DXRB
Scriptwriting and Broadcasting
November 8, 2022
Voice: Mula sa bulwagang pambalitaan, himpilan at sandigan ng bayan, Ito ang DXRB!
Anchor 1: Mga kaganapang nakalap sa loob at labas ng bansa.
Anchor 2 : Mga isyung tinututukan.
Voice: DXRB!
Sa loob ng limang minuto, mag hahatid ng balitang sik-sik, sulit na sulit. Sa DXRB, Narito ang
tambalang Ronda.
Ito ang Ronda Balita!
(Sounds TING)
Anchor 2: Ang oras natin ngayon ay minuto makalipas ang alas ng , araw ng
,ika- ng Nobyembre taong dalawang libo dalawampu’t apat.
(Background music lively)
Anchor 1: Isang Mapagpalang araw
Pilipinas! Anchor 2: Ito ang inyong kaibigan,
(name) Anchor 1: At inyong kaagapay,
(name) Anchor 1&2: At kayo’y nakikinig sa….
RONDA BALITA!
(Sound lalakas)
Voice: Para sa ulo ng nag babagang balita.
Anchor 1: Pulisya nagbabala laban sa tahamak na ‘Ikaw Ba ang nasa Video’ link online
Voice: DXRB
10 1
Anchor 2: Isang guro patay at dalampu ang sugatan matapos mahulog sa bangin ang sinasakyang bus
sa Orani, Bataan.
Voice: DXRB
(dagling pagputol ng kanta)
Anchor 2: Para sa mga detalye
(Continue ng Background sound)
Anchor 1: Isa ka rin ba sa mga nakatanggap ng link na may bungad na tanong, ‘Ikaw ba ang nasa
video?’ May babala ang pulisya ukol dito. Viral muli online ang isang paalala ng Regional-Cybercrime
Unit 8 ng Philippine National Police (PNP) laban sa nasabing modus ng mga scammer. Paliwanag kasi ng
awtoridad, isang uri ito ng phishing link na partikular na ipinapakalat sa Facebook Messenger. Dagdag ng
babala, ang nasabing link ay maaaring makapag-hack, o mangompromiso sa account ng sinumang
makatatanggap nito. Kaya ang malinaw na payo nila, iwasang buksan ang nasabing link upang hindi
mabiktima ng online scam, identity theft at ilegal na pag-akses sa pribadong social media account.
Anchor 2: Isa ang nasawi habang higit 20 ang sugatan matapos na mahulog sa bangin ang sinasakyan
nilang DepEd bus service sa bahagi ng Barangay Tala sa Orani, Bataan nitong Sabado. Sakay ng bus ang
isang grupo ng mga public school teacher mula Quezon City. Ayon sa School Division Office ng Quezon
City, dumalo ang mga guro sa gender and development activity sa isang resort sa Bataan. Sa inisyal na
ulat, lulan ng naturang bus ang ilang mga guro. Ayon sa isa sa mga faculty na si Mon Aspa – nahulog sa
bangin sa Sito Butarero ng naturang Bayan. Pauwi na raw sana sila mula sa dinaluhan nilang isang
seminar sa Sinagtala Resort. Lumabas sa paunang imbestigasyon ng Metro Bataan Development
Authority na nawalan ng preno ang bus, dahilan para mawalan ng kontrol, at mahulog sa matirik na
bangin. Ilan naman sa mga nasugatan ang dinala sa Orani District Hospital para sa first aid, X-ray at CT
scan habang tatlo ang isinugod sa Balanga Provincial Hospital. Ikinalungkot naman ng lokal na
pamahalaang lungsod ng Quezon ang nangyaring aksidente at tiniyak ang pagpapaabot ng tulong sa
mga biktima. Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.
(Sounds Malakas mag papalit)
Anchor 1: Proteksyon sa GIG Economy Workers, Muling isinusulong ni Hontiveros
RONDA (____) , ibahagi mo.
10 1
News Presenter: Hinikayat ni Sen. Risa Hontiveros ang pagsasabatas sa inihain niyang Senate Bill No.
