You are on page 1of 11

1

KIDLAT BALITA : ”Balitang Katotohanan , Sandigan Ng Bayan”

KIDLAT BALITA : ”Balitang Katotohanan ,


Sandigan Ng Bayan”

News Anchors: NA 1(GIAN)


NA 2 (KRYZIA)
Feild Reporters/positions:
weather (ABBY)
Showbiz(HILLARY)
Sport (KAYLA)
LOCAL( JEWEL)
National (SOSHANE)
National (Jazz)
Local (Shiela Faye)

Introduction : Background music fades in (Music:balitang


katotohanan, sandigan ng bayan) ......

NA1(GIAN) : BOSES NG KATOTOHANAN


EXPOSED!!
NA2(KRYZIA) : SERBISYONG MAAASAHAN
EXPOSED!!
NA1: BALITANG TAPAT AT SAPAT
NA2: SANDIGAN NG BAYAN
NA 1&2: KAYO AY NAKATUTOK SA KIDLAT BALITA,
: BALITANG KATOTOHANAN, SANDIGAN NG
BAYAN
NA 1: Mula sa Lungsod ng Villanueva, Misamis Oriental
ako ang inyong lingkod Gian Canoy
NA 2: At ako naman ang inyong kabalitaan Kryzia
Simacon, at kami ang inyong makakasama sa limang
minutong balitaan.
2
KIDLAT BALITA : ”Balitang Katotohanan , Sandigan Ng Bayan”

NA 1: Magandang umaga Pilipinas, magandang umaga


Kalingagan National High School, Kayo ay nakatutok sa
Kidlat Balita, ang balitang maghahatid sa inyo ng
pinakabago at tapat na mga balita.

NA 2: Narito ang pinakabagong balita mula sa ating


bayan at sa buong bansa. Ngayon ay ika dalawamput
dalawa ng Marso taong kasalukuyan .

NA 1: Sa ulo ng mga nagbabagang balita, Batas nilagdaan ni


Pangulong Marcos ‘No Permit, No Exam’ sa paaralan,
bawal na!

NA 2: 4 sundalo patay sa ambush ng Dawlah Islamiyah

NA 1: "Libreng Residential Patent Titles, Ipinamahagi sa


mga Residente ng Villanueva"

NA 2: "Cagayan de Oro, ranked #2 in terms of Per Capita


GDP para sa taong 2022”

NA 2: Kim Chiu, ramdam ang pressure na ikumpara sa orig


na Sec. Kim

NA 1: Creamline reresbak

NA 2: Mainit na panahon, asahan sa malaking bahagi ng


PH dahil sa easterlies

NA 1: Una sa balita, Magandang balita sa mga estudyante


at mga magulang. Maaari nang payagan ang mga mag-
aaral na kumuha ng examination sa kanilang mga
3
KIDLAT BALITA : ”Balitang Katotohanan , Sandigan Ng Bayan”

paaralan kahit hindi pa sila bayad ng tuition fees.narito si


Shoshane labandia para sa karagdagang detalye.

Soshane:
(Actual) Maaari nang payagan ang mga mag-aaral na
kumuha ng examination sa kanilang mga paaralan kahit
hindi pa sila bayad ng tuition fees.Ito ay matapos lagdaan
ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos
Jr.

(VO.) ang Republic Act No.11984 o ang “Anti-No Permit,


No Exam Act”. Sa sakop ng bagong batas ang basic
education institutions (K to 12), higher education
institutions, at technical-vocational institutions “Provided,
however, that in the case of K to 12 students, the mandate
shall be for the entire school year,” nakasaad pa sa batas.
Nakasaad pa rito na papayagan na ang mga estudyante
na kumuha ng pagsusulit sa paaralan kahit hindi pa
nababayaran ang kanilang tuition fee o iba pang
obligasyong pinansyal. Itinatakda rin sa ilalim ng batas
na ang lokal na social welfare development officer ng
munisipalidad, lungsod, probinsiya o regional office ng
Department of Social Welfare and Development ang mag-
iisyu ng kinakailangang certificate sa mga estudyante na
walang kakayahang magbayad dahil sa kalamidad,
kagipitan, at iba pang makatuwirang dahilan.

