang maikalat ang impormasyong ito upang mahinto ang isyung
ito.

Sa panahon ngayon, ang iba sa mga Filiino ay negatibo ang pagiging matalino.
Imbis na ito ay tanggapin na mayroong mas matalino sa kanila ay binababaan ang kanilang
kumpyansa sa sarili sa pamamaraan ng pagpapahiya sa kanila. Sa ibang salita, iniinsulto nila
ang kanilang mga sarili upang maramdaman mon a nagiging arogante ka sa mga nalalaman at
natutuhan mo. Dapat ay hindi tayo nsasanay sa ganitong klaseng pagpapahiya sa isang tao

9
dahil marami sa atinay nagkakamali at kailangan natin na may nagtatama sa sa atin, pagkat
kadalasan ay hindi natin napapansin ang ating mga pagkakamali. Kung hindi naman
maitatama ay masasanay lamang tayo sa pamamaraang hindi pag tanggap ng mga
pagkakamali, subalit kadalasan ay marami ang nasasaktan o natatamaan sap ag tatami ng
pagkakamali ng isang tao.

Ang “Smart-Shaming” ay katulad din ng isang “Crab Mentality” dahil ang mga
Filipino ay hinihila ang mga tao pababa kapag sila ay nagiging matagumpay sa kanilang
buhay kagaya ng smart shaming ngunit hinahatak mo sila pababa dahil sila ay mas matalino
sayo at ang mga taong gusting mag pahiya ng mga matatalinong tao ay dapat maging
kasabayan o dapat ay nasa parehong antas, ginagamitan ng mga taong nag “smart-shaming”
na “Edi wow!” at “ikaw na!” at iba pang mga nakapapahiyang salita.

Marami ang natatakot sa Kalayaan. Ang mga taong galit sa demokrasya gaya ng
atin ay maaring maging madali para sa mga pwedeng masabi s iba o maisip o di kaya naman
ay maramdaman at ano ang kayang gawin ng isang tao. Mdaling isipin na ang kahit anong
klase na diskursong intelekwal ay hindi kailangan at dapat manggaling lamang sa mga taong
mapagmataas para hindi nating kailangang tanongin sa iba ang mga bagay n maaaring
sumasangayon ng hindi natin napapansin, nab aka ang mga katotohanan na ating pinang
hahawakan ay mauwi sa kasinungalingan.

Makikita sa pagiging matangkilik ng masa sa mga pelikula na bumebenta at patok sa


takilya ay mga palabas na ipinapagdiwang ang pagiging ignorante at komedya na ang mga
biro na nagpopokus sa pagpapahiya ng ibang tao para lang magkaron ng katatawanan imbis
na gumawa ng mga matalinong pagkagawa ng mga linyang nakakatawa na walang nagagamit
na tao. (Madrazo-Sta. Romana, 2015)

Ayon sa DaPinoyChronicle.wordpress, sa Pilipinas lamang ginagamit ang salitang


“pilosopo (philosopher)” para makapanginsulto ng kapwa. Ito ang dahilan kung bakit
nabubuo ang katanungang: Talaga bang sobrang kinaayawan ng mga Pilipino ang rasyonal at
lohikal na pagdadahilan? Ito ng amarahil ang nagpapatunay na ang mga Pilipino ang pinaka-
emosyonal na tao sa buong mundo.
Walang pagdududa na ang ating kaugalian sa edukasyon ay pawing nahuhuli na sa ngayon.
Tayo ay mga taong konserbatibo ngunit malaya sa pagtanggap ng kultura. Ang mga local na
tao ay sumasang-ayon sa pagsasayaw ng mga kababaihan sa mga larong palabas sa telebisyon
ngunit ang mga paksang may katungkulan sa reproductive education ay pawing sensitibo.
Ang “idiocracy” ay ang ating kasalukuyang pamahalaan at batas ng bayan. Ang indibidwal ay
kadalasang iniinsulto kapag sila sang-ayon sa “Western view” ng Pilipinas. Walang
pagpapahintulot ito sa mga intekwal, ngunit paano makakausad ang mga kabataan sa
hinaharap kung ganito ang mangyayari?
Mahalaga ang pagtuturo sa kabataan ng mga gawaing tungkol sa arithmetic, kritikal na pag-
iisip, English language, music, sports, history, agham, at wikang kinagisnan, hindi ang
lenggwaheng pinipilit ng gobyerno na kanilang matutunan.
Maraming tao ang hindi mayabang pagdating sa kanilang kaalaman, ngunit ang bulang ng
may kaalaman ay hindi proporsyonal sa bilang ng mga taong nakakaintindi ng konseptoong
ito. Ang “average” na Pilipino ay marunong magbasa at magsulat, ngunit tinatrato nila itong
gawain kesa isang pribilehiyo. Ang Pilipinas ay hindi komunidad ng mga mambabasa, pagkat
sa katotohanan, mayroong malaking diperensiya ang pagkakaroon ng libro, at sa pagbabasa
nito.

10
Ang bansa nating ay hindi bansa ng mga “fanatics”, bagkus, ito ay bansa ng mga
taong walang kaalaman, at walang nalalaman. Ito ay pumipili ng mga indibidwal na walang
“class”, kadahilanan kung bakit ito ay naituturing na “cancer” na sisira sa ating bansa. Kung
walang pagbabago sa isip ang mga Pilipino, walang makakausad. Kung tayo ay maniniwala
pa din sa noong pamamaraan, tayo lamang ay mabubulag sa mg anangyayarui ngayon. Ang
“pride” o pagmamataas ay walang kuwenta bagkus ay isang ilusyon.
Ayon pa sa website, “Hindi ako taong “optimistic” ngunit naniniwala ako na mayroon
pa ring tyansa an gating miserableng bansa. Kailangan lamang natin ng pasensiya at lakas na
maipakita ang mga kadahilanan para sa maayos na hinaharap. Ang ating hinaharap ay nasa
sinulid. Oras at panahon lamang ang makakapagsabi kung kalian mapuputol ang sinulid kung
mga tao ay hindi kikilos.
Ano ang silbi ng demokrasiya kung ang mga tao ay gagamit lamang ng puso kaysa sa utak?
Ito lamang ay gagawa ng bagong paniniil kung saan ang mga emosyon ang mamumuno sa
ating rasyonal na pag-iisip. Sinong nagnanais na ang mga kabataan sa hinaharap ay maging
mas masahol pa kesa sa mga kabataan ngayon? Kuntentto na ba tayo sa pagiging isang
mahirap, at walang sapat na kaalamang indibidwal ng Bansa?
Naging ugali na natin ang “crab mentality” ito ay isang paniniwala ng isang tao na kahit
anong nga bagay ang di ko maaaring makuha ay hindi mo rin dapat makuha, isa pang
kadahilanan ng “Smart Shaming”ay kulang sa disiplina, ang kakulangan o kawalan ng
disiplina sa kapwa ay isang uri ng pambabastos o pag papahiya ng tao, maaaring karugtong
ito ng "Smart Shaming" dahil ito ay isang katangian ng "Smart Shaming". (Adie Pieraz,
2018)

