John Michael:Eto na’t humahagunghong sa inyong mga tenga, habang kayo’y may pandinig pa, Tara
na!
D R E C, doble uno bente quatro sa inyong mga radyo. D 4 C BALITA
(insert serious news sfx)
(serious news sfx being played while dialogues are being said)
(John Michael) Voice: Magandang araw Villasis, narito na ang mga nagbabagang balita sa mga oras na
ito.
Inflation sumipa sa 8%, pinakamataas mula
(Shine):
2008
(*Shing* sfx)
DWAENTERAINMENT binati si John Vincent
(Shine)
Rubio sa pagkapanalo ng Category B championship
crown sa DRCC International King of the Mountain
Challenge 2022
(*Shing* sfx)
(Shine) Wow Mali bubuhayin nina Jose at Wally, TV5
plantsado na ang mga programa sa 2023
(*Shing* sfx)
(Shine) KWF, tutol sa paggamit ng “Taglish’ ng mga Pinoy
(insert sfx TING)
()Eto ang D 4 C BALITA! Unang-una, bagong-bago sa inyong mga radyo! D-D 4 C BALITA doble uno
bente quatro! Daluyang tapat ng mga totoong isyu ng bayan, mula sa Yellow Town
sumasahimpapawid saan mang sulok ng bansa. D-D 4 C BALITA!
Voice: Para sa detalye ng mga nagbabagang balita,
Inflation sumipa sa 8%, pinakamataas noong 2008
Voice: Para sa detalye, narito si (name) nakatutok!
Sumirit pa sa 8% ang inflation rate sa bansa nitong Nobyembre na pinakamataas na naitala
mula noong Nobyembre 2008, batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong
Martes.
Sa datos nitong Oktubre, 7.7% ang inflation at 5.6% ang average na inflation mula Enero
hanggang Nobyembre ngayong taon.
Sa paliwanag ni PSA Deputy National Statistician Divina Gracia Del Prado, ang pagsipa ng
inflation rate ay sanhi ng patuloy na pagmahal ng presyo ng mga pagkain tulad ng gulay, bigas
at asukal. Aniya, 10% ang inflation ng food and non-alcoholic beverages at 58% ang ambag nito
sa pagsirit ng inflation noong Nobyembre.
Dumagdag din sa pag-akyat ng inflation ang mga restawran at mga hotel na nagtala ng inflation
na 6.5% at halos 20% ang ambag nito sa pagsirit.
Malaki umano ang probabilidad na lalo pang tataas ang inflation rates sa Disyembre.
Para naman mangyari ang inflation forecast ng economic managers ngayong taon na 5.8%,
kailangang maging 8.5% ang inflation sa Disyembre
(name) para sa D4C BALITA
Voice: SUSUNOD! (*shing sfx))
DWAENTERAINMENT binati si John Vincent Rubio sa pagkapanalo ng Category B
championship crown sa DRCC International King of the Mountain Challenge 2022
Binati ng DWAENTERTAINMENT si John Vincent Rubio sa pagkapanalo ng Category B (open
amateur) championship crown sa DRCC International King of the Mountain Challenge 2022 na
itinanghal sa Cameron, Malaysia. Si Rubio, tubong Villasis, Pangasinan kasama si Geoff Mark
( nasa ika-7 puwesto), ay kabilang sa Philippine contingent, Batang Placido Developmental
Cycling Team, sa ilalim ng pangangasiwa ng madamdaming Program Director nitong si Gerald
Valdez. Upang maituwid ang rekord, ang Batang Placido Developmental Cycling Team ay hindi
isang Continental cycling team ngunit ikinamangha nila ang ating mga kababayan. “Panahon na
na dapat tayong umunlad, sumuporta at tumutok sa pag-unlad ng katutubo,” dagdag ng Batang
Placido veteran Program Director.
Nagkataon, ang NYK ang opisyal na outfitter ng Batang Placido Developmental Cycling Team.
Samantalang, ang Sweven Cycles, isang cycling team na nakabase sa Villasis, Pangasinan, ang
gumagabay kina Rubio at Mark. Ito si (name), nagbabalita
Voice: Salamat (name), at magbabalik ang balitaan pagkatapos ng programang ito.
(Commercial)
(): Hoy mare alam mo ba yung kapit bahay natin naku! Yung celine? Kabit ni Mayor!
(): Talaga mare? Kaya naman pala ang gaganda ng mga alahas, may bagong kotse pa? akalain mo yun
(): Hay naku oo talaga, balita ko pa nga buntis raw? Naku ang hirap na talaga ng panahon ngayon.
Mayor(): Talaga ba?
(): Ay Mayor, andyan ka pala di namin napansin, asan na yung kabit este si celine po?
Mayor(): Ano ba kayo? Nagpapakita lang tayo ng kagandahang loob, kabit na agad? Mali yun,
panghuhusga ang tawag dun. Talagang malapit sakin si celine dahil kapatid ko siya.
Voice Over:
Wag maniwala sa Fake News! Maging mapagmatyag at mapanuri.
Ang paalalang ito ay hatid sainyo ng Department of information and communication at ng himpilang
ito. D-D 4 C BALITA!
Balik sa mga balita
Wow Mali bubuhayin nina Jose at Wally, TV5
plantsado na ang mga programa sa 2023
Voice: Narito si (name) magbabalita (insert lively news sfx)
Bongga ang mga nakalinyang programa ng TV5 sa pagpasok ng 2023.