1373 o ang panukalang protektadong Online workers, Entrepreneurs, Riders, and Raketera (POWER)
Act na layong protektahan ang karapatan at kapakanan ng gig economy workers sa bansa. Isinusulong
ito ng senadora matapos matagpuang patay ang dilevery rider na si Noel Escote habang nakasampa sa
kanyang motor noong nakaraang linggo.
Anchor 1: Salamat (name), Mag babalik po ang
Anchor 1&2: RONDA BALITA
(Sandaling pag putol ng sounds)
(Bagong Sound effects)
Infomercial:
A: Akala ko ba mahalaga ako sayo ? Eh bakit hindi mo pinaparamdam? Tubig lang ako,
nababawasan, nauubos din.
B: Ikaw na nga ang nag sabi walang forever, kaya pag hindi mo ko tinipid, iningatan at
pinahalagahan mawawala ako sayo at kahit ikaw mawawala dito sa mundo. Kaya
mahalin mo ang isang hamak na tubig na gaya ko.
C: Panahon na naman ng El niño. Panahon na naman para mas magtipid at gamitin ng
wasto ang tubig.
Ito ay mahalagang paalala mula sa Maynilad at Manila water
(Malakas na pasok ng kanta Papahina)
(Pasok ng bagong kanta)
Anchor: Kayo’y patuloy na nakikinig sa …
Voice: DZRB… DZZZZ… RADYO NG MASA … DZRB
Anchor 1&2: KALISTO BALITA.
(Sounds-Mag papalit)
Anchor 1: Para naman sa ating balitang isports Mula sa sa Liverpool, United Kingdom, (REPOTER
NAME), Ibahagi mo.
YULO NAGTAPOS SA 8TH PLACE SA 2022 WORLD GYMNASTICS CHAMPIONSHIPS
10 1
Sports Presenter: Nagkasya sa 8th place si Filipino gymnast Carlos Yulo sa men’s all-around finals ng
2022 World Gymnastics Championships na ginanap sa Liverpool, United Kingdom. Sa kabila ng
magandang simula ni Yulo matapos makakuha ng 15.166 sa pet event floor exercise nasa 11.900
points lamang ang nakuha nito pommel horse dahilan para bumaba sa 12th place standings matapos
ang second rotation. Nakuha ng Filipino wunderkind ang 13.500 sa rings at bagamat naging maayos
ang performance nito sa vault nasa 14.16 lamang ang ibinigay sa kanya ng judgees para umangat ito sa
seventh spot. Lalo pang pinalakas ni Yulo ang kanyang medal bid sa pamamagitan ng impresibong
15.166 finish sa parallel bars para umakyat pabalik sa ikaanim na puwesto sa pagtatapos ng
penultimate rotation. Ngunit hindi napanatili ni Yulo ang momentum, tinapos nito ang kanyang huling
pag-ikot sa isang 11.900 na output sa parallel bars upang yumuko sa pagkatalo na may huling marka
na 82.098.
Inangkin ni Daiki Hashimoto ng Japan ang gintong medalya na may 87.198 habang si Boheng Zhang ay
nakakuha ng silver sa 86.765 na pagtatapos. Isa pang Japanese bet na si Wataru Tanigawa ang nakakuha
ng bronze matapos makakolekta ng 85.231.
Mula sa sa Liverpool, United Kingdom, (REPORTER NAME), Naguulat.
(Sound lalakas)
Voice: DZRB! Mata ng bayan, boses ng katotohanan. DZRM
Anchor 1: Iyan po ang limang minutong pagbabalita mula sa istasyong di lamang naghahatid ng balitang
sariwa kundi balitang tumatatak din sa inyong puso at diwa.
Anchor 2: Ito ang inyong tagapagbantay, (NAME)
Anchor 1: At lagi nyong kaagapay, (NAME)
Anchor 2: Balitang tapat.
Anchor 1: Balitang Sapat .
Anchor 1&2: Lahat ilalantad, Sa inyo’y nararapat
KALISTO BALITA
Voice: DZRB, Otso-Otso.
10 1