You are on page 1of 39

Director:

Dyna Paola Santos

Co-Director:

Christiana Neriza Ventura

Scriptwriters:

Alliah Roman

Krysta Paule

Sheenarose Garcia

Photographers:

Renz Halili

Merie Marguerette Nico

Editors and Videographers:

Clowee Shameka Castillo

Vi Rochelle Yusi

Sigrid Aine Santos

Janna Mae Cale

Stylists and Designers:

Keith Angela Tavara

Kaitlyn Garcia

Narrator:

Lian Kyla Paguio

Singers:

Dominic Joseph Trinidad

Candace Vivien Capillar

Lu Ryssel Arellano
Sheenarose Garcia

Merie Marguerette Nico

Technical:

Krysta Paule

Cast:

Kurt Christian Decena – Florante

Roeisa Salinas – Laura

Dominic Joseph Trinidad - Duke Briseo

Juliana Dyanne Chua - Prinsesa Floresca

Ceejay Fajardo - Haring Linceo

Ronald Jose Bunsoy - Konde Adolfo

Arby Mauriz Angulo - Konde Sileno

Lance Adrian Bunsoy - Menalipo

Patrick Gardie Ramos - Antenor

Ricardo Jose Arucan - Menandro

Adrian Chad Rodriguez - Emir

Midori Ai Sison - Heneral Osmalik

Alexandra Joy Bugay - Heneral Miramolin

Sean Linard Iguico - Sultan Ali-Adab

Stephen Vahn Daniel Reyes - Aladin

Lian Kyla Paguio - Flerida


Panimula: (Blur na magiging malinaw na makikita si balagtas, nakatayo sa isang lugar. Kung saan tahimik
at siya lang ang tao.

Pagkalinaw ng camera ay tinutukan ng spotlight si balagtas. Sinabi niya ang kanyang linya.)

"Introduction:

Isang maikling oras aming hinihingi,

At sa inyong panonood sana’y mapangiti,

Huwag kutyain o tawanan,

Dahil ito’y aming pinaghirapan"

(Nagdilim ang paligid at lalabas si balagtas na nagsusulat hawak ang feather na pangsulat at mukhang
may sinusulat na isang bagay.)

Isinilang sa Panginay, Bigaa, Bulacan.

Noong Abril 2, 1788 nasilayan.

Prinsipe ng Makatang Tagalog Binansagan,

At binigyan ng parangal bilang makatang anak ng Bulacan.

Batang palayaw ay Kiko,

Mahirap lamang ngunit hindi sumusuko.

Ina'y si Juana Dela Cruz at ama'y si Juan Balagtas.

Tunghayan ang buhay na kanyang binagtas.

(Kukuhanin ang mga libro sa gilid ng mesa at binasa ang isang makapal na librong isa sa mga yun.)
Matalino at mahilig mag-aral,

Ngunit kinailangang manilbihan.

(Tatawagin siya ni donya trinidad at inutusang magwalis [asa isang bahay])

Kaya't katulong ang pinasukan,

Do'n sa Tondo, Maynila, pag-aaral ay pinaghirapan.

(Papakita uli siya nagbabasa at nagsusulat. Nagpapakita na nag-aaral siyang mabuti)

Pangalan ay bukambibig sa pagbigkas ng tula.

Naaanyayahan sa mga pagdiriwang ng madla,

Kaya't naging makulay ang pagbibinata.

Sa angking talino, maraming kababaihan ay humanga.

(Lalabas sa camera si magdalena na mahinhin na may hawak ng libro at nakikitawa sa mga kaklase.
[Lugar: school(?))

Magdalena Ana Ramos, unang bumihag ng kanyang puso.

(Makikitang pupunta siya kay Huseng Sisiw na nakaupo sa isang upuan at may sinusulat na tula. May
binigay na papel si balagtas ngunit umiling si Huseng Sisiw at nagdrawing ng sisiw sa papel. Ipinakita kay
balgtas at tinuro ang drawing. Sumenyas ng "wala akong ganyan" si balagtas at umiling si Huseng Sisiw
at hindi na siya pinansin.)

Ngunit may mga luhang namumuo.


Nang tulang para rito'y hindi nabuo,

Dahil kay Huseng Sisiw, paghingi ng tulong ay bigo.

(Nalungkot si balagtas at umalis sa lugar. Muling nagsulat si balagtas at lagi niyang nilulukot ang papel at
gumagawa ng bago)

Pinagbuti ang kakayahan,

Di naglaon namaypay sa larangan ng panulaan.

(Itinaas ang nagawang tula at natutuwang binasa ito)

Huseng sisiw na nangulimlim ng kabantugan,

Ngunit hindi nawala ng tuluyan.

(Pinalabas ang mukha ni selya na may pamaypay sa camera)

Selya o Maria Asuncion Rivera,

Na sa Pandacan naman niya nakilala.

Kayang napaibig ang dalaga,

Ngunit siya'y may katunggali naman pala.

(Napalingon si Selya kay Nanong Kapule na lumabas sa kanyang likod)

Si Nanong Kapule na mayaman na makapangyarihan ang pamilya.


(Nag-agawan sila kay Selya, habang naghahatakan ay sumisigaw si Balagtas ng "siya'y aking pagma-may-
ari! Akin at akin lamang!"

