You are on page 1of 10

lOMoARcPSD|20024235

ESP 7 1st Quarter Examination

Production of Social Studies in Instructional Materials (Ramon Magsaysay Technological


University)

Studocu is not sponsored or endorsed by any college or university


Downloaded by Rose Eden Abitong (edenfalcasantosabitong@gmail.com)
lOMoARcPSD|20024235

Republic of the Philippines


Department of Education
Region III (Central Luzon)
Schools Division of Zambales
DOJOC BALITE INTEGRATED SCHOOL -School ID: 500508
Purok 7 Brgy. San Juan, Botolan, Zambales
1st Quarter Examination
Edukasyon sa Pagpapakatao- Grade 7

PANGALAN: ____________________________________ARAW: __________PUNTOS: _________


PANUTO: Basahin Mabuti ang bawat tanung at piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ang mga sumusunod ay mahahalagang layunin ng inaasahang kakayahan at kilos
(developmental tasks) sa bawat yugto ng pagtanda ng tao maliban sa:
a. Nagsisilbing gabay kung ano ang inaasahan ng lipunan sa bawat yugto ng buhay
b. Nakatutulong upang malinang ang kakayahang iakma ang sarili sa mga bagong
sitwasyon
c. Nagtuturo sa isang nagdadalaga/nagbibinata ng mga nararapat na gawin na akma sa
kanilang edad
d. Nagsisilbing pangganyak o motibasyon upang gawin ng isang
nagdadalaga/nagbibinata ang inaasahan sa kanya ng lipunan
2. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga inaasahang kakayahan at kilos na dapat malinang sa
panahon ng pagdadalaga / pagbibinata maliban sa ______.
a. Pagsisikap na makakilos ng angkop sa kanyang edad
b. Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki
c. Pagtamo at pagtanggap ng maayos na ugali sa pakikipagkapwa
d. Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing edad
3-4. Basahin at unawain ang mga talata sa ibaba. Pagkatapos, sagutin ang bilang 3-4 .
Pagtuntong ng isang bata sa kanyang ika-labintatlong taon, nagsisimula ang
matulin at kagyat na pagbabago sa kanyang pag-iisip at pag-uugali. Kung dati ay
kuntento na ang isang batang lalaki sa paglalaro, ngayon ay tila naaakit na siyang
tumingin sa kababaihan. Gayundin ang isang batang babae: nagsisimula na rin
siyang kumilos na tulad sa isang ganap na babae. Sa panig ng kalalakihan,
nagiging masilakbo ang kanilang pag-iisip at paguugali: laging tila humaharap sa
hamon na susubok sa kanilang katapangan. Nagiging mapangahas sila sa anumang
bagay, waring ipinagwawalambahala ang panganib, nagkukunwarinng hindi
nababalisa sa anumang suliranin. Ito ang panahon kung saan tila naghihimagsik
ang isang kabataan, waring di matanggap ang katotohanang hindi pa siya ganap
na lalaki at nagpupuyos ang kalooban na pasubalian ito sa mundo. Ito ang panahon
na ang isang lalaki ay wala pang napapatunayan sa kanyang sarili at sa iba, kaya
napakalaki ng kanyang kawalan ng seguridad, laging humahanap ng pagkakataon
na ipakita ang kanyang kahalagahan. Sa panig ng kababaihan, ang isang
nagdadalaga ay nagsisimulang iwanan ang daigdig ng mga manika at laruan, nag-
iingat na kumilos nang magaslaw o tila bata. Isa siyang bulaklak na nagsisimulang
mamukadkad.
3. Ano ang pangunahing paksa ng sanaysay?
a. Ang pagbabago sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata
b. Ang mga karanasan na pinagdaraanan ng mga nagdadalaga/nagbibinata.
c. Ang damdamin ng mga nagdadalaga/nagbibinata sa mga pagbabagong kanilang
pinagdaraanan
d. Ang pagkakaiba ng pagbabagong pinagdaraanan ng isang nagdadalaga at
nagbibinata
4. Ano ang pangunahing pagkakaiba na inilarawan sa sanaysay sa pagitan ng isang
nagdadalaga at nagbibinata?