(Actual) Ang mga education institution na hindi susunod


sa probisyon ng batas ay maaaring maharap sa
administrative sanction na ipapataw ng Department of
Education, Commission on Higher Education, o ng
Technical Education and Skills Development Authority. At
Ito ang Nakalap kong mga detalye ,balitang katotohanan
sandigan ng bayan, Soshane Labandia nagbabalita.

NA 1: Bahagya muna nating ihihinto ang programa at


tayo’y making ng mga paaalala.

(Infomercial )
4
KIDLAT BALITA : ”Balitang Katotohanan , Sandigan Ng Bayan”

NA 2: at nagbabalik po ang Kidlat Balita, Sa ibang balita


apat na sundalo patay sa ambush ng Dawlah Islamiyah sa
Maguindanao. Apat na sundalo ang napaslang matapos na
tambangan ng mga pinaghihinalaang Dawlah Islamiyah
terrorists sa Datu Hoffer, Maguindanao del Sur kahapon
ng umaga.Narito si Shiela Faye Cahalin para sa
karagdagang detalye, Jazz Igasan Ibalita mo.

Jazz:
(Actual) Apat na sundalo ang patay matapos tambangan
ng mga pinaghihinalaang Dawlah Islamiyah terrorists sa
Datu Hoffer, Maguindanao del Sur kahapon ng umaga.
(VO) Ayon kay Major Gen. Alex Rillera, commander ng
Army’s 6th Infantry Division (ID) at Joint Task Force (JTF)
Central, maga-alas-10 ng umaga nang mangyari ang
insidente sa nasabing lugar sa panahon aniyang
inoobserbahan ng mga Muslim ang Ramadan. Kinondena
naman ni Rillera ang insidente ng pagpatay sa apat
niyang mga tauhan na wala aniya sa combat mission nang
paulanan ng bala sa lugar. Hindi muna tinukoy ni Rillera
ang pagkakakilanlan ng mga nasawing sundalo dahil
kailangan pang impormahan muna ang kanilang mga
pamilya.Kabilang sa mga ito ay dalawang Private, isang
Private First Class at isang Corporal. Ikinasa na ang hot
purusit operation laban sa mga responsable sa krimen.
(Actual) At Ito ang Nakalap kong mga detalye ,balitang
katotohanan sandigan ng bayan, Jazz Igasan
Nagbabalita, Balik sa inyo Kryzia.
NA 2: Maraming salamat Jazz Igasan
NA 1: Sa pampalakasang balita, Creamline reresbak
matapos maduminahan ang kanilang rekords sa 2024
Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference,
narito si Kayla Antiporta para sa sports updates.
5
KIDLAT BALITA : ”Balitang Katotohanan , Sandigan Ng Bayan”

Kayla:
(Actual) Handa na ang defending champion Creamline
na rumesbak matapos maduminahan ang kanilang
rekords sa 2024 Premier Volleyball League (PVL) All-
Filipino Conference,
(VO) Nagtamo ang Cool Smashers ng 25-18, 26-24, 25-23
kabiguan sa kamay ng Chery Tiggo noong Sabado para
lasapin ang unang kabiguan nito. Para kay Cool Sma-
shers team captain Alyssa Valdez, magandang wake up
call ito para sa kanila upang mas lalo pa silang ganahan
sa bawat laro nila. Ito ang unang pagkakataon na na-
sweep ang Creamline sa isang game sapul noong 2019
Reinforced Conference. Kaya naman nais ni Valdez na
maging inspirasyon ito ng kanilang tropa sa kanilang mga
susunod na laro. Alam ni Valdez na tumataas na ang lebel
ng paglalaro sa liga lalo pa’t nagpapalakas na ng lineup
ang iba’t ibang teams.
(Actual) Balik sa training ang Cool Smashers upang a-
yusin ang mga dapat nitong ayusin. Nais ng Creamline na
matukoy ang mga pagkakamali nitong nagawa na naging
dahilan ng kanilang pagkatalo. Para sa Sports News
Updates Kayla Antiporta Nagbabalita, Balitang
katotohanan sandigan ng bayan Kidlat Balita.

NA 2: Para sa Lokal na mga balita, Libreng Residential


Patent Titles, Ipinamahagi sa mga Residente ng Villanueva
Misamis Oriental. Narito si Jewel Cabanilla para sa
Karagdagang detalye.