Sumigaw naman si nanong kapule ng "manahimik!" At napabitaw na lang si balagtas nang hatakin siya
ng dalawang pulis)

Ang nagpabilanggo sa isang makata,

Sa kagustuhang walang hadlangan sa panunuyo kay Selya,

Siya'y nagwagi at sila'y naging mag-asawa.

(Sa loob ng bilangguan ay tahimik at nakatulala si balagtas. Umiiyak at maya't maya ay kinuha ang papel
sakanyang gilid at nagsimulang magsulat)

Ang Florante at Laura,

Bunga ng kanyang dalahin at pagdurusa,

Na naisulat sa loob ng selda,

At sa Udyong, Bataan natapos ang obra.

Siya'y nanirahan sa lalawigang ito,

Matapos ng kanyang pagkakabilanggo.

(Pinakita si balagtas na isinasayaw si Juana tiambeng at maya-maya'y tumigil sa pagsasayaw at lumuhod


ito si Balagtas sa kanyang harapan. Hawak ang dalawang kamay ay nakatingin si balagtas sakanya at
tumango tango habang umiiyak si juana tiambeng)

Dito nakilala at iniharap sa dambana ang kaisang puso,

Kay Juana Tiambeng luha'y tuluyan nang tumulo.


(Nakatayo at nakasuot na ng salamin. Si balagtas ay may binabasang papel. Nakaupo at may sariling
mesa)

Nakilalang muli sa kanyang husay,

Naging kawani sa Hukuman, Tenyente Mayor at Juez de Semetra.

Mga posisyong pinagpipitagan,

Simula noong unang panahon pa man.

Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana,

(Hinuli ng dalawang pulis at pilit na kinuha at unti unti silang nawala sa kamera)

Sa bilangguan muling may sala.

Inakalang pagputol ng buhok sa babaeng utusan,

Ni Alferez Lucas, makulong uli sa lalawigan ng Bataan.

(Nakaupo at nakayuko sa isang sulok at umiiyak)

Umapela ngunit naubos lang ang kayamanan.

Kaya'y paglabas ng pihitan, salubong ay kahirapan.

Ngunit ipinagpatuloy ang pagsusulat

Hanggang ang mata'y hindi na muling namulat.

(Pinakitang nakapikit at nakahiga si balagtas)


74 nawalan ng buhay,

Noong Pebrero 20, 1860 siya'y namatay.

Naulila'y asawang si Juana at apat na anak.

(Pinakita si Juana at ang apat na anak na malungkot habang may sinasabi si Juana sa apat na anak.)

Kung titingnan ang kanyang buhay ay wala halos galak.

(Ipapakita ang cover ng librong florante at laura)

Sana'y ang Florante at Laura ay pahalagahan.

Sapagkat ito lang ang naiwan ng kanyang paglisan.

(Ipapakita si balagtas na nasa harap. Nasa kanya ang spotlight o pinapakinggan siya ng mga istudyante)

Ako ngayon sa inyong harapan bilang Francisco Balagtas Baltazar,

Ang Prinsipe ng Balagtasan.

[ARALIN 6]

Singers: ‘Natutulog Ba Ang Diyos – ‘

Florante:

(Titingala at mapapapikit na parang may dinadaing at mapapamulat uli)

Mahal kong Albanya’y,


Nahihirapan at nagnanais lumaya,

Mahihigpit na gapos,

(Susubukang kumawala)

Sa katawan ko’y humahaplos,

Kalangita’y ipinagkakait,

(Yuyuko at pagod na pagod ang boses)

Dinggin ang aking ninanais,

Ngayo’y puso’y binalot ng pait,

(Titingala habang malungkot na nakatingin sa langit)

O Diyos ko bakit ako’y Iyong natitiis?

Ngunit nagdaramdam ma’y puso ko’y di lalayo,

Sa iyo, ako’y patuloy na mananalangin,

[ARALIN 7]

Singers: ‘Kunin Mo na Ang Lahat Sa Akin’

Florante:

Bawat sandali ng aking paghinga

(Mapapapikit [didilim ang camera] at maluha luhang mumulat uli. Nasa harap si Laura at siya'y
pinupunasan)

Ala-ala ni Laura’y aking nagugunita,

Sa bawat sakit na aking nadarama,

Imahe ng sinta ko ang nagbibigay ng pag-asa,

(Pipikit [didilim sa camera] at pagmulat ay wala na si Laura)

Ngunit hindi mapigilang isiping,

Sinta ko’y nasa ibang piling,


Kay Konde Adolfo isang taksil,

Na pag-ibig ko’y ipinagkait

(Nakayuko na at umiiyak)

[ARALIN 8]

Singers: ‘Malaya – Moira dela Torre’

Aladin:

Isa akong tanyag na gererong Moro,

Kinatatakutan ng maraming tao,

(Habang naglalakad ng mabagal at uupo sa isang tabi)

Ako’y prinsipe ng aming kaharian,

At Persya ang ngalan ng aking bayan,

Nais ko sanang kalimutan,

Ang lahat tungkol sa aking pinanggalingan,

Sapagkat naroon ang aking amang,

Umagaw sa pinakamamahal na Flerida,

(Malungkot na yuyuko at hahawak sa noo)

Sinumang humadlang sa aming dalawa,

Ay handang gantihan at ibuhos ang lahat ng kaya,

Ngunit kung para sa aking ama,

(Aayos ng upo at titingin sa kawalan)

Kakayanin kong magparaya

[ARALIN 9]

Aladin: (mapapalingon sa paligid na parang may hinahanap)


Kaninong tinig ang aking naririnig,

(Tatayo at hinanap ang tinig)

Mga salitang kaniyang binibitawa’y puno ng sakit,

(Hahawiin ang mga damo at nakita si floranteng nakagapos)

Isang gererong Kristiyano? Ano ang ---

(Mapupunta na uli kay Florante ang camera)

Florante:

(Magpupumilit na lumaya habang umiiyak)

Ama kong kaibig-ibig!