Address: Si琀椀o Dojoc, San Juan, Botolan, Zambales


Email: 500508@deped.gov.ph
Facebook: Dojoc Balite Integrated School

Downloaded by Rose Eden Abitong (edenfalcasantosabitong@gmail.com)


lOMoARcPSD|20024235

Republic of the Philippines


Department of Education
Region III (Central Luzon)
Schools Division of Zambales
DOJOC BALITE INTEGRATED SCHOOL -School ID: 500508
Purok 7 Brgy. San Juan, Botolan, Zambales
a. Ang nagbibinata ay walang seguridad at ang nagdadalaga ay nakararamdam ng
kalituhan
b. Ang nagbibinata ay nagiging mapangahas at ang nagdadalaga ay hindi na naglalaro
ng manika at iba pang laruan.
c. Ang nagbibinata ay nagiging masidhi ang pagiisip at damdamin at ang nagdadalaga
ay nagsisimulang maging pino sa kanilang kilos.
d. Ang nagbibinata ay nagsisimulang maging matapang at ang nagdadalaga ay
nagsisimula nang kumilos na tulad ng isang ganap na babae.
5. Basahin ang mga katangian ng mga tinedyer sa ibaba. Ano ang mahuhubog kung
ipagpapatuloy ng bawat isa ang kanyang gawi?
Palaging sinasabi ni Rosemarie sa kanyang sarili na hindi siya perpekto, alam
niyang sa bawat pakakamali ay mayroong siyang matututuhan.
Hinahasa ni Stephanie ang kanyang kakayahang suriin at tayahin ang
kanyang sariling mga pagtatanghal bilang isang mang-aawit.
Hindi hinahayaan ni Anthony na talunin ng takot at pag-aalinlangan ang
kanyang kakayahan.
Hindi natatakot si Renato na harapin ang anomang hamon upang ipakita niya
ang kanyang talento.
a. tapang c. tiwala sa sarili
b. talento at kakayahan d. positibong pagtingin sa sarili
6. Bakit mahalaga ang pagtamo sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata ng bago at ganap
na pakikipag-ugnayan sa mga kasingedad?
a. Upang masisiguro niya na mayroong tao na tatanggap sa kanyang mga kalakasan at
kahinaan
b. Upang magkaroon siya ng kalaro na magtuturo sa kanya ng pakikipagugnayan sa
mga kasing-edad
c. Upang mapatunayan sa lahat ng tao na may kakayahan siyang makipagugnayan
nang maayos sa kanyang kasing edad
d. Upang magkaroon siya ng makakasundo na tutulong sa kaniya upang matanggap sa
isang pangkat na labas sa kanyang pamilya
7. Sa yugto ng maagang pagdadalgaga o pagbibinata, inaasahan na ang pagkakaroon ng
tinedyer ng kasintahan (girlfriend/boyfriend). Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil mahalagang mamulat ang nagdadalaga o nagbibinata sa pagbuo ng
relasyon sa katapat na kasarian sa maagang panahon.
b. Tama, dahil ito ay makatutulong sa kanya upang matutong humawak ng isang
relasyon at maging handa sa magiging seryosong relasyon sa hinaharap.
c. Mali, dahil mahalagang masukat muna ang kahandaan ng isip at damdamin ng isang
nagdadalaga/nagbibinata sa paghawak ng isang seryosong relasyon.
d. Mali, dahil hindi pa nararapat na magkaroon ng seryosong relasyon ang isang
tinedyer.
8. Si Cleofe ay iskolar sa isang pamantasang mataas ang kalidad. Napaliligiran siya ng mga
mayayaman na kamag-aral. Labis ang kanyang pagkabalisa dahil alam niyang hindi naman
siya makasasabay sa mga ito sa maraming bagay. Ano ang pinakamakatuwirang gawin ni
Cleofe?
a. Makipagkaibigan lamang siya sa kapwa niya mga iskolar na mahirap din.
b. Ipakita niya ang kanyang totoong pagkatao.
c. Kausapin niya ang kanyang mga magulang upang bumili ng mga gamit at damit na
halos katulad ng sa mga mayayamang kamag-aral.

