You are on page 1of 4

Mga Dahilan

Kung Bakit may Mababang Marka


ang mga piling Estudyante sa Ika-sampung Baiting
ng Oro Site High School

Mga Miyembro:
Maria Lourdes Lagroma
Meajoy Bandol
Ellaine Jane Balictar
Karen Camille Nota
Niña Marbella
Christian Escandor
Cyrus Emman Rosco
Kabanata I
Introduksyon
Edukasyon ang pinakamahalagang bagay sa mundo upang magkaroon ng magandang
kinabukasan ang bawat isa sa atin, Ito rin ang susi at tanging paraan upang makamtan ang ating mga
pinapangarap sa buhay. Sa kasalukuyang panahon, bakit nga ba mayroong mga mag-aaral ang
nagkakaroon ng mababang marka? Bakit nga ba may mga estudyanteng hindi aktibong nakikilahok o
nakikihalubilo sa mga aktibidad at kaganapan sa loob ng silid-aralan. Marahil ang bawat estudyante
ay may kaniya-kaniyang dahilan o rason kung bakit sila nakakakuha ng mababang marka.
Ang pananaliksik nito ay isasagawa sa paaralan ng mataas na paaralang ng Oro Site High
School, Oro Site Legazpi City na kung saan ang mga taong tutugon sa pag-aaral na ito ay mula sa
mga piling mag-aaral ng ika sampung baitang. Ang mga piling mag-aaral sa ika sampung baitang ay
nakakaranas ng mababang marka ayon sa obserbasyon at karanasan ng mga mananaliksik na
nagtapos sa paaralan ng Oro Site sa Junior High School.
Ayon kay Mark H. Ashcraft (2012) isa sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng mababang
marka ang mga mag-aaral sa iba’t ibang asignatura ay dahil sa tensyon at takot na nakakaapekto sa
aktibidad ng mag-aaral. Ang pagkakaroon ng mababang marka ay maaring makabawas sa interes ng
mga mag-aaral sa pagkatuto, gayundin sa mga kagustuhan nila sa mga bagay na humahamon s
kanilang mental na kapasidadad. Kung tutuusin marka ang pinakabasikong batayan ng performans
ng isang mag-aaral sa paaralan. Ayon pa sa artikulo ni Alfie Kohn, na pinamagatang “Degrading to
de-grading, “Ang mga mag-aaral ay nawawalan ng interes sa pagbasa at pag-aaral dahilan ng
mababang marka”. Ang pagkakaroon ng mataas na marka ay madalas na hinahangad na mga mag-
aaral at magulang at dagdag pa nito kung ikaw ay mahahanay sa mga Honor Students.
Likas at hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng mababang marka at malaking problema ay ang
pagbagsak sa isang asignatura, kaya’t karamihan sa mga estudyante ay nawawalan ng interes, gana
at pag-asa sa pag-aaral upang mabawi at ipasa ng asignaturang nabagsakan. Ang pagkakaroon din
nito ay maaring magkaroon ng negatibong epekto sa mga mag-aaral, minsan silang nakakaranas ng
kalungkutan, pagkapariwara at ang mas malala pa ay humahantong pa sa pagkitil ng sariling buhay.
Ang Obhetibo ng pag-aaral na ito ay para magbigay kaalaman sa mga mag-aaral kung ano
ang maaaring maging epekto ng pagkakaroon ng mababang marka sa kanilang pag-aaral at matukoy
rin kung saang asignatura sila nagkakaroon ng mababang marka.
Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay para matukoy ang mga dahilan kung bakit
nagkakaroon ng mababang marka ang mga estudyante sa nasabing paaralan. Magbibigay rin ito ng
mga suhestiyon o stratehiya kung paano matutulungan ang mga mag-aaral na maging aktibo sa
kanilang pag-aaral, magkaroon ng magandang performans sa loob ng silid-aralan at mapataas ang
kanilang mga marka sa iba’t ibang asignatura na siyang napakahalaga sa indibidwal bilang isang
mag-aaral.
Paglalahad ng Suliranin
1. Sa Anong Asignatura nakakakuha ng mababang marka ang mga estudyante sa nasabing
paaralan?
2. Bakit mababa ang mga marka ng mga estudyante sa nasabing baitang?
3. Anu-ano ang mga dahilan kung bakit nagkakaroon sila ng mga mababang marka?

Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay may layuning matukoy ang mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng
mababang marka ang mga piling mag-aaral sa ikasampung baiting. Ang mga sumusunod ay
nagkakaroon ng mga benipisyo kaugnayan sa paksa:
Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong magbigay ng kaalaman at impormasyon sa
kanila kung ano ang maaring mangyari kung magpatuloy ang pagkakaroon nila ng mababang marka.
Natutukoy din nila kung sa papaanong paraan nila matutulungan ang kanilang mga sarili kung paano
mapataas ang marka.
Mananaliksik.Ito’y magbibigay kaalaman at magsisilbing gabay sa mga sumusunod na
mananaliksik tungkol sa mga dahilan ng mga estudyante na makukuha ng mababang marka.
Makakatulong rin ito upang malinang ang kanilang kaalaman at madaragdagan sa mga sumusunod
na pag-aaral kaugnayan sa paksa.
Guro. Ang pag-aaral na ito ay makaktulong sa mga guro upang malaman nila ang mga dahilan
o aspeto kung bakit nagkakaroon ng mababang marka ang kanilang mag-aaral Magbibigay gabay rin
ito upang makagawa sila ng ibat-ibang solusyon upang matulungan nila ang kanilang mag-aaral a
klase.
Magulang. Layuning matukoy ng mga magulang kung ano ang mga dahilan kung bakit
nagkakaroon ng mababang marka ang kanilang mga anak. Magsisilbing gabay rin ito sa kanila kung
ano ang dapat gawin uppang matuungan ang kanilang mga anak. Upang mapataas ang mga marka
nito at maging aktibo sa klase.Malalaman din nila ang kanilang rsponsibilidad bilang isang magulang
na nagpapaarl sa kanilang mga anak.
Paaralan Administrador. Ang pag-aaral na itoo ay makatulong sa kanila upang magbigay
pansin ang mga mag-aaral na may mababang maarka sa pamamagaitan ng pagbibigay ng sapat na
atensyon at tuun sa mga di aktibong mag-aaral sa paaralan.Maaring maging gabay ito upang
gumawa sila ng aliuntunin oparaan upang ganahan at maging aktoibo ang mga mag-aaral sa
nasabing paaralan.
Paaralan. Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing gabay upang malaman ng paaralan ang
mainam na gawin upang mabawasan at matulungan ang mga mag-aaral na may mababang marka
DepEd.Makakatulong ito upang mabigyan ng pansin ang mga estudyanteng may mababang
marka sa nasabing marka.Maari ring mabigyan ng solusyon o aksyon ang problemang ito para sa
ikabubuti ng paaralan at mag-aaral.
Sakop at Delimitasyon ng Pag-aaral
Ang pag aaral na ito ay may layuning matukoy ang mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng
mabababang marka ang mga piling mag aaral ng Oro Site High School, Oro Site Legazpi City.
Layunin din nito na pag aralan ang epekto ng pagkakaroon nang mababang marka sa mga
estudyante at matukoy kung anong asignatura sila nahihirapan.Ang mga taong tutugon lamang sa
nasabing pag aaral ay mga piling estudyante sa ika sampung baitang ng Oro Site High School.

Definition of Terms

You might also like