Ang papel na ito ay naglalarawan sa pag-unlad ng isang mabilis na panukat upang


sukatin ang “anti-intellectualism”, ang kalagayan kung saan nakakaranas ang isa sa alinmang
uri ng tao ng positibo o negatibong bagay na nakakaapekto habang sila’y nakikibahagi sa
mga epistemikong aktibidad tulad ng konseptwal na pagsasama. Gamit ang pitong mga
halimbawa, ang pag-aaral ay sumuri sa ilang mga “psychometric” na bahagi ng sukatan,
kabilang ditto ang pagkakapare-pareho sa buong komunidad at mag-aaral, mga populasyon
ng kaginhawahan, temporal na katatagan, at mga indikasyon ng iba't ibang anyo ng
katotohanan. Ang sukatan ay idinisenyo upang maging isang maikli, maaasahan at wastong
sukat ng mga pagkakaiba ng bawat indibidwal sa antas kung saan ang mga halaga ng tao ay
naaapektuhan ng kanilang kakayahan sa intelektwal na pakikipag-ugnayan. Ang mga
resultang ito ay nagpapahiwatig na ang Anti-Intellectualism Scale ay maaaring magbigay ng
isang kapaki-pakinabang na kasangkapan para sa pag-usisa ng mga pagkakaiba sa pagnanais
na makisali sa mga aktibidad ng intelektwal na hamon, at kasunod na mga resulta tulad ng
bokasyonal na interes, akademikong tagumpay, at demokratikong pagkamamamayan.
(Marques, M., Elphinstone, B., at Eigenberger, M. E., 2017)
Ayon kay Victor Kumar (2011), ang “Know-how” ay isang mental na estado na
nailalarawan sa pamamagitan ng isang tiyak na pandaigdigang direksyon na angkop at
motibasyunal na gampanin na kaugnay ng Impluwensiya ng Anti-Intellectualism o Smart-
Shaming.
Sa isang artikulo na pinamagatang “Why Stop Smart-Shaming” o “Bakit dapat itigil
ang smart shaming” ayon kay Vigor Buddy (2018), isinasaad dito na ang smart shaming ay
pinipigilan ang isang tao sa pagpursige ng pag-unlad ng pangkaisipan at ito ay maaaring
magtungo o magresulta sa kaisipan na ang kanilang mga sinasabi ay walang halaga at at mas

11
malala sila mismo ang walang halaga. Kahit na sa tingin ito ay isang ekspresyon lamang, ang
mga salita ay makapangyarihan. Mas mabuti na hikayatin ang mga tao nag magkaroon ng
kritikal na pangkaisipan at maging mulat sa mga matalinong pangkaisipan sa pag-uusap.
Sinusuri ng pag-aaral na ito kung paano pinapayagan ang suporta sa “journalistic anti-
intellectualism” na ikundena ang mga pananaw ng mga umuusbong na taong nasa sapat na
gulang na sa Estados Unidos habang pinapaunlad nila ang mga saloobin sa mga balita, madla,
at awtoridad. Ang anti-rasyonalismo at anti-elitismo bilang kultural na pagpapahayag ng anti-
intelektuwalismo ay nauugnay ayon sa pag-apruba ng mga naaayon na mga gawi ng balita.
Ang pagkakakilanlan ng mga propesyonal na tungkulin para sa pangkalahatan ay hindi
nakakapag-turo sa mga estudyante sa kolehiyo ng paglaban sa pag-endorso ng mga
“journalistic anti-rasyonalismo at anti-elitismo”. Dahil na rin sa eksepsyon ng “adversarial”,
lumilitaw na ang pagkakakilanlan ng mga tungkuling nagbibigay katwiran sa
pangkomunikasyon na anti-intelektwalismo higit pa sa impluwensya ng kultural na anti-
intelektuwalismo. Habang ang “reflexivity” naman ay madalas na tinitingnan bilang isang
kaaya-ayang instrumento sa mga kritikal na pag-iisip, hawig sa “transparency” na makikita sa
mga gawang balita na may kaugnayan sa isang “populist suspicion” ng mga intelektwal at ng
kanilang mga ideya. (Mcdevitt, M., Parks, P., at Hwang, T., 2018)
Sa parte ng panananaliksik na ito tatalakayin ang disenyo, pamamaraan, instrumento ng
pananaliksik, sampol ng populasyon at paglalarawan sa mga respondente ng pananaliksik.
Ang pananaliksik na ito na naglayon alamin ang mga kadahilanang nakaaapekto sa
smart shaming ay isang uri ng deskriptibong pag-aaral kung saan ang resulta ay naglalarawan
sa naging karanasan ng mga respondente sa smart shaming o anti-intellectualism. Upang
maisakatuparan ang deskriptibong pag-aaral, ang mga mananaliksik ay gumamit ng
obserbasyon sa mga respondent sa tulong ng interbyu o panayam. Ang mga impormasyon na
nakuha mula sa kanila na sumasagot sa mga layuning pag-aaral na ito ay isusulat sa
deskriptibong pamamaraan.
Disenyong paglalarawan ang ginamit na paraan sa pananaliksik na ito. Naniniwala
ang mga nagsagawa ng pag-aaral na ang disenyong paglalawaran o ang “descriptive method”
ang naayon na gamitin sa pagaaral na ito dahil ito ang paraan kung paano masasagot ng mga
respondente ang mga katanungan sa mga kadahilanang nagiging sanhi ng “Smart-Shaming”.
Pinili ng mga mananaliksik na kumuha ng tatlong guro ng kolehiyo sa San Sebastian College
Recoletos de Cavite, ngayong ikalawang termino ng taong pampaaralan 2018-2019, ang mga
ito ay naging representatibo ng mga dean, instructor, at instructor na nabibilang sa
psychology department. Isang uri ng interbyu ang inihanda ng mga mananaliksik upang
kumuha at magtipon ng mga datos batay sa impormasyong makakalap ukol sa mga
katanungan sa mga kadahilanang nagiging sanhi ng “Smart-Shaming”. Gagamitin ng mga
magsasagawa ng pag-aaral ang “Judgemental Sampling” sa sampol ng population.
Magtutungo din ang mga magsasagawa ng pananaliksik sa silid-aklatan ng San Sebastian
College Recoletos de Cavite upang makahanap ng mga kaligirang pangkasaysayan at mga
kaugnay na pag aaral na magpapatibay ng pananaliksik. Malaki din ang maitutulong ng
pagkuha ng mga datos at impormasyon mula sa mga angkop na mga website na maaaring
magamit bilang karagdagang impormasyon. Ang mga datos na ito ay gagamitin upang
masagot ang mga katanungan sa pananaliksik na ito.

