You are on page 1of 19

ACT 1

Opening number of Act 1


CHARACTERS

Main roles:
Kapitan Basilio "Baste" [Jerson] - naglalakad at nakikipag usap sa mga
tao
Claudio [Randell] - may hawak na bote ng alak, naka upo sa crates sa
tabi
Bagani [Edwin] - kasama ni Jerson sa paglakad
Sinag [Sherlance] - nagtitinda ng pagkain
Bagwis [Junel] – tagabantay sa tabla

Background characters:
naglalako#1[Cherry] - May dalang bilao, mamimigay ng pagkain sa
audience naglalako#2 [Bianca] - mamimigay din ng pagkain
Piratang naglalaro[Henry and Jerome] - Nagaarm wrestle
Piratang nanonood [Gab, Dranreb, Markjun] - nanonood sa arm wrestling
Mga mananayw [Bryan and Joneth] - Dance number

ACT 1: ANG SIMULA NG KATANUNGAN

Scene 1: Ang Daungan

Narrator [Jeraldine]
Sa isang Malayaong Daungan na ma tatagpuan sa timog silangang bahagi
ng pilipinas. Isang Pistahan ang nagaganap sa bayan ng lupa ng tinig.
Ang mga katao ay naglalakad-lakad, masigla at masayang nagdiriwang.
Makikita natin rito ang kulturang nakakabighani at ka-aya-aya, nariyan
ang mga taong nag titinda, mga musikerong kumakanta at mga decorasion
para sa pistahang nagaganap. sa di kalayuan Naroroon si Kapten Basilio
(Baste), isang makulay na personalidad, ngunit angiti niyang tila
nagtatago ng lihim. at kasama nya rito ang kanyang matalik na kaibigan
na si Gani or mas kilala sakanilang bayan na si bagani.
MUSIC CUE 1:
Tsada Mahigugma (https://www.youtube.com/watch?v=WuFLU_xa0L4)
Ang tunog ng mga tambol at diwdiw ng gitara ay nagbibigay saya sa
kapaligiran, nagbibigay buhay sa pista.

(Start transition of song – minus one only)

(Papasok si Kapitan Basilio magmula sa kanan ng entablado, at makikita


niya si SINAG)

SINAG
Kapitan basilio, mabuti at naparito ka sa pistahan!
Tara tingin ka muna sa mga paninda ko at kumuha ka
narin ng iyong makakain

KAPTEN BASILIO
Uy! Maraming salamat! Tamang tama at ako ay
nagugutom na, maraming salamat sa iyong alok na
pagkain.

[Production number start of song and dance]


Bawat isa ng mga characters sa eksenang ito ay kakanta.

[Lalapitan siya ni naglalako#2 at tatanungin kung gusto niya ba


kumuha. Kukuha si BASILIO ng pagkain mula sa bilao at kakainin
ito. Tutuloy siya sa paglalakad at magmamasid masid. Madadaanan
niya si CLAUDIO na nakaupo sa ibabaw ng mga kahon, may hawak na
bote ng alak. Babatiin ni CLAUDIO si BASILIO at itataas ang
kaniyang bote ng alak. Ang susunod na madadaanan niya ay ang
mga pirating nagkakasiyahan sa paglalaro ng arm wrestling.
Magiingayan. Naging interesado si BASILIO ngunit napukaw ng
kaniyang atensyon ang mga sumasayaw sa pista. Biglang ginanahan
si BASILIO na kumanta at sinubakan niya, ramdam na ramdam niya
ang pagkanta ngunit-

Biglang pumiyok si Kapten BASILIO–


Tumigil ang lahat sa kanilang mga ginagawa at tiningnan si
BASILIO.
Katahimikan.]
~3 second pause at babalik na sa kaniya kaniyang gawain ang mga tao na
parang walang nangyari~

(Nahihiyang tinakpan ni BASILIO ang kaniyang mukha at siya’y nilapitan


ni BAGANI)

BAGANI
Oh, Kapten Basilio! Ikaw ba’y papunta sa tabla para
makahanap ng bago nating adbentura?

KAPTEN BASILIO
Oo, Bagani. Kahit sa kasiglahan nitong pista akoý
naghahangad parin na maglayag. May kaba parin sa
aking puso, parang may isang tono na kulang.

BAGANI
(Ngingiti ng masigla)

Walang dapat ipag-alala, Kapten! Siguradong


makakakita ka ng tamang tono sa ating paglalakbay.

