You are on page 1of 6

KOMPAN

11-EMPATHETIC (GROUP 1)

RADIO BROADCASTING SCRIPT

"KPEN 1.12"

Luis: INTRO(MUSIC)

Hana: MAGANDANG ARAW PILIPINAS, PARA SA ATING MGA BALITA NGAYONG ARAW.

Hana: Dalawang militiamen ang napatay, isa pa ang sugatan sa pambobomba sa gilid ng kalsada sa
Basilan. (NATIONAL)

Hana: Computer Shop sa Tuguegarao City, Nilooban; Mahigit isang milyong halaga ng gadgets
nakulimbat (LOCAL)

Hana: Sa international na kompetisyon nag uwi ng gintong medalya ang ating atleta sa larangan ng
boxing. (SPORTS)

Hana: MMD inanusyong best in national costume sa Miss Universe.(ENTERTAINMENT)

Luis: (MUSIC)

"UNANG BALITA" (NATIONAL)

Hana: "Dalawang militar ang nasawi habang isa pa ang nasugatan sa pambobomba sa tabing kalsada sa
Barangay Limbo Candiis, bayan ng Sumisip sa Basilan, pasado alas dose ng tanghali nitong Lunes ika- 27
ng Nobyembre dalawang libo't dalapampu't tatlo. NOVEMBER 27 2023

Magkahiwalay na kinumpirma ni Gen. Alvin Luzon, commander ng Army’s 101st Infantry Brigade, at ng
Basilan Provincial Police Office noong Lunes ng hapon na dalawang miyembro ng Citizens Auxiliary Army,
isang state paramilitary group, ang napatay sa insidente.

Sinabi ni Gen. Alvin Luzon na ang pagsabog ay nagdulot ng matinding pinsala sa isa pang militar.

Ang improvised explosive device ay pinasabog mula sa malayo gamit ang isang mobile phone, ayon sa
mga opisyal ng Army at pulisya sa lalawigan ng isla.

Sinabi ng mga lokal na opisyal sa mga mamamahayag na ang pambobomba ay ginawa ng ilang lokal na
terorista na naglalayong lumikha ng impresyon na ang pagsuko sa Basilan PPO at 101st Infantry Brigade
ng mahigit 400 miyembro ng Abu Sayyaf sa nakalipas na anim na taon ay hindi nagpapahina sa kanilang
kakayahan na maglunsad ng mga pag-atake ng terorismo.

Halos lahat ng mga teroristang sumuko noong panahon sa pamamagitan ng pamamagitan ng mga lokal
na ehekutibo sa pamumuno ni Gov. Hadjiman Salliman ay muling naisama sa pangunahing lipunan.

YAN LAMANG PARA SA ATING BALITANG PAMBASA NGAYONG ARAW. HANA-MAE TAGUBA,
NAGUULAT."

Hana: Para sa ating balitang local, Jeshelle Taccad at Zyra Abana. PASOK!!

"IKALAWANG BALITA" (LOCAL)

Zyra: "Nilooban ng hindi pa nakikilalang mga kawatan ang Octagon Computer Superstore sa barangay
Centro 06 sa lungsod ng Tuguegarao noong, Noyembre 23, 2023.

Sa panayam kay PCpt Ana Marie Anog, tagapagsalita ng PNP Tuguegarao, nakita umano ng incoming
security guard na nasira ang padlock ng roll-up door ng Computer Store. Dito na itinawag ng
management at security ang nasabing panloloob sa PNP Tuguegarao.

Nagsagawa naman ng pagsisiyasat ang PNP kasama ang mga tauhan ng City Satellite Forensic Office
kung saan nakita ang mga basag na glass table kung saan naka-display ang mga nakuhang item.

Para sa karagdagang impormasyon Jeshelle Taccad magbabalita

Jesh: Batay sa ginawang imbestigasyon nakuhanan din sa CCTV ng shop at sa kalapit na establisyimento
ang panloloob ng isa sa mga kawatan na nakasuot umano ng sombrero at naka itim na damit pang-ibaba
at jacket na itim na may markang security.

Ayon sa kargdagang impormasyon na nakita may kasama mismo ang kawatan at nagsilbi umanong
lookout sa pagnanakaw.

Nakatakas mismo ang mga ito gamit ang pulang SUV at binaybay ang barangay buntun kung saan sila
lumabas kasama ang ginamit na sasakyan. Ayon sa mga ibang testigo nakita umano nila ang tatlong
kawatan sa may balzain highway na naglalakad bago nila ganapin ang pagnanakaw sa Octagon Computer
superstore.