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng pakikipanayam na paraan sa pagkalap ng mga


datos o impormasyon sa mga respondente na kinakailangan sa pananaliksik. Kasabay nito ay
ang paggamit din ng gabay na katanungan upang maayos na masagot ng mga respondente

12
ang mga tanong na nais malaman ng mga mananaliksik na magiging matibay na pundasyon
sa pananaliksik. Ang bawat salitang nabanggit ng mga respondete ay isinalin sa papel sa
tulong ng paggamit din ng “recorder” upang maging silbing katibayan sa mga inihayag ng
mga respondente.
Ang pag – aaral na ito ay inagawa sa prosesong pag –pag iinterbyu, Ang mga
istudyanteng mananaliksik ng San Sebastian Recoletos de Cavite ay nagsagawa ng interbyu
kung saan ang mga respondente na kinailangan ay kinuha sa pamamagitan ng judgemental
sampling. Ang mga respondenteng dumaan sa judgemental sampling ay inasahang
makakapagbigay ng impormasyon at sarili nilang opinyon tungkol sa Smart Shaming.
Ang mga respondente ng pananaliksik na ito ay pipiliin base sa mga batayan na
inihanda ng mga mananaliksik, kung saan nila makukuha ang mga kinakailangang datos para
sa pag-aaral. Ang mga respondente ay kinakailangan na nabibilang sa mga listahan ng mga
guro ng San Sebastian College-Recoletos de Cavite na nagtuturo sa kolehiyo. Ang
pananaliksik na ito ay hindi mamimili ng kasarian at edad na dapat taglayin ng isang guro, sa
madaling salita ito ay bukas sa mga babae at lalaki at sa kahit anong edad. Ang nasabing
respondente rin ng pananaliksik ay lilimitahan sa pamamagitan ng pagpili ng mga guro na
may sapat na karanasan at kaalaman sa pangunahing ideya na tinutukoy ng pananaliksik o
“smart-shaming” dahil layunin ng pananaliksik na ito ang makapag-bigay ng totoo at matibay
na pagpapaliwanag ukol sa problema ng “smart-shaming”.

Ang pananaliksik na ito ay binubuo ng tatlong (3) respondente na sasagot sa mga


katanungan na may kinalaman sa problema ng “Smart Shaming.” Ang mga respondente na
ito ay mga propesor ng San Sebastian College-Recoletos de Cavite, isa na naging
representatib ng mga Dean, isa ng mga guro sa kolehiyo, at isa na nabibilang sa mga guro ng
Psychology Department. Sa kabanata na ito matatalakay ang mga resulta na nakalap ng mga
mananaliksik mula sa mga respondente na nabanggit.

Ang mga katanungan sa ika-unang parte ng panayam ay tumutukoy sa Pangalan at


Departamentong Kinabibilangan ng respondente.

I. Pangalan: Mrs. Jennifer Escobar


Departamentong Kinabibilangan: Dean, College of Arts and Sciences

Pangalan: Mr. Gil Rombase


Departamentong Kinabibilangan: Instructor, College of Arts and Sciences

Pangalan: Mr. Joshua de Fiesta


Departamentong Kinabibilangan: Instructor, College of Arts and Sciences
(Psychology Department)

Ang mga katanungan sa ikalawang parte ng panayam ay tumutukoy sa estado ng


“Smart Shaming” sa paaralan. Ito ay binubuo ng dalawang katanungan. Ang mga sagot ng
respondente ay ilalahad sa uri ng verbatim.

II. Estado ng “smart-shaming” sa paaralan.

1. Kailan ang huling pangyayari kung saan ikaw ay nakatagpo ng insidente ng smart-
shaming?

13
Pangalan: Mrs. Jennifer Escobar
Departamentong Kinabibilangan: Dean, College of Arts and Sciences
“Hindi ko pa na encounter na may ganun dahil siguro syempre kung meron hindi
naman nila ipapakita diba dahil lalong lalo na sa school kung admin ang nandun.”
Pangalan: Mr. Gil Rombase
Departamentong Kinabibilangan: Instructor, College of Arts and Sciences
“Hindi natin sya masasabing bullying sa unang pangyayari dahil sa tagal ng pagtuturo
ko dito marami ng pagkakataon na nangyayari ang ganitong bagay halimbawa sa
klase ko araw araw hindi kukulangin sa dalawa o tatlong beses na nangyayari ito sa
loob ng klase.”
Pangalan: Mr. Joshua de Fiesta
Departamentong Kinabibilangan: Instructor, College of Arts and Sciences
(Psychology Department)
“Actually, last week during my class sts, it was criminology class can I say that? Its
okay no? when someone is reciting usually the classmate would say pabida wow ang
galing and I think that’s part of smart shaming and when you will ask the class if they
have questions when someone will ask a question yung ibang classmate nila they
would say ay pampatagal uwian na sana and I think that’s part of the culture of some
students.”