~ Black out ~
Change scene: Didilim sa loob ng entablado at si
BASILIO lang ang matitira. Sa kadiliman
maririnig natin ang boses sa kaniyang isip.

KAPTEN BASILIO
Saan ko kaya matatagpuan ang aking talento sa
musika? Ang tonong nararapat sa akin. Dapat
mayroong isang bagay na makakatulong sa aking
paghahanap. Kahit ano pa man ito.

SCENE 2:Ang tabla


Pagkatalikod ni BASILIO, babalik ang liwanag at sa kaniyang
harapan ang tabla ng mga adbentura.
(Lumapit siya sa kay BAGWIS ang tigabantay ng tabla, na abala sa pag-
aayos ng mga bagong misyong at gawain sa bulletin board)

BASILIO
Magandang araw, BAGWIS. Mayroon ba kayong bagong
misyon para sa aking kawan?

BAGWIS
(Tumingin sa listahan)

BASILIO, tiyak akong kakaiba ang iyong hinahanap.


Karamihan ng mga misyon dito ay tungkol sa
paghahanap ng kayamanan at pakikipagsapalaran.

BASILIO
(determinado)

Hindi lamang basta kayamanan ang aking hinahanap.


Nais ko ng isang misyon na magbibigay daan sa
pagtuklas ng aming mga sariling awitin.

BAGWIS
(Tumingin si BAGWIS sa bulletin board at itinuro ang isang
partikular na papel)

Ah, narito. Isang misyon na baka iyong hinahanap.


"Ang Isla ng mga Await." Sinasabing ang bawat
makarating doon ay natutuklasan ang kanilang
natatanging tinig at talento sa musika.

BASILIO
(Kinuha ni BASILIO and papel ng misyon at mabilisang binasa)

Ito na nga! Susuungin ko ang lahat para lamang


mapunan ang kulang sa aking puso. Iyan ang misyon
na hinahanap ko. Salamat, BAGWIS.

(Masayang lumisan si BASILIO patungo sa lugar ng pag pupulong)

Scene 2: Ang Pag-aanyaya ni Kapten Basilio (Baste)


Sa gitna ng kasiyahan, pumipista si Kapten Basilio, nag-
aanyaya ng mga mandirigma na makakasama sa kanyang
ekspedisyon.

BASTE:
(May pangakatal, ngunit angiti ay tila may lungkot)
Mga kaibigan! Ako si Kapten Basilio, tagapamuno ng
ekspedisyong ito patungo sa Kayaman ng musika. Ngunit sa
kabila ng kasiyahan at kulay ng pista, nararamdaman ko ang
pag-awit ng aking puso na tila'y nagtatago sa dilim ng
karagatan. Narito ako ngayon, puno ng kasayahan ngunit may
isang bahagi ng aking puso na hinahanap pa rin ang kanyang
sariling tugtugin. Handa bang sumama sa akin sa paglalakbay
patungo sa pagsilayan ng ating mga sariling musika?

(nag sasalita yung mga mamayan sa paligid)

Ang iba't ibang karakter ay pumapagitna, mula sa isang


masiglang tagakita, isang masayang kusinero, hanggang sa isang
malalim na iskolar ng karagatan.

Scene 3: Pagbuo ng Crew

Sa kasiyahan, bumubuo si Kapten Basilio ng kanyang Crew. Ang


bawat isa ay may kanya-kanyang pangarap at lihim na musika.

MELANCHOLIC NAVIGATOR (CLAUDIO):


(May pangangamba)
Ang paglalakbay na ito ay tila isang pag-angkin sa mga sigaw
ng alon, isang tugtuging nagpapaalala ng hinanakit at
pangarap.

JOLLY COOK (SINAG):


(May kasayahan)
Ako'y isang kusinero na puno ng sigla, ngunit may pusong
naghihintay ng sariling tugtugin na magsisilbing kasiyahan ng
aking puso.
SCHOLARLY SAILOR (BAGANI):
(May pangarap)
Ako'y nagdadala ng mga aklat ngunit tila walang himig. Sana'y
sa paglalakbay na ito, matagpuan ko ang awit na susunod sa
aking mga isinulat.
Ang tripulasyon ay bumubuo ng samahan, bawat isa'y may lihim
na bitbit sa puso. Lagi mo akong maasahan kapitan, palagi
kitang sasamahan saan man tayo marating!

