You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Pampanga
DIOSDADO MACAPAGAL MEMORIAL HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
Solib, Floridablanca, Pampanga

October 25, 2021

Minamahal Naming Mga Magulang,


Mapagpalang Araw Po!

Ang atin pong paaralan ay ibig ipabatid sa inyo ang mga sumusunod na impormasyon na may kinalaman sa
implementasyon ng Senior High School Homeroom Guidance Program (HGP) na nagsimula po ngayung taong
panuruan 2021-2022. Ito ay kasali na sa pag-aaralan ng ating mga anak katulad ng iba pa nilang mga asignatura
batay sa DepEd Memorandum-OUCI-2021-346; DepEd Memo No.091, S.2021 (Implementation of Homeroom
Guidance During Crisis Situation).
Ang mga sumusunod ay ang mga mahahalagang impormasyong dapat na malaman:
1. Ang HGP ay isang programa na tutulong at gagabay sa inyong mga anak sa larangang Academic,
Personal/Social, and Career Development.
2. Hindi po kasama sa pagcompute ng marka ng ating anak ngunit ito ay isasama sa kaniyang SF-9 o Form 138
at SF-10 o Form 137.
3. Ang pagbibigay ng marka sa HGP ay hindi po numerical katulad ng markang 80, 81, 90 atbp. Ito ay sa
paraang Verbal Description tulad ng Needs Improvement o NI, Developing o D, atbp.
4. Mayroon din pong SLM o modyul ang HGP na ipadadala sa celfone (digital) ng inyong anak at sa mga
walang kakayahan na makatanggap sa pamamagitan ng digital ay inyo pong kukunin sa paaralan kada
distribution kasabay ng iba pang subjects ng ating anak.
Paalala po mga minamahal naming mga magulang, gabayan po natin ang ating mga anak sa kanilang pag-
aaral, alam namin na mahirap ang inyong responsibilidad at sitwasyon ngunit mas mahalaga po ang kanilang
kaligtasan. Dahil dito, buong pagpapakumbaba naming hinihingi ang inyong tulong at pang-unawa.

Sa mga minamahal naming mga mag-aaral, alam namin at nauunawaan ang inyong kalagayan lalo na sa
inyong pag-aaral sa ilalim ng modyular - digital na pamamaraan, ngunit ang inyong pang-unawa at pakikiisa sa
programa ng DepEd ngayong pandemya ay higit na mahalaga, bagamat tayo ay nakararanas ng kahirapan ng
sitwasyon dulot ng pandemya, nararapat pa ring maituloy ang inyong pag-aaral at maipagkaloob ang inyong
karapatan sa edukasyon.
Ano mang maitutulong ng ating paaralan ay malugod naming bibigyan ng pansin.

Lubos na gumagalang,

MR. RUSSELL A. CASUPANAN


Guidance Advocate

Noted by: Approved by:

MRS. ELSA S. BELTRAN MS. EDITHA D. ANTONIO


Head Teacher III Principal III

You might also like