You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-ACALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
BALAYAN SENIOR HIGH SCHOOL
CALOOCAN, BALAYAN, BATANGAS

Arroyo, Jillianne Isabhelle M.


STEM 11- Casimiro Del Rosario

SINTESIS
Pamagat: Transisyon ng Pagtuturo ng Isang Guro mula Pribadong Paaralan
Patungo sa Pampublikong Paaralan
Anyo ng Sintesis: Explanatory Sintesis
Layunin: Matukoy ang transisyon ng isang guro sa pagtuturo mula pribadong
paaralan patungo sa pampublikong paaralan

Sa muling pagbabalik ng Pilipinas sa normal na setup matapos ang


tatlong taong pananaig ng pandemya, alinsunod dito ay ang muling pagbabalik ng
mga board exams makaraan ang ilang taong pagkakatigil nito. Isa na rito ay ang
Licensure Exam for Teachers (LET), kung saan hindi pinalagpas ng mga kaguruan
sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas ang pagkuha nito. Maraming guro mula sa
pribadong paaralan ang nakapasa kaya’t nagkaroon na ng pagkakataon na
makapagturo sa pampublikong paaralan.
Ayon kay L. De Guia (2023), may dalawang culture shock sa kanyang
paglipat sa pampublikong paaralan. Una, maraming mag-aaral at mga kaguruan ang
kanyang nakakahalubilo kumpara noong siya’y nasa pribadong paaralan. Pangalawa
ay ang deadline, may mga trabaho na kailangang agarang gawin kaagad kahit
kabibigay lamang. Pagdating sa mga mag-aaral, napansin ni De Guia ang malaking
deperensya ng populasyon, at kaugalian ng mga mag-aaral. Ang mga mag-aaral sa
pribadong paaralan ay mas maayos ang pag-uugali kumpara sa nasa pampublikong
paaralan. Ayon kay De Guia, parehas ang diskarte ng mga guro sa pagtuturo sa
pribado at pampublikong paaralan sapagkat, isa lamang ang layunin nila -
makapaghatid ng kwalidad na edukasyon.
Para kay De Guia (2023), mas malaki ang sahod at mas maraming
benepisyo ang natatanggap ng isang guro sa pampublikong paaralan, sapagkat
inaalagaan ng gobyerno ang kailang mga empleyado.

Balayan Senior High School (Formerly SHS Within Caloocan ES)


Caloocan, Balayan, Batangas 4213
Email address: 342209@deped.gov.ph

You might also like