Scene 4: Paghahanda para sa Paglalakbay

Sa pagtatapos ng aktong ito, nagsisimula nang maghanda ang


tripulasyon para sa kanilang paglalakbay. Sa gitna ng
kasayahan, si Kapten Basilio ay naglalakad nang mag-isa, ngiti
sa labas ngunit may lungkot sa kanyang mga mata.

BASTE:
(kasama si gani)
Ang mga puso'y sumasayaw sa tugtugin ng pista, ngunit bakit
tila ang akin ay tila nauunang malumbay? Sa paglalakbay na
ito, sana'y matagpuan ko na ang hinahanap, at sana'y ang awit
na ito ay magdala ng tunay na kasiyahan sa puso ng bawat isa
sa amin.

kanta E-Heads Pare ko

Ang buhay ay nagpapatuloy sa pagdiriwang, ngunit ang munting


pangarap ni Kapten Basilio ay nagdudulot ng pangamba.
Act 2: Sa Paghahanap ng Awitin

Tagpo: Sa barko ni Captain Basilio "Baste" Jerson, habang


naglalayag patungo sa Isla ng mga Awit.

Tauhan:
Captain Basilio "Baste" Jerson
Bagani (matalik na kaibigan ni Captain Baste)
Crew ng barko
Mystical creatures (mga nilalang na nagpapakita sa kanilang
paglalakbay)

[Ang eksena ay nagbubukas sa barko ni Captain Baste, na puno


ng pag-asa at excitement sa kanilang paglalakbay. Ang dagat ay
kalmado at ang langit ay maliwanag.]

Captain Baste: (nakatingin sa malayo) Bagani, ito na ang


simula ng ating paglalakbay. Sa wakas, matutuklasan natin ang
ating mga sariling awitin.

Bagani: (nakangiti) Oo, Captain. Handa na akong sumama sa iyo


sa anumang hamon.

[Habang naglalayag, biglang lumitaw ang mga mystical creatures


na nagbibigay ng mga pahiwatig at aral sa crew.]

Mystical Creature 1: (mahiwagang boses) Mga manlalakbay,


tandaan, ang bawat awit ay may kanya-kanyang kuwento at
damdamin. Hanapin ang inyong sarili sa musika.

Sinag: (nagtataka) Anong ibig sabihin niyon? Teka maiba ako..


mukhang kay sarap atang lutuin ng isang mahiwagang halimaw.

Claudio 2: (hindi nag dalawang isip na kotongin ni claudio si


sinag) (excited) Marahil, bawat isla na ating dadalawin ay
magbibigay sa atin ng bahagi ng ating awitin!

[Ang crew ay nagkaroon ng masiglang pag-uusap tungkol sa


kanilang mga inaasahan at pangarap sa paglalakbay.]

Bagani: (seryoso) Ngunit huwag nating kalimutan, may mga hamon


din tayong haharapin. Maging handa sa anumang posibleng
mangyari.

Captain Baste: (determinado) Anuman ang ating harapin, alam


kong magiging sulit ito. Ang bawat hamon ay bahagi ng ating
paglalakbay sa pagtuklas ng ating awitin.

[Habang lumalalim ang gabi, ang barko ay patuloy sa


paglalakbay, puno ng pag-asa at determinasyon sa puso ng bawat
isa.]
Scene 1: Ang Puso ng Isla ng Pag-ibig

Tagpo: Sa Isla ng Pag-ibig, kung saan ang mga mamamayan ay


nagtatanghal ng kanilang kultura.

Tauhan:

Captain Basilio "Baste" Jerson


Hiraya (Lead Lady ng Isla ng Pag-ibig)
Crew ng barko
Mga Mamamayan ng Isla

[Ang mga mamamayan ng Isla ng Pag-ibig ay nagtatanghal ng


isang makulay at masiglang produksyon, ipinapakita ang
kanilang kultura at ang esensya ng pag-ibig na bumabalot sa
isla.]

*note may sasayaw dito sa part na ito. Love song siya dapat
let us see what we can do about this one.

[Pumunta sa gitna si Hiraya at lumapit sa Kapitan ]

Hiraya: Nagustuhan mo ba ang iyong napanood, ginoo?

Captain Baste: Sadyang nakakamangha ang hiwaga ng inyong isla.


