You are on page 1of 7

PAGSULAT NG BALITA 01

Sumulat ng balita bamit ang mag detalye sa ibaba. Lagyan din ito ng angkop na headline.

- Noong Enero hanggang Hunyo 2017, 674 ang kaso ng nagkaroon ng leptospirosis.
- Inilabas ng DOH ang datos tungkol sa pinakahuling bilang ng kaso ng leptospirosis
- Nasa 1,040 cases ng leptospirosis ang naitala ngayong taon
- Ang bilang na 1,040 ay mula Enero hanggang Hunyo 2018
- P5 milyong piso ang ilalaan ng nasabing kagawaran para sa nasabing sakit
- Ang nasabing halaga ay para sa gamut at medical supplies para sa mga nabiktima ng leptospirosis
- Sa Zamboanga Peninsula nagkaroon ng pinakamataas na kaso ng leptospirosis
- Kasunod ng Zamboanga Peninsula ang mga rehiyon ng Caraga, Mimaropa, ARMM at Western
Visayas
- 261 na kaso ng leptospirosis ang naitala sa Metro Manila mula July 1
- Sa nasabing kaso ng leptospirosis sa Metro Manila, may 40 na ang binawian ng buhay.
PAGSULAT NG BALITA 02

Sumulat ng balita bamit ang mag detalye sa ibaba. Lagyan din ito ng angkop na headline.

- Idaraos ang SONA sa Hulyo 23


- Ito ang ikatlong SONA ni Duterte
- Binanggit ng isang solon na lalagdaan ni Duterte ang BBL
- Ang BBL ay ang Bangsamoro Basic Law
- Ito raw ay lalagdaan ni Duterye ilang oras bago ang SONA
- Ang nsabing pahayag na ito ay mula kay Rep. Rep. Frederick Siao
- Si Siao ay ang kinatawan ng Lone District ng Iligan City
- Si Siao rin ay ang Vice Chairman ng Committee on Tourism
- Kahapon ito ipinahayg ni Siao
- Noong 17th Congress nilikha ang BBL
- Layon ng BBL na mareporma ang ARMM at matugonan ang isyu ng ancestral domain
- Bigyan daw ng tsansa ang BBL para sa minimithing pagbabago at pagsulong ng ARMM, ayon kay Siao
- May ilang probisyon sa BBL na hindi pabor ang ilan
- Ayaw ng mga tga ARMM< ayon kay Siao, ng giyera kaya dapat nang mapagtibay ang BBL.
- Nasa huling bahagi na sila Siao ng pagrereporma at pag-uupdate sa autonomy parameters para sa
Muslim Mindanao sa pamamagitan ng panukalang BBL.
PAGSULAT NG BALITA 03

Sumulat ng balita bamit ang mag detalye sa ibaba. Lagyan din ito ng angkop na headline.

- Sumailalim sa skills training ang mga drug surrenderers


- Ito ay sa pangunguna ng TESDA
- 20,500 ang bilang ng mga drug surrenderes na nabigyan ng skills training
- ANg mga nasabing drug surrenders ay nabigyan ng pagsasanay sa iba’t ibang kurso
- Mula 2016 hanggang June 2018 ang nasabing skills training
- Ayon kay TESDA director ang nasabing impormasyon ito
- Technical Education and Skills Development Authority
- Mula sa buong bansa ang mga drug surrenderers
- Proyekto ito ng TESDA
- beneficiaries ang mgad rug surrenderers sa programang Skills Training for Special Clients ng nasabing
ahensya.
- Ilan pa sa kasama ng mga drug surrenderers sa nasabing programa ay mga indigenous peoples (IPs),
calamity-affected communities, inmates and dependents, person with disability (PWD), family enterprises, at
rebel returnees
- Dapat tumungo umano ang mga drug surrenderers, ayon kay Guiling ‘Gene’ mamondiong, sa mga
training centers ng Tesda
- Kumuha dapat aniya sila ng mga libreng skills training na magagamit sa kanilang pagbabagong-buhay.
- Driving, cookery, automotive servicing, bread and pastry production, heavy equipment operation,
carpentry, masonry, food and beverage services, wellness, steel fabrication, Shielded Metal Arc Welding
(SMAW) at marami pang iba ang mga kinuhang kurso ng 20,500 drug surrenders samga Tesda training
centers
- Libre ang nasabing mga skills training.
PAGSULAT NG BALITA 04

Sumulat ng balita bamit ang mag detalye sa ibaba. Lagyan din ito ng angkop na headline.