Bakit buhay mo’y kay agang binawi?

Mas lalo kong hindi matanggap,

(Galit ang tono ng boses)

Nang sa kamay ng isang taksil buhay mo’y nasawi,

Kamatayan mo’y hindi nabigyan ng hustisya,

Dahil Albanya ko’y naduduwag,

Kay Konde Adolfong walang awa,

(Pagod na mangiyak-ngiyak na tumigil sa pagkawala)

Kabutiha’t kabaitan mo’y walang kapantay,

Pagmamahal mo sa ami’y walang kupas

Dahil ikaw, ang nag-iisang Duke Briseo na aming iniibig

Aladin: (Tatalikod at mapapahawak sa noo na parang nahihibang na napatawa ng mapait)

Nakakatawa’t lahat ng aking narinig ay isang kabaligtaran,

Sa aking amang ako’y pinagtaksilan,


Walang amang kayang paslangin ang kaniyang sariling anak,

Aladin: (Iiyak habang nakatakip ang kamay sa mata)

Walang amang kayang patayin ang,

Kaniyang sariling anak,

(Ipapakita si sultan ali-adab na nakangiti at nakatingin ng masama sa camera)

Ngunit nariyan si Sultan Ali-Adab,

Ang aking nag-iisang amang,

(Tatanggalin ang kamay sa mata at mapapahawak sa dibdib na parang may iniisip at nakatingin sa
kawalan)

Kanyang... kinuha ang aking kasiyahan

Singers: ‘Kunin Mo na Ang Lahat sa Akin’

Aladin: (Umiiyak at napapikit na lang sa sakit)

At ninais pa na ako’y lumisan

[ARALIN 10]

Florante:

Mahal kita,

Kahit pa nasa piling ka na ng iba.

Sanay wala nang dusa at ika' y lumigaya,

Dahil pinapalaya na kita.

(Dadating dalawang Leon, palilibutan siya at pinanood siyang magsalita)


Paalam albanyang kinalakihan,

Na ngayo'y pinamayanan ng kasamaan

Panghihinayang sa kaharian,

Patawad kung hindi ko kayo napaglingkuran.

(Hihinto saglit)

Bayang walang loob,

Na sa mga paghihirap ng mga tao nakakulob.

Kay laurang isang mandaraya,

Ako na ngayo'y nagpaparaya.

(Umiiyak si Florante. Samantalang pinakita sa camera na may narinig si Aladin kaya't napaharap uli siya
kay Floranteng nagpapaalam na. Nagulat si Aladin nang makitang may dalawang Leon)

Florante:

(Titingala at nakatingin sa kalangitan)

'O Laurang aking minamahal,

Ako na'y napapagal.

Pamamaalam mula sa pagkakasakal,

Hinintay kita ng kay tagal.

(Napapikit sa pagod at napayuko)

[ARALIN 11]

Aladin:

(Napakagat ng labi si Aladin at napakunot ng noo)

Isang kristiyano,
Paanong nagkaganito?

(Nalilitong tumingin kay Florante tapos sa mga Leon)

(Nawawala.. bumabalik.. eto na naman~)

Aladin: (Iiling saka itataas ang kamay na may hawak ng espada)


Ililigtas kita!

(Walang ano-anong sinugod ang mga leon)

(Opening Song ng ‘Mission Impossible: Ghost Protocol)

(Sinaksak ang isa at nag-ikutan sila ng isang leon kay floranteng parang wala nang buhay. Nag-action na
gigilitan nila ang bawat isa. Sinugod ni Aladin ang leon at sinaksak)

(Nakahiga na ang mga Leon at kinalas na ni Aladin ang lubid. Natumba si florante sakanya kaya niya
inalalayan at inihiga sa kanyang hita. Hinaplos niya si florante)

Aladin:

(Habang hinahaplos)

Kaawa-awa ang iyong sinapit,

Sa pagkakataling sobrang higpit.

Kahit lahi nati'y magkaaway,

Ako'y naaawa sa iyong lagay.

(Umuungol habang minumulat ni florante ang mata, hinang hina ang katawan at halos di makagalaw.)

[ARALIN 12]

(aatras si Aladin at iiwas ang tingin habang nakahiga sa kandungan si Florante)

Florante:

(Malat ang boses)

'O Laura, aking iniirog,

Tanggalin mo ang lubid na sa aki'y nakagapos.


(Parang malabo ang mata ni florante dahil pumikit pikit muli ito at nagulat at akmang babangon kahit
dinadaing ang sakit sa katawan)

(Pinigilan siya ni Aladin at inihiga sa kandungan)

Huwag matakot at ikalma ang sarili,

Ika’y ligtas na sa aking bisig,

Niligtas ko ang kaaway ng aking lahi,

Dahil mas pinangunahan ako ng aking damdamin,

Pansin kong marahas ang iyong napagdaanan,

Nakagapos ka’t nasa bingit ng kamatayan,

Isa man akong Moro’y may puso din ako,

Ako’y magmamalasakit at tutulong sa iyo.

