You are on page 1of 3

Sacred Heart Academy

Loon, Bohol
SY 2023-2024
Member: Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP)
and Bohol Association of Catholic Schools (BACS-Tagbilaran)
Email add: sacredheartacademyloon@yahoo.com
Tel #: (038) 505-8087

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (ESP)


Pangalan: ______________________________________________ Seksyon: _____________________________
Baitang: 7 Petsa: _____________ Iskor: ______

I - PAGPIPILI: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang
bilang. (2 puntos bawat isa)

___ 1. Ang mga sumusunod ay mahahalagang layunin ng inaasahang kakayahan at kilos (development task) sa bawat yugto ng
pagtanda ng tao maliban sa:
A. Nagsisilbing gabay kung ano ang inaasahan ng lipunan sa bawat yugto ng buhay
B. Nakatutulong upang malinang ang kakayahang iakma ang sarili sa mga bagong sitwasyon
C. Nagtuturo ng isang nagdadalaga / nagbibinatang mga nararapat na gawin na akma sa kanilang edad.
D. Nagsisilbing pangganyak o matibasyon upang gawin ng isang nagdadalaga / nagbibinata ang inaasahan sa kanya ng
lipunan
___ 2. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga inaasahang kakayanan at kilos na dapat malinang sa panahon ng pagdadalaga /
pagbibinata maliban sa ______.
A. Pagsisikap na makakilos ng angkop sa kanyang edad
B. Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki
C. Pagtamo at pagtanggap ng maayos na ugali sa pakikipagkapwa
D. Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing edad
3 -4. Basahin at unawain ang mga talata sa ibaba.pagkatapos sagutin ang bilang 3 – 4.

Pagtuntong ng isang bata sa kanyang ika-labintatlong taon, nagsisimula ang matulin at kagyat na pagbabago sa kanyang pag-
iisip at pag-uugali. Kung dati ay kuntento na ang isang batang lalaki sa paglalaro, ngayon ay tila naaakit na siyang tumingin sa
kababaihan. Gayundin ang isang batang babae: nagsisimula na rin siyang kumilos na tulad sa isang ganap na babae.

Sa panig ng kalalakihan, nagiging masiklabo ang kanilang pag-iisip at pag-uugali: laging tila humaharap sa hamon na susubok
sa kanilang katapangan. Nagiging mapangahas sila sa anumang bagay, waring ipinagwawalambahala ang panganib, nagkukunwaring
hindi nababalisa sa anumang suliranin. Ito ang panahon kung saan tila naghihimagsik ang isang kabataan, waring di matanggap ang
katotohanang hindi pa siya ganap na lalaki at nagpupuyos ang kalooban na pasubalian ito sa mundo. Ito ang panahon na ang isang lalaki
ay wala pang napapatunayan sa kanyang sarili at sa iba, kaya napakalaki ng kanyang kawalan ng seguridad, laging humahanap ng
pagkakataon na ipakita ang kanyang kahalagahan. Sa panig ng kababaihan, ang isang nagdadalaga ay nagsisimulang iwanan ang
daigdig ng mga manika at laruan, nag-iingat na kumilos nang magaslaw o tila bata. Isa siyang bulaklak na nagsisimulang mamukadkad.

