You are on page 1of 5

CJAMC

SCRIPTWRITING AND BROADCASTING

(MALAKAS NA BAGSAK NG TUNOG AT BIGLANG HIHINA)

STATION ID: CJAMC TAGAPAGHATID NG MGA NAGBABAGANG BALITA, WALANG KINIKILINGAN


TANGING SA KATOTOHANAN LAMANG, ITO ANG CJAMC BOSES NG SAMBYANAN.

CJAMC SA PALAPIHITAN NG INYONG MGA RADIO

(START OF MUSIC AND THEN CONTINUES)

AARON (ANCHOR 1): MULA SA BULWAGANG PAMBALITAAN, HIMPILAN AT SANDIGAN NG BAYAN

Miley (ANCHOR 2): MGA NAGBABAGANG BALITA MULA SA LOOB LABAS NG BANSA.

AARON: MGA ISYUNG TINUTUTUKAN AT SINUSUBAYBAYAN.

1 & 2; CJAMC, BOSES NG SAMBAYANAN

(START OF MUSIC THEN CUTS OFF)

AARON: SA LOOB NG LIMANG MINUTO, MAG HAHATID NG BALITANG SIK-SIK, SULIT NA SULIT. SA
CJAMC , NARITO ANG TAMBALANG ALISTO.
(SFX TIME CHECK)

AARON: ANG ORAS NATIN NGAYON AY 10 MINUTO MAKALIPAS ANG ALAS 12 NG TANGHALI , ARAW NG
MARTES, IKA DALAWAMPU’T WALO NG NOBYEMBRE, TAONG DALAWANG LIBO DALAWAMPUT TATLO.

(SFX TIME CHECK)

(START OF MUSIC THEN SOUND VOLUME LOW)

MILEY: ISANG MAPAGPALANG ARAW PILIPINAS!

AARON: ITO ANG INYONG KAIBIGAN, AARON LEIDA

MILEY: AT INYONG KAAGAPAY, MILEY SCARLETT BARRERA

ANCHOR 1&2: AT KAYO’Y NAKIKINIG SA, RADIO ALISTO CJAMC

(LASER EFFECTS)

AARON: PARA SA ULO NG NAG BABAGANG BALITA.


(LASER SOUND EFFECT)

MILEY: Pulisya nagbabala laban sa tahamak na ‘Ikaw Ba ang nasa Video’ link online.

VOICE: CJAMC

(LASER SOUND EFFECT)

AARON: Isang guro patay at dalampu ang sugatan matapos mahulog sa bangin ang sinasakyang
bus sa Orani, Bataan.

VOICE: CJAMC

(LASER SOUND EFFECT)

Miley: proteksyon sa GIG economy works muling isinulong ni Senador Risa Hontiveros.

VOICE: ALISTO BALITA! CJAMC

(CONTINUE NG BACKGROUND MUSIC)

( Pagputol at starting ng music then cuts off)

Miley: Magbabalik po ang CJAMC pagkatapos ng isang paalala.

Miley: akala ko ba mahalaga ako sayo? Eh bakit Hindi Mo pinaparandam? Tubig lang ako
nababawasan nauubos din.

Jennelyn: ikaw na nga ang nag sabi walang forever kaya pag Hindi moko tinipid iningatan at
pahalagahan mawawala ako sayo at kahit ikaw mawawala dito sa mundo kaya mahalin mo ang isang
hamak na tubig na gaya ko.

Jennelyn: panahon na naman ng El niño panahon na naman para mas mag tipid at gamitin
ng wasto ang tubig.

VOICE : ito Ay mahalagang paalala mula sa MAYNILAD AT MANILA WATER.


VOICE: CJAMC, RAADIO ALISTO

(START OF MUSIC AND CONTINUES)

Miley: Nag babalik na po ang CJAMC radio ALISTO.

( laser effects)
AARON: para sa ulo ng nag babagang balita.