Address: Si琀椀o Dojoc, San Juan, Botolan, Zambales


Email: 500508@deped.gov.ph
Facebook: Dojoc Balite Integrated School

Downloaded by Rose Eden Abitong (edenfalcasantosabitong@gmail.com)


lOMoARcPSD|20024235

Republic of the Philippines


Department of Education
Region III (Central Luzon)
Schools Division of Zambales
DOJOC BALITE INTEGRATED SCHOOL -School ID: 500508
Purok 7 Brgy. San Juan, Botolan, Zambales
d. Makiangkop sa kamag-aral na mayaman sa oras na sila ang kasama at sa mga
kapwa niyang iskolar na mahirap kung sila naman ang kasama.
9. Masasabi lamang na ganap ang pakikipag-unayan kung handang ipaalam ang lahat sa
kapwa. Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil ito ay nagpapakita ng tiwala sa kapwa.
b. Tama, dahil ito ang magiging simula ng isang malalim na pakikipagugnayan.
c. Mali, dahil sa kasapi ng pamilya lamang nararapat na sabihin ang lahat ng sikreto.
d. Mali, dahil mahalagang magkaroon ng limitasyon upang hindi magamit ang mga
impormasyon tungkol sa sarili laban sa kanya sa hinaharap
10. Si Bernard ay mababa ang tiwala sa sarili sa kabila ng kanyang talento. Hindi niya ito
ipinakikita sa paaralan dahil sa takot na hindi ito maging kalugodlugod sa iba pang mga mag-
aaral. Ano ang makatuwirang gawin ni Bernard?
a. Kausapin niya ang kanyang sarili at sabihin na hindi matatalo ng hindi pagtanggap
ng iba sa kanyang talento ang kanyang pagnanais na umangat dahil sa kanyang kakayahan.
b. Humingi siya ng papuri mula sa kanyang mga kaibigan at kapamilya na
makatutulong upang maiangat ang kanyang tiwala sa sarili
c. Harapin niya ang mga hamon nang may tapang at hayaang mangibabaw ang
kanyang kalakasan.
d. Huwag niyang iisipin na mas magaling ang iba sa kanya, bagkus isipin niya na siya
ay nakaaangat sa lahat
11. Ang mga sumusunod ay pagkakaiba ng talento at kakayahan maliban sa:
a. Ang talento ay isang pambihira at likas na kakayahan samantalang ang kakayahan
ay kalakasang intelektwal upang makagawa ng isang pambihirang bagay.
b. Ang talento ay mula sa pambihirang katangian na minana sa magulang samantalang
ang kakayahan ay tinataglay ng tao dahil sa kanyang kakayahang mag-isip.
c. Ang talento ay mahirap sukatin samantalang ang kakayahan ay tinataglay ng tao
dahil sa kanyang kakayahang mag-isip.
d. Ang talento ay kusang lumalabas sa takdang panahon samantalang ang kakayahan
ay kailangang dumaan sa proseso ng pagsasanay.
Maliit pa lang si Joanna nang siya ay matuklasan ng kanyang mga magulang
na magaling sa pag-awit. Sa edad na tatlo, nakasali na siya sa mga patimpalak at
siya ay nakikilala dahil sa kanyang kahusayan sa kabila ng murang edad. Ngunit sa
kanyang paglaki ay naging mahiyain si Joanna at hindi na sumasali sa mga
patimpalak dahil ayaw niyang humarap sa maraming tao. Hindi alam ng kanyang
mga kamag-aral ang kanyang talento dahil hindi naman siya nagpapakita nito kahit
sa mga gawain sa klase o sa paaralan. Palagi pa ring umaawit si Joanna ngunit ito
ay sa kanilang lamang bahay kasabay ang kanyang nakatatandang kapatid.
12. Ano ang pangunahing balakid sa pagtatagumpay ni Joanna?
a. Ang kawalan ng suporta ng kanyang mga magulang
b. Ang kawalan niya ng tiwala sa kanyang kakayahan
c. Ang kanyang paniniwala na nakakatakot humarap sa maraming tao
d. Ang kanyang mga kamag-aral dahil hindi siya hinihimok na sumali sa paligsahan at
magtanghal.
13. Ano ang nararapat na gawin ni Joanna?
a. Kailangan niyang kausapin ang kanyang sarili at sabihing mas magaling siya sa pag-
awit sa sinoman na kanyang narinig sa paaralan.
b. Kailangan niyang humingi ng tulong sa kanyang kapatid upang palaging samahan
siya sa lahat ng kanyang paligsahan at pagtatanghal.