Jewel : Libreng Residential Patent Titles, Ipinamahagi sa


mga Residente ng Villanueva . May ilang residente sa
lungsod ng Villanueva na matagal nang naninirahan sa
kanilang mga lote ang nagkamit ng kanilang LIBRENG
RESIDENTIAL PATENT TITLES o mga titulo ng kanilang mga
tirahan.
6
KIDLAT BALITA : ”Balitang Katotohanan , Sandigan Ng Bayan”

(VO) Hindi maikakaila na sa lahat ng aspekto, ang


kapakanan ng mga residente ng lungsod ang ating inuuna,
kaya't ibinalik natin sa kanila ang mga karapatan at
oportunidad na para sa kanila. Malaki ang ating
pasasalamat ng mga residente kay Mayor Jennie Uy-
Mendez na nanguna sa walang kinikilingang pamamahagi
ng mga titulo sa mga karapat-dapat na residente ng
lungsod. Sinusuportahan din ito ni Vice Mayor Jeric
Emano, mga SB Members, at ng ating Municipal Assessor's
Office na pinamumunuan ni Engr. Juliet Franesa Aton.

ACTUAL Ang hakbang na ito ay isang malaking tulong


para sa mga residente na matagal nang nagnanais na
magkaroon ng legal na dokumento para sa kanilang mga
tirahan. Ang mga titulo ay magbibigay ng seguridad sa
kanila na ang kanilang mga tahanan ay kanila at
protektado sa anumang legal na kaguluhan. Para sa local
news ,Jewel Cabanilla nagbabalita.
NA 1: Sa ibang balita, Cagayan de Oro, pumangalawa sa
sarbey ng PSA sa Per Capita GDP for 2022. Narito si
Shiela Faye Cahalin para sa karagdagang detalye.

Shiela : (Actual) Isang espesyal na pahayag mula sa


Philippine Statistics Authority (PSA) na sumasaklaw sa 16
pilot regions, 82 probinsya, at 17 highly urbanized cities sa
labas ng National Capital Region (NCR) ,pungalawa ang
ranggo ng Cagayan de Oro bilang HUC na may
pangalawang pinakamataas na per capita Gross Domestic
Product (GDP) para sa 2022 (PHP343,936), sumunod sa
Baguio City (PHP420,016).

(VO) Tinalo ng Cagayan de Oro ang walong (8) iba pang


mga lungsod sa nasa tuktok ng sampung (10)* (Lapu-
Lapu, Iloilo, Bataan, Cebu, Laguna, Mandaue, Davao, at
7
KIDLAT BALITA : ”Balitang Katotohanan , Sandigan Ng Bayan”

Batanes), na lahat ay may per capita GDP na mas mataas


kaysa sa pambansang average (PHP178,751). Ang mga
detalyeng ito ay inilabas noong March 18, 2024. At Ito ay
patunay na ang mga mamamayan ng lungsod ay
masigasig at produktibo sa kanilang mga gawain. Bukod
sa ekonomiya, ang Cagayan de Oro ay mayaman din sa
likas na kagandahan at turismo. Hindi rin maitatanggi ang
kahalagahan ng pamahalaan at mga pinuno ng Cagayan
de Oro sa patuloy na pagpapaunlad ng lungsod.
(Actual) Ang Cagayan de Oro ay hindi nakakalimot sa
kanyang kasaysayan at kultura. Patuloy na pinapalaganap
ang mga tradisyon at pagpapahalaga sa pamamagitan ng
mga pagdiriwang tulad ng Kagay-an Festival at Higalaay
Festival. Para sa local na balita,shiela Faye Cahalin , Kidlat
Balita.

NA 1: Bahagya muna nating ihihinto ang programa at


tayo’y making ng mga paaalala.

(ADVERTISEMENT)

NA 1: Sa showbiz balita, Kim Chiu, ramdam ang pressure


na ikumpara sa orig na Sec. Kim sa Korean series
adaptation ng What’s wrong with secretary Kim?... Narito
si Hillary Duff Igaran para sa chika updates…

Hillary: (Actual) Simula ngayong araw ay mapapanood


na sa Viu ang What’s Wrong with Secretary Kim na
pinagbibidahan nina Kim Chiu at Paulo Avelino.