Ngunit tila hindi lamang ang isla ang nagbibigay sa akin ng
ganitong pakiramdam. [Tinignan ni Captain si Hiraya ng tila ba
nahihiwagaan] Ano ang iyong pangalan, magandang binibini?

Hiraya: Ako si Hiraya. Ama ko ang namumuno sa islang ito. Sa


inyong pagdating, hindi ko maiwasang mawari kung ano ang
dahilan ng inong paglalakabay. Hindi araw-araw ay nagkakaroon
kami ng mga bisita tulad mo, ginoong...?

Captain Baste: Basilio. Ngunit maaari mo akong tawagin sa


aking palayaw, Baste. Kami ay naglalakbay ng pagkalayo-layo
para makamit ang iisang layunin: ang mahanap, tuklasin at
taglayin ang aming natatanging tinig. Upang makanap ang aming
talento sa awitin.

Hiraya: Napakatapang at kamangha-mangha ng inyong dahilan.


Talagang ka-bilib bilib at nakakawari.

[Hiraya and Captain Baste’s Performance]

[Insert music here] (dito na mag sisimula na makatagpo ng


magandang tinig si baste(ngunit may pangamba padin siya
(nginig yung huli ng kanta ni baste)

Captain Baste: Hiraya, kay ganda ng inyong isla.


Maihahalintulad ito sa isang tugtogin na tumatagos sa’king
puso.

Hiraya: (nakangiti) Ang Isla ng Pag-ibig ay tahanan ng mga


awiting nagmumula sa puso. Dito, ag bawat nota ay may kuwento
ng pagmamahal.

Hiraya: (softly) "Captain Baste, dito sa isla, natutunan namin


na ang pinakamagandang musika ay nagmumula sa iyong tunay na
damdamin. Hindi mo ba naisip na dito mo maaaring matagpuan ang
iyong hinahanap?"
(lalayo si hiraya then titingin salikod patungo kay baste)

Captain Baste: (nagiisip) "Hiraya, sa iyong mga mata, nakikita


ko ang isang himig na hindi ko pa naririnig. Ngunit, may
misyon akong kailangang tapusin. Ang paghahanap ng aking
awitin ay hindi lang tungkol sa musika, kundi sa pagtuklas ng
aking sarili."

Hiraya: (may pngungumbinsi) "At dito sa isla, maaari kang


magtuklas at lumago. Bakit hindi mo pag-isipang manatili dito,
kasama ako?"

[Isang tahimik na sandali ang kanilang pinaghatian upang


isipin ng Kapitan ang kaniyang desisyon.]

Captain Baste: (determinado) "Hiraya, mahal kita, ngunit


kailangan kong ipagpatuloy ang aking paglalakbay. Hindi ko
maaaring talikuran ang aking tungkulin."

Hiraya: (determinado) "Kung sa gayon, sasama ako sa iyo. Ang


pag- ibig natin ay parang dagat – malawak at malalim. Hindi
ito magwawakas Dito sa islang ito."

Captain Baste: (nagulat at namangha) "Hiraya, sasama ka sa


akin?"

Hiraya: (tumatango) "Oo, Captain. Saan ka man magpunta, nais


kong magpatuloy ang ating pag-ibig. Sa bawat isla, sa bawat
awit, kasama mo ako."

[Naghawak sila ng kamay na nagsisimbolo ng kanilang pangako sa


isa’t-isa at ng kanilang paglalakbay.]
(ikaw nga south border)with sayaw)
Captain Baste: (tumingin sa dagat) "Mga kasama siya nga pala
si hiraya aking sinisinta nung una ko siyang makita pakiramdam
ko may unti unti nang nabubuo ang aking tinig damdamin., handa
na ba tayong ipagpatuloy ang ating paglalakbay?"

Bagani: (sumagot) "Handa na kami, Captain. Ngunit, iba na


ngayon – kasama na natin si Hiray

Hiraya: (nakangiti) "Narito ako hindi lamang para sa pag-ibig,


kundi para sa ating paglalakbay sa musika."

Sinag: (excited) "Maligayang pagdating, Hiraya! Magiging mas


makulay ang ating paglalakbay dahil sa iyo."

Captain Baste: (matapang) "Tama. Ang bawat isla ay may aral at


musika na naghihintay. Tayo na't tuklasin ito."