(LASER EFFECTS)

MILEY: Pulisya nagbabala laban sa tahamak na ‘Ikaw Ba ang nasa Video’ link online. Kalisto Cathlene
Bargas ibahagi mo!

(LASER EFFECTS)

(Continue ng Background sound)

CATHLENE (Field Reporter 1): MARAMING SALAMAT MILEY, Isa ka rin ba sa mga nakatanggap ng link na
may bungad na tanong, ‘Ikaw ba ang nasa video?’ May babala ang pulisya ukol dito. Viral muli online ang
isang paalala ng Regional-Cybercrime Unit 8 ng Philippine National Police (PNP) laban sa nasabing
modus ng mga scammer. Paliwanag kasi ng awtoridad, isang uri ito ng phishing link na partikular na
ipinapakalat sa Facebook Messenger. Dagdag ng babala, ang nasabing link ay maaaring makapag-hack, o
mangompromiso sa account ng sinumang makatatanggap nito. Kaya ang malinaw na payo nila, iwasang
buksan ang nasabing link upang hindi mabiktima ng online scam, identity theft at ilegal na pag-akses sa
pribadong social media account.

Miley: maraming salamat sa iyong balita, Kalisto Cathlene Bargas.

VOICE: CJAMC!

(LASER SOUND EFFECT)

AARON: Isang guro patay at dalampu ang sugatan matapos mahulog sa bangin ang sinasakyang bus sa
Orani, Bataan. Kalisto CHARLENE SILVESTRE Ibahagi mo!

(LASER SOUND EFFECTS)

CHARLENE (Field Reporter 2): MARAMING SALAMAT AARON LEIDA, Isa ang nasawi habang higit 20
ang sugatan matapos na mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang DepEd bus service sa bahagi ng
Barangay Tala sa Orani, Bataan nitong Sabado. Sakay ng bus ang isang grupo ng mga public school
teacher mula Quezon City. Ayon sa School Division Office ng Quezon City, dumalo ang mga guro sa
gender and development activity sa isang resort sa Bataan. Sa inisyal na ulat, lulan ng naturang bus ang
ilang mga guro. Ayon sa isa sa mga faculty na si Mon Aspa – nahulog sa bangin sa Sito Butarero ng
naturang Bayan. Pauwi na raw sana sila mula sa dinaluhan nilang isang seminar sa Sinagtala Resort.
Lumabas sa paunang imbestigasyon ng Metro Bataan Development Authority na nawalan ng preno ang
bus, dahilan para mawalan ng kontrol, at mahulog sa matirik na bangin. Ilan naman sa mga nasugatan
ang dinala sa Orani District Hospital para sa first aid, X-ray at CT scan habang tatlo ang isinugod sa
Balanga Provincial Hospital. Ikinalungkot naman ng lokal na pamahalaang lungsod ng Quezon ang
nangyaring aksidente at tiniyak ang pagpapaabot ng tulong sa mga biktima. Nagpapatuloy pa ang
imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.
AARON: Maraming Salamat sa iyong balita, Kalisto Charlene Silvestre!

VOICE: CJAMC!

(LASER SOUND EFFECTS)

Miley: proteksyon sa GIG Economy Workers muling isinulong Sen. Risa Hontiveros alisto jennelyn
racan ibahagi mo.

(Laser sound effects)

JENNELYN (field reporter 3): MARAMING SALAMAT MILEY, NGAYON AY, Hinikayat ni Sen. Risa
Hontiveros ang pagsasabatas sa inihain niyang Senate Bill No. 1373 o ang panukalang protektadong
Online workers, Entrepreneurs, Riders, at Raketera (POWER) Act na layong protektahan ang karapatan
at kapakanan ng gig economy workers sa bansa. Isinusulong ito ng senadora matapos matagpuang
patay ang dilevery rider na si Noel Escote habang nakasampa sa kanyang motor noong nakaraang
linggo.

Miley: maraming Salamat sa iyong balita, Kalisto jennelyn racan!

(STARTING OF MUSIC THEN CUTS OFF)

Miley: mag babalik po ang CJAMC alisto balita pagkatapos ng isang commercial.