2. Gaano ito kadalas nangyayari sa iyong klase?


Pangalan: Mrs. Jennifer Escobar
Departamentong Kinabibilangan: Dean, College of Arts and Sciences
“Wala pa nga,’di pa naeencounter.”
Pangalan: Mr. Gil Rombase
Departamentong Kinabibilangan: Instructor, College of Arts and Sciences
“Katulad nga ng nabanggit ko kanina sa isang araw meron akong apat na klase halos
sa lahat ng klase na ‘yun ay nangyayari itong binabanggit nyong bullying.”
Pangalan: Mr. Joshua de Fiesta
Departamentong Kinabibilangan: Instructor, College of Arts and Sciences
(Psychology Department)
“In my class hindi naman ganun can I say moderate? Medyo madalas din kasi maybe
it’s the trivialization of the words na ginagamit sa smart shaming such as edi wow,
ikaw na those are the words na usually na ginagamit for smart shaming and naririnig
natin yun madalas sa television nakikita natin madalas sa facebook na ginagamit
maybe that’s the reason why madalas din gamitin ng mga students natin here in this
school.”

Ang mga katanungan sa ikatlong parte ng panayam ay tumutukoy sa mga


kadahilanang nagiging sanhi ng “Smart Shaming” sa paaralan. Ito ay binubuo ng apat na
katanungan. Ang mga sagot ng respondente ay ilalahad sa uri ng verbatim.

III. Mga kadahilanang nagiging sanhi ng “smart-shaming” sa paaralan.

1. Ano ang mga katangian ng mag-aaral na madalas nagiging biktima nito?


Pangalan: Mrs. Jennifer Escobar
Departamentong Kinabibilangan: Dean, College of Arts and Sciences
“Like for example siguro pag nakikita based on the character of the students na
medyo weak ang personality kung minsan merong may very strong personality sa
klase they find the opportunity sa klase na ibully ko to kahit na directly bullying

14
na parang kinakaya kaya mo or the simplest way of utus utusn mo Like for
example in making or doing projects parang ikaw na lagging gagawa something
like that ‘no?”
Pangalan: Mr. Gil Rombase
Departamentong Kinabibilangan: Instructor, College of Arts and Sciences
“Sila yung mga mapagisa yung mga di masyadong nakikibarkada hindi
nakikisalamuha sa mga classmates yun na rin siguro yung dahilan para kunin ang
atensyon nya sa pamamagitan ng pambubully sakanya para lang sa bandang huli
ay makisama na sya dahil sa tingin ng mga kaklase nya sakanya ay walang
pakikisama o may sariling mundo.”
Pangalan: Mr. Joshua de Fiesta
Departamentong Kinabibilangan: Instructor, College of Arts and Sciences
(Psychology Department)
“Usually yung mga performing high in their academic uhm kasi yung mga taong
mahilig magtanong and that’s a good sign of intelligence yung matanong ka and
for us teachers gusto namin yun but napapatagal nya kasi yung discussion
sometimes pag patapos na yung class may gusto pang itanong yung student but
yung classmates na uwing uwi na they would resort on smart shaming nalang para
matapos the classmate na gusto pang magtanong di nalang sya magtatanong.”

2. Ano ang mga katangian ng mag-aaral na madalas gumagawa nito?


Pangalan: Mrs. Jennifer Escobar
Departamentong Kinabibilangan: Dean, College of Arts and Sciences
“Ayun nga same thing as what ive mentioned no, kung halimbawa very strong ang
personality mo dominant masyado diba bossy kung yun ang mga bully diba pero
on the opposite side yung mga nabibiktima naman is those who are weak, not
actually weak naman pero siguro yung tatahi tahimik diba mukhang mabait sa
itsura palang parang bait nito.”
Pangalan: Mr. Gil Rombase
Departamentong Kinabibilangan: Instructor, College of Arts and Sciences
“Ito yung mga kadasalan nito ay general ay yung mga mga nahihigitan sa antas ng
akademiya ng kanilang binibiktima halimbawa sila ay parehas na magaling sa
klase pero yung isa ay hindi makausong sa isa naguumpisa ng mag smartshaming
itong nakakadaig iniismartshame nya yung kaklase nyang na kinahihigitan nya
yung iba alam naman natin sa klase na may mga bully talaga araw araw pero hindi
naman lahat seryosong ginagawa kung minsan dinadaan lang sa biro na depende
lang din naman sa pagtingin o pagtanggap nung nagiging biktima.”
Pangalan: Mr. Joshua de Fiesta
Departamentong Kinabibilangan: Instructor, College of Arts and Sciences
(Psychology Department)
“Usually boys and how can I say that na hindi sila naooffend yung usually mga
low yung mga may low grades na boys kasi usually ang mga girls naman hindi
ganun kavocal sa pag gaganyan but the boys talaga at mapapansin mo sa kanila
mabababa yung grades nila.”

3. Ang smart-shaming ba na nangyayari sa iyong klase ay nararanasan ng iisang mga


indibidwal lamang?
Pangalan: Mrs. Jennifer Escobar
Departamentong Kinabibilangan: Dean, College of Arts and Sciences
“Hindi, parang hindi it’s not only contained on one individual.”

15
Pangalan: Mr. Gil Rombase
Departamentong Kinabibilangan: Instructor, College of Arts and Sciences
“Hindi individual eh halos lahat sila nagiging biktima ng smart shaming madalas
yung nangbibiktima meron din namang pagkakataon na sya rin naman yung
nagiging biktima.”
Pangalan: Mr. Joshua de Fiesta
Departamentong Kinabibilangan: Instructor, College of Arts and Sciences
(Psychology Department)
“No usually iba iba, kasi minsan parang joke nalang sya but its still part of smart
shaming kahit pajoke mo syang sabihin di mo kasi alam kung paano magiging
reaksyon ng isang tao na binigyan mo ng ganung joke minsan okay lang sakanya
but sometimes nakakaoffend na pala.”

4. Sa anong mga kadahilanan ito nagsisimula?


Pangalan: Mrs. Jennifer Escobar
Departamentong Kinabibilangan: Dean, College of Arts and Sciences
“Iba iba siguro no for example pwede ring kasi pagmulan yan ng experience nya
from home or outside the school na dala dala nya lang dito sa school natin.”
Pangalan: Mr. Gil Rombase
Departamentong Kinabibilangan: Instructor, College of Arts and Sciences
“Ang pinaka ugat kasi nito ay yung pagiging grade conscious ng pagiging bata
yung bang gusto nila sila lang yung mataas sila lang yung laging nasa top gusto
nila eh mas tinitignan sila ng nakakaangat ng mga kanilang mga kaklase sila yung
madalas na magsagawa ng smart shaming.”
Pangalan: Mr. Joshua de Fiesta
Departamentong Kinabibilangan: Instructor, College of Arts and Sciences
(Psychology Department)
“Usually sa magkakabarkada as part of joke sometimes you would like to share
something na hindi naman masyadong nakakatawa but minsan kasi may gusto
tayong ishare but someone would say share mo lang? edi wow, you will just you
like to impart something you like to share something na nabasa mo and then
someone would say share mo lang someone will say edi wow ikaw na and then
usually sa recitation diba we would like to ask sometimes kaming mga teachers
gusto naming may magvolunteer na mag recite hindi yung bubunot lang then you
would hear sometimes na ikaw na magaling ikaw na mauna.”