[Habang umaalis ang barko, kumakanta ng pambungad na awit ang


crew, puno ng pag-asa at kaguluhan para sa susunod nilang
pakikipagsapalaran.]
Scene 2: Isla ng Kaligayahan

Tagpo: Sa karagatan, malapit na ang barko sa Isla ng


Kaligayahan. Ang mood ay masaya ngunit may kaunting kaba.

Tauhan:

Captain Basilio "Baste" Jerson


Hiraya
Bagani
Crew ng barko
Bagani: (masaya ngunit nag-aalala) "Captain, anong inaasahan
natin sa Isla ng Kaligayahan?"

Captain Baste: (nag-iisip) "Bawat isla ay may sorpresa.


Maaaring masaya ang Isla ng Kaligayahan, pero kailangan nating
maging handa sa anumang hamon."

Hiraya: (nakangiti) "Anuman ang hamon, magkasama tayong


haharapin ito."

Sinag: (excited) "Siguradong may bagong musika tayong


matututunan dito!"

[Habang papalapit ang barko sa isla, maririnig ang masasayang


tunog mula sa malayo, nagbibigay ng excitement at curiosity sa
crew.]

Captain Baste: (determinado) "Handa na ba kayo, mga kasama?


Tayo na't tuklasin ang Isla ng Kaligayahan!"\

[Ang barko ni Captain Baste ay dahan-dahang lumalapit sa Isla


ng Kaligayahan. Ang isla ay mukhang makulay at puno ng buhay.]

[Habang lumalapag ang barko, lumalabas ang mga masasayang


mamamayan ng isla, sumasayaw at kumakanta.]

Mamamayan : "Maligayang pagdating, mga manlalakbay, sa aming


islang puno ng saya at indak!"

Hiraya: (humanga) "Ang bawat hakbang dito ay parang nasa ritmo


ng masayang awit."
Bagani: (nakangiti) "Parang ang bawat sulok ng islang ito ay
buhay na buhay!"

[Ang mga mamamayan ay nagtanghal ng isang makulay na sayaw na


sumisimbolo sa kagalakan at kasayahan ng isla.]

[Insert Music here]


[Ang crew ay naglalakad sa isla, napapalibutan ng mga
mamamayang masiglang kumakanta, sumasayaw, kumakain, at
umiinom.]

Claudio : (tumitingin sa mga nagkakasiyahan) "Tingnan mo,


Captain! Parang walang katapusang kasiyahan dito. Ang sarap
sumali!"

Hiraya: (nakangiti) "Ang bawat sulok ng islang ito ay puno ng


buhay at ligaya."

[Ipinapakita ang mga eksena kung saan ang crew ay


nakikisalamuha sa mga mamamayan – sumasayaw, kumakanta, at
tumitikim ng iba't ibang pagkain.]

Bagani: (kay Captain Baste) "Mahirap umalis sa ganitong lugar.


Nakakahawa ang saya."

Captain Baste: (nag-iisip) "Oo, ngunit hindi natin dapat


kalimutan ang ating layunin. Napadpad tayo dito hindi para
manatili kundi para matuto."

[Nang sandaling iyon, habang nagkakasiyahan, ang crew ay


nagpahayag ng kanilang pag-aalinlangan sa pag-alis. Nais nilang
manatili sa isla ng kaligayahan.]

claudio: (habang kumakain) "Captain, bakit pa tayo aalis dito?


Lahat ng kailangan natin, nandito na. Saya, pagkain, musika."

Sinag: (tumatawa sa isang biro ng isang mamamayan) "Tama! Hindi


ko maalala kung kailan ako huling naging ganito kasaya. Para
bang dito tayo nababagay."

Bagani: (nakikinig sa usapan) "Captain Baste, baka ito na ang


hinahanap natin. Bakit hindi tayo magpatuloy sa pagdiriwang
dito na lamang?"

Hiraya: (nag-aalala) "Ngunit, ang ating misyon... Hindi ba't


may hinahanap pa tayo?"

Captain Baste: (tumingin sa kanyang crew) "Naiintindihan ko ang


inyong nararamdaman. Ang islang ito ay tunay ngang kaakit-akit.
Ngunit, mayroon tayong mas malalim na layunin. Hindi tayo
maaaring magpaiwan sa pansamantalang kasiyahan."
Alab: (approaching the group) "Narinig namin ang inyong pag-
uusap. Kahit kami'y masaya dito, mayroon pa rin kaming pangarap
na maranasan ang mundo sa labas."