Ayon kay PCpt Ana Marie Anog, Napag-alaman na posibleng iisang grupo lang ang nanloob sa isang
jewelry shop kamakailan lang sa bayan naman ng Aparri dahil kapareho umanong modus at
magkatugma ang ginamit na getaway vehicle base sa kuha ng mga CCTV.

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang PNP sa Land Transportation Office at sa mga baranggay officials ng
buntun at balzain para makakuha pa ng karagdagang impormasyon na pwedeng magpakilala sa mga
suspek.
JESHELLE TACCAD NAGBABALITA"

Hana: THIS RADIO IS BROUGHT TO YOU BY B-MEG

COMMERCIAL

Angelo: doddog bitu bavi mun par

Ken: oo par, sonnu malaku sagida

Prince: anni neppakan mu tyan

Ken: B-MEG LAMAN PREMIUM, PAG TULOY TULOY ANG B-MEG PREMIUM TULOY TULOY ANG KITA!!

Prince: wow nakasta gafen, B-MEG PREMIUM!!

Hana: Para sa balitang palakasan, Mira Joy Lenato maguulat.

"PANGATLONG BALITA" (SPORTS)

Mira: "Magandang araw, mga manonood! Ako po si MIRA JOY DEE , at narito na po tayo sa
pinakabagong balita sa mundo ng palakasan.

Sa ating unang balita, nagpakitang-gilas ang ating mga pambansang atleta sa katatapos lang ne
Internasyonal na kompetisyon. Sa larangan ng boksing, nag-uwi ng gintong medalya si EUMIR MARCIAL
matapos niyang talunin ang kanyang kalaban sa final round. Lubos nating ipinagdiriwang ang tagumpay
na ito at ang patuloy na pag-angat ng Pilipinas sa larangan ng boksing.

At iyan ang mga pangunahing balita.

Sa larangan ng palakasan ngayong araw. Manatiling nakatutok sa susunod na mga pag-uulat para sa iba
pang mga balita at tagumpay ng ating mga atleta. Ito po si MIRA JOY DEE, nagbabalita para sa inyo
Maraming salamat po at magandang araw!"

Hana: Para sa balitang aliwan, Jea at Juni PASOK!!

"IKAAPAT NA BALITA"(ENTERTAINMENT)

Justine: Juni ano ba itong bagong anunsyo ng miss universe organization.


Junisen: " Jea, Kapapasok lng ng balita si miss universe Philippines Michelle Dee ang nakakuha ng isa
pang special award sa miss universe 2023 pageant.

Junisen: Ito ang best in national costume, ngayon lng ito inanunsyo ng miss universe organization.

Junisen: Kahit noong linggo pa ang coronation na ginanap sa El Salvador.

Justine: Ayon sa MUO number 1 si Michelle sa app kung saan bumoboto ang mga fans para sa best
national costume.

Justine: Turismo ng bansa ang sinusulong ng mistulang eroplanong costume ni Michelle na disenyo ni
Michael Barasi gawa ito sa salohiya pattern na ginagamit sa panghabi ng rattan.

Justine :YAN LAMANG PO PARA SA ATING MASAYANG BALITA, MAGANDANG ARAW!!"

Hana: IYAN LAMANG PO PARA SA ATING BALITA NGAYONG ARAW. ITO ANG KPEN 1.12, MULING
ABANGAN ANG MGA PANIBAGONG BALITA TUWING ALAS DOSE NG TANGHALI, AKO PO SI HANA-MAE
D. TAGUBA. MAGANDANG ARAW PILIPINAS!!

Luis: OUTRO(MUSIC)

Radio Name: KPEN 1.12

Kom

Pan

Empathetic

News

1 (from Group 1)

12 (12 members)

"MYEMBRO AT MGA GAWAIN"

Main Anchor: TAGUBA, HANA-MAE D.


National News Reporter: TAGUBA HANA-MAE D.

Local News Reporters: TACCAD, JESHELLE & ABANA, ZYRA MAE

Sports News Reporter: LENATO, MIRA-JOY

Entertainment News Reporters: QUIZZAGAN, JUSTINE ELEANOR ANNE & TABUA, JUNISEN JIRUS

Commercials:

MACARANIAG, MARK ANGELO

BALISI, JUNELLE KENDRICKS

SUBALDO, PRINCE ARVIE

Technical Director & Editor:

PAGULAYAN, LUIS EMMANUEL

Print:

BIS, JOHN CHRISTIAN

Script Writer:

TAGUBA, HANA-MAE D.

TACCAD, JESHELLE

You might also like