Address: Si琀椀o Dojoc, San Juan, Botolan, Zambales


Email: 500508@deped.gov.ph
Facebook: Dojoc Balite Integrated School

Downloaded by Rose Eden Abitong (edenfalcasantosabitong@gmail.com)


lOMoARcPSD|20024235

Republic of the Philippines


Department of Education
Region III (Central Luzon)
Schools Division of Zambales
DOJOC BALITE INTEGRATED SCHOOL -School ID: 500508
Purok 7 Brgy. San Juan, Botolan, Zambales
c. Kailangan niyang kausapin ang kanyang sarili at sabihin na kaya niyang harapin ang
anomang hamon at lagpasan ang kanyang mga kahinaan
d. Kailangan niyang magsanay nang labis upang maperpekto niya ang knayng talento
at hindi matakot na mapahiya sa harap ng maraming tao
14. Bakit mahalagang tuklasin at paunlarin ang mga angking talento at kakayahan?
a. Upang magkaroon ng tiwala sa sarili at malampasan ang mga kahinaan
b. Upang maisakatuparan ang mga tungkulin sa sarili at sa lipunan
c. Upang makapaglingkod sa pamayanan
d. Lahat ng nabanggit
15. Si Cleo ay mahusay sa paglalaro ng basketball. Labis ang paghanga sa kanya ng
kanyang mga kasamahan sa team. Sa tuwing maglalaro ay siya ang
nakapagbibigay ng malaking puntos sa kanilan team. Makikitang halos naperpekto
na niya ang kanyang kakayahan sa basketball. Ngunit sa labis na kaabalahan sa
pag-aaral, barkada at pamilya hindi na siya nakapagsasanay nang mabuti. Ano ang
maaaring maging kahihinatnan ng ganitong gawi ni Cleo?
a. Manghihina ang kanyang katawan dahil sa kakulangan ng pagsasanay
b. Hindi magkakaroon ng pagbabago sa kanyang paraan ng paglalaro dahil halos
perpekto na niya ang kanyang kakayahan.
c. Makaaapekto ito sa kanyang laro dahil bukod sa pagkokondisyon ng katawan ay
mahalaga ang pagsasanay kasama ng kanyang team upang mahasa sa pagbuo ng laro
kasama ang mga ito.
d. Hindi ito makaaapekto dahil alam naman niyang laging nariyan ang kanyang mga
kasamahan na patuloy ang masugid na pagsasanay at nakahandang sumuporta sa kanya sa
laro.
16. Sa pagpasok ni Angeline sa high school ay naging kapansin-pansin ang kanyang
pagiging matangkad. Isang araw ay nilapitan siya ng isang kaklase ay inalok na
sumali sa volleyball team ng paaralan. Nabuo ang interes sa kanyang isip na sumali
dahil wala pa siyang kinahihiligan ng sports hanggang sa kasalukuyan. Hindi pa
siya nagkapaglalaro ng volleyball minsan man sa kanyang buhay ngunit nakahanda
naman siyang magsanay. Sa kabila ng mga agam-agam ay nagpasiya siyang sumali
rito. Ano kaya ang magiging kahihinatnan ng pasya ni Angeline?
a. Magiging mahusay siya sa paglalaro ng volleyball dahil sa kanyang interes at
kahandaan na dumaan sa pagsasanay.
b. Magiging mahusay siya sa paglalaro sa matagal na panahon dahil hindi siya
makasasabay sa kanyang mga kasama na matagal ng nagsasanay.
c. Magiging mahirap ang kanyang pagdaraanan dahil hindi sapat ang kanyang pisikal
na katangian lalo na at wala naman siyang talento sa paglalaro ng volleyball.
d. Magiging mahirap lalo na sa kanyang pangangatawan dahil hindi siya sanay sa
paglahok sa anomang isports sa matagal na panahon.
17. Sa murang edad ay dapat ng matuklasan ang talento at kakayahan upang mahaba ang
panahon ng pagpapaunlad nito. Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil ang patuloy at mahabang pagsasanay ang nagpapaperpekto sa talento
at kakayahan ng tao.
b. Tama, dahil mas mahabang panahon ang maitutuon sa mga pagsubok sa talento
katulad ng pagsali sa paligsahan at mga pagtatanghal
c. Mali, dahil walang takdang panahon ang pag-usbong ng talent
d. Mali, dahil maaring magbunga ito ng pagkabagot at pagkasawa
18. Ang mga sumusunod ay katangian ng tiwala sa sarili maliban sa:

