You are on page 1of 31

Aralin 12

Paikot na Daloy ng Ekonomiya


Inihanda ni: ARNEL O. RIVERA
www.slideshare.net/sirarnelPHhistory
Balik-aral:
Ano ang ekonomiks?
• Ang ekonomiks ay pag-aaral sa
pinakamahusay na paggamit ng
pinagkukunang-yaman sa kabila ng walang
katapusang kagustuhan at pangangailangan
ng tao.
Ano ang dalawang dibisyon ng ekonomiks?
• Ang ekonomiks ay nahahati sa dalawang
dibisyon: maykroekonomiks at
makroekonomiks.
Makroekonomiks
(Macroeconomics)
• Ang makroekonomiks ay dibisyon ng
ekonomiks na pinag-aaralan ang gawi ng
kabuuang ekonomiya.
• Sinusuri nito ang pambansang ekonomiya.
• Pangunahing layunin ng pag-aaral ng
pambansang ekonomiya ang malaman kung
may paglago sa ekonomiya (economic
growth) ng bansa.
Ano ang Pambansang Ekonomiya?
• Ito ay tumutukoy sa
lagay ng ekonomiya
ng isang bansa.
• Ito ang pag-aaral
kung natutugunan ba
ng mga mamamayan
ang kanilang mga
pangangailangan.
Kung HINDI, paano
ito malulutas?
Economic Models
• Sinisikap ng makroekonomics na makabuo ng
pamamaraan (economic policies) upang mapatatag
ang pambansang ekonomiya .
• Gumagamit ng mga modelo (economic models) sa
pagsusuri ang makroekonomiks. Sa pamamagitan
ng modelo, naipapakita nang simple ang realidad.
Ipinapaliwanag nito ang pagkakaugnay-ugnay ng
mga datos.
Economic Models
• Ito ay representasyon ng isang konsepto o
kaganapan. Ito ang nagbibigay ng konteksto
sa pagsusuri ng pambansang ekonomiya sa
makroekonomiks.
• Ito ang naglalarawan ng interdependence ng
lahat ng sektor ng isang ekonomiya.
Panimula:
• May iba’t ibang modelo ang pambansang
ekonomiya. Sa pamamagitan nito,
naipakikita nang simple ang reyalidad.
• Upang mailarawan ang galaw ng
pambansang ekonomiya sa isang simpleng
kalagayan, naipakikita ito sa pamamagitan
ng Paikot na Daloy ng Ekonomiya.
Ano ang Paikot na Daloy ng
Ekonomiya (Circular Flow Model)?
• Isang economic model na naglalarawan sa
ugnayan ng iba’t ibang kasapi sa pambansang
ekonomiya.
• Ipinaliwanag rin nito ang ugnayang
namamagitan sa bawat kasapi ng pambansang
ekonomiya.

Pinagkunan:
https://en.wikipedia.org/wiki/Circular_flow_of_income
MGA KASAPI NG PAIKOT NA DALOY NG
EKONOMIYA
• Sambahayan – binubuo ng mga konsyumer. Sila ang
may-ari ng salik ng produksyon (LMKE) at gumagamit ng
kalakal at serbisyo.
• Bahay-kalakal – binubuo ng mga prodyuser. Sila ang taga
gawa ng kalakal at serbisyo at nagbabayad sa
sambahayan ng halaga ng produksyon (USIT).
• Pamahalaan – nangungulekta ng buwis at nagkakaloob
ng serbisyo at produktong pampubliko.
• Institusyong pinansyal – tumatanggap ng ipon at
nagpapautang ng pondo.
Unang Modelo
Payak na Ekonomiya
• Ito ay nagpapakita ng
isang payak na
ekonomiya na kung
saan ang
sambahayan at
bahay-kalakal ay iisa.
• Ang gumagawa ng
produkto ay siya ring
kumukonsumo.
Ikalawang Modelo
Ang Bahay-kalakal at Sambahayan.
• Sa modelong ito, ang ekonomiya ay nahahati
sa dalawang sektor: ang sambahayan at
bahay kalakal.
• Mayroong itong dalawang pamilihan: ang
pamilihan ng salik ng produksiyon (resource
market) at pamilihan ng mga tapos na
produkto at serbisyo. (product market).
(Product Market)