___ 3. Ano ang pangunahing paksa ng sanayasay?


A. Ang pagbabago ng panahon ng pagdadalaga / pagbibinata
B. Ang mga karanasan na pinagdaraanan ng mga nagdadalaga / nagbibinata
C. Ang damdamin ng mga nagdadalaga / nagbibinata sa mga pagbababagong kanilang pinagdaraanan
D. Ang pagkakaiba ng pagbabagong pinagdaraanan ng isang nagdadalaga at nagbibinata
___ 4. Ano ang pangunahing pagkakaiba na inilarawan sa sanaysay sa pagitan ng isang nagdadalaga / nagbibinata?
A. Ang nagbibinata ay walang seguridad at ang nagdadalaga ay nakaramdam ng kalituhan
B. Ang nagbibinata ay nagiging mapangahas at ang nagdadalaga ay hindi na naglalaro ng manika at iba pang laruan
C. Ang nagbibinata ay nagiging masidhi ang pag-iisip at damdamin at ang nagdadalaga ay nagsisimulang maging pino sa
kanilang kilos
D. Ang nagbibinata ay nagsisimulang maging matapang at ang nagdadalaga ay nagsisimula nang kumilos na tulad ng isang
ganap na babae.
___ 5. Basahin ang mga katangian ng mga tinedyer sa ibaba. Ano ang mahuhubog kung ipagpapatuloy ng bawat isa ang kanyang gawi?
 Palaging sinasabi ni Rosemarie sa kanyang sarili na hindi na siya perpekto, alam niyang sa bawat pagkakamali ay mayroong
matutuhan.
 Hinahasa ni Stephanie ang kanyang kakayahang suriin at tayahin ang kanyang sariling mga pagtatanghal bilang isang mag-
aawit.
 Hindi hinahayaan ni Anthony na talunin ng takot at pag-aalinlangan ang kanyang kakayahan.
 Hindi natatakot si Renato na harapin ang anomang hamon upang ipakita niya ang kanyang talento
A. Tapang C. Tiwala sa sarili
B. Talento at kakayahan D. Positibong pagtingin sa sarili
_______________________________________________________________________________________
Vision: An institution of God-fearing, God-loving, and well transformed individuals Prepared by: RENARIO B. RALLON. LPT
Mission: To provide quality education and values formation Subject Teacher
Goals: inspired by the school’s vision-mission statement and the Divine Providence, we commit ourselves to:
 become person for others by sharing what we have and what we are;
 have a harmonious relationship among administrators, teachers, parents and students based on Trinitarian Spirituality; MARIA RIZASubject
B. PALARAO,
TeacherMAED
 develop a pro-People, a pro-Nation, a pro-Earth, and a pro-God community
Parent’s/Guardian’s Signature over Printed Name
___ 6. Bakit mahalaga ang pagtamo sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinatang bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing-
edad?
A. Upang masisiguro niya na mayroong tao na tatanggap sa kanyang mga kalakasan at kahinaan
B. Upang magkaroon siya ng kalaro na magtuturo sa kanya ng pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad
C. Upang mapatunayan sa lahat ng tao na may kakayahan siyang makipag-ugnayan nang maayos sa kanyang kasing-edad
D. Upang magkaroon siya ng makakasundo na tutulong sa kaniya upang matanggap sa isang pangkat na labas sa kanyang
Pamilya
___ 7. Sa yugto ng maagang pagdadalaga o pagbibinata, inaasahan na ang pagkakaroon ng tinedyer ng kasintahan (girlfriend /
boyfriend). Ang pangungusap ay:
A. Tama, dahil mahalagang mamulat ang nagdadalaga o nagbibinata sa pagbuo ng relasyon sa katapat na kasarian sa maagang
panahon
B. Tama, dahil ito ay makatutulong sa kanya upang matutong humawak ng isang relasyon at maging handa sa magiging
seryosong relasyon sa hinaharap
C. Mali, dahil mahalagang masukat muna ang kahandaan ng isip at damdamin ng isang nagdadalaga / nagbibinata sa paghawak
ng isang seryosong relasyon
D. Mali, dahil hindi pa nararapat na magkaroon ng seryosong relasyon ang isang tinedyer.
___ 8. Si Cleofe ay iskolar sa isang pamantasang mataas ang kalidad. Napaliligiran siya ng mga mayayaman na kamag-aral. Labis ang
kanyang pagkabalisa dahil alam niyang hindi naman siya makasasabay sa mga ito sa maraming bagay. Ano ang
pinakamakatuwirang gawin ni Cleofe?
A. Makipagkaibigan lamang siya sa kapwa niya mga iskolar na mahirap din.
B. Ipakita niya ang kanyang totoong pagkatao.
C. Kausapin niya ang kanyang mga magulang upang bumili ng mga gamit at damit na halos katulad ng sa mga mayayamang
kamag-aral.
D. Maki-angkop sa kamag-aral na mayaman sa oras na sila ang kasama at sa mga kapwa niyang iskolar na mahirap kung sila
naman ang kasama.
___ 9. Masasabi lamang na ganap ang pakikipag-ugnayan kung handang ipaalam ang lahat sa kapwa. Ang pangungusap ay:
A. Tama, dahil ito ay nagpapakita ng tiwala sa kapwa.
B. Tama, dahil ito ang magiging simula ng isang malalim na pakikipag-ugnayan.
C. Mali, dahil sa kasapi ng pamilya lamang nararapat na sasabihin ang lahat ng sikreto.
D. Mali, dahil mahalagang magkaroon ng limitasyon upang hindi magamit ang mga impormasyon tungkol sa sarili laban sa kanya
sa hinaharap.
___ 10. Si Bernard ay mababa ang tiwala sa sarili sa kabila ng kanyang talento. Hindi niya ito ipinakikita sa paaralan dahil sa takot na
hindi
ito maging kalugod-lugod sa iba pang mga mag-aaral. Ano ang makatuwirang gawin ni Bernard?
A. Kausapin niya ang kanyang sarili at sabihin na hindi matatalo ng hindi pagtanggap ng iba sa kanyang talento ang kanyang
pagnanais na umangat dahil sa kanyang kakayahan.
B. Humingi siya ng papuri mula sa kanyang mga kaibigan at kapamilya na makatutulong upang maiangat ang kanyang tiwala sa
sarili.
C. Harapin niya ang mga hamon nang may tapang at hayaang mangibabaw ang kanyang kalakasan.
D. Huwag niyang isipin na mas magaling ang iba sa kanya, bagkus isipin niya na siya ay nakaaangat sa lahat.