Address: Si琀椀o Dojoc, San Juan, Botolan, Zambales


Email: 500508@deped.gov.ph
Facebook: Dojoc Balite Integrated School

Downloaded by Rose Eden Abitong (edenfalcasantosabitong@gmail.com)


lOMoARcPSD|20024235

Republic of the Philippines


Department of Education
Region III (Central Luzon)
Schools Division of Zambales
DOJOC BALITE INTEGRATED SCHOOL -School ID: 500508
Purok 7 Brgy. San Juan, Botolan, Zambales
a. Ito ay hindi namamana
b. Ito ay nababago sa paglipas ng panahon
c. Ito ay hindi nakasalalay na sa mga bagay na labas sa ating sarili
d. Ito ay unit-unting natutuklasan bunga ng karanasan
19. Mababa ang marka ni Leo sa English dahil hirap siya sa asignaturang ito.
Palaging mababa ang kanyang marka sa mga pagsusulit at hindi siya magkaroon
ng lakas ng loob na magrecite sa klase dahil hirap siya sa pagsasalita ng inlges. Ano
ang maaarig maging solusyon sa suliranin ni Leo?
a. Maglapat ng mga paraan kung paano isasagawa ang pagpapaunlad ng kanyang
kakayahan sa pagsasalita at pagsusulat sa Ingles
b. Tayahin kung ano ang dahilan ng kanyang kahinaan sa asignatura
c. Tukuyin kung ano ang nais na matutuhan upang ito ay paularin
d. Lahat ng nabanggit
20. Bakit may mga taong nagsasabi na sila ay ipinanganak na walang talento?
a. Dahil hindi sila naglalaan ng panahon upang ito ay tuklasin
b. Dahil mayroon talagang tao na ipinanganak na walang talento
c. Dahil hindi pa panahon upang matuklasan nila ang kanilang talent
d. Dahil hindi nila kinikilala ang kanilang mga kakayahan na talento dahil hindi naman
ito makaagaw atensyon
21. Galing sa salitang Latin na virtus (vir) na nangahulugang “ pagiging tao, ” pagiging
matatag at pagiging malakas.
a. Virtue b. habit
c. gawi d. habere
22. Ito ay bunga nang paulit-ulit na pagsasakilos o pagsasagawa ng isang kilos.
a. Kilos b. gawi
c. birtud d. valore
23. Ito ang uri ng birtud na may kinalaman sa isip ng tao.
a. Moral na Birtud b. katarungan
c. Intelektuwal na Birtud d. katatagan
24. Ito ang uri ng birtud na may kinalaman sa gawi na nagpapabuti sa tao.
a. Moral na Birtud b. maingat na paghuhusga
c. Intelektuwal na Birtud d. karunungan
25. Ito ay uri ng intelektuwal na birtud na pinakapangunahin sa lahat ng birtud na
nakakapagpaunlad ng isip.
a. Pag-unawa b. agham
c. karunungan d. Sining
26. Ito ang itinuturing na ina ng mga birtud sapagkat ang pagsasabuhay ng ibang mga birtud
ay dumadaan dito.
a. Maingat na Paghuhusga b. katarungan
c. pagtitimpi d. katatagan
27. Ito ay nagmula sa salitang Latin na valore na nangangahulugang pagiging malakas o
matatag at pagiging makabuluhan o pagkakaroon ng saysay o kabuluhan.
a. Gawi b. pagpapahalaga
c. birtud d. katatagan
28. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi totoo tungkol sa halaga (values)?
a. Ito ay nagmula sa salitang Latin na valore
b. Ito ay obheto ng ating intensyonal na damdamin.
c. Ito ay nababago depende sa tao, sa lugar at sa panahon.