Ang mga katanungan sa ika-apat na parte ng panayam ay tumutukoy sa mga epekto na


maaaring makuha sa pagkaranas ng “smart-shaming.” Ito ay binubuo ng apat na katanungan.
Ang mga sagot ng respondente ay ilalahad sa uri ng verbatim.

III. Mga epekto na maaaring makuha sa pagkaranas ng “smart shaming.”

1. Ano ang naging reaksyon ng mag-aaral matapos niyang maranasan ang smart-
shaming?
Pangalan: Mrs. Jennifer Escobar
Departamentong Kinabibilangan: Dean, College of Arts and Sciences
“So far kasi I cannot relate to this kasi di naman ako nakakita directly no pero
kung ako babalikan natin kung halimbawa ako’y nasa kolehiyo pa hindi ako isang
guro ang reaction ng mga kaklase ko siguro it’s a mixed reaction merong iba they

16
find it funny sometimes yung iba medyo kung seryoso talaga and medyo sensitive
hindi talaga nakakatuwa yun sa kanila there are things kasi na we thought as a
joke but it’s a direct attack on the person na pala no so minsan hindi tayo ganun ka
conscious kaya minsan we are in denial na it’s somewhat it’s a form of smart
shaming na pala or bullying but the bully denies it.”
Pangalan: Mr. Gil Rombase
Departamentong Kinabibilangan: Instructor, College of Arts and Sciences
“Syempre offensive kasi yan eh yung bang parang nakakasakit ng damdamin yung
mga dati ng malayo sa kaibigan eh lalong napapalayo lagi nalang mapagisa o kaya
naman ay madalas lumiban sa klase.”
Pangalan: Mr. Joshua de Fiesta
Departamentong Kinabibilangan: Instructor, College of Arts and Sciences
(Psychology Department)
“Based on my observations, at first okay lang naman sakanila yun they wont react
as if nasaktan sila kasi kung papakita nila na nasaktan sila nakakahiya yun on their
part nakakababa yun ng self esteem so makikita mo sila nakasmile but us ofcourse
psych majors we really observe and you will see right after the smile nagkakaron
ng konting pagbabago sa facial expression and right there you will know ah
nasaktan ang bata, ang possible effect kasi yun sa bata bababa ang self esteem that
hindi na ako magshashare ng knowledge ko I wont share yung mga nababasa ko
sakin nalang yun so bababa talaga yung esteem ng mga naiismartshame and
usually natatakot na rin silang magshare ng problem nila diba kasi hindi lang
naman ang smart shaming ay based on your knowledge minsan naiismartshame ka
pag gusto mo magshare ng problem mo in your family parang you would say alam
mo ba si mama.. “share mo lang?” may gustong sabihin yung tao but hindi nya
nasasabi because of those words na nauuso talaga ngayon those words na
nagtitriviliaze sa multimedia sa social networking sites nakakaaffect sya sa esteem
ng tao at sa openness ng isang tao kaya sa mga psych majors tinuturo naming na
listen always listen to your peers always listen to your classmates.”

2. Nagkaroon ba ito ng epekto sa kanyang partisipasyon sa klase?


Pangalan: Mrs. Jennifer Escobar
Departamentong Kinabibilangan: Dean, College of Arts and Sciences
“Siguro merong medyo mahiyain na the confidence level ay bumaba kasi diba
everytime na mag rerecite eh parang feeling nya mali yung sasabihin nya
lolokohin nanaman ng kaklase ko so the confidence level is very low.”
Pangalan: Mr. Gil Rombase
Departamentong Kinabibilangan: Instructor, College of Arts and Sciences
“Malaki, malaki ang epekto nito kasi dati yung mga dating nagpaparticipate ng
mabuti sa klase nagiging tamad na yung namang iba ay madalas lumiban sa klase
marahil ayaw na nilang maranasan ang mga ganung pangyayari.”
Pangalan: Mr. Joshua de Fiesta
Departamentong Kinabibilangan: Instructor, College of Arts and Sciences
(Psychology Department)
“Yes, meron especially sa recitation no kapag nasmartshame ang isang bata ng
kaklase nya usually mapapansin na hindi na magrerecite after that occurrence ng
smart smaming hindi na sila ganun ka eager magrecite nagkakaroon na siguro ng
fear dahil sa pagkakasmart shame sa kanila and pagka mababa sa recitation of
course mababa ang grade.”

17
3. Nagkaroon ba to ng epekto sa pakikisama niya sa iba pang mag-aaral?
Pangalan: Mrs. Jennifer Escobar
Departamentong Kinabibilangan: Dean, College of Arts and Sciences