- Balita mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology


- Alas 6:10 ng hapon naganap ang lindol
- Tectonic ang origin ng lindol
- May lalim na 59 kilometro ang nasabing pagyanig
- Ialng bayan sa Zambales ang niyanig ng lindol
- Sentro ng lindol ay 9 na kilometro kanluran ng bayan ng Botolan
- Magnitude 4 nag nasabing lindol
- Kahapon ng umaga nilindol ang Zambales
- Zero casualty
- Walang aftershock na naganap
- Magnitude 5.8 sa Malungon, Sarangani
- Sa silangang bahagi ng nasabing bayan sa Sarangani naganap ang lindol
- 103 kilometro ang lalim ng lindol
- tectonic din ang origin ng nasabing lindol
- Zero casualty rin
- Wala ring aftershock
- Kamakalawa ng gabi
- Ilan pang lugar ang nilindol
- Sa Mati City at Davao City (Intensity IV)
- Batangas at parts ng Metro Manila (magnitude 5.2)
- Epicenter ng lindol: 27 km south ng bayan ng Nasugbu
- Intensity 4 nman sa Lubang at Abra de Ilog (12:25 Martes ng hapon)
- Ang mga nasabing bayan ay sa Occidental Mindoro.
PAGSULAT NG BALITA 05

Sumulat ng balita bamit ang mag detalye sa ibaba. Lagyan din ito ng angkop na headline.

- Dead on the spot ang empleyado


- Pinagbabaril si Dominador Lucas
- Si Lucas ay edad 54
- Isa sa dalawang suspek ang bumaril sa kanya
- Si Lucas ay empleyado ng DENR
- Papasok ito ng kotse nang pagbabarilin
- Kahapon ng umaga naganap ang pagpatay sa DENR employee
- Sa Antipolo City
- Nagtamo ng mga tama sa mukha at katawan ang biktima
- Hindi pa batid kung ano ang calibre ng baril na ginamit sa pagpatay
- Taga Laurel St., Bankers 2 Brgy Dela Paz sa Antipolo City si Lucas
- Naghihintay ang kasmahan ng gunman sa hindi kalayuang lugar
- Mabilis lang na tumakas ang gunman nang sumakay sa pink na Mio na motorsiklo
- Ang insidente (ayon sa pulisya) ay ganap na 8:25 ng umaga
- Si Sr Supt. Serafin Petalio ang nagpabatid tungkol sa insidente
- Sa Kahabaan ng Ramos St. sa brgy Dela Paz sa Antipolo naganap ang insidente
- Papasok sa trabaho si Lucas sa Taytay, Rizal
- Pagdating sa stoplight ay mabilis itong nilapitan ng suspek
- Naglalakd na nilapitan ng suspeksi Luccas
- Pinagbabaril ito nang malapitan
- Away sa lupa ang tinitignang motibo sa pagpatay sa DENR employee
PAGSULAT NG BALITA 01

Bilang ng kaso ng leptospirosis sa bansa,


umakyat na sa higit 1,000
Jul. 5, 2018 at 6:20am

Tumaas pa ang bilang ng kaso ng leptospirosis sa bansa.


Sa datos ng Department of Health (DOH) mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon, nasa 1,040
cases na ang naitala.
Mas mataas ito kumpara sa 674 cases noong kaparehas na panahon ng 2017.
Ang mga rehiyon na may pinakamataas na kaso ng leptospirosis ay sa Zamboanga Peninsula,
Caraga, MIMAROPA, ARMM at Western Visayas.
Sa Metro Manila, mayroon ng 261 kaso na naitala mula nitong Hulyo 1 kung saan 40 na ang
namatay.
Handang maglaan ang DOH ng limang milyong piso para sa gamot at medical supplies.

PAGSULAT NG BALITA 02

BBL lalagdaan ni Digong bago mag-SONA


Inaasahang lalagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bangsamoro Basic Law (BBL) ilang oras
bago ganapin ang ikatlong State of the Nation Address (SONA) nito sa darating na Hulyo 23 ng taong ito.
Ito ang ipinahiwatig kahapon ni Rep. Frederick Siao, Lone District ng Iligan City at  Vice Chairman ng
Committee on Tourism.Sa kasalukuyan, ayon kay Siao ay nasa huling bahagi na ng pagrereporma at pag-
uupdate sa autonomy parameters para sa Muslim Mindanao sa pamamagitan ng panukalang BBL.
Ang BBL  ay nilikha sa ika-17th Congress  kaugnay ng mga hamon sa konstitusyon upang ireporma ang
ARMM at matugonan ang isyu ng ancestral domain.
Kaugnay nito umapela naman ang solon sa mga hindi pabor sa probisyon ng BBL na bigyan ito ng
tsansa para sa minimithing pagbabago at pagsulong ng ARMM. Inihayag nito na hindi na nais ng mga
mamamayan sa ARMM ang giyera kaya  dapat nang  mapagtibay ang BBL.