Address: Si琀椀o Dojoc, San Juan, Botolan, Zambales


Email: 500508@deped.gov.ph
Facebook: Dojoc Balite Integrated School

Downloaded by Rose Eden Abitong (edenfalcasantosabitong@gmail.com)


lOMoARcPSD|20024235

Republic of the Philippines


Department of Education
Region III (Central Luzon)
Schools Division of Zambales
DOJOC BALITE INTEGRATED SCHOOL -School ID: 500508
Purok 7 Brgy. San Juan, Botolan, Zambales
d. Ito ay nangangahulugang pagiging matatag o malakas at pagiging makabuluhan
29. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi totoo tungkol sa birtud?
a. Ang birtud ay laging nakaugnay sa pag-iisip at kilos ng tao.
b. Ang salitang birtud ay galing sa salitang Latin na virtus o vir.
c. Ang birtud ay natural lamang na taglay ng lahat ng nilikha ng Diyos.
d. Ang gawi ay bunga ng paulit-ulit na pagsasakilos na nakamit dahil sa pagsisikap.
30. Ano ang moral na birtud na gumagamit ng kilos-loob upang ibigay sa tao ang nararapat
para sa kanya: sino man o ano man ang kanyang katayuan sa lipunan?
a. Karunungan b. kalayaan
c. katarungan d. katatagan
Si David na taga-Belen ang pangalawa at pinakadakilang hari ng Israel.
Nananalig siya sa Diyos at ang Diyos ay sumasakaniya. Kaya ang pangalang David
ay hindi malilimutan ng bayan ng Diyos. Sa Israel maraming kuwento tungkol sa
kaniya. Si David ang pinakabunsong anak ni Jesse. Nagpapastol siya nang
dumating si Samuel para mahirang siyang hari. Siya ay mabuting pastol. Kilalala at
mahal niya ang kaniyang mga tupa. Hindi niya pinababayaan ang mga iyon kapag
may lumulusob na leon o oso. Si David ay matapang. Hindi siya natatakot sa mga
kalaban ng Diyos at ng bayan. Noong maliit pa siya, pinuntahan niya ang kaniyang
mga kapatid sa kampo ng labanan. Doo’y nalaman niyang si Goliath ay hinahamon
ang mga Israelita at ang kanilang Diyos. Subalit walang sinuman ang mangahas na
lumaban sa kaniya. Sinabi sa kaniya ni David: “Malalaman mo kung gaano kalakas
ang Diyos ng Israel”. Nilagyan niya ng bato ang kanyang tirador, pinaikot ito at
pinakawalan patungo kay Goliath. Tinamaan ang higante sa noo at bumagsak sa
lupa. Natakot ang mga kaaway ng mga Israelita at sila’y patakbong umalis.
Marunong umawit at tumugtog ng alpa si David. May sandaan at limampung awit
sa Aklat ng mga Salmo ang inaawit ni David. Ito ang aklat ng mga awit ng bayan ng
Israel. Sa loob ng ilang panahon, nakatira si David sa palasyo ni Haring Saul. Kapag
nalulungkot si Saul, tinutugtugan siya ni David, at sumasaya siyang muli. Kayang
talunin ni David ang mga kaaway sapagkat sumasakaniya ang Diyos. Kaya ginawa
siyang puno ng mga kawal. Sa kaniyang pagtatagumpay, siya’y naging sikat at
malapit sa mga tao. Dahil dito, naiinggit sa kaniya si Saul at gusto siyang patayin.
Sa loob ng ilang taon ay nagtago siya kasama ang kaniyang mga kaibigan upang
matakasan si Saul. Muling nilusob ng mga Filesteo ang Israel, pero hindi ito
nakayanan ng mga kawal ni Saul. Namatay ang tatlong anak ni Saul sa bundok ng
Gilboa. Si Saul nama’y malubhang nasugatan. Sinaksak niya ang sarili at patay na
nang bumagsak sa lupa (1 Sam :16-31). Nang namatay si Saul, si David ang naging
hari sa buong Israel. Sinakop niya ang Jerusalem at ginawa itong sentro ng
kaniyang kaharian. Sagutin ang mga tanong sa iyong kuwaderno matapos na
mabasa ang kuwento.
31. Ano-ano ang katangian ni David na naging dahilan upang siya ay tumanyag at sa huli’y
maging hari ng Israel? Ipaliwanag kung paano nakatulong ang katangiang ito upang maging
matagumpay siya at sa huli’y maging hari.
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________