“Sa tingin ko pwede magkaron ng effect no kung ako ay a shy type of a person at
kayo ay already formed in a group may tropa na kayo may barkada na kayo and
im left alone parang I find it difficult to blend it with you since ang mga taong ito
they’re shy they find it difficult to blend in kaya minsan dapat the most important
thing is make them feel that they’re part of the group.”
Pangalan: Mr. Gil Rombase
Departamentong Kinabibilangan: Instructor, College of Arts and Sciences
“Unang una kasi nasisira yung pagbabarkadahan yung pagkakaibigan minsan nga
ang pagiging competitor nila sa isang subject ay syang nakakasira sa mabuti
nilang pagsasamahan sabihin na nating childhood friend sila pero nung nakarating
sila sa kolehiyo dahil nga may expectation ang bawat isa ayaw magpatalo ng
bawait isa sa kanila kaya ito ay nangyayari, nasisira ang magandang
pagtitingininan o pagkakaibigan ng mga magaaral.”
Pangalan: Mr. Joshua de Fiesta
Departamentong Kinabibilangan: Instructor, College of Arts and Sciences
(Psychology Department)
“I think so nagiging distant yung iba we always have that fear meron tayong mga
fear in ourselves even us even me I have some fear na baka masmart shame ako
even I I have this fear na baka maputol yung sinasabi ko every now and then pano
pa kaya yung kids pano pa yung students, in socialization nagiging distant yung
bata once na masmart shame sya “I would prefer na magisa nalang ako I would
prefer to live solitary” para hindi na maulit yung occurrence ng pagiging smart
shame sakin so usually mapapansin mo sila sa gilid usually sila nalang magisa or
magkakaroon lang ng group of friends sila na may same experience about smart
shaming nagkakaroon nalang sila ng distinct circle of friends with same
experiences na usually nangyayari satin we relate to people na with same
experiences satin.”
4. Mayroon pa bang ibang epekto na hindi nabanggit, ang naranasan ng mag-aaral na
naging biktima ng smart-shaming?
Pangalan: Mrs. Jennifer Escobar
Departamentong Kinabibilangan: Dean, College of Arts and Sciences
“So far parang wala naman ano.”
Pangalan: Mr. Gil Rombase
Departamentong Kinabibilangan: Instructor, College of Arts and Sciences
“Wala naman na.”
Pangalan: Mr. Joshua de Fiesta
Departamentong Kinabibilangan: Instructor, College of Arts and Sciences
(Psychology Department)
“Wala na, I think that can be all.”

Ang mga katanungan sa ikalimang parte ng panayam ay tumutukoy sa mga solusyon


na nagawa at maaaring gawin para maiwasan ang “smart-shaming.” Ito ay binubuo ng limang
na katanungan. Ang mga sagot ng respondente ay ilalahad sa uri ng verbatim.

IV. Mga solusyon na nagawa at maaaring gawin para maiwasan ang “smart shaming.”

18
1. Mayroon na bang mga lumapit na estudyante upang magsabi ng problema ukol
dito?
Pangalan: Mrs. Jennifer Escobar
Departamentong Kinabibilangan: Dean, College of Arts and Sciences
“Meron, meron na rin naman may mga lumalapit na dito nagsusumbong ano so
syempre kung gusto talaga natin ireklamo yung nirereklamo you have to formalize
it into writing its not enough na I heard it directly from the person involved pero
syempre iformalize natin yun meron tayong proseso talaga para maaksyunan pero
pag the verbal complain is already enough for me or for who is ever na sinabihan
that’s enough na para magkaideya na kami na merong nangyayari ganun kasi kung
di naman lalapit ang estudyante kung wala.”
Pangalan: Mr. Gil Rombase
Departamentong Kinabibilangan: Instructor, College of Arts and Sciences
“Wala pa akong naeencounter siguro ay nahihiya sila o ayaw na nilang iparating
sa mga teachers nireresolve nalang nila ang problema ng sila sila.”
Pangalan: Mr. Joshua de Fiesta
Departamentong Kinabibilangan: Instructor, College of Arts and Sciences
(Psychology Department)
“Dito sa school natin wala pa naman actually but pwede ba sa ibang school?
Hindi? Oh wag na.”

2. Ano ang mga hakbang na iyong ginawa para sa mga estudyante na ito?
Pangalan: Mrs. Jennifer Escobar
Departamentong Kinabibilangan: Dean, College of Arts and Sciences
“Ofcourse we address it to the person involved no? we address it directly or
sometimes if theres a proper channel na kailangan dumaan kung kailangan
dumaan sa dsa para for them to handle in a much bigger picture at talagang
malaking scenario at kailangan dumaan sa abogado natin dumadaan sa abogado
natin.”
Pangalan: Mr. Gil Rombase
Departamentong Kinabibilangan: Instructor, College of Arts and Sciences
“Actually sa mga subject kasi in the first place meron na tayong tinatawag na
values education lagi namang pinagaaral nito kaya lang nahihirapan kasing
umusad ang programa pagka hindi gustong magopen nung biktima no ayaw nilang
sabihin kasi yung tinatawag nga sa wikang ingles na they prefer to suffer the
outreach in silence yung bang kaysa mapahiya sila o madala sa kahihiyan ang
pangalan nila mas minamabuti nilang sarilihin nalang ang problema instead na
magsabi sila sa teacher o sa mga authorities sa paaralan kinikimkim nalang nila
iyon kaya walang nangyayari.”
Pangalan: Mr. Joshua de Fiesta
Departamentong Kinabibilangan: Instructor, College of Arts and Sciences
(Psychology Department)
“Of course educate, always educate the students uhm, pwede natin syang sabihin
inside the classroom once na may nag smart shame we can educate the kid pero
hindi naman mismo dun sa harap ng klase you can of course for example ms
camasoza smart shamed mr estanyol I can say mr camasoza can you stay after the
class? And you can educate the kid so that we can start taking actions dito sa
problema natin na ito kasi problem talaga sya in the school hindi lang sa school
even sa labas ng school problem natin ito so we should always educate, educate
the kids.”

19
3. Anong mga hakbang ang iyong ginagawa upang maiwasan na muli ang ganitong
insidente sa iyong klase?
Pangalan: Mrs. Jennifer Escobar
Departamentong Kinabibilangan: Dean, College of Arts and Sciences
Pangalan: Mr. Gil Rombase
Departamentong Kinabibilangan: Instructor, College of Arts and Sciences
Pangalan: Mr. Joshua de Fiesta
Departamentong Kinabibilangan: Instructor, College of Arts and Sciences
(Psychology Department)

4. Anong mga hakbang ang ginawa ng paaralan upang ito ay maiwasan?


Pangalan: Mrs. Jennifer Escobar
Departamentong Kinabibilangan: Dean, College of Arts and Sciences
Yun nga sinabi ko inulit ko lang.
Pangalan: Mr. Gil Rombase
Departamentong Kinabibilangan: Instructor, College of Arts and Sciences
Pangalan: Mr. Joshua de Fiesta
Departamentong Kinabibilangan: Instructor, College of Arts and Sciences
(Psychology Department)
“I usually, in my class yun ang ginagawa ko ay I ask the student to stay and even
me is naiismart shame ako I experience that kind of shaming sa klase ko yung
sasabihin sayo tama na sir ang dami mong alam that is nakakainis nakaka wala ng
respeto dun sa kid but to take ng actions from that kausapin talaga sila and kung
possible kaya sa klase pwede naman magkaroon ng 10 to 20 minutes na ieducate
yung buong klase na wala kang pinapatamaan you can simply educate all of them
without referring single person without pointing out kung sino gusto mong
sabihan sila nalang lahat at least magkakaroon sila ng awareness na smart shaming
na pala yung ginagawa nila kasi sometimes hindi alam ng tao na nakakapagsmart
shame na sila sometimes feel nila joke lang yun for them but yung impact sa taong
nasasabihan nila hindi nila masyadong naiisip pa kasi impulsive naman talaga ang
mga teenagers.”

