You are on page 1of 1

Implementasyon ng Catch-up Fridays, Kasado na!

Jasmine Jane Machitar

(Mga mag-aaral sa grade 10-Luna, aktibong nakiisa sa partisipasyon para sa catch-Up Friday. Tagakuha ng larawan:
Rowena M. Banzon, MTI)

Kasado na sa buong bansa ang “Catch-up Fridays - Matatag Curriculum” na programa ng Kalihim ng
Departamento ng Edukasyon at Bise Presidente ng Republika ng Pilipinas Sara Z. Duterte nitong
Enero 12, 2024.
Batay sa DepEd memorandum NO.001 s.2024, “The Implementation of Catch-up Fridays” ay
inisyatibo na nakaangkla sa Drop Everything and Read (D. E. A. R.) programa matapos tumuntong
sa ika-77 na antas sa pinakamababa ang Pilipinas sa kamakailang istandard na pagsusulit ng
Programme for International Student Assessment (PISA).
Layon ng implementasyon na ito na laliman and kalidad ng pag-unawa ng mga kabataan sa larangan
ng pagbasa at pagsulat.
Ayon sa Bise sa kaniyang interbyu sa Rise and Shine Pilipinas, ito ang hakbang ng DepEd upang
maitaas pa ang kalidad ng kahusayan at lebel ng mga mag-aaral pag-dating sa pagbabasa at pag-
unawa.
“Ito yung strategy natin sa paghahabol sa part ng ating learning recovery program, dahil Nakita natin
na ginagawa naman natin lahat noon pero hindi pa rin nag-i-improve ang performance ng ating
learners particularly sa International Assessment”,sasay nito.
Nakikita rin ni VP Sara na mababa ang kalidad ng edukasyun dito sa ating bansa, kaya nais niyang
simulan sa pagreresolba ng sanhi at matuto ang mga kabataan.
Pag-amin niya, “Marami tayong non-readers at slow-readers kaya kailangan natin silang tutukan at
bigyan ng araw tuwing Biyernes para malinang ang kanilang pamamaraan sa pagkatuto”.
Hinihimok ng ahensya na gabayan at hikayatin ang mga kabataan ng pampublikong paaralan mula
elementarya at secondarya para mas maging mas dekalidad ang opurtunidad ng kanilang
kinabukasan.

You might also like