II - PAG-IISA-ISA: Ibigay ang hinihingi ng mga sumusunod na pahayag. Isulat ang sagot sa mga pawang na nakalaan. (1 punto bawat
isa)

1. Mga pagbabagong pisikal sa nagdadalaga at nagbibinata:


Babae Lalaki
1. 1.

2. 2.

3. 3.

4. 4.

5. 5.

2. Mga bertud na dapat taglayin ng nagdadalaga at nagbibinata:


1. ___________________________________
2. ___________________________________
3. ___________________________________
4. __________________________________
5. __________________________________

III – PAGSUSURI: Suriin ang ipinapahayag ng bawat pangungusap sa ibaba. Isulat ang KABUTIHAN kung ang ipinapahayag ay
kabutihan
kung hindi ka sasama at DI KABUTIHAN, kung ang ipinapahayag naman ay ang hindi kabutihan kung sasama ka.
Isulat
ang sagot sa patlang bago ang bilang. (2 puntos bawat isa)

Sitwasyong pagpapasyahan: Inaaya ka ng mga kaibigan mong kapwa babae sa isang “night swimming” sa isang private pool kasama ang
mga kaibigang lalaki. Ang alam daw ng mga magulang nila ay “group work” ng project at mag-overnight sa isang kaibigan. Sasama ka
ba? Kung hindi, iiwasan ka na raw nila.

_____________________ 1. Makakaiwas ako sa galit ng mga magulang ko lalo na kapag nalamang sinungaling ako.
_____________________ 2. Makakaiwas ako sa maaaring mangyari dahil gabi ang swimming at may mga kasamang lalaki.
_____________________ 3. Iiwasan na nila ako kapag hindi ako sumama.
_____________________ 4. Mawawalan na ako ng mga kaibigan.
_____________________ 5. Hindi mawawala ang tiwala ng mga magulang ko at tiwala sa akin ng mga magulang ng mga kaibigan ko.
_____________________ 6. Mas nakilala ko sila bilang mga sinungaling sa magulang.
_____________________ 7. Hindi ko mararanasang mag-swimming sa gabi.
_____________________ 8. Sayang ang pagkakataong makakasama ko sila.
_____________________ 9. Baka ipagsabi nila na hindi ako marunong makisama.
_____________________ 10. Mas maging mapanuri sa mga magiging kaibigang bago.

IV - MAIKLING PAGTUGON: Basahin ang mga sumusunod na pahayag at magbigay ng sariling pangangatuwiran.
Krayterya: Nilalaman-5, Kumbensiyon ng pagsulat – 3, Organisasyon – 2, Kabuuan = 10

1. May “group project” kayo at kailanganng gawin sa bahay ng isa mong kapangkat. Ayaw kang payagan ng mga magulang mo. Paano
mo sila kukumbinsihin dahil may takda lamang ng pagpapasa nito?

__________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________

2. Sa gulang mo ay mayroon nang naghahatid sa iyo buhat sa paaralan hanggang bahay. Kaibigan lang daw pero napapansin ng mga
ka-klase mo na may gusto pala sa iyo. Paano mo siya pagsasabihan na “Huwag” ka niyang ihatid?

__________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________

Most Sacred Heart of Jesus, Have mercy on us. Immaculate Heart of Mary, Pray for us. St. Joseph, Pray for us.

You might also like