(Kumalma si Florante at napapikit na lang sa pagod)

(Pinakita ang mahigsing video na inaalagaan ni Aladin si Florante. Tulog si Florante, Gising si Aladin.
PInupunasan si Florante)

[ARALIN 13]

Florante:

(Nag-uusap sila ni Aladin)

Aking ilalahad sayo ang aking hirap,

Pati pagkabata'y ako'y nakalasap.

Sa isang syudad na pangalan ay Albanya,

Doo'y may Duke Briseo na aking ama.

(Ipapakita si Duke Briseo na kausap si Haring Linceo)


Tagapayo ng Haring Linceo ng bayan,,

Kung siya'y uliran ng lahat at pangalawang pinuno ng siyudad..

Sa aki'y isa siyang amang sobra magmahal at mag-alala sa anak..

(Ipapakitang nag-uusap sila aladin)

Hindi lahat ng kamusmusa'y sasambitin,

Dahil halos wala namang nangyaring interesado sa akin.

(Ipapakita ang isang sanggol sa isang unan o higaan [sa bahay] [baby=manika])

Noong ako'y sanggol, muntik na akong hablutin.

Ng isang ibong puno ng sakim.

(Parang puppet paper ang ibon)

Sabi ni Ina, ako'y natutulog.

Sa aming bahay na malapit sa bundok.

Sigaw ni ina'y namayani sa paligid,

Nang dumating ang ibong hahablut sakin.

(Dumating si menalipo na may dalang pana at nakatutok ang palaso sa ibon)

Dumating si Menalipo na aking pinsan,

Pinana ang ibo't namatay bigla.

(Magkausap sila Aladin)

Isang araw noong ako'y unting nakakalakad,


Sa aming sala'y may ibong Arkong pumasok.

Dinagit ang kupidong diamenteng aking suot.

Siyam na tao'y nag-aaliw aliw ako sa burol,

Mahilig mangaso't mamana ng ibon.

Sa isang ilog ako'y namamahinga,

Makita ang repleksyon kong kay ganda.

Nang ako'y pagsabihan ng aking ama,

Hindi raw dapat mamihasa ang bata sa tuwa,

Dahil kapag lumaki'y walang hihintaying ginhawa.

Hanggang sa ako'y ipinadala sa Atenas,

Ama na ang nagtalastas,

Walang laban ang mga luha ni Ina,

Sa pangyayaring doo'y ako'y namulatan.

Pag-aral saki'y ipinatungkol sa isang maestro,

Kalahi ni Pitaco't pangala'y Antenor.

Isang buwa'y halos hindi makakain,

Dahil sa hanap hanap ang dating lupain.

[ARALIN 14]

Aladin:

Katalinuhan ko'y bantog


Sa kapwa kong mga mag-aaral

Ito'y isang handog

Na walang makakapanglubog!

Ngunit hindi naglao'y naungusan

Florante ang kan'yang ngalan

Siya'y nakilala ng lahat!

at ako'y unti- unting nakakalimutan

Hindi ito maaari!

Ako lamang dapat ang nag- iisang bantog dito sa aming unibersidad!

Ako lamang dapat ang nakakatanggap ng mga papuri

Ako lamang ang maaaring makatanggap ng gan'yang atensyon!"

Florante:

Nang ako'y dumating sa unibersidad

Nadatnan ko ang anak niyong Konde Silenong marangal

Adolfo ang kan'yang ngalan

At siya'y pinopoon ng lahat

Inilabas namin ang trahedya

ng dalawang apo ng tunay na ina

at mga kapatid ng nag- iwing amang


anak at esposo ng Reina Yocasta

Papel ni Eteocles and naging tungkol ko

at si Polinice nama'y kay Adolfo

Naging daan ang trahedyang ito

Upang ako'y tunay na patayin ni Adolfo

Doon, nakilala namin ang tunay na siya

Ang isang mahinhin at mabait na tigre ay naging isang mabangis at nakakatakot na tigre.

[ARALIN 15]

Recorded Voice:

Florante:

(Ang scene ay sa skul, nakaupo si Florante at nagsusulat)

Habang ako'y nag-aaral sa Atenas,

(Lumapit ang isang lalaki at binigay ang sulat na nakarolyo)

Nakatanggap ako ng liham mula sa aking ama.

(Binasa ang sulat at umalis na ang lalaking nagbigay)

Sinasaad dito na pumanaw na ang aking pinakamamahal na ina.

(Dumukmo si florante sakanyang upuan at umiyak)

Hindi napagod umiyak, halos ubos na ang luha.

Dalawang buwan akong nagdamdam,

Sa pagkawala ng aking mahal na ina.

Hanggang sa ikalawang sulat ni ama'y dumating,


(Dumating uli ang lalaking mensahero, may dalang sulat)

Sinasabing kailangan ko nang umuwi sa Albanyang bayan.

Bago lumisan ay pinayuhan ako ni Antenor na aking guro,

(Kinuha ni Florante ang bag at tumayo sa upuan, sinalubong siya ni Antenor at hinaplos ang likod)

Mag-ingat kay Adolfong mukhang may masamang pinaplano.

Sinamahan ako ni Menandro, na aking matalik na kaibigan,

Sa paglisan, patungo sa Albanyang aking bayan.