AARON: Simulan mo simulan mo ng may pasobra! Simulan mo ng may Pa subra with rebisco
cracker may sobrang laki may sobrang dami, para ikaw may Pa sobra rin rebisco crackers, may
pasobra dahil, special ka.

AARON: Brought to you by Rebisco Incorporations.

(STARTING OF MUSIC THEN CUTS OFF AFTER SAYING THE FOLLOWING


SENTENCE)

AARON, Miley: nag babalik napo ang CJAMC radio alisto.

(STARTING OF MUSIC)

AARON: KAYO’Y PATULOY NA NAKIKINIG SA …

AARON: CJAMC, Radio Alisto!

(LASER SOUND EFFECTS)

ANCHOR 1&2: MAGANDANG UMAGA KABALITA!.

(START OF MUSIC THEN CUTS OFF)


(SPORTS SOUND EFFECT)

AARON: PARA NAMAN SA ATING BALITANG ISPORTS, KALISTO MILEY , IBAHAGI MO.

MILEY: MARAMING SALAMAT KAAGAPAY AARON LEIDA, Nagkasya sa 8th place si Filipino
gymnast Carlos Yulo sa men’s all-around finals ng 2023 World Gymnastics Championships na ginanap sa
Liverpool, United Kingdom. Sa kabila ng magandang simula ni Yulo matapos makakuha ng 15.166 sa pet
event floor exercise nasa 11.900 points lamang ang nakuha nito pommel horse dahilan para bumaba sa
12th place standings matapos ang second rotation. Nakuha ng Filipino wunderkind ang 13.500 sa rings
at bagamat naging maayos ang performance nito sa vault nasa 14.16 lamang ang ibinigay sa kanya ng
judgees para umangat ito sa seventh spot. Lalo pang pinalakas ni Yulo ang kanyang medal bid sa
pamamagitan ng impresibong 15.166 finish sa parallel bars para umakyat pabalik sa ikaanim na puwesto
sa pagtatapos ng penultimate rotation. Ngunit hindi napanatili ni Yulo ang momentum, tinapos nito ang
kanyang huling pag-ikot sa isang 11.900 na output sa parallel bars upang yumuko sa pagkatalo na may
huling marka na 82.098. Inangkin ni Daiki Hashimoto ng Japan ang gintong medalya na may 87.198
habang si Boheng Zhang ay nakakuha ng silver sa 86.765 na pagtatapos. Isa pang Japanese bet na si
Wataru Tanigawa ang nakakuha ng bronze matapos makakolekta ng 85.231.

(LASER SOUND EFFECTS)

AARON: Maraming Salamat, Kaagapay Miley Sa iyong balitang isports!

(STARTING OF MUSIC)

VOICE: CJAMC, TAGAPAGHATID NG MGA NAGBABAGANG BALITA, WALANG KINIKILINGAN TANGING SA


KATOTOHANAN LAMANG, ITO ANG DZRH BOSES NG SAMBYANAN.

ANCHOR 1&2: MAGANDANG UMAGA KAIBIGAN

AARON: IYAN PO ANG LIMANG MINUTONG PAGBABALITA MULA SA ISTASYONG DI LAMANG


NAGHAHATID NG BALITANG SARIWA KUNDI BALITANG TUMATATAK DIN SA INYONG PUSO AT DIWA.

MILEY: ITO ANG INYONG KAAGAPAY, MILEY BARRERA

AARON: AT LAGI NYONG KAIBIGAN, AARON LEIDA

MILEY: BALITANG MAKATOTOHANAN.

AARON: BALITANG WALANG KINIKILINGAN.

ANCHOR 1&2: GIGISING TUWING UMAGA UPANG MAGHATID NG MGA SARIWANG BALITA.
MAGANDANG UMAGA KAIBIGAN . VOICE: CJAMC, Otso - Otso (STARTING OF MUSIC THEN CUTS OFF)

You might also like