You are on page 1of 6

Balladeng, Ashley O.

Ginoong Jun Bangco


9B Modyul #2

Ano-ano ang mga katangiang dapat taglayin ng taong namumuno sa Pilipinas upang
ang ating bansa ay makahaon sa kahirapan at korapsiyon?

- Isang malaking responsibilidad ang pagiging pangulo ng Pilipinas kaya dapat taglayin ng
susunod na mamumuno ang pagresolba sa mga problema ng ating bansa upang tayo
ay hindi na lumubog sa pagkahirap at pagiging korap lalo na ngayon na tayo ay nasa
pandemya, ang ating bansa ay kailangan maka-ahon sa lubhang pagkabaon. Dapat rin
mayroong habag ang susunod na mamumuno ng Pilipinas sa lahat ng tao at hindi
lamang sa mga taong nasa taas kundi sa lahat ng tao lalo na sa mga talagang
nangangailangan ng tulong tulad ng mga taong nakatira sa mga ilog at sapa at sa mga
nakatira sa puno ng basura na maari maging sanhi ng mga ipeksyon at malulubhang
sakit. Dapat rin maging mabilis magresolba ang susunod na pangulo dahil ayaw natin ng
isang lider na mabagal at hindi mahanap ang tamang sagot sa bawat problemang
maaaring mangyari sa kanyang bansa.

1.Batay sa inyong pag-aaral ng kasaysayan ng Asya, paano mo ilalarawan si Mahatma


Gandhi?

- Si Mahatma Gandhi ay isang bukod-tangi ng lider marahil kaniyang ginabayan ang


kanyang bansa sa kalayaan ng walang ginagamit na kahit anong armas kundi boykoteo
lamang na humahantong sa kanilang pakalaya.

2. Bakit sinasabi ng may akda na ang pamumuno ni Gandhi ay namumukod-tangi?

- Dalhin kanyang pinamunuan ang india ng walang ginagamit na armas at dahas na


kasangkot bagamat sya ay simpleng abogado lamang na walang automobil, sula't hiyas,
palasyo't salaping inimbak at katungkulang mayroong limpak na sahog

3. Anong pamamaraan ang ginamit ni Gandhi sa pakikipaglaban sa mga dayuhan?


Naging epektibo ba ang paraang ito? Patunayan.

- Opo ito ay naging epekto sapagkat namulat ang buong India sa ginawa ni Gandhi na
ang mga dating inaalipi lamang ng mga ibang bansa ay gustong makamit ang kanilang
kalayaan at sa pamamagitan ni Gandhi ay kanila itong nakamit.

4. Sumasang-ayon ka ba sa may akdang higit na mapalad ang India kaysa sa Pilipinas


dahil ito ay nagkaroon ng pinunong gaya ni Gandhi? Bakit?
- Lahat ng bansa ay may iba't ibang ekonomiya na pinapatakbo kaya ang mga akdang
mayroong nakasaad na mas angat ang Indi kaysa sa Pilipinas ay nagpapakita na
kanilang ibinababa ang moral ng ating bansa at hindi lang doon, ang Pilipinas rin ay
nakikita ng ibang mga bansa bilang mababang bansa dahil sa mga akdang inilalathala.

5. Sa iyong palagay, mayroon kayang pinunong Pilipino ang maihahambing kay


Mahatma Gandhi? Patunayan.

- Sa pamamagitan ng taong bayan na nagsama-sama upang magprotesta sa pamumuno


ng diktador ay silang nagtagumpay at napalitan ang presidente ng Pilipinas. Si Corazon
Aquino ang pumalit bilang Presidente ng Pilipinas at sya ang pinaka unang babaeng
presidente ng Pilipinas na nagpabago at muling ibinangon ang Pilipinas sa pagkalubog
nito dahil sa dating diktador na ibinaon ang Pilipinas sa utang at inilagay ang bansa sa
Martial Law.

6. Kung ikaw ay mabibigyan ng pagkakataong maging lider, paano ka mamumuno


upang maayos din ang iyong pamumunuan?

- Ang pagiging lider ay malaking responsibilidad na dapat gampanan at kung ako man ay
mabibigyan maging lider ay akin itong gagampanan ng mabuti at aking pamumunuan
ang aking pamumunuan sa pamamagitan ng pantay pantay na pagtrato at pagtutungo
pati narin ang pagdinig sa kanilang mga suhestiyon at magpasya kung ano ang
pangkalahatang desisyon ng mga tao.