(Dumating si Menandro na may dalang bag at katabing lumabas ng room, iniwan si antenor)

(Ipapakitang magkasama si Aladin)

Not recorded:

Florante:

Pagdating ko'y hinanap ko ang aking ama,

Upang halikan ang kanyang kamay.

Sa aming pagkikita,

Nanumbalik ang sakit, sa balita sa aking ina.

[ARALIN 16]

(Nakaupo ang magkaibigan at nakasandal sa isang puno)

Florante:

Anopa't buhay naming mag-ama nabatbat sa hapis at pagdurusa,

Habang kami'y magkayap inabutan ng tagamensahe ng hari ng Crotona,

Nanghihingi ng tulong na maisalba ang bayang nasakop ng mga kalaban.


(Ipapakita na magkayakap ang duke af si florante. Nang dumating ang isang tao at may binigay na sulat.
Binuksan iyon ni florante at binasa, sumilip naman si duke dito)

Recorded Voice (habang pinapakita ang sulat):

Ayon sa sulat nasakop ang Crotona ng mga Moro,

Sa pangunguna ng sikat na gererong anak ng sultang si Ali-Adab,

Sa labis na pag-aalala,

Ako'y dali-daling pumunta sa Crotona.

(Habang naglalakad ay nakatutok lamang kay Florante ang camera)

Recorded Voices:

Sundalo #1:

Prinsepe Florante may isang katanungan akong nais alamin,

(Lilingon at titingin si Florante sa camera, sa kaliwang angulo)

Kung magkaroon man ng pagkakataon kaya mo bang patayin si Aladin?

Sundalo #2:

Aba't sigurado akong agad na matatalo si Aladin,

(Lilingon at titingin si Florante sa camera, sa kanang angulo)

Sa kisig palang ni prinsipe Florante wala na siyang masasabi.

Florante:

(Bubuntong hininga at yuyuko habang nagma-marcha, na nagpapakita ng paglalakad, at magsasalita)

Huwag niyong itulad ang isang sikat na gerero sa isang kagaya kong api,

Ni sa kaaway may di ko nanaising mangyari ang aking mga hapis.


(Ipapakita si Haring Linceo, Duke Briseo at Florante (at mga extra[sundalo]) na nasa isang lugar [bahay])

Haring Linceo:

(sasalubingin sila Florante sa pinto)

Sino dito ang galing sa siyudad?

Duke Briseo:

(Nasa tabi na ni Haring Linceo)

Ang anak ko o hari,

Inihahandog upang ang inyong baya'y paglingkuran,

( ipapakitang namangha ang hari at napayakap kay Florante)

Haring Linceo:

(Yayakapin si Florante at dahan-dahang tatapikin ang balikat nito)

O Florante alam ko ang bagabag na dinadamdam mo sa pagpanaw ng iyong ina,

Ngunit kailangan namin ang iyong tulong sa pagsalba sa Crotona,

Bayang nasakop ng mga morong mapang-api.

Florante:

(dahan-dahang tatango at saka na lalapit sa hukbo)

(Pinakitang umalis na sila sa palasyo[bahay]

[ARALIN 17]
Singers: 'Ikaw - Yeng Constantino'

Florante:

(Nakaupo at kaharap si Aladin na nakikinig lamang)

(Nagkwe-kwentong natutuwa at inlove si Florante)

Siya ang pinakamaganda!

Di hamak na walang mailalaban ang diyosang si Venus sa kaniya,

At sigurado din akong lahat ng kalalakihan sa bayan ay magkakagulo,

Makuha lamang ang atensiyon ni Laura'ng ka-irog irog.

Florante:

(Nakatingin sa taas at napangiti ng masaya)

Sa unang pagkikita pa lamang sakanya,,

Ako'y nahulog na.

(nakaupo sa isang sulok habang pinaglalaruan ang perlas niyang kwintas)

(patagong sisilipin si Laura habang may hawak na isang pulang rosas)

(pinag-iisipan ni florante kung bibigay niya ba ang bulaklak kay laura)

<Recorded Voice>

Florante:

Binalak kong ipagtapat ang aking damdamin,

Ilang beses din akong nagplano,

Ngunit pinangunahan ako ng takot at mas piniling ibuhos nalang ang atensyon sa parating na laban
Florante:

(Iiling at ipapakia sa camera ang mahigpit niyang hawak sa rosas. Ipapakita rin ang kanyang pag-alis)

Florante:

(Ipapakitang nakaupo at magkasama sila ni Aladin)

At dumating ang araw bago kami lumisan,

Pinalad akong maipagtapat ang aking pagtingin,

(Ipapakitang nasa isang lugar [Park] si Florante. Ipapakita ng camera ang likod ni Floranteng nakaharap
sa gulat na si Laura at unti-unting ipapakita na nakaluhod si Florante sa harap ni Laura)

Florante:

(Luluhod sa harap ni Laura at mag-aalay ng isang rosas)

Laura, ikaw ang nais ko,

Una palang kitang nakita ay nabighani mo na agad ako.

Maari ba kitang maging kasintahan?

Laura: (mapapatakip sa bibig at maluha luhang tumango)

Florante:

Salamat!

(Yayakapin si laura, at yumakap pabalik si laura)

Mahal na mahal kita, Laura.

Hindi ka magsisising ako'y iyong sinagot.