Ipinasilip nila ito sa ginanap na grand trade event held at The Harbor Garden of Sofitel Manila
last November 23.
Dinaluhan ito ng mahigit 700 stars, celebrity athletes, media agency partners, advertisers, VIPs,
officers, and various content partners at ito ang TV5’s first ever face-to-face trade event since
the pandemic kung saan inilatag ang big plans and program offerings nila for 2023.
Hosted by Gretchen Ho and Alex Calleja, the trade event truly demonstrated the TV5 mantra na
Iba’ng Saya Pag Sama-Sama at kapansin-pansing pinagsama-sama ang mga personalidad mula
sa lahat ng sulok ng industriya para madama kung ano ang totoong Kapatid Network.
Masasabi nga ito ay isang spectacular night with the biggest stars in the entertainment, news,
and sports scenes converging in the network’s grandest event of the year.
Guests had the best time enjoying world-class performances from Regine Velaquez, Ogie
Alcasid, Jona, and Zsa Zsa Padilla, ganundin winning routine ng UAAP Cheerdance Champions
and the FEU Cheering Squad.
Kasabay nito ay inihayag ng network ang kapana-panabik na programming lineup nito para sa
2023, kabilang ang mga programa mula sa mga content partner nito na ABS-CBN
Entertainment, APT Entertainment, Brightlight Productions at Viva Communications Inc.
Kickstarting its morning block are Jo-Re-Me (Jolina Magdangal, Regine Velasquez, and Melai
Cantiveros) sa Magandang Buhay and Maine Mendoza for #MaineGoals Season 2.
(lively news sfx fades out)
Samantala, (insert serious news sfx)
KWF, tutol sa paggamit ng “Taglish’ ng mga Pinoy
Voice: D4C (name) ibalita mo (*shing sfx)
Sinabi ni Casanova na ang Pilipinas ay isang bilingguwal na bansa, na isinaad sa Konstitusyon
na parehong Ingles at Filipino ang mga opisyal nitong lengguwahe.
'Pilipinas' sa 'Filipinas'
Samantala, sa pagsusulong ng kasalukuyang pamunuan ng KWF na ibalik sa "Pilipinas" ang
baybay ng pangalan ng bansa, sinabi ni Casanova na hindi nito itatapon ang mga nakaraang
materyales pang-edukasyon na gumagamit ng baybay na "Filipinas," na isinulong ng nagdaang
liderato ng komisyon.
"Hindi po natin itatapon ang mga materyales na 'yan dahil milyon-milyon po ang halaga ng mga
'yan. Ang amin po kasi ay gamitin pa rin ang mga materyales na ang baybay ay 'F' o 'Filipinas'..."
aniya.
Gayunman, hinikayat ni Casanova ang mga opisyal at guro sa mga paaralan na ipaliwanag sa
mga estudyante ang dahilan ng naunang pagpapalit sa "Filipinas" mula sa "Pilipinas."
Matatandaang sa pamumuno ni National Artist for Literature Virgilio Almario, sa KWF noong
2013, isinulong niya ang baybay na "Filipinas" sa halip na "Pilipinas" bilang opisyal na baybay sa
pangalan ng bansa.
Iginiit ni Almario na "Filipinas" ang orihinal na pangalan ng bansa, na pinangalanang "Las Islas
Filipinas" ng mga Espanyol noong ika-14 na siglo.
Sinabi niya ring ang "Filipinas" ay nakabase sa bagong Filipinong alpabeto na binubuo ng 28
titik.
Samantala, sinabi ni Casanova na matagumpay ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika nitong
Agosto.
Nakatakda namang magsagawa ang komisyon ng pambansang kongreso tungkol sa mga
nanganganib na wika sa Oktubre.
Ayon sa tagapangulo ng KWF, may 130 wika ang Pilipinas, kung saan 11 o higit pa rito ay
nanganganib, kaya dapat itong pangalagaan at bigyan ng halaga para hindi maglaho o
mamatay. (name), nagbabalita.
(*shing sfx)
Voice:Punta naman tayo sa Ulat Panahon, (name) iulat mo!
Tayo po’y makakatanggap lamang ng maulap na panahon maghapon at mamayang 6 pm ay
makakatanggap po tayo ng isolated thunderstorms, yun lamang po, (name) naguulat.
Tayo’y magbabalik pagtapos ng paalalang ito.
Voice: Sa panahon ngayon, maaaring tumaas ang panganib na magkaroon ng depreson kung
nababalisa o nagigipit. Kung nakakaramdam ka ng lungkot, kawalan ng pag-asa at pinag-
ilsipang saktan ang sarili, makipag-usap sa isang mental health professional o kaya sa taong
mapagkakatiwalaan tungkol sa iyong saloobin. Makakatulong ito.
Ang paalalang ito ay hatid sainyo ng World Health Organization Philippines at ng himpilang ito.
Voice: At tayo po ay nagbabalik para sa Triviang ito
Alam niyo ba na ang Pilipinas ang pangatlo sa pinakamataas na rate ng mental disorder sa
Western Pacific Region? Ngayon alam niyo na!
(Sound Lalakas)
(Insert Ending Sfx)
(Ending sound playing in the background while the dialogue is being played)
(name): mula sa buong puwersa ng D R E C, iyan po ang mga balita sa mga oras na ito.
(name): ako si (name)
(name): at ako naman si (name)
(both): maraming salamat sainyong pagsubaybay, magandang araw.