Sinag: (surprised) "Talaga? Kahit kayo ay gusto ring umalis


dito?"

Lakas: "Oo. Ang isla ay parang isang maliit na mundo. Ngunit


ang totoong musika ay nasa pagtuklas ng iba't ibang kultura at
karanasan."

Hiraya: (nag-iisip) "Kung kayo, na lumaki at nagmula dito, ay


may pagnanais na maglakbay, marahil tama nga na kami'y
magpatuloy sa aming paglalakbay."

Captain Baste: (determinado) "Nakakapagbigay inspirasyon ang


inyong desisyon. Kung gusto ninyong sumama sa amin, malugod
namin kayong tatanggapin."

[Ang banda ay sumang-ayon na sumama sa kanila, nagdagdag ng


bagong sigla at inspirasyon sa crew ni Captain Baste.]

sinag: (masaya) "Sa pagsama ninyo, lalo pang magiging makulay


ang ating paglalakbay!"

Isang Muscial Piece ang mangyayare dito kabilang sina Claudio,


Sinag.

[Sa pag-aalay ng pamamaalam sa Isla ng Kaligayahan, ang barko


ni Captain Baste kasama ang bagong miyembro ng banda ay
naglayag patungo sa susunod nilang destinasyon.]

[Didilim ang paligid, simbolo ng kanilang pag-alis sa Isla ng


Kaligayahan.]
Scene 3: Pagdating sa Isla ng Digmaan

Tagpo: Pagdating sa Isla ng Digmaan

[Ang barko ni Captain Baste ay lumapag sa Isla ng Digmaan,


isang lugar na may madilim at misteryosong aura.]

Tauhan:

Captain Basilio "Baste" Jerson


Hiraya
Bagani
Crew ng barko
Bagong kasamang banda

Captain Baste: (tumingin sa paligid) "Narito na tayo sa Isla ng


Digmaan. Maging handa sa hindi inaasahang pagsubok."

Hiraya: (nag-aalala) "Ang islang ito ay ibang-iba kumpara sa


mga nauna. May kakaibang pakiramdam ako dito."

Bagani: (matapang) "Anumang hamon, harapin natin nang


magkakasama."

[Biglang nagbago ang kapaligiran – ang hangin ay naging mas


malamig, at ang langit ay nagkulay abo.]

Claudio: (kinakabahan) "Parang may kakaibang enerhiya dito.


Nakakaramdam ako ng kakaiba."

Alab: (seryoso) "Ang bawat isla ay may aral. Marahil, ito ang
pinakamalaking pagsubok sa ating paglalakbay."

[Ang mga mamamayan ay nagsisimulang magtanghal ng isang sayaw


na puno ng lakas at tapang, sumasalamin sa tema ng digmaan at
pakikibaka.]

Sinag: "Iba ang sayaw nila dito, puno ng lakas at


determinasyon."

Hiraya: (nagmamasid) "Ang bawat galaw ay parang isang kuwento


ng pakikibaka at pagtatagumpay."

Bagani: (tumango) "Ito ang diwa ng Isla ng Digmaan – hindi lang


pisikal na laban, kundi ang laban ng loob at isipan."

Captain Baste: (mataman na nagmamasid) "Ang kanilang sining ay


nagpapakita ng kanilang kultura at kasaysayan. Dito, ang bawat
digmaan ay may aral."

ACT 5.1: Ang Bangungot ng Banda

Tauhan:

Alab (Guitarist)
Lakas (Drummer)
Gilas (Vocalist)

Alab: (Sinubukang patugtugin ang kaniyang gitara ngunit ito ay


hindi tumutgtog nang maayos.)

Lakas: (Sinubukang tugtugin ang kaniyang tambol ngunit ito ay


hindi na tumutunog.)

Sinag: (Sinubukang kumanta ngunit wala siyang boses.)

[Bawat isa sa banda ay sumusubok nang pilit upang tuugtog ng


awitin ngunit wala sa mga ito ang nagwawagi. Sila ay natatakot
at nagtataka.]

Sinag: Mukhang hindi na kaya pang tumugtog ng ating mga


instrumento. Wala sa mga ito ang gumagana.

Alab (natatakot) : Paano na ang ating musika? Hindi ko alam


kung ano ang gagawin ko kung wala ito. Ang pagtugtog ang aking
buhay.