<Recorded Voice>
Florante:

Sa paglapit ng paglusob naming mga kawal,

Saka naman ang pagdating ng aking lakas na nagmumula sa sintang iniibig.

(Ipapakita uli na magkasama si aladin)

Florante:

(Mapapatakip sa mata at isasandal ang ulo sa bato habang nakatingala)

Pero kung hindi dahil kay Laura hindi sana ako magkakaganito,

Ano nang gagawin ko?! Ngayo't ang sinta ko'y pinagtaksilan ako?

Singers: 'Anong Nangyari Sa Ating Dalawa - Aiza Seguerra'

[ARALIN 18]

(Pinakita sa camera na kalma na si florante at nagpatuloy ito sa pagkae-kwento)

Florante:

Kinabukasan di'y kinailangang lisanin ang Albanya,

Sa Albanya kung saan naiwan si Laura,

Para sagipin ang bayang nagdurusa,

Sa kamay ng malulupit na mga mananakop

Laura:

(Umiiyak habang nakatingin na nag-aalala kay Florante at hinahaplos ang mukha nito)

Mag-iingat ka ha?

Ayokong mapahamak ka't ngayon pang tayo na.


Florante: (gingiti sabay hahawakan ang dalawang kamay ni Laura)

Ang isipin ka palang ay sapat na para bigyan ako ng lakas,

Sigurado akong walang makakatalo sa akin anopa't si Laura'y nasa aking piling?

Florante at Laura: (magdidikit ang mga noo at ngingiti)

(Ipapakitang nagkwe-kwento si Florante kay Aladin)

Florante:

Sa pagdating nami'y malapit nang matalo ang hukbo ng mga taga Crotona,

Kaya dali-dali kaming lumaban para matulungan ang bayan.

Sounds: *mga espadang nagtatama*

Florante:

Nagpatuloy ang paglalaban ng magkabilang panig,

Hanggang sa hinamon ako ng heneral ng hukbo ng mga Moro.

Makipaglaban, na kaming dalawa lamang.

Limang oras kaming naglalaban,

Hanggang sa napagod ang heneral at siya'y aking napaslang.

Sa tulong ng kaibigang kong si Menandro napasuko namin ang kaaway na hukbo

Florante at Menandro: (tatapikin ang balikat ng isa't-isa habang hingal na hingal at nagpupunas ng
pawis)
(Ipapakita nang magkasama si aladin at florante)

Florante:

Tagumpay ay nakamit kaya't umuwi na kami,

sa bayang niligtas namin.

Kasiyahan para sa nagligtas ay nangyari,

Tuwa nilang ang tagapagligtas ng bayan'y

Apo ng kanilang hari.

Ngunit napalitan ng kalungkutan nang maalala ang pumanaw na ina.

(Titingala si florante at ipapakita sa camera si prinsesa floresca)

[ARALIN 19]

Pagkalipas ng limang buwan,

Nagpumilit akong makabalik sa sariling bayan,

Sa kabutihang palad, agad din naman akong pinayagan.

Sounds: *pagtakbo ng mga kabayo*

(Ipapakitang may sakay na kabayo si Florante at nagmamadali ito)

Florante:

Recorded Voice:

Sa labis na kasabikan ay halos lumipad na ako sa bilis ng pagpapatakbo,

Ngunit sa kalayuan palang,

Agad naming nakita ang bandera ng mga Morong nakalagay sa aming bayan

Kaya kahit labag sa loob mas minabuti naming magmatiyag sa di kalayuan,


Sounds: *pag 'neigh' ng kabayo kasabay ng pagtigil nito sa pagtakbo*

Florante: (Kausap si Aladin)

Kitang-kita ko noon,

Kung gaano ang pag-igkas ni Laura mula sa pagkakagapos

Scene: *mapupunta kila Laura*

Emir: (Hahawakan ang buhok ni laura sa likod at haharapin si Laura)

Magandang binibini,

Ikaw ang napili kong pakasalan

Emir: (tatawa ng malakas)

Laura: (nagpumiglas kay Emir)

Kahit anong mangyari si Florante lang ang papakasalan ko!

Laura: (sasampalin ng malakas si Emir)

Sounds: *isang malakas na sampal

Emir: (hahawakan ang pisngi at titignan ng masama si Laura)

Florante:

Hindi na kami nag-aksaya ng oras at agad na iniligtas ang Albanya

Hukbo nila Florante: (kakalabanin sina Emir)


Sounds: *pagtama ng mga espada*

(Nagkwe-kwento kay Aladin)

Matapos matalo sina Emir ay agad na pinalaya namin mula sa pagkakabilanggo ang aking ama,

Kasama ang sakim pala na si Adolfo ng Albanya.

Scene: *sa kwarto ni Adolfo* [bahay]

Sounds:*nagdiriwang ang mga tao/sumisgaw ng tagumpay*

*nabasag na salamin*

Adolfo: (paikot-ikot na naglalakad)

(Parang nagdadabog)

Di hamak na mas magaling ako sa isang taong tulad niya!

Ano bang meron sa kaniya na wala ako?

Ano bang nakakatuwa ang nakikita nila sakaniya?!

Hintayin mo Florante! Mababawi ko rin sayo ang mga inagaw mo!

