You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region II – Cagayan Valley
Schools Division Office of Isabela
San Mateo North District
SAN MATEO NORTH CENTRAL SCHOOL
Purok 05, Salinungan West, San Mateo, Isabela

Pag-asa sa Pagbasa
Literacy gap prayoridad ng DepEd
Catch-Up Friday DEAR pinagtibay

Patuloy na tinututukan at inaaksyonan ang malaking hamon sa kagalingan ng mga mag-aaral sa literasiya base sa
mababang resulta sa mga isinagawang Phil-IRI at EGRA pre-assessment , diagnostic test, pagsusulit sa unang
markahan, performance tasks at written works ng mga mag-aaral sa muling pagbubukas ng klase, 2023-2024.

Ayon sa isinagawang mga pagsusuri, mahigit 50 porsyento pa rin ang mga mag-aaral ang hirap sa pag-intidi ng mga
aralin sa English, Filipino at maging sa Special Program in Journalism (SPJ) na itinuturo sa ika-4-6 na baitang.

Bilang tugon ng paaralan nilunsad ang Project Catch-Up Friday DEAR o Drop Everything and Read ng DepEd na
naglalayong punan ang learning gaps sa pamamagitan ng paglalaan ng isang buong araw ng Biyernes para sa
Pagbasa, Values, Peace at Health Education.

Ilan sa mga isinasagawang gawain ay ang pagbibigay ng mga interbensyon ,pagtutok sa mga mag-aaral na
nahihirapan sa pagbasa sa tulong ng Each-One-Teach-One technique at pagkakaroon ng remedial teaching.

Ayon kay Ginang Jennifer S. Gannod, punong guro, malaki umano ang suliranin sa reading na dapat tugunan ng
bawat isa.

“Mahihirapan ang mga bata sa ibang aralin kung hindi muna bibigyang pansin ang kanilang literacy skills dahil sa
pagbabasa nakasalalay ang kagalingan nila sa lahat ng mga aralin.” Pahayag ni Gng. Gannod.

Samantala, isa sa tinalakay sa unang PTA meeting na isinagawa ay kung paano patatatagin ang suporta nila sa
pagresolba at pagtugon sa krisis ng edukasyon. Napagkasunduan nilang sila ay magbu-bulontaryo sa pagbabasa sa
mga mga batang mahihinang bumasa tuwing tanghali, pagbibigay ng mga babasahin, moral at maging pinansyal na
suporta.

“Ang suporta ng bawat isa ang kailangan upang masolusyonan ang ang suliranain ng ating mga anak.” ani ni Ginang
Ludylyn Reyes, PTA President.

Umaasa ang paaralan na sa tulong ng programang ito, mapapataas na ang literacy skills at mapapalawig ang interes
ng mga bata sa pagbabasa

103779@deped.gov.ph School ID: 103779


09171473505 Purok-05, Salinungan West, San Mateo Isabela 3318
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
Schools Division Office of Isabela
San Mateo North District
SAN MATEO NORTH CENTRAL SCHOOL
Purok 05, Salinungan West, San Mateo, Isabela

103779@deped.gov.ph School ID: 103779


09171473505 Purok-05, Salinungan West, San Mateo Isabela 3318

You might also like