(VO) Aminado ang aktres na nakaramdam ng pressure


nang gawin ang bagong proyekto. Sobrang pumatok ang
orihinal na serye nang una itong mapanood noong 2018
sa South Korea.
8
KIDLAT BALITA : ”Balitang Katotohanan , Sandigan Ng Bayan”

(Actual ) Sa loob ng halos dalawang dekada ay marami


nang pinagbidahang pelikula at teleserye si Kim. Sinikap
daw ng aktres na ibang atake ang gawin sa bagong serye.
Kung anong ingay Nang trending, nandon ako ng walang
ending, Hillary Duff Igaran para sa showbiz report, Kidlat
Balita. Balik sayo Gian.

NA 1: Maraming salamat Hillary.

NA 2: Sa ibang balita , Mainit na panahon, asahan sa


malaking bahagi ng Pilipinas dahil sa easterlies. Narito si
Abby Gail damalan para sa Weather Forecast.

ABBY: Mainit na panahon ang inaasahang


maranasan sa malaking bahagi ng bansa ngayong
Biyernes, Marso 22, dahil sa patuloy na pag-iral ng
easterlies at paghina ng northeast monsoon o
amihan, ayon sa Philippine Atmospheric,
Geophysical and Astronomical Services
Administration (PAGASA).

Sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw,


malaki ang tsansang magdadala ang easterlies, o
ang mainit na hanging nagmumula sa karagatang
Pasipiko. Sa kasalakuyan ay wala namang binabantayan
ang PAGASA na bagyo o low pressure area (LPA) sa loob
o labas ng Philippine area of responsibility (PAR). Maliit
din daw ang tsansang may pumasok o mabuong bagyo sa
loob ng PAR hanggang sa matapos ang linggong ito..
Kaya ngayong araw, bukod sa maalinsangan na panahon,
ang inasam po natin, may chance pa rin po, ang mga
isolated na mga pagulan, lalo na po sa bandang Visayas
at sa Minanao. Bukas, magpapatuloy ang epekto nang
Easterleas sa bansa. Kaya sa Luzon, ganun din po sa
Visayas at Minanao, Ay maka karanas nang maganda at
maaliwalas na panahon, asahan din ang malinsagan ang
panahon. Pero may chance na pa rin na mga isolated na
mga pagulan.. At yan lamang para sa Ulat Panahon
ngayong araw, Tandaan ang buhay ay weather weather
lang.. Abby Gail Damalan, Kidlat Balita..
9
KIDLAT BALITA : ”Balitang Katotohanan , Sandigan Ng Bayan”

NA 1: At yan po ang mga balitang nakalap sa aming


tuloy tuloy na paguulat. Muli ito po ang inyong
lingkod GIAN CANOY.

NA 2: AT AKO naman po ang inyong kabalitaan Kryzia


Cassandra Simacon hanggang sa susunod na limang minutong
balitaan.
10
KIDLAT BALITA : ”Balitang Katotohanan , Sandigan Ng Bayan”

INFOMERCIAL

TSISMOSA 1: HOY MARE ALAM MO BA YUNG KAPIT BAHAY


NATIN NAKU! YUNG SI LUCY KABIT NI MAYOR!

TSISMOSA 2: TALAGA MARE? KAYA NAMAN PALA ANG


GAGANDA NG MGA ALAHAS, MAY BAGONG KOTSE PA?
AKALAIN MO YUN

TSISMOSA 1: HAY NAKU OO TALAGA, BALITA KO PA NGA


BUNTIS RAW? NAKU ANG HIRAP NA TALAGA NG PANAHON
NGAYON. MAYOR: TALAGA BA?

TSISMOSA 1: AY MAYOR ANDYAN KA PALA DI NAMIN


NAPANSIN, ASAN NA YUNG KABIT ESTE SI LUCY PO?

MAYOR: ANO BA KAYO NAGPAPAKITA LANG TAYO NG


KADANDAHANG LOOB KABIT NA AGAD? MALI YUN,
PANGHUHUSGA ANG TAWAG DUN. TALAGANG MALAPIT
SAKIN SI TRIXY DAHIL KAPATID KO SYA...

VOICE OVER: WAG MANINIWALA SA FAKE NEWS! MAGING


MAPAGMATYAG AT MAPANURI. ANG ROGRAMANG ITO AY
HATID SAINYO NG DEPARTMENT OF INFORMATION AND
COMMUNICATION AT NG HIMPILANG ITO.
11
KIDLAT BALITA : ”Balitang Katotohanan , Sandigan Ng Bayan”

You might also like