(Resource Market)
Ikalawang Modelo
Ang Bahay-kalakal at Sambahayan.
• Ipinagbibili o pinapaupahan ng sambahayan
ang paggamit ng kanilang lupa, lakas-
paggawa, kapital, pamamahala sa pamilihan
ng salik ng produksiyon (resource market).
• Binibili naman ito ng bahay-kalakal na
ginagamit sa paggawa ng mga produkto at
serbisyo na ipinagbibili sa sambahayan sa
pamilihan ng mga tapos na produkto at
serbisyo (product market).
Ikalawang Modelo
Ang Bahay-kalakal at Sambahayan.
• Ang nasa labas naman na daloy ay
nagpapakita ng kita ng ekonomiya.
• Ginagamit ng sambahayan ang salapi sa
pagbili ng mga produkto at serbisyo mula sa
bahay-kalakal.
• Ginagamit ng bahay-kalakal ang kanilang
kinikitang salapi sa pagbabayad ng paggamit
nila ng mga salik ng produksiyon gaya ng
sahod, renta, interes at ang matitira ay tubo
para sa may-ari ng bahay-kalakal.
Ikatlong Modelo
Pamilihang Pinansyal
• Sa ikatlong modelo, ang kita ng pambansang
ekonomiya ay maitatakda ng kabuuang
gastusin ng sambahayan at bahay-kalakal.
Kasama na rito ang gastusin sa
pamumuhunan ng bahay-kalakal at ang kita
ng sambahayan sa pag-iimpok.
• Ang paglago ng pambansang ekonomiya ay
nakabatay sa pagtaas ng produksiyon. Ang
pagtaas ng produksyon ay nakabatay sa
paglaki ng pamumuhunan.
Ikatlong Modelo
Pamilihang Pinansyal
• Ang pag-iimpok ay pagpapaliban sa
paggastos ng sambahayan para sa kanilang
mga pangangailangan para sa hinaharap.
• Ito ay maaaring ilagay sa pamilihang
pinansyal (financial market).
• Dahil dito, ang pag-iimpok ay isang palabas
na daloy sa paikot na daloy ng ekonomiya.
(Product Market)

(Resource Market)

(Financial Market)
Ikatlong Modelo
Pamilihang Pinansyal
• Upang maging matatag ang ekonomiya,
kailangang may sapat na ipon ang
sambahayan. Kailangan din na may sapat na
dami ng bahay-kalakal na handang
mamuhunan.
• Inaasahan na sa pamumuhunan ng bahay-
kalakal, tataas ang produksiyon ng mga
kapital na produkto. Inaasahan na darami rin
ang mabubuksang trabaho para sa paggawa.
Sa ganitong modelo ng ekonomiya,
mahalagang balanse ang pag-iimpok at ang
pamumuhunan.
Ika-apat na Modelo
Paglahok ng Pamahalaan
• Ito ang modelo ng ekonomiya kung saan ang
pamahalaan ay lumalahok sa sistema ng
pamilihan.
• Bukod sa pag-iimpok at pamumuhunan, ang
pagbabayad ng buwis ay nagiging
karagdagang gawain sa ekonomiya.
• Ang pagbabayad ng buwis ay takdang
gawain ng sambahayan at bahay-kalakal sa
isang pamilihan.
(Product Market)

(Public Revenue)

(Resource Market)