32. Paano natalo ni David si Goliath sa kanilang engkuwentro? Anong aral ang masasalamin
sa pagkapanalo ng batang si David sa higanteng si Goliath?
______________________________________________________________________________________________

Address: Si琀椀o Dojoc, San Juan, Botolan, Zambales


Email: 500508@deped.gov.ph
Facebook: Dojoc Balite Integrated School

Downloaded by Rose Eden Abitong (edenfalcasantosabitong@gmail.com)


lOMoARcPSD|20024235

Republic of the Philippines


Department of Education
Region III (Central Luzon)
Schools Division of Zambales
DOJOC BALITE INTEGRATED SCHOOL -School ID: 500508
Purok 7 Brgy. San Juan, Botolan, Zambales
______________________________________________________________________________________________

33. Ipaliwanag ang sumusunod na kasabihan: “Ang hindi pagbibigay ng iyong pinakamahusay
ay pagwawalang-bahala sa regalong kaloob ng Diyos.”
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________

34. Ano ang regalong tinutukoy dito? Paano mo iuugnay ang kasabihang ito sa naging buhay
ni Haring David?
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________

Isang maikling anekdota na naman ang nagpapakita ng kahalagahan ng paglinang


ng ating mga talent at kakayahan.

35. Anong mga kataga ni Easy Ed Macaulay ang labis na nakatulong kay Bill Bradley upang
magtagumpay?
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________

36. Ano ang nagtulak upang lalong magtagumpay si Bill Bradley?


______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________

37. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng motibasyon sa pagtatagumpay ng isang tao?


______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________

Address: Si琀椀o Dojoc, San Juan, Botolan, Zambales


Email: 500508@deped.gov.ph
Facebook: Dojoc Balite Integrated School

Downloaded by Rose Eden Abitong (edenfalcasantosabitong@gmail.com)


lOMoARcPSD|20024235

Republic of the Philippines


Department of Education
Region III (Central Luzon)
Schools Division of Zambales
DOJOC BALITE INTEGRATED SCHOOL -School ID: 500508
Purok 7 Brgy. San Juan, Botolan, Zambales
38. Ano ang iyong motibasyon sa pagsusumikap na mapaunlad at magamit nang mahusay
ang iyong talento at kakayahan?
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________