PAGSULAT NG BALITA 03

20,550 drug surrenderers nabigyan ng skills training - Tesda


Matagumpay ang skills training ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para
sa mga drug surrenderers sa buong bansa.
Ayon kay TESDA Director Guiling “Gene” A. Mamondiong, umaabot sa 20,550 drug surrenderers ang
nabigyan na ng pagsasanay sa iba’t ibang kurso sa loob ng dalawang taon simula noong 2016 hanggang
June 2018.
Ang mga drug surrenderers ay kabilang sa mga beneficiaries sa programang Skills Training for Special
Clients¬ ng TESDA na ang ibang kasama ay ang indigenous peoples (IPs), calamity-affected communities,
inmates and dependents, person with disability (PWD), family enterprises, at rebel returnees.
Ang mga kursong kanilang kinuha ay driving, cookery, automotive servicing, bread and pastry
production, heavy equipment operation, carpentry, masonry, food and beverage services, wellness, steel
fabrication, Shielded Metal Arc Welding (SMAW) at marami pang iba.
Patuloy pa rin ang paghimok ni Mamondiong sa mga drug surrenderers na magtungo sa pinakamalapit
na mga TESDA training centers sa kanilang lugar at kumuha ng libreng skills training na kanilang gusto na
magagamit sa kanilang pagbabagong buhay.
PAGSULAT NG BALITA 04

Zambales inuga ng magnitude 4 na lindol


NIYANIG ng magnitude 4 na lindol ang ilang bayan ng Zambales na kung saan ang sentro ng lindol ay
nasa layong siyam na kilometro kanluran ng bayan ng Botolan.
Sa report ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), yumanig na may lalim na
59 kilometro na tectonic ang dahilan, ganap na alas-6:10 kahapon nang umaga.
Wala namang aftershock na nangyari at wala ring nasaktan sa naganap na pagyanig.
Samantala, niyanig din ng magnitude 5.8 na lindol ang silangang bahagi ng Malungon, Sarangani
bandang alas-sais kamakalawa nang gabi.
May lalim ang lindol na 103 kilometer at tectonic ang origin nito at wala namang inaasahang pinsala at
aftershock sa naganap na pagyanig.
Naramdaman naman ang Intensity IV sa Mati City at Davao City.
Habang sa Batangas at ilang bahagi ng Metro Manila ay niyanig ng magnitude 5.2 na lindol.
Naitala ang episentro ng lindol sa layong 27 kilometer south ng Nasugbu bandang alas-12:25 Martes 
nang hapon na naramdaman din ang Intensity 4 sa Lubang at Abra de Ilog, Occidental Mindoro

PAGSULAT NG BALITA 04

Kawani ng DENR, patay sa ambus


PATAY ang isang empleyado ng Department of Environment and Natural Resources (DENR)
matapos itong pagbabarilin ng isa sa dalawang suspek habang papasok sa trabaho sakay ng kanyang
kotse kahapon ng umaga sa Antipolo City.
Dead-on-the-spot matapos magtamo ng mga tama sa mukha at katawan mula sa hindi pa batid na
kalibre ng baril ng biktimang nakilalang si Dominador Lucas, 54, empleyado ng DENR at residente ng 
Laurel st., Bankers 2 Brgy. Dela Paz ng nabanggit na lungsod.
Samantala, mabilis na tumakas ang gunman patungo sa isang kulay pink na Mio na motorsiklo na 
walang plaka kung saan naghihintay ang kasamahan nito hindi kalayuan sa lugar kung saan
tinambangan nito ang biktima.
Ayon kay Sr. Supt. Serafin Petalio, hepe ng Antipolo City police, naganap ang insidente dakong alas-
8:25 ng umaga sa kahabaan ng Ramos st., Brgy. Dela Paz nang nasabing lungsod.
Lulan ng kanyang kotse ang biktima at papasok na sana sa trabaho sa Taytay, Rizal subalit 
pagdating sa stoplight ng lugar ay mabilis itong nilapitan ng naglalakad na suspek at malapitang 
pinagbabaril ang biktima sa mukha at iba’t ibang bahagi ng katawan.
Matapos ang insidente ay agad din itong tumakas sakay ng motorsiklo kung saan naghihintay ang 
isa pang kasama nito hindi kalayuan sa lugar ng insidente.
Napag-alaman pa kay Pitalio na isa sa tinitignan nilang motibo ng pananambang ay ang away sa 
lupa subalit hindi muna ito nagsalita ng iba pang detalye hinggil doon.

You might also like