(Financial Market)
Ika-apat na Modelo
Paglahok ng Pamahalaan
• Sumisingil ng buwis ang pamahalaan upang
kumita. Ang kita mula sa buwis ay tinatawag
na public revenue.
• Ito ang ginagamit ng pamahalaan upang
makalikha ng pampublikong paglilingkod.
• Ang mga pampublikong paglilingkod ay
nauuri sa pangangailangan ng sambahayan
at ng bahay-kalakal.
Ika-apat na Modelo
Paglahok ng Pamahalaan
• Upang maging matatag ang ekonomiya,
mahalagang maihatid ang mga pampublikong
paglilingkod na ipinangakong isasakatuparan sa
pagsingil ng buwis.
• Hangad ng bawat sektor na makita ang
kinahinatnan ng kanilang pagbabayad ng buwis.
• Hindi maiiwasan na magtaas sa pagsingil ng
buwis. Ngunit mahalaga na hindi makaramdam
ng paghihirap ang mga sektor sa pagtataguyod
ng mga pangangailangan at kagustuhan.
Ikalimang Modelo
Kalakalang Panlabas
• Ang kalakalang panlabas ay may kinalaman
sa pag-aangkat at pagluluwas ng mga
produkto at serbisyo sa ibang bansa.
• Ang pag-aangkat (import) ay pagbili ng mga
produkto at serbisyo mula sa ibang bansa,
samantalang ang pagluluwas (export) ay
pagbebenta ng mga produkto at serbisyong
gawa sa ating bansa.
Bukas at Saradong Ekonomiya
• Ang saradong ekonomiya at bukas na ekonomiya ang
dalawang perspektiba sa pagsusuri ng pambansang
ekonomiya.
• Sarado ang ekonomiya kung ang pambansang
ekonomiya ay hindi nakikilahok sa kalakalang
panlabas.
• Bukas ang ekonomiya kapag ang pambansang
ekonomiya ay nakikilahok sa kalakalang
panlabas.
Ikalimang Modelo
Kalakalang Panlabas
• Makikita sa modelong ito ang relasyon ng
panlabas na kalakalan sa paikot na daloy ng
ekonomiya.
• Lumilikha ng produkto mula sa pinagkukunang-
yaman ang pambansang ekonomiya. Gayundin
ang dayuhang ekonomiya.
• Nakikipagpalitan ang dalawang ekonomiya ng
produkto sa isa’t isa.
• Ang bahay kalakal ay nagluluwas (export) ng
mga produkto sa panlabas na sektor
samantalang ang sambahayan ay nag-aangkat
(import) mula dito.
Buod:
• Ang gumagawa ng produkto ay siya
Unang Modelo
ring kumukonsumo.
• Nahahati ang ekonomiya sa dalawang
Ikalawang Modelo sektor: ang sambahayan at bahay-
kalakal.
• Dito pumapasok ang pag-iimpok at
Ikatlong Modelo
pamumuhunan.
• Lumalahok ang pamahalaan sa
Ika-apat na Modelo
Sistema ng Pamilihan.
• Pagkakaroon ng relasyon ng panlabas
Ikalimang Modelo na kalakalan sa paikot na daloy ng
ekonomiya.
Isaisip:

• Ipinapakita sa modelo ng paikot na daloy


ng ekonomiya ang ugnayan ng iba’t ibang
kasapi sa pambansang ekonomiya. Sa
sistemang ito, makikita na mahalaga ang
pakikilahok ng bawat mamamayan sa
kahit na anong sektor ang kanyang
kinabibilangan.
TAKDA:
Isulat ang sagot sa ½ crosswise na papel. COPY AND
ANSWER. Isulat ang pangalan, lagda at Valid ID number
ng magulang o guardian.

PAGPAPAHALAGA

• Sa iyong palagay, mahalaga ba sa


ekonomiya ng Pilipinas ang
pakikipagkalakalan sa ibang bansa?
Bakit?
References:
• Balitao B.R. (2015), EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan –
Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon, Department of
Education
• Chua J.L. (2001), Panahon, Kasaysayan at Lipunan
(Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House
• De Leon, Z.M. et. al. (2004), Ekonomiks Pagsulong at Pag-
unlad, Vibal Publishing House
• Mateo, G.C. et. al.(2012), Ekonomiks Mga Konsepto at
Aplikasyon, Vibal Publishing House
• Nolasco, L.I. et. al. (2004), Ekonomiks: Mga Konsepto,
Applikasyon at Isyu, Vibal Publishing House
• Rivera A. O. (2020) Araling Panlipunan Unang Markahan-
Modyul 6: Karapatan at Tungkulin ng Mamimili, (Unpublished)
DepEd Division of Bacoor City
References:
• Cabral W.E. et. al. (2020) PIVOT 4A Learner’s
Material, Araling Panlipunan G9 Ikalawang
Markahan, DepEd Region IV-A
• Activity Sheets Secondary Quarter 1, Vibal
Publishing (2020) retrieved March 20, 2020 from
https://www.vibalgroup.com/learnathome/wp-
content/uploads/2020/05/Activity_Sheets_Secondary
_Tabbed.pdf
• Eko and Miya characters used with permission from
the National Economic Development Authority
(NEDA) retrieved March 20, 2020 from
http://2040.neda.gov.ph/eko-and-miya-series

You might also like