You are on page 1of 3

Arabella Kate R.

Yraola
Grade 9 – St. Leonard

PART 9: LALAKI SA DILIM, TEORYANG PAMPANITIKAN

Teoryang Klasisismo
Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa
pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga
pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at lagging natatapos nang
may kaayusan.
- Sa nobela ay naipakitang mabuti ang pag-iibigan ng dalawang pangunahing
tauhanna na magkaiba ang estado sa buhay, isang mayaman at isang mahirap. Si
Rafael, galing sa mayamang pamilya, nakapagtapos ng pagdodoktor at may
magandang buhay. Si Ligaya, galing sa mahirap na pamilya, di nakapagaral at
may kapansanan sa mata. Dito mapapakita rin ang kwento ay nagumpisa sa
isang di maganda or makasalanan na pangyayari, ngunit sa huli o sa
pagwawakas ng kwento ay naging maayos o naiayos ng tauhan ang kanilang
buhay at masasabing may magandang kinahinatnan sina Rafael at Ligaya.

Teoryang Saykolohikal/Sikolohikal
Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga salig
(factor) sa pagbuo ng naturang behavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao)
sa isang tauhan sa kanyang akda. Ipinakikita sa akda na ang tao ay nagbabago o
nagkakaroon ng panibagong behavior dahil may nag-udyok na mabago o mabuo ito.

- Sa nobela ay pinakita ang malaking pagbabago ng pag-uugali,paniniwala,


pananaw, at pagkatao ng pangunahing tauhan na si Rafael. Si Rafael dati ay tila
kasuklamsuklam ang kaniyang karakter. Babaero, tomador at dahil mayaman ay
bale wala sa kanya ang pagtatrabaho. Pero matapos ang pangyayaring gahasain
niya si Ligaya at matapos siyang ikasal kay Margarita ay nakaramdam si Rafael
ng panguusig ng kanyang konsensya at makikita na nagbago ang kanyang
pananaw sa buhay. Nang ikasal sila ni Margarita ay naging mabuting asawa si
Rafael. Naging responsable at magaling na doctor siya. Hindi rin niya
nakalimutan si Ligaya na sa pamamagitan ng pagasikaso at paglagay niya sa
ayos ng buhay ni Ligaya at ng kanyang pamilya ay makikita ang laking pagsisisi
niya sa kanyang nagawa noon.

Teoryang Romantisismo
Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang ibat-ibang paraan ng tao o sumasagisag sa
tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan.
Ipinakikita rin sa akda na gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam
lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan.

- Sa nobela nakita rin ang teoryang romantisismo. Sa kwento, si Rafael sa umpisa


ay hindi naman nagpakita ng pagkagusto kay Ligaya. Ngunit habang lumalalim
ang kanilang paguugnayan dahil na rin sa anak nila ay nahulog na rin ang loob
niya kay Ligaya. Lalo na rin ng nagkaproblema sila ni Margarita. Ngunit dahil
siya ay may-asawa ay hindi niya agad ito sinabi kay Ligaya at ang pinagtuunan
ng pansin ay ang anak. At dahil naging malaya na si Rafael sa asawa niya at
dahil sa naramdaman niyang pag-ibig kay Ligaya ay nagawa na niyang aminin
kay Ligaya ang kasalanan na kanyang nagawa. Alam niyang hindi
mahuhugasan ng kanyang pera at pagasikaso kay Ligaya ang kanyang kasalanan
pero nagbakasali siya na dahil sa pagmamahalan niya kay Ligaya ay magawa
nitong patawarin si Rafael. Sa huli ay napatawad din ni Ligaya si Rafael dahil na
rin sa pinakitang pagsisi ni Rafael sa kanyang nagawa.

Teoryang Moralistiko
Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba‟t ibang pamantayang sumusukat sa
moralidad ng isang tao. Ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad dito ang mga
pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali
ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan. Samadaling sabi, ang moralidad ay
napagkakasunduan ayon na rin sa kaantasan nito.

- Sa nobela tinalakay ang mga paksa nagkakaroon ng problem sa ating lipunan


katulad ng sex, prostitusyon, pagahasa, pagtataksil sa asawa at pagpatay. Ang
mga ito ay immoral gawain na naggiging dahilan ng kaguluhan sa pamilya at sa
ating lipunan. Ang una ay ang karahasang ginawa ni Rafael kay Ligaya na sa
ating lipunan ay talagang hindi katanggap-tanggap. Ang isa pa ay ang
pagtataksil ni Margarita at Nick sa kanilang asawa. Dito pinakita na hindi
tanggap ni Rafael kaya simula noon ay hindi na nagsawa bilang magasawa si
Rafael at Margarita. Si Margarita, ay isang modernang babae na
naimpluwensiyahan ng banyaga na binabago ang mga nakaugalian ng kulturang
Pilipino. Sa kanyang paniniwala ay dapat ng iwan ang mga lumang kaugalian
katulad ng pakikipagtalik ng hindi pa nakakasal, ang pagkakaroon ng kalaguyo
basta napagkasunduan nilang magasawa.

Teoryang Realismo
Ang katotohanan ang binibigyang-diin at may layunin ang tunay na buhay pinaksa ang
kalagayan sa nangyayari sa lipunan tulad ng korupsiyon, katiwalian, kahirapan at
diskriminasyon. Madalas din itong naka pokus sa lipunan at goberyno.
- Ang nobela ay naaangkop or maikukumpara sa lipunan natin ngayon.
Modernong lipunan ngunit meron pa ring lumang kulturang Pilipino. Si Rafael
ay makikita natin na dalawa ang ugaling meron siya. Ang moderno na makikita
ay ang dahil sa bisyo at ugaling mayaman na hindi iniintindi ang kanyang
kinabukasan. At sa huli ay isang tradisyunal pa rin dahil naghahangad ng
masaya at magandang buhay pamilya. Si Margarita ay isang makabagong
Pilipino o liberated na umiiral na sa ating bansa. Si Ligaya naman ay isang
mahirap na napagkaitan ng hustisiya. Sa nobela ay hindi naman talaga nabigyan
ng hustisiya ang nangyaring panggagahasa sa kanya dahil sa wala rin siyang
pera para mahanap ang criminal at madala sa korte ang kanyang kaso. At dahil
sa kahirapan ay hindi na nagawang ipaglaban ang sarili. Ang realidad ng
kwento ay itong mga problemang ito ay makikita na iba’t-ibang pamilya, ang
problema sa asawa, problema sa pera at ang mga krimen na dapat nating
solusyunan.

You might also like