5. Ano pa ang mga hakbang na magandang ipatupad upang maibsan ang ganitong
pangyayari sa mga mag-aaral?
Pangalan: Mrs. Jennifer Escobar
Departamentong Kinabibilangan: Dean, College of Arts and Sciences
“So syempre dapat ang pinakamagandang intervention dyan is continuous
awareness on this aspect like bullying yung mga ganyan kaya nga yan yung mga
drive na laging inaano ng ating sdpc although syempre hindi natin maaachieve yan
hundred percent but people around that should always be aware of this and if
theres a single thing that’s happening kung merong mga ganyang pangyayari its
just enough for us to say stop o huwag ganyan, itigil no and do not tolerate it yun
lang naman, okay?”
Pangalan: Mr. Gil Rombase
Departamentong Kinabibilangan: Instructor, College of Arts and Sciences
“Well unang una dyan kailangan makuha mo ang simpatya ng estudyante
kailangan ipaunawa sa kanila na wala silang dapat ikatakot o dapat ikahiya o
walang dapat ipag alinlangan kung ang ipinaparating man lang nila sa dapat na

20
pagsumbungan ang mga problema nila kasi ang nangyayari ang nasa isip kasi
nilain the first place paano nalang kung nagsumbong ako baka ibaba ng professor
ang grade ko o kaya naman baka lalong lumala ang alitan namin o kaya naman eh
baka maging sanhi pa ito ng tuluyang paglayo ng loob ng tao sakin ganun ang
nangyayari so dapat ang mga concern personnel ditto sa eskwelahan katulad ng
guidance katulad ng mga nasa student placement development centers kailangan
talaga very close sila sa mga estudyante from time to time hindi lang pagka
merong seminar pagka meron lang mga mandated meeting o mandated na
assembly tsaka palang nila sasabihin kailangan nyan araw araw kasi ang problema
nangyayari araw araw at hindi ito nangyayari minsan sa isang semester o minsan
sa isang taon so kung gaano kadalas ang mga estudyante sa school ganun din
dapat kadalas na lumalapit ang mga taga sdpc para iaddress ang kanilang mga
problema huwag nalang nila antayin na ang mga estudyante ang lumapit sa
kanila.”
Pangalan: Mr. Joshua de Fiesta
Departamentong Kinabibilangan: Instructor, College of Arts and Sciences
(Psychology Department)
“Psychologically, balik tayo sa esteem , smart shaming affects the self-esteem of
the kid na kapag bumaba na kasi ang self-esteem mawawalan na yan ng gana
mawawalan na yan ng social life mawawalan na sya ng gana makipagsocialize
magiging distant yung isang tao and we us humans we need to relate we have the
need of human connectedness kung hindi ka makikipagconnect that would be
dysfunctional for you so ayaw nating maging dysfunctional yung mga kids natin
and this smart shaming can affect the students in their self esteem.”

Mula sa mga katanungan na inihanda ng mga mananaliksik para sa isang panayam,


ang mga respondente ng pananaliksik na ito ay binuo ng tatlong indibidwal na nagbigay ng
malinaw na pagpapaliwanag sa kanilang mga karanasan patungkol sa problema ng “smart
shaming.” Upang sagutin ang unang obhetibong tumutukoy sa estado ng “smart-shaming” sa
paaralan, isa sa tatlong respondente ang nagsabi na hindi pa siya nagkakaroon ng karanasan
kung saan may naganap na “smart shaming” sa loob ng klase, sapagkat, dalawa naman sa
mga respondente ang nagsabi na kanila itong nararanasan, kung saan isa sa kanila ay
binanggit na ito ay nangyayari araw-araw kung saan ang isang araw ay binubuo ng dalawa oo
tatlong insidente ng “smart shaming”. Ang natitirang respondente naman ay inilarawan ang
kadalasan ng pangyayari sa katamtaman sapagka’t ito ay parang naging isang biro na lamang.
Patungo sa ikalawang obhetibong tumutukoy sa mga nagiging sanhi ng “smart shaming” sa
paaralan, dalawa sa tatlong respondente ang nagsabi na ang mga madalas maging biktima ng
“smart shaming” ay ang mga mahiyaing tao o tahimik na mas pinipiliing mapag-isa na
lamang, habang isa naman sa mga respondente ang nagsabi na ito ay nangyayari sa mga
aktibo, palatanong, at mahilig sumama sa partisipasyon na uri ng mga estudyante. Ang
madalas naman na gumagawa ng mga panunukso ayon sa tatlong respondente ay ang mga
estudyanteng may mababang marka, may mataas na personalidad o kaya naman ay “grade
conscious.” Ang “smart shaming” na nangyayari sa klase batay sa kanilang mga kasagutan ay
hindi nararanasan ng isang indibidwal lamang, kundi ng maraming estudyante pa. Ang
insidenteng ito ay maaaring nagsisimula sa mga karanasan sa bahay ng isang estudyanteng
gumagawa ng “smart shaming” ayon sa isang respondente; nabanggit naman ng isa pang
respondente na ito ay nagmumula sa kanilang pagiging determinado na makakuha ng
matataas na marka, habang ang natitirang respondente ay naniniwalang ito ay naging isang
bagay na nakasanayan nang gawin sa mga magbabarkada habang sila ay nagkukwentuhan.
Upang sagutin naman ang ikatlong obhetibong tumutukoy sa mga epekto na maaaring