Lakas (sinusubukang magsalita ngunit walang boses na lumalabas.


Itinuturo ang kaniyang lalamunan upang ipakita sa kaniyang mga
kaibigan na wala na ang kaniyang boses. Siya’y umiiyak sa
takot.)

Sinag : Mukhang nawala ang boses niya. Ano ang ating gagawin?
Lahat ng pinakamamahal nating gawin ay kinuha sa atin. Sabi ko
na nga ba ay hindi na dapat tayo tumuloy pa sa paglalakbay na
ito!

Lakas : Wag kayong mangamba. Sigurado ako na lahat ng mga ito


ay babalik sa atin. Isipin natin na ito ay pagsubok lamang,
isang bangungot! Ito ay marahil bahagi lang ng ating
paglalakbay at kailangan nating lampasin ng sama-sama.

Sinag: Sana nga ay tama ka. Huwag kang mag-alala kaibigan. Ito
ay ating malalampasan. Musika ang ating ipinunta rito at ito
ang ating magiging gabay. Ang tunay na lakas ay hindi lamang sa
kamay, kundi nasa puso at isipan.

ACT 5.2: Ang Paghihirap

[Ang bawat miyembro ng crew ay dumaan sa kanilang sariling


pakikibaka, hinaharap ang kanilang pinakamalalim na takot at
alalahanin.]

Tauhan:

Claudio [Randell]
Bagani [Edwin]
Sinag [Sherlance]
Bagwis [Junel]

[Nagsimulang magkaroon ang mga pirata ng ilusyon. Sila ay takot


at tila ba may kumu-kontrol sa kanilang isip na mag-isip ng mga
bagay na hindi totoo]

Claudio [Randell]: "Nakakabaliw na ito! Bakit ba tayo sumama sa


walang kasiguraduhang paglalakbay na ito?"

Bagani [Edwin]: "Tama ka, Randell. Parang walang direksyon.


Sino ba talaga ang may ideya nito? Ako ba o ikaw?"

Sinag [Sherlance]: (nalilito) "Akala ko ba adventure ito? Bakit


parang bangungot na ang lahat?"

Baste : "Hindi lang basta adventure ang hinanap natin. Hinanap


natin ang ating mga awit. Pero ngayon, ano? Nag-aaway-away na
lang tayo."

Claudio [Randell]: "Dahil sa mga desisyon na hindi naman pinag-


isipan! Akala ko ba magiging masaya ito?"

Bagani [Edwin]: "Hindi ko alam na ganito pala kahirap. Sana'y


mas pinag-isipan natin ang lahat bago tayo sumabak dito."

Claudio [Randell]: Sinisisi mo ba kami kaya tayo nandito ngayon?


Baka nakakalimutan mo na ikaw ang pinaka malapit sa kapitan!
Ikaw ang may kasalanan nito!
[Binunot ni Claudio ang kaniyang patalim at itinutok ito kay
Bagani. Si Bagani naman ay dumukot rin ng kaniyang kutsilyo ay
naghanda sa pakikipag-away kay Claudio.]

[Pinigilan ni Sinag at baste ang away bago ito magsimula.]

Sinag [Sherlance]: "Nawala na yata sa atin ang tunay na layunin.


Dapat ay magtulungan tayo, hindi nagtuturuan."

Baste: "Marahil kailangan nating muling balikan kung bakit tayo


nagsimula ng paglalakbay na ito. Hindi para mag-away kundi para
matagpuan ang ating mga awit."

ACT 5.3: Reyalisasyon ng Binibini

Hiraya: (naglalakad sa isang kahawig na lugar ng kanyang


tahanan sa Isla ng Pag-ibig) "Bakit nga ba ako sumama sa
paglalakbay na ito? Ano nga ba ang hinahanap ko?"

[Sa kanyang paligid, lumitaw ang mga alaala ng kanyang pamilya


at kaibigan, ang kanilang mga tawanan at kwentuhan, na
nagpapalakas ng kanyang pangungulila at pagdududa sa kanyang
desisyon.]

Hiraya: (may luha sa mga mata) "Iniwan ko ang aking mundo, para
sa ano? Para sa pag-ibig ba kay Captain Baste, o para sa sarili
kong mga pangarap?"