Recorded Voice:

(Pinakitang naglalaban silang dalawa ni Miramolin)

Florante:

Muli kaming sumabak sa labanan,

Tinalo namin ang hukbo nila Miramolin at labing pito pang kalaban.
Sounds: *paglalaban*

Florante: (kausap si Aladin)

Habang namamahinga kami,

Nakatanggap ako ng isang mensahe mula sa hari,

Na kailangan kong umuwi,

Ibinilin ko sa aking kaibigan ang hukbo,

At dali-daling lumisan sa labanan.

Sounds: *pagtakbo ng kabayo*

Sounds: *Kiss the Rain - Yiruma*

(Kausap pa rin si Aladin)

Florante:

Huli na ng mapag-alaman kong patibong lang iyon sa masamang plano ni Adolfo,

Sa aking pagbalik ay agad akong hinuli at ipinabilanggo,

Napag-alaman ko rin ang pagpanaw ni ama,

Gayundin ang kasalang ipinangako ni Laura

Adolfo: (tatawa ng malakas habang nakaakbay kay Laura)


Napakalaki mong hangal!
Hindi ko inakalang nahulog ka sa aking patibong!
(aalis kasama si Laura)

Florante:

Sa ikalabingwalong araw na pamamalagi ko sa bilangguan,


Kinuha ako ng mga sundalo ni Adolfo upang ipatapon,

Sa lugar kung saan mo ako natagpuan

[ARALIN 20]

(Bumuntomg hininga si Florante habang nakatingin kay Aladin)

Aladin: (malungkot)

Ngayong narinig ko na ang iyong kwento,

Akin naman ang pakinggan mo.

(Tatapat kay Aladin ang camera)

Singers: 'Dadalhin - Regine Velasquez'

Aladin: *maluha-luha*

Anak ako ng kilalang sultan sa Persiya,

Si.. Sultan Ali.. Sultan Ali-Adab

Nandito ako sa gubat,

Dahil sa aking ama.. dahil sa inagaw niya ang aking..huhuhuhuhu

(Hindi na natuloy ang pagkwe-kwento dahil umiyak na si Aladin. Hinaplos ni florante ang likod ng
kaibigan at unti unting umitim ang screen)

[Makalipas ang 5 buwan]

Aladin: (Habang naglalakad sa gubat kasunod si Florante.)

Kagaya mo may pinagkukuhanan din ako ng lakas,

Kasing ganda din ni Venus kagaya ng iyong sinta,


Masaya kaming naninirahang magkasintahan,

Ngunit nagbago ang lahat nang magkagusto si ama kay Flerida,

Aladin: *lulunok at nagpipigil ng luha*

Araw noon na kakatapos lang ng digmaan,

Ninais kong bumalik sa aking bayan,

Ngunit sa pagbalik ay agad akong hinatulan,

Sa salang pag-iwan sa hukbo ng walang paalam,

Aladin: *pipikit ng madiin*

Isang gabi bago ako hatulan,

Sinabihan ako ng isang heneral na umalis nalang para makaiwas sa kamatayan,

Kaya kahit labag sa kalooban,

Iniwan ko si Flerida ng walang paalam

[ARALIN 21]

Recorded Voice:

Texts on the screen:

Narrator:

Sa anim na taon na paninirahan sa kagubatan,

Walang nakahadlang sa paglalim ng pagkakaibigan nina Florante

Isang araw habang nag-iikot sa kagubatan,

Nakarinig silang ng tinig ng dalawang dalagang nagkukwentuhan,

Parehas nilang nabosesan ang mga dalaga,

Ngunit mas pinili muna nilang mag-imbestiga


(Ipapakitang nasa likod ng mga damo sila Aladin at Florante na nakatalikod at nakikinig sa dalawang
babaeng nag-uusap sa likod nila.)

Flerida: (Nakatayo at katabi si laura)

Bago kita nakita hinahanda ako sa kasal ko

Laura:

Ngunit tumakas ka?

Flerida:

Oo dahil ang tunay kong mahal ay ang anak ng mapapangasawa ko,

Payapa lang ang buhay namin ngunit isang araw,

Nang makabalik siya mula sa digmaan,

Ay agad din siyang hinatulan na pugutan,

Ngunit bago ang araw ng kaniyang kamatayan,

Bigla nalang siyang nawala, lumisan ng walang paalam,

Flerida at Laura: *umupo sa isang tabi*

Flerida:

Sa araw ng kasal nagbalak akong tumakas,

Nagpanggap bilang isang moro at saka dumiretso sa kagubatan,

Dun kita nahanap kasama ang lalangking sinubukan kang pagsamantalahan

Laura:

Kasintahan ko ang anak ng hari sa bayan ko,


Kagaya niyo payapa din kaming namumuhay,

Aalis siya para manakop ng ibang bayan,

At hihintayin ko naman siya sa kaniyang pagbabalik,

Ngunit may roong isang sakim na lalaking ninais ang buhay ni Florante,

Si Konde Adolfo,

Nilason niya ang isipan ng mga tao,

At sa gitna ng kaguluhan pinatay niya ang hari

Pati narin ang mga tapat nitong manggagawa,

Kasunod ay pinagbantaan niya ako,

Laura: *pupunasan ang luha*

Na papatayin niya ako kapag hindi ko siya pinakasalan,

Sinubukan kong pagbantaan sina Florante,

Ngunit mas nauna nilang natanggap ang liham ni Adolfo,

Si Menandro ang nakatanggap ng liham na isinulat ko,

(Papakita si Menandro kasama ang mga kawal)

(bubuksan ang sulat at lilingon sa kawan saka magsisign na 'sugod')

Sounds: *sunod-sunod na pagtakbo ng mga kabayo*

Laura:

Dumating sila para tulungang mabawi ang Albanya,

Ngunit huli na ang lahat,

Wala na si Florante
(Ipapakita sila Menandro at Adolfo)

Sounds: *DUN DUN DUNDUN*

Adolfo: *tititigan ng masama si Menandro bago tumakas*

Habulin mo ko, mapangahas~~ blehh~

Menandro: *akmang hahabulin si Adolfo ngunit naharang ng mga kaaway*

SFX: shing! Swing! Wushing!