21
makuha sa pagkaranas ng “smart-shaming,” isa sa mga respondente ang nagsabi na ang mag-
aaral na naging biktima ng insidenteng ito ay maaaring mas lalong maramdaman ang hiya at
hindi pagkabilang sa ibang grupo ng mga estudyante. Nabanggit ng mga respondente na
nagkaroon ng epekto ang pangyayaring ito sa partisipasyon ng isang bata sa klase kung saan
nila mas pipiliin na lamang na tumahimik kaysa magtaas ng kamay upang sumagot sa mga
katanungan na ibinibigay ng kanilang guro. Malaki ang epekto ng ganitong pangyayari sa
kumpyansa ng isang indibidwal sa kanyang sarili ayon sa isang respondente. Para sagutin ang
huling obhetibong tumutukoy naman sa mgga solusyon na nagawa at maaari pang gawin,
nabanggit ng isang respondente na nagkaroon na ng mga insidente kung saan ang mag-aaral
na nakakaranas ng “smart shaming” ay nagsasabi sa ikina-uukulan ng problemang kanyang
ikinakaharap. Dalawa naman sa mga respondente ang nagsabing hindi pa sila nakakaranas na
pagsabihan ng isang biktima tungkol sa isyu na ito sapagkat maaaring ang mga bata ay
nahihiya at natatakot sa kung anong epekto ang maging kapalit nito. Ang respondenteng
napagsabihan ng problema ay minarapat na kausapin ang may gawa upang ito ay matuto sa
mga maling kanyang ginawa. Maibibigay naman ng tatlong respondente ang rekomendasyon
bilang solusyon na bigyan ang mga mag aaral ng pagkakataon na maging maalam at may
malay sa mga ganitong uri ng “bullying” na nararanasan ng kanilang mga kaklase. Nabanggit
ng isang respondente na mahalaga ang pagtuturo ng magandang edukasyon sa bawat mag-
aaral, ito ang susi upang maintindihan nila ang tama sa maling mga gawain na kanilang dapat
na iwasan.
Ang pananaliksik na ito tungkol sa “Mga Kadahilanang nagiging sanhi ng Smart
Shaming sa San Sebastian College – Recoletos de Cavite” ay naglayon na magbigay ng
malinaw na pagpapaliwanag sa mga karanasan ng biktima ng “smart shaming” sa mga
paaralan. Ito ay naglayon na sagutin ang apat na suliranin na tumutukoy sa estado ng “smart
shaming” sa paaralan, sanhi ng “smart shaming” sa paaralan, epekto ng “smart shaming” sa
mga biktima, at mga solusyon na nagawa at maaaring gawin upang ito ay maiwasan.
Lumabas sa paglalahad, pagsusuri at interpretasyon ng mga datos na ang “smart
shaming” ay nangyayari sa paaralan, ito ay nagiging sanhi ng pagiging determinado ng isang
mag-aaral na makakuha ng mataas na marka, biruan, problema sa bahay, kung saan ang
biktima ay madalas na mga tahimik, mahiyain at mga aktibo sa akademikong mag-aaral. Ang
karanasan na ito ay nagbibigya ng epekto sa kumpyansa ng isang indibidwal sa kaniyang
sarili, ganoon na rin sa kung paaano siya makisama at maging aktibo muli sa klase matapos
ang nangyaring pam-bubully. Ang solusyon na ginagawa at maaari pang pagyabungin ay ang
pagpapaalala ng mga guro sa bawat estudyante ng magandang-asal, marapat rin na maibigay
ang kinakailangan na pagpapangaral na makakapagpalinaw sa isang mag-aaral ang mga
maling gawain na kaniyang dapat ihinto.
Ang mga pananaliksik na ito ay nirerekomenda ng mga mananaliksik para sa susunod
pang mananaliksik na mayroon pang mas mahabang panahon sa pag-sasagawa ng pag-aaral
ukol sa problema ng “smart shaming”, ito ay para sa mas malawak at tiyak na konklusyon at
upang makakuha pa ng mas tiyak at maliwanag na paglalarawan ng mga karanasan ng mga
biktima ng ganitong uri ng bullying. Ang mga indibidwal na magiging respondente ng
pananaliksik ay magiging mas detalyado kung ang mga ito ay ang mismong nakakaranas ng
“smart shaming.”

22
“Anti-Intellectualism is More Fun in the Philippines.” (2013) Retrieved from:
https://dapinoychronicle.wordpress.com/2013/02/19/da-pinoy-chronicle-anti-intellectualism-
is-more-fun-in-the-philippines/
Baygan, J. (2017) Making Sense of Smart Shaming in the Philippines. Retrieved from
: http://www.academia.edu/34758374/-
Making_sense_of_Smart_Shaming_in_the_Philippines
Blake, R. (2017) Anti-Intellectualism. Retrieved from: https://www.researchgate.net/
publication/313326899_Anti-Intellectualism
“Eh Di Ikaw na Matalino! – 3 Reasons Why you should stop Smart Shaming.”
Retrieved from: https://icanbreakthrough.com/eh-di-ikaw-na-matalino-3-reasons-why-you-
should-stop-smart-shaming/
“Grow Up Philippines.” (2015) Retrieved from:
http://laonlaan.blogspot.com/2015/01/grow-up-philippines.html
Kumar, V. (2011) Foul Behavior. Retrived from: https://philpapers.org/reg/-KUMFB
Marques, M., Elphinstone, B., at Eigenberger, M. E. (2017). A brief scale for
measuring Anti-Intellectualism. Personality and Individual Differences. Retrieved from:
https://scinapse.io/papers/2605579668 kinuha 03/02/2019
Mcdevitt, M., Parks, P., at Hwang, T. (2018) Anti-intellectualism among US students
in Journalism and Mass Communication: A cultural perspective. Journalism: theory,
Practice, and Criticisms. Retrieved from: https://scinapse.io/papers/2618964984
Pieraz, A. (2018) Pinoy Culture: Why do we Smart Shame? Retrieved from:
https://www.google.com/amp/s/-wonder.ph/popculture/smart-shaming/amp/
Santos, T. (2016) Filipinos and Smart Shaming. Retrieved from:
https://varsitarian.net/news/20160129/Filipinos_and_smart_shaming
Sison, S. (2015) What’s up with the Smart Shaming? Retrieved from:
https://www.rappler.com/views/imho/109333-smart-shaming

Sta. Romana, J. (2015) Smart-Shaming and our Pinoy Culture of Anti-Intellectualism.


Retrieved from: https://www.gmanetwork.com/news/scitech/science/517026/smart-shaming-
and-our-pinoy-culture-of-anti-intellectualism/story/)

23

You might also like