[Habang nagmumuni-muni, nakita ni Hiraya ang sarili niya noong


masaya at walang problema sa kanyang dating buhay. Ipinapakita
nito ang kanyang pag-aalinlangan sa kanyang napiling landas.]

Hiraya: (naguguluhan) "Ang puso ko, hinati ng dalawang mundong


magkaiba – ang tahanan na iniwan at ang landas na tinahak. Alin
ang mas tama?"

[Sa huli, si Hiraya ay mag-isang nakaupo, nakatanaw sa malayo,


habang pinagninilayan niya ang kanyang hinaharap at ang mga
desisyong kanyang ginawa.]

ACT 5.4: Ang Pangarap ng Kapitan

Captain Baste: (sa isang matarik na bangin, tumatanaw sa


malawak na dagat) "Ito na nga ba ang hangganan ng aking
kakayahan? Paano kung ang lahat ng sakripisyo at paglalakbay ay
mauwi lamang sa kabiguan?"
[Nag-flashback siya sa mga araw ng kanyang kabataan, kung saan
puno siya ng pangarap at pag-asa, ngunit unti-unting nawala
dahil sa mga hindi inaasahang pagsubok sa buhay.]

Captain Baste: (bumabalik sa kasalukuyan) "Marami na akong


pinagdaanan, marami nang pagsubok ang nalampasan. Pero bakit
ngayon, parang nanghihina ang loob ko? Paano kung ang lahat ng
ito ay mawala? Paano kung di ako magtagumpay? Paano ko sila
haharapin kung kami ay mabigo? Ano nalang ang iisipin nila sa
akin? Ano nalang ang magiging tingin sa akin ng aking
itinatangi? Paano kung pagkatapos ng lahat ng ito ay hindi ko
mahanap ang aking hinihiling? Paano na sila? Paano na ako?"

[Nakita niya ang mga larawan ng kanyang crew, na umaasa at


nagtitiwala sa kanya, ngunit may kasamang takot na baka siya'y
mabigo sa kanila.]

Captain Baste: (may determinasyon) "Hindi, hindi ako pwedeng


mabigo. Para sa kanila, para sa akin. Kailangan kong maging
matatag, kailangan kong ipagpatuloy ang paglalakbay na ito."

Captain Baste: (nagmuni-muni) "Bawat paglalakbay ay may aral,


bawat hamon ay may dahilan. Hindi lang ito tungkol sa pagtuklas
ng awit, kundi pati na rin sa pagtuklas sa sarili."

[Habang lumalalim ang gabi, nakaupo si Captain Baste,


tinitingnan ang mga bituin, na ngayon ay simbolo ng pag-asa at
gabay sa kanyang paglalakbay.]

ACT 5.5: Ang Paglagpas

Captain Baste: (matapos ang isang gabi ng malalim na pagmumuni-


muni) "Ang bawat hamon at takot na hinarap ko ay nagturo sa
akin na mas mahalaga ang patuloy na paglalakbay at pagkatuto
kaysa sa takot sa kabiguan."

Claudio [Randell]: (nakakita ng liwanag sa gitna ng dilim)


"Nalaman ko na ang tunay na lakas ay nasa pagtanggap at
pagharap sa mga takot, hindi sa pag-iwas."

Bagani [Edwin]: (may bagong perspektibo) "Akala ko dati, sa


pagiging matatag nasusukat ang pagiging mandirigma. Ngunit
ngayon, natutunan ko na ang tunay na lakas ay nasa pagkilala at
pagharap sa sariling kahinaan."

Sinag [Sherlance]: (muling nagliwanag) "Ang aking liwanag ay


hindi nawala; ito pala ay nasa loob ko, naghihintay na muling
sumikat."
Bagwis [Junel]: (mas matibay at mapagkakatiwalaan) "Natutunan
ko na ang proteksyon ay hindi lang sa pisikal na lakas. Nasa
pagtutulungan at pagtulong sa isa't isa upang lumago at maging
matatag."

Hiraya: (may determinasyon at lakas ng loob) "Ang pag-ibig ko


sa paglalakbay at kay Captain Baste ay mas malakas kaysa sa
anumang takot na aking naranasan."

[Nagtipon-tipon ang buong crew, ngayon ay mas matibay at mas


magkakaisa. Handa na silang iwan ang Isla ng Digmaan, dala-dala
ang mga aral at lakas na kanilang natamo sa kanilang mga
pagsubok.]

You might also like