Laura: *magpupunas ng luha*

Nabawi nila ang bayan ng Albanya ngunit nakuha ako ni Adolfo,

Dinala sa gubat kung saan muntikang mapagsamantalahan,

Pero dumating ka! Tinulungan mo akong mapatay si Adolfo!

(Pinakitang may hawak na pana si Flerida at nakitang hawak ni Adolfo ang braso ni Laura. Si laura ay
pumipiglas)

(Tumapat kay Flerida ang pana at binitawan ang goma at lumipad ang palaso)

(Madramang mapapahawak sa dibdib si Adolfo at mapapahiga nang matamaan ng pana)

(Pinakitang ngumisi si Flerida ng walang pagsisisi)

(Ipapakitang nagtinginan ang magkaibigan na si Aladin at Florante, at hinawi ang mga damo)

(Gulat ang dalawa)

Aladin: Flerida?!

Florante: Laura?!
Sounds: *Tagpuan – Moira dela Torre*

Laura: Florante?!

Flerida: Aladin?!

Florante at Aladin: *sasalubungin ang dalawa ng yakap*

Silang apat: *mag-iiyakan*

[ARALIN 22]

Sounds: *minus one ng 'Bituing Walang Ningning - Sharon Cuneta'*

Text on Screen:

Recorded Voice:

Narrator:

Sa muling pagkikita ng magkakasintahan,

Nagbalik at muling tumibok ang puso nila para sa isa't-isa,

Matapos silang magkamustahan,

Ay saka naman ang pagdating ng hukbo nila Menandro,

Kitang-kita ang labis na kagalakan sa mukha ni Menandro ng makitang maayos ang kaniyang kaibigan,

(Ipapakitang nasa gubat si menandro at ibp.)

Menandro: *agad na lalapitan si Florante at hahawakan ang magkabilang balikat.*

Florante! Ayos ka lang!


Salamat sa Diyos!

Hindi mo alam ang kalungkutang naramdaman ko ng mapag-alamang ipinatapon ka sa kagubatan!

Florante:

Salamat din sa inyo't nailigtas ang mahal ko (ngumiti)

Menandro:

Sa totoo lang, si Adolfo ang pakay namin dahil tinangay niya ang prinsesa,

Ngunit mas nagagalak akong kayo ang nahanap namin sa gitna ng kawalan

Text on Screen:

Recorded Voice:

Narrator:

Sa muling pagbabalik nina Florante sa Albanya,

Nagbunyi ang bayan sa tuwa,

Bininyagan din sina Aladin at Flerida bilang mga Kristiyano,

At hindi rin nagtagal ay ikinasal ang dalawang pares

Singers: 'Sundo - Moira dela Torre'

(Sa isang lugar na mukhang may altar)

Pari:

Ikaw, prinsipe Florante na anak ng hari ng Albanya,

Tinatanggap mo ba si prinsesa Laura bilang iyong kabiyak,

Sa hirap at sa ginhawa,
Hanggang sa kamatayan?

Florante: *titignan si Laura*

Opo

Pari:

Ikaw, prinsesa Laura anak ng hari ng Crotona,

Tinatanggap mo ba si prinsipe Florante bilang iyong kabiyak,

Sa hirap at ginhawa,

Hanggang sa kamatayan?

Laura: *titingin kay Florante at ngingiti*

Opo

Recorded Voice:

Narrator:

Ang pag-iisang dibdib nila Florante ay isang patunay ng kasabihang,

Sa hinaba-haba ng prusisyon sa simbahan din ang tuloy

Laura: *ihahagis ang bulaklak*

Singers: '' Panalangin ko sa habang buhay~~”

Flerida: *masasalo sabay titingin kay Aladin na nakangisi*


Aladin: *ngingiti at magthuthumbs up kay Flerida/ kela Florante*

(Habang pinapakitang masayang nag-aasaran sila Florante at Aladin)

Recorded Voice:

Narrator:

Nang mapayapa si Sultan Ali-Adab ay siya ring pagbabalik nila Aladin sa Persiya,

Sa Albanya naman ay naging matagumpay na tagapamuno si Florante,

Ang dating magulong bayan,

Na naibalik sa katiwasayan,

Ending:

Lahat: ' Kakantahin ang 'Pana-panahon'

Roll the credits!

Extra/ Behind The Scene:


Manghuhula: *pasayaw-sayaw*
Ako’y isang manghuhula,
Na Makata,
Sa palasyo,
Huhulaan ko ang kapalaran,
Ng anak ng hari’t reyna

(dadating sila florante at laura bilang ang hari’t reyna)

Manghuhula: *biglang titigil at uupo*


Mahal na hari at reyna,
Narito na pala kayo di naman kayo nagsasalita!
Maupo kayo,
Ahem!
*

You might also like