Professional Documents
Culture Documents
A Manang ISA at Manong GANI Love Story
A Manang ISA at Manong GANI Love Story
I. Si Isabela, kilala bilang ‘’Isay o Isa” ay dinarayo ng mga kalalakihan, upang makamit lamang ang
matamis niyang oo, lahat gagawin maangkin lamang ang pag – ibig ng magandang binibini. Walang
araw at sandali na pinalampas ang mga Ginoo, para lamang sa nais at mithiin ng mga ito. Nariyan ang
iba’t – ibang manliligaw, Nag – aalay ng mga bulaklak, Pagkain, Mamahaling bagay at ang iba ay
naghahandog pa ng Awiting kundiman para sa binibini.
II. Sa mga sumunod na araw, walang nagbago at patuloy pa rin ang pagdagsa ng mga kalalakihan . . .
hanggang sa naisip ni ISABELA na magliwaliw at mamasyal sa isang bukid na kung saan matatagpuan
ang iba’t – ibang halaman at mga bulaklak.
(SAYAW) PARU-PARONG BUKID (CNHS)
III. Sa pamamasyal ay natagpuan ni ISA ang isang lalakeng nag ngangalang ‘’GANI’’. bitbit niya ang
kaing ng prutas upang ibenta sa kabilang bayan. Habang si ISA ay abala sa pagmamasid sa mga
bulaklak. Walang pag-aalinlangang lumapit si “GANI” ngunit nagsidatingan ang mga kaibigan ni
ISABELA. inakit nila ito papunta sa kabilang barrio, at tila ba nagmamadaling umalis.
IV. Tila natulala si GANI sa kanyang binibining Nakita. Napaisip si GANI at nasabing…
GANI: Isang napakagandang binibini, ano kaya ang kanyang ngalan? Hay! (buntong hininga)
ngayon lang ako nabighani ng ganito sa isang binibini.
V. (SA KABILANG BARYO) Sa pamamasyal ni Isabela kasama ang kanyang mga kaibigan. Napansin
nila ang isang gwapong binata na tila dayo sa kanilang lugar. Metikuloso ang pananamit, may mga
mamahaling bagay tulad ng cellphone at kung anu-ano pa. Matipuno ang katawan, medyo may
kaunting kayabangan, pero malakas ang dating lalo na sa kababaihan.
VIII. (Nagsasaya ang karamihan) Sa gitna ng selebrasyon, habang nagsasaya ang lahat, magkasamang
naglalakad at nagmamasid na waring may hinahanap, si GANI. Kasama ang tinutukoy na dayong taga-
maynila na si JUANCHO na kaniya palang kaibigan. Ikinuwento ni JUANCHO kay GANI na
mayroon siyang nakilalang isang babae, na napaka-ganda, maamo ang mukha at talagang kahali –
halina. Sa patuloy na pagkukwento ni JUANCHO kay GANI. Biglang napalingon si JUANCHO ng
Makita nya ang kanyang tinutukoy at itinuro nya ito kay GANI. Nabigla si GANI sa kanyang nalaman
na ang kanyang tipong binibini pala ay siya ring gusto ng kanyang kaibigan.
IX. Patuloy ang pasinaya sa nasabing PISTA at nagsitanghal ang bawat mamamayan sa nasabing nayon.
Ang mga talentong makabago o makaluma man ay nagbigay aliw sa lahat ng mga manonood.
St. Lucille........
RBA Hot mama....
(LIGHTS OFF)
IX. Sa kasalukuyan ay ipinagdiriwang ang ika – 67 taon ng pagkakatatag ng Bayan ng Buenavista. Sa pag-inog
ng mundo ay may mga suliraning dumaraan subalit matibay ang bigkis ng pagmamahalan nina Gani at Isa na
sumasagisag sa mamamayan ng Buenavista, isang munting kwento na puno ng pag-ibig at aral na ipapamana sa
mga susunod na henerasyon. Luluma subalit hindi maglalaho, tatanda subalit hindi mawawala.
* (Sayaw at Awit) Kasama kang Tumanda (Sir Nhelmart & INDAK DANCE TROUPE)
Emcees:
at ako po si Mam Daisy Perello, bumabati sa inyong lahat ng magandang gabi po at maraming salamat.
X. (Narration) At dito po nagwawakas ang aming pagtatanghal. Bilang pagtatapos ay hayaan niyong handugan
kayo ng isang makabagong sayaw bilang pasasalamat.