You are on page 1of 4

NP: News Presenter

VO: Voice-over

Music fade up: Paghina ng musika o tunog

Sneak-in: Pagpasok ng musika o tunog

SFX: Sound effects

JOEN: Magandang Araw San Roquenians! Mabuhay MaHalTaNa!

: Araw ng Miyerkules, Ika-20 ng Marso, 2024

: Mula sa Bulwagang Pambalitaan ng DXYZ.

: Ito po si Joen Josh Salamat para sa Radyo De Calibre.

MUSIC FADE UP

Kristal : Sa ulo ng mga nagbabagang balita.

: Misa ng Santo Papa sa Tacloban pinakaaantig!

: Umulan man o umaraw mga mamamayan nanatiling nakatindig!

"SNEAK-IN SFX AFTER HEADLINE EFFECTS"

Sannilyn : Pangalawang serye ng Divergent, inaabangan na

: Bagong karakter ni Shailene Woodley, ano nga ba?

Angelyn : Inaabangan na sagupaan kasado na

: San Miguel Beer at Alaska Milk pahihiyawin ang madla!

Amaze : Taxi driver, nagsoli ng bag na naglalaman ng malaking halaga

: May-ari ng bag, lubos ang pasasalamat

Joen : At ngayon para sa mga detalye.


"SNEAK-IN SOUND EFFECTS"

Angelyn : Lubos na ikinatuwa ng milyon-milyong deboto ang pagbisita ni Pope Francis sa Pilipinas.

: Lalong-lalo na ang kanyang pagdalaw sa Tacloban City na bagamat bumuhos ang malakas na
ulan na dala ng bagyong Amang

: Naging matagumpay pa rin ang kanyang banal na Misa.

: Ang mga deboto sa Tacloban City ay nanatiling nakatayo at mataimtim na nananalangin.

: Makikita din sa kanila ang pagiging matatag at labis na pananampalataya matapos ang
trahedya buhat ng bagyong Yolanda.

THEME MUSIC FADE UP

Sannilyn : Pangalawang serye ng Divergent, inaabangan na!

: Bagong character ni Shailene Woodley, ano nga ba?

: Iyan ang tinutukan ni Keziah Amaze Donasco.

"SNEAK-IN SOUND EFFECTS"

Amaze : Muling gaganap si Golden Globe-Nominee Shailene Woodley na kilala sa isang Young Adult
Blockbuster na

: "The Fault In Our Star" sa pangalawang serye ng "The Divergent Series Of Insurgent".

Angelyn : This is PCV13, Pneumococcal Conjugate Vaccine, nagpoprotekta laban sa tatlumpong uri ng
Pneumococcal

: Mula sa siyam-napung uri nito. Ang mga dapat magpabakuna ay mga sanggol at bata, at iba
pang nakatatandang bata at nasa wastong gulang.

Jade : Hala! Dapat po palang maagapan itong sugat ko..

Annie : Oo dahil, baka magpasalin-salin pa iyan.

Aj : Ang Pneumococcal pa naman ay sanhi ng impeksyon ng baktiryang Streptococcus.

Jhelie : Huwag nating hayaang dumating ang pinakamalalang sitwasyon. Agad magpabakuna ng
PCV13 para sugat ay di mauwi sa matinding impeksyon.

THEME MUSIC FADE UP


Joen : Nagbabalik ang DXYZ 85.9 Radyo Alisto.

: Inaabangan na sagupaan kasado na

: San Miguel Beer at Alaska Milk pahihiyawin ang madla!

: Iyan ang ibabalita sa atin ngayon ni Angelyn Balancio.

Angelyn : Sinasabing hindi lamang sa dalawang koponan ang labanang ito kundi gayun din sa
dalawang coach

: Na si Coach Leo Auatria at Coach Alex Compton na mala Chess Match ang paghaharap.
Maaalalang sina Sonny Thoss, Cyrus Baguio at Jvee Casio

: Ang tatlo sa first five na regular sa Alaska at para naman sa SMB kasama nila dito sina
Junemar Fajardo, Arwind Santos at Chris Lutz.

: Sa huling paghaharap na ito, dito matutuldukan ang makapigil hiningang labanan sa


dalawang koponan.

Amaze : Haharapin na ng karakter ni Shailene ang paghahanap sa kaniyang nakaraan upang


maprotektahan ang kanyang minamahal

: Gayun din ang pagresulba sa kaniyang mga problema para harapin ang problema sa
kanilang mundo.

: Natatandaan na kumatok sa mga manonood ang Divergent na pumalo sa tatlong daang


milyong dolyar ang kinita sa Global Box Office sa pangunguna ng direktor nito na si Robert Schwentke.

Annie : Inaasahang sa Ika-labing siyam ng Marso na magbubukas sa mga sinehan ang pelikulang
"Insurgent" sa Pilipinas.

"SNEAK-IN SOUND EFFECTS"

Joen : Magbabalik ang Radyo Alisto makalipas ang paalalang ito.

THEME MUSIC FADE UP... ESTAB... FADE UP UNDER FOR

Angelyn : Oh! Ilalabas ko na.

Jade : Hah! Ang laki at ang haba naman po, di po ba masakit yan?

Angelyn : Ano ka ba? Di masakit ito. Oh pumikit ka ituturok ko na.

Jade : Hah! Wait! Pwede po bang ibang injection na lang?


: Ano po ba yan?

THEME MUSIC FADE UP

Aj : Pangalawang serye ng Jose & Maria's Bonggang Villa, nagsimula na.

: Bagong kwento nito, ano nga ba?

Jhelie : Isang tapat na taxi driver ang nagsoli ng isang bag na naglalaman ng malaking halaga
na sinasabing naiwan ng isa sa kanyang pasahero.

: Sinabi ng driver na kinilalang si Genesis Maghirang, tubong Pasig City, na maaaring


may nakaiwan ng nasabing bag, ngunit hindi niya maalala kung sino ito.

Sannilyn : Sa halip na iuwi at itago ang pera, umiral ang kabutihan ng puso ni Ginoong Genesis,
at agad itong dinala sa tanggapan ng Eastern Police District Meralco Avenue.

: Kinabukasan ay agad na nagreport sa pulis ang tunay na may- ari ng bag at laking
gukat nilang naisoli pala roon ng driver na kanilang sinakyang taxi ang bag na naglalaman nang di
kukulangin sa isandaang libong piso.

Angelyn : Lubos ang pasasalamat ng may-ari ng bag na isa palang kawani ng pamahalaan, at ang
pera ay pampasahod ng mga kasama niya sa opisina.

: Nakatakda namang parangalan ng Pasig City Government si Ginoong Maghirang.

Joen : At 'yan ang aming mga balitang nakalap sa mas radyo pinalawak na pagbabatay, muli
ito ang DXYZ 85.9 Radyo Alisto.

: Ito ang estasyon na nagsasabing "Ang Tama ay Ibato Mo, Ipakalat sa Mundo".

MUSIC FADE OUT

You might also like