39-40. Sumulat ng isang Liham para sa iyong mga mahal sa buhay na nagpapahayag ng
iyong pasasalamat sa buong puso nilang pagtanggap sa kung ano o sino ka bilang tao, bilang
nagdadalaga o nagbibinata.
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
41. Sa paanong paraan nagkakaroon ng kaugnayan ang halaga at birtud?
a. May kaugnayan ang halaga at birtud dahil pareho lamang itong naghahangad ng
kabutihan para sa tao.
b. Kung nakikita ng tao na ang isang birtud ay may malaking tulong sa kanyang
pagkatao pagyayamanin niya ito at pahahalagahan.
c. Kung nakikita ng tao na ang isang bagay ay mahalaga tutukuyin niya ang angkop na
birtud na mas makapagpapayaman dito.
d. Matatawag lamang na mahalaga ang isang bagay kung ito ay ginagabayan ng lahat
ng mga birtud.
42. Si Kryshna ay nagsisimula ng magdalaga, dumarating na ang pagkakataon na
nagpapaalam siya sa kanyang magulang na gagabihin sa pag-uwi sa bahay dahil may mga
proyektong kailangang gawin kasama ang kanyang mga kaklase. Kinausap ito nang mabuti ng
kanyang magulang upang sabihin na papayagan ito ngunit kailangang makauwi sa itinakdang
oras. Kapag hindi niya ito nagawa ay hindi na siya muling papayagan ng kanyang mga
magulang. Anong
mahalagang aral ang itinuturo sa kanya ng kanyang mga magulang?
a. Ang halaga ng pagsasabuhay ng mga birtud
b. Ang halaga ng pagtataglay ng moral na integridad
c. Tamang paggamit ng kanyang konsensya sa paghuhusga
d. Pag-unawa na ang kalayaan ay may kakambal na responsibilidad
43. Ito ang itinuturing na nasa pinakamababang antas ng pagpapahalaga, tumutukoy ito sa
mga pagpapahalagang nagdudulot ng kasiyahan sa pandamdam ng tao.
a. Pandamdam na Pagpapahalaga b. Pambuhay na Pagpapahalaga
c. Ispiritwal na Pagpapahalaga d. Banal na Pagpapahalaga
44. Ito ang pagpapahalagang may kinalaman sa mabuting kalagayan ng buhay (well-being).
a. Pandamdam b. Pambuhay
c. Ispiritwal d. Banal na Pagpapahalaga
45. Ang pagpapahalagang ito ay tumutukoy sa mga pagpapahalagang para sa kabutihan,
hindi sa sarili kundi ng mas nakararami.
a. Pandamdam na Pagpapahalaga b. Pambuhay na Pagpapahalaga
c. Ispiritwal na Pagpapahalaga d. Banal na Pagpapahalaga
46. ito ang pinakamataas sa lahat ng antas ng pagpapahalaga. Ito ay tumutukoy sa mga
pagpapahalagang kailangan sa pagkamit ng tao ng kaniyang kaganapan upang maging handa
sa pagharap sa Diyos.
a. Pandamdam na Pagpapahalaga b. Pambuhay na Pagpapahalaga
c. Ispiritwal na Pagpapahalaga d. Banal na Pagpapahalaga

Address: Si琀椀o Dojoc, San Juan, Botolan, Zambales


Email: 500508@deped.gov.ph
Facebook: Dojoc Balite Integrated School

Downloaded by Rose Eden Abitong (edenfalcasantosabitong@gmail.com)


lOMoARcPSD|20024235

Republic of the Philippines


Department of Education
Region III (Central Luzon)
Schools Division of Zambales
DOJOC BALITE INTEGRATED SCHOOL -School ID: 500508
Purok 7 Brgy. San Juan, Botolan, Zambales
47. Ang pagpapaunlad ng kaalaman/karunungan na siyang gawai ng ating isip ay makakamit
sa pamamagitan ng paghubog ng _________________.
a. Intelektwal na birtud b. Ispiritwal na birtud
c. Moral na birtud d. Sosyal na birtud
48. Ang mga sumusunod ay mga uri ng ispiritwal na halaga ayon kay Max Scheler, maliban
sa:
a. Pagpapahalaga sa katarungan
b. Pagpapahalagang pangkagandahan
c. Pagpapahalaga sa ganap na pagkilala sa katotohanan
d. Pagpapahalaga sa katiwasayan ng damdamin at isipan
49. Ang mga sumusunod ay katangian ng mataas na antas ng halaga maliban sa:
a. Mataas ang antas ng halaga kung tumatagal at hindi nababago ng panahon
b. Mataas ang antas ng halaga kung ito ay nagiging batayan ng iba pang halaga
c. Mataas antas ng halaga kung ito ay nakabatay sa organismong nakararamdam nito.
d. Kahit dumadami pa ang nagtataglay ng halaga mahirap pa ring mabawasan ang
kalidad nito
50. Ang ______________________________ ay tumutukoy sa pagbibigay-halaga sa mga bagay na
tumutugon sa pangunahing pangangailangan ng tao at sa mga bagay na maituturing lamang
ng rangya o luho.
a. pambuhay na halaga
b. ispiritwal na halaga
c. pandamdam na mga halaga
d. banal na halaga

Prepared by:

ESPERANZA D. DEL ROSARIO


Teacher I Parent/Guardian Signature

Checked:

AIDA G. BADAR
Principal I

Address: Si琀椀o Dojoc, San Juan, Botolan, Zambales


Email: 500508@deped.gov.ph
Facebook: Dojoc Balite Integrated School

Downloaded by Rose Eden Abitong (edenfalcasantosabitong@gmail.com)

You might also like