7. Sa ano-anong aspekto ng iyong pagkatao nagdulot ng malaking pagbabago ang mga


gintong aral na iyong natutunan sa araling ito?

- Marami tayong matututunan sa paksang ating tinalakay katulad ng hindi palagi


kailangan ng dahas kapag ikaw ay may pinaglalaban at simpleng mga salita at
pagdebate ay pwede na maging panangga at panlaban.

1. Ang ginawang pagtulong ni Gandhi sa kanyang mga kababayan ay bukal sa kanyang


kalooban.

Tagong Kahulugan:
- ang kanyang ginawa ay taos puso o galing sa puso niyang ginawa ang gawain
Hal. Nagpatulong ang guro na magdikit ng mga lobo sa pader at bukal sa
kanyang kalooban itong sinunod.

2. Bahag ang buntot ng mga taong di kayang magpigil sa sarili dahil ang tunay na
katapangan ay nasa pagtitimpi.

Tagong Kahulugan:
- ito ay magkasing kahulugan ng natatakot ngunit pinalalim lamang ang mga salita katulad
ng 'mahina ang loob' at 'matakutin'.
Hal. Sila ay pumasok sa isang nakakatakot na lugar na kung saan silang lahat ay
bahag ang buntot ang naramdaman.

3. Ang mga mamamayan sa India ay hindi nagtaingang kawali sa naging panawagan ni


Gandhi para sa kapayapaan.

Tagong Kahulugan:
- ito ay nangangahulugang ang tao ay nagpapanggap na hindi narinig ang nasabi o
nagbibingi-bingi
Hal. Habang naglilinis pa ang kanyang ina, ang tainga ni Bogart ay para bang
nagtaingang kawali upang hindi sya mautusan ng kanyang ina sa paggawa ng
gawaing bahay.

4. Sa lahat ng kanyang ginawa para sa bayan, kailanman ay hindi lumaki ang ulo ni
Gandhi

Tagong Kahulugan:
- mapagmataas o mayabang kung tutuusin
Hal. Simula ng bumalik si Anna galing ibang bansa ay bigla na lamang lumaki
ang ulo nito.

5. Talagang matalas ang kanyang utak kaya’t nararapat lamang maging modelo siya
lalo na sa kabataan.

Tagong Kahulugan:
- Matalino
Hal. Sa naganap na spelling bee sa kanilang eskwelahan ay pinakita ni Lia na
totoo ngang matalas ang kanyang utak pagdating dito.

Ang aking reaksyon sa paksang diwa o tema ng tula


: Ang temang tinalakay sa tula ay ukol sa kabayanihan ni Mahatma Gandhi na kung
saan ating nakikita na ang tema na ito ay napapanahon marahil tayo ay nasa pandemya
kung saan ang mga mabubuting gawain ay dapat lang na binibigyan ng rekognition.

Ang aking reaksyon sa katimpian ng tula:


: Ang katimpian ng tula ay sumisimbolo kung paano nga ba pinamunuan ni gandhi ang
mga tao sa india na lumaban ng walang armas kundi gawa lamang

Ang aking reaksyon sa pahiwatig at simbolong ginamit sa tula:


: Ang mga simbolong ginamit gayun din ang mga pahiwatig sa loob ng tula ay
Ang aking damdamin kaugnay ng tula:
: Ang aking nararamdaman na damdamin patungo sa tula ay ako'y nakaramdam ng
tuwa at pagkamangha marahil meron palang mga simpleng tao na katulad ni Gandhi na
pwedeng makabago ng isang bansa gamit lamang ang kanyang gawa at hindi puro
nalang dinadaan sa pangako o salita.

1 1. Si Gandhi ang naging dahilan kung bakit lumaya ang India sa kamay ng mga
mananakop.

5 2. Sa pamamagitan ng pamumuno ni Gandhi ay nagising ang damdaming


makabayan ng mga Hindu.

2 3. Isang paraang ginamit ni Gandhi upang ipakita ang kanilang


pakikipaglaban sa mananakop na dayuhan ay pagboykot sa mga kalakal na
buhat sa mananakop na bansa.

4 4. Iniwan ni Gandhi ang mariwasa ang buhay ay siya ay namuhay nang


simple lamang.

3 5. Ang pamumuno ni Gandhi ay kanyang ipinakita sa pamamagitan ng gawa at


hindi puro salita lamang.

"Ang paglilider mo'y namumukod-tangi, pulos halimbawa't walang talumpati"

: Si Gandhi ay isang bukod tangi na lider na kakaiba sa lahat ng naging lider sa India sa
pamamagitan ng kanyang ginawang aking katapangan na pangunahan ang
sangkatauhan upang kanilang makamit ang kalayaan.

"Kung wala nang damo'y ililipad ang balang, kung wala nang ginto'y lalayas ang
dayuhan"

: Ito ay nagpapahiwatig na kapag wala na ang kailangan ng mga tao sa atin ay sila agad
na mawawala o aalis sa ating mga paningin, kung baga kapag nanghiram ang isang tao
sayo ng pera, kapag ibinigay mo na ang presyong kanyang hinihiram ay pagkatapos
neto ay wala ka nang maririnig na balita mula sa kanya.

"Naghubad ng telang sa Londres nilikha, naghabi ng kanya at nagbuhay-dukha"


: Para sa akin ang taludtod na ito ay nangangahulugang dapat nating iligtas ang mga
dukha at muling ipakita sa kanila na hindi lamang tayo tagasunod at kaya rin natin
pumunit ng telang nilikha at mula sa Londres.

"Namulat ang India . . . daling iwinaksi ang diwang alipin . . . nais magsarili . . ."

: Ang sangkatauhan ng India ay namulat sa katotohanan na ayaw na nila maging alipin


lamang at gusto na nilang makamit ang sarili nilang bansa laban sa mga mananakop.

"Dito ang banyaga'y siyang sinasamba at ang katutubo'y kuskusan ng paa"

: Kanilang pinupuri ang isang magiting na tao na kung saan siya ay nagpakita ng aking
lakas sa kanilang bayan ngunit ang magiting na taong ito ay pawang ginagawang
kanyang alipin ang mga katutubo na dapat tina-trato higit pa sa kuskusan ng paa o
linisan ng paa.

LCV (Concerned for the Marginalized)


- Ang ating natalakay na tula ay ukol sa isang bayani na nakapag bago ng
kanyang bansa gamit lamang ng gawa at walang ginagamit o sangkot na kahit
anong dahas at armas at ngayon naman sa ating LCV na ‘Concerned for the
Marginalized’ maaari nating pagsamahin ang ating LCV at ang tulang tinalakay
ngayon sa pamamagitan ng pagtingin sa ginawa ni Gandhi para sa kanyang
bansa, siya ay nag-aalala para sa mga tao ng India at sila ay lumaban at
humantong sa kalayaan sa pamamagitan ni Gandhi at siya ay nakilala sa
pagiging isang huwaran sa buong mundo para sa kanyang ginawa sa kanyang
bansa.

LLIM (Think Win-win)


- Maari nating ihalintulad ang pag iisip na ginawa ni Gandhi noong sila ay nasa
ilalim pa ng kapangyarihan ng mananakop na dayuhan, sya ay hindi
nagdalawang isip at kanyang ginabayan ang mga tao sa India patungo sa
kalayaan ng kanilang bansa at ang kanilang pagkawala sa mga kamay ng
dayuhan. Sa pag iisip na ginawa ni Gandhi ay nakamit nila ang kalayaan at sila
ay nagtagumpay kaya tamang tama lang ang ating LLIM ngayon sa ating
tinalakay na tula.

Repleksyon
- Ang ating tinalakay na tula ay mula sa India na kung saan tinatalakay nito ang
pagkabayani ng isang kilalang lider sa buong mundo na si Mahatma Gandhi. Sa
aralin rin nito ay ating inilahad ang ating mga opinyon ukol sa politica na ngayo’y
nagiging mainit na usapan sa ating bansa marahil ang ating bansa ngayon ay
nagkakaroon ng pangkalawakang botohan ng susunod na magiging pangulo.
Atin ring inilahad ang ating mga pang-sariling kaalam at repleksyon sa mga
taludtod at usapang ibinigay sa aralin ngayon pati narin ang ating pananaw kung
ano nga ba ang dapat taglayin ng isang susunod na mamumuno ng ating bansa.

You might also like