You are on page 1of 21

AMA Computer College East Rizal AMA Bldg.

, Marcos Highway, Mayamot, Antipolo City

PSCI 101 IT Politics and Governance

OUR GOVERNMENT IN ACTION


Cainta, Rizal
SUBMITTED BY: Iglesias, Christian F. Sato, Real Kate Velasco, Rhosbel Villarosa, Mark Gabriel Villaruel, Samuel SUBMITTED TO: MRS. REBECCA R. ZAPATA PSCI101 PROFESSOR

Background
CAINTA, RIZAL
Ang bayan ng Cainta ay isa sa pinakamatandang bayan sa Pilipinas. Itinatag ito noong ika-30 ng Nobyembre 1571. Mula sa pangalan ng isang katutubong babae na si Ka Inra ang bayang ito. Tinaguriang Gateway to the East ang bayan ng Cainta na nagsisilbing bukanang daanan patungo sa iba pang bayan ng Rizal mula sa Metro Manila. Sa kasalukuyan, bahagi ito ng Manila's conurbation na dahilan upang ituring na isa sa mga urbanisadong bayan. At kinikilala rin itong "Kabisera ng Bibingka ng daigdig" dahil sa masasarap bibingka at suman na ginagawa rito. Ayon sa datos ng Census noong 2010, umabot sa 311,845 ang naninirahan rito kayat kinikilala rin ito bilang bayan na may pinakamalaking populasyon sa Pilipinas. At sa tinatayang kitang 766,924,602 piso, masasabi rin na itoy isa sa mga mayamang bayan sa bansa.

Mga Barangay
Ang bayan ng Cainta ay nahahati sa pitong barangay: San Andres San Isidro San Juan San Roque Sta. Rosa Sto. Domingo Sto. Nio

Mga naging alkalde


Noong Marso 16, 1899, initinalaga ni Emilio Aguinaldo si Exequiel Ampil para sa kalayaan ng bayang nito at nanungkulan bilang kaunaunahang alkalde ng bayan. Sinundan siya ng pitong naging alkalde hanggang sa kasalukuyan: Ampil (1804 1907) Cruz (1907 1911) Exequiel Jose Dela

Julian Javier (1911 1923) Francisco P. Felix (1945 1980) Benjamin V. Felix (1980 1998) Nicanor C. Felix (1998 2004) Ramon A. Ilagan (2004 2013) Johnielle Keith Nieto (2013 kasalukuyan)

Kasalukuyang Sangguniang Bayan ng Cainta (One Cainta)


Sa kasalukuyan, ang bayan ng Cainta ay pinamumunuan ni Mayor Johnielle Keith Nieto kasama ang mga sumusunod na nahalal na Sangguniang Bayan: Mayor: Johnielle Keith P. Nieto Bise-Mayor: Sofia S. Velasco Mga Konsehal: Loise Ticman Allan Tajuna Butch G. Tolentino Gilberto L. Igtiben Ace B. Servillon Ronnie F. Cruz Giovanni H. Alcantara Danilo J. Cruz

One Cainta: Layunin ng kasalukuyang administrasyong ito na pagkaisahin ang lahat ng

mamamayan sa Cainta tungo sa isang maunlad na bayan o kilala sa linyang One Cainta. Ang linyang ito ay ginamit nina Mayor Nieto at Bise-Mayor Velasco sa kampanya noong 2013. Ayon kay Bise-Mayor Velasco, bago sila naupo sa pwesto, napansin nila ang pagkahiwa-hiwalay at hindi pagkakasundo-sundo ng mga politiko sa Cainta. Kapag nahalal ang isa, hindi na nabibigyang ng pagkakataon ang kalabang politiko na tumulong sa bayan. Kayat sa kasalukuyan, nais nilang pagkaisahin ang lahat, magkaroon ng pagkakataong tumulong maging ang mga nakalaban nila noong nakaraang eleksyon, para sa kaunlaran ng bayan ng Cainta.

Officials Biography
Bise-Mayor: Sofia Schuck Velasco
Pia S. Velasco tinuturi siyang Ina ng Cainta at kasalukuyang Bise-Mayor ng bayan. Bago siya nahalal bilang ikalawang alkalde, nanungkulan siya bilang konsehal ng bayan noong 2010 hanggang 2013. Lumaki si Bise-Mayor Velasco sa Ipil, Zamboanga del Sur. Sa bayan ring iyon, nagtapos siya ng elementarya at sekondarya pampublikong paaralan. Parati syang nahahalal bilang president ng klase at aktibo ibang organisasyon sa paaralan; kung saan, niya ang kanyang potensyal mamuno. Sa kanyang pagtungtong sa kolehiyo, nanirahan siya sa Maynila upang mag-aral. nagtapos noong 1995 sa Unibersidad ng Pilipinas.

sa sa ibat nakita

At

Matapos magkolehiyo, nagtrabaho siya sa ibat ibang pribadong kumpanya. Noong syay 27 taong gulang, nabigyan sya ng opurtunidad na makapagtrabaho bilang kalihim ni Pres. Joseph Estrada. Bagamat hindi kataasan ang sweldo kung ikukumpara sa pribadong kumpanya, pinili niyang magtrabaho sa Malacaang. Ayon sa kanya maliit man ang sweldo, pero okay lang dahil alam mong nakatutulong ka sa gobyerno. Nang matapos ang termino ni Pres. Estrada, naging Executive Assistant naman siya ni Sen Ping Lacson. Sa mga pagkakataong ito, namulat siya sa mundo ng politika. Noong 2010, nahalal siya bilang konsehal ng bayan sa Cainta. Kasabay nito, noong 2011, nagpatuloy sya ng kanyang pag-aaral sa isang Law School. Ngunit, dahil sa trabaho, madalas siya ay naka-leave of absence.

Problema
Ayon kay Bise-Mayor Pia Velasco, may tatlong pangunahing problemang kinakaharap ang bayan ng Cainta sa kasalukuyan. Kung hindi mabibigyang pansin ang mga ito, maaari itong magbunga ng iba pang problemang pambayan.

I. Pangkabuhayan
Marami sa mamamayan ng Cainta ang walang trabaho. Ang problemang ito ay hindi dahilan ng kakulangan ng trabaho sapagkat maraming trabahong nakabukas para sa mamamayan; kundi ang kakayahan ng mamamayan ay hindi angkop sa mga bakanteng trabaho o tinatawag na mismatch. Dagdag pa rito, maraming mamamayan mula sa ibang lugar ang nakikipagsapalaran sa Maynila at naninirahan sa Cainta. Karamihan sa mga ito ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral at naninirahan na squatters area bilang Informal Settlers. Kaakibat ng problemang pangkabuhayan ay ang problema sa edukasyon. Kung walang hanapbuhay ang mga magulang, walang kakayahan ito na pag-aralin ang kanilang mga anak.

II. Inprastraktura
Isa rin sa pangunahing problema ng Cainta ay ang kakulangan o hindi kayay sirang inprastraktura tulad ng mga daan, tulay, drainage at sidewalk. Dagdag pa rito ang kakulangan at sirang mga gusali tulad ng paaralan, ospital, health center, courts at mga bulwagan. Kaugnay ng problemang ito, ang madalas at mataas na pagbaha sa bayan. Dahilan ito ng mga basura at hindi maayos na dayuan ng tubig ulan. Dagdag pa rito ang problema sa sistema sa edukasyon. Dahil sa kakulangan ng mga silid-aralan, nagsisiksikan ang mga mag-aaral sa isang silid na nagiging sanhi ng kawalan ng pokus sa aralin. Maging sa kalusugan, nakakaapekto rin ito. Dahil sa kakulangan ng pasilidad sa ospital at health center, hindi agad natutugunan ang pangangailangang pangkalusugan ng mamamayan. Gayundin, pagdating sa usapang pangkalikasan, maiuugnay rin ito. Dahil sa hindi maayos na sistema sa basura, naging polluted ang mga sapa at ilog sa Cainta na sanhi rin ng pagbaha.

III. Kaayusan at Kapayapaan (Peace and Order)


Ang problemang ito ay masasabing hindi lamang problema ng bayan ng Cainta kundi ng buong bansa. Kasama rito ang mga kriminalidad tulad ng holdap at maabuso sa droga. Dahil sa kakulangan sa seguridad, maraming mga masamang gawain ang nakakalusot at patuloy na isinasagawa. Maiuugnay rin ang problemang ito sa kakulangan ng insprastraktura sa bayan. Tulad ng pag-aabuso sa droga lalo na sa kabataan, dahil sa walang maayos na libangan tulad ng paglalaro ng isport basketball court, nawiwili ang ilan na gumamit ng droga. Dahil sa kakulangan sa poste ng ilaw tuwing sasapit ang gabi, nagkakaroon ng pagkakataon ang ilan na mangholdap.

Mga Proyekto at Programa


PAGLILINIS SA MGA SAPA AT ILOG
(SNAPSHOT PHOTO mula sa 100 Days Report of Mayor Kit Nieto AVP)

MGA BAGONG GUSALI AT PASILIDAD


(SNAPSHOT PHOTO mula sa 100 Days Report of Mayor Kit Nieto AVP)

PAGSASAAYOS NG MGA GUSALI


(SNAPSHOT PHOTO mula sa 100 Days Report of Mayor Kit Nieto AVP)

PAGSASAAYOS NG MUNISIPYO
(SNAPSHOT PHOTO mula sa 100 Days Report of Mayor Kit Nieto AVP)

PROYEKTONG PANGKALUSUGAN
(SNAPSHOT PHOTO mula sa 100 Days Report of Mayor Kit Nieto AVP)

PAGLILINIS NG PALIGID
(SNAPSHOT PHOTO mula sa 100 Days Report of Mayor Kit Nieto A VP)

PROYEKTONG PANGSEGURIDAD AT PANGKALIGTASAN


(SNAPSHOT PHOTO mula sa 100 Days Report of Mayor Kit Nieto AVP)

PROYEKTONG PANGKABUHAYAN
(SNAPSHOT PHOTO mula sa 100 Days Report of Mayor Kit Nieto AVP)

Dyarong Program

Livelihood

PROYEKTONG PANGKALAMIDAD
(SNAPSHOT PHOTO mula sa 100 Days Report of Mayor Kit Nieto AVP)

PROYEKTO PARA SA MAMAMAYAN


(SNAPSHOT PHOTO mula sa 100 Days Report of Mayor Kit Nieto AVP)

IBA PANG PROGRAMA


(SNAPSHOT PHOTO mula sa 100 Days Report of Mayor Kit Nieto AVP)

Mga Planong Proyekto


Maraming pang nakatakdang proyekto ang pamahalaan sa bayan ng Cainta. Isa na dito ang planong pagpapatayo ng bagong paaralan sa Valley Gulf. Kasama rin ang mga gusaling kanila pang ipapatayo tulad ng mga silid-aralan, health centers, courts at iba pa. Ayon kay Bise-Mayor, makakaasa ang mga mamamayan ng bayan sa patuloy na pag-unlad nito. Hindi sila hihinto sa pagtatrabaho dahil alam nilang marami pang dapat gawin at isakatuparan. Ang bawat piso na pondo ng bayan ay siguradong ilalaan kung saan dapat ito nakalaan, hindi kung saan-saan. Patuloy naming gagampanan ang aming tungkulin at gustong naming maunlad na maunlad ang Cainta, pangungunasp na iniwan sa amin ni Bise Pia sa pagtatapos ng aming panayam.

Panayam sa Mamamayan ng Cainta


Sa aming isinagawang sarbey, lumalabas na 19 sa 20 tao o 95% ng mga residente ng Cainta ang nagsabing LIKE o maayos ang kasalukuyang administrasyon ng Cainta. Samantala, 5% naman sa mga ito ay taliwas dito o DISLIKE. Sa panayam namin sa ilang residente ng Cainta, kapansin-pansin para sa kanila ang patuloy na pag-unlad ng baying ito. Nandyan ang ibat-ibang inprastraktura sa daan tulad ng poste ng ilaw, paglilinis ng mga sapa at kapaligiran.

Resulta mula sa 100 piling residente ng Cainta

Amin ring napag-alaman na ang mga kabataan sa lansangan ang isang problema ng bayan. Marami sa mga ito ang hindi nakakapag-aral at nakatambay lamang sa daan. At ilan rin sa mga ito ay nasasangkot sa hindi magandang gawain tulad ng